You are on page 1of 7

BUOD

Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng

mga tao si Tata Selo. Ito ay sa kadahilanang napatay ni Tata Selo si

Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni niya. Madaming

tao ang halos nagsisiksikan, nagtutulakan at naggigitgitan para lamang

makita si Tata Selo ngunit hindi sila pinapapasok ng mga pulis sa tanggapan.

Halos lahat ng mga tao doon ay hindi makapaniwala na nagawa iyon ni Tata

Selo kay Kabesang Tano.

Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis

ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi ito. Pinagpilitan ni Tata

Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng

ti nung kod ng Kabesa, paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng

pinakamayamang propitaryo, sa alkalde at maging sa hepe ng pulis na

pawang mga kakilala ng Kabesa. Ngunit lahat sila ay hindi nakinig sa

paliwanag ni Tata Selo. Hindi daw sapat na dahilan iyon para tagain ni Tata

Selo ang Kabesa pro patuloy pa rin ang matanda sa pagpapaliwanag na

kanila ang lupang iyon at sinasabi pa niya na malakas pa siya kaya hindi siya

dapat paalisin doon. Sa pagpapaliwanag nito ni Tata Selo, pinagmalupitan

siya nh hepe ng pulis. Sinapok at sinukmuraan niya ang kaawa-awang

matanda. Sa pagkakasuntok ng hepe sa sikmura nito ay kitang-kita na ang

nkakaawang kalagayan nito.

Kinabukasan, sinabi ng alkalde kay Tata Selo na siya ay dadalhin sa

kabisera at doon siya ikukulong. Dagdag pa nito ay habambuhay na

pagkakulong ang ibibigay na parusa sa kanya. Ngunit sagot ni Tata Selo ay

patayin na lamang daw agad siya. Sa araw ding ito ay dumalaw ang anak
niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa. Nakakahabag si

Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala

na silang magagawa. Ngunit pinatawag si Saling nang alkalde sa kaniyang

tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito. Dumating

din noong araw na iyon ang bata, anak ng magsasaka na dumalaw sa kanya

kahapon at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde at yayain

umiwi si Saling. Subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata. Hindi ito

inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".

PAGSUSURI

A.Tauhan

a. Tata Selo

Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na siyang tumaga

at nakapatay kay Kabesang Tano sa kadahilanang pinapaalis na

siya sa sakahan nito.

Si Tata Selo ay nakahawak ng mahigpit sa rehas ng istaked

at parang nakatingin palagi ito sa malayo sa simula pa lamang

ng kwento. Ang mga mata ng matanda ay may kaunting luha

na nakasilid sa mga mata nito. Batay dito, nakikita ko na si Tata

Selo ay medyo palaban kahit sa ganoong kalagayan at

naniniwala siya na may katwiran siya para gawin ang pagtaga


sa kabesa.

Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at

paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay

may bahid ng natuyong putik. Ipinakita lamang ni Rogelio Sikat

ang katuyuan ng matanda sa buhay. Kitang kita ang hirap na

pamumuhay ng matanda sa kwento bilang magsasaka. Kaya

nga nang siya ay pinapaalis na ni Kabesang Tano sa sakahan

nito ay nagmakaawa ito dahil ito lamang ang kanyang

ikinabubuhay. Sinabi din sa kwento na ang lupang iyon ay

pagmamay-ari dati nina Tata

Selo ngunit

naisangla lamang ito

at hindi na nabawi. Sa panganagtwiran ni Tata Selo na paalisin

siya sa bukid, nakikita ko ang pagpupursigi ng matanda na

sakahin ang lupang dating pagmamay-ari nila. Labis na

pinapahalaga ni Tata Selo ang lupang iyon kaya naman

gusto niya na siya na lamang ang magsaka doon.

Sa pagbasa ng kwentong ito, nakita ko naman na

iginagalang ni Tata Selo ang kabesa. Mahinahon ang bawat

pahayag ni Tata Selo habang nagmamakaawa ito na siyang

magsaka sa bukid. Ngunit tinungkod siya ng kabesa nang

paulit. Galit ang namayani sa matanda kaya nagawa nitong

tagain ang kabesa.

At habang siya ay nagpapaliwanag sa binatang anak ng

isang prominenteng pamilya at sa alkalde, kitang kita na ang


katauhan ni Tata Selo bilang palaban gusto niyang ipaglaban

kung ano nasa sa loob niya. Subalit, kahit na patuloy

niyang ipinapaliwanag ang kanyang saloobin ay patuloy pa rin

ipinapakita ng matanda ang paggalang sa mga opisyal ng

pamahalaan at pati na din sa mga taong nakatataas sa kanya.

Ngunit sa pagtakbo ng kwento ay unti-unting pinanghinaan

ng loob si Tata Selo dahil sa nagawang kasalanan. May

katwiran man ang kanyang dahilan, hindi pa rin ito tama at

wala na siyang magagawa para mabawi ang isang bagay na

nawala sa kanya

b. Kabesang Tano

Siya ang may-ari ng lupang sinasaka ni Tata Selo. Pero

isang araw ay sinabihan na lang niya ang matanda na umalis

na ito sapagkat may iba nang magsasaka dito. Hindi nya inisip

ang mararamdaman ng isang masipag na magsasaka sa

ginawa niyang desisyon. Nagawa pa nitong pagpapaluin ng

tungkod ang matanda nang ito ay nagmamakaawa na huwag

paalisin sa bukid. Ngunit dahil sa pagiging gahaman at malupit

ng kabesa, nataga at napatay siya ni Tata Selo.

c. Alkak de

Siya ang alkalde ng bayan ng San Roque na isa sa

kumausap kay Tata Selo tungkol sa pagtaga ng matanda kay

Kabesang Tano. Sa mga pahayag ng alkalde habang tinatanong

si Tata Selo, napansin ko ang pagiging arogante at ang pagiging


mapagmataas nito. Kahit na siya ang mayor sa bayang iyon,

nakalimutan niya na mas matanda sa kanya ang kausap niya.

Nawawalan siya ng paggalang sa matanda. Ngunit, bilang isang

opisyal ng pamahalaan, hindi siya nawawalan ng oras para sa

mga kaso at krimen na nangyayari sa kanyang nasasakupan.

d. Hepe

Siya ang kasama ng alkalde noong kinausap nila si Tata

Selo tungkol sa kaso nitong pagtaga kay Kabesanmg Tano. Sa

aking pagsusuri, mayabang at mapagmataas siya. Kinakawawa

niya si Tata Selo. Wala din siyang galang sa matanda. Alam na

naman niyang matanda at mahina na si Tata Selo ay nagawa pa

din niya itong suntukin at sikmuraan. Kitang kita sa pagkakalad

ng kwento na ginagamit ng hepe ang kanyang kapangyarihan sa

maling paraan.

e. Isang Bata

Kahit na hindi siya gumanap ng isang mahalagang tauhan

sa kwento, makikita sa batang ito ang pagkakaroon nga pag-asa

sa kabila ng mga pagsubok na dumarating. Sa murang edad ay

naiintindihan nya ang kalagayan ni Tata Selo. At kahit na hindi

niya lubusang kakilala ang matanda, parang pinapagaan niya

ang loob nito. A napansin ko ito sa pahuling bahagi ng kwento

habang niyayaya na nyang umuwi si Tata Selo ngayong ayos na

din ang kalagayan ng kanyang anak. Kahit na hindi siya

pinapansin ng matanda ay patuloy pa rin ito sa pagyayaya nito

pauwi.
f. Saling

Siya ang nag-iisang anak ni Tata Selo na namamasukan

bilang isang katulong sa bahay ni Kabesang Tano. Kahit na hindi

siya nakapunta sa mismong araw ng pag-aresto kay Tata Selo,

ay ramdam na ramdam sa kwento ang pananabik na makita niya

ang kanyang ama. Ang mga mahigpit na yakap ni Saling sa

kanyang ama ay nagpapakita ng pagmamahal para sa ama.

E. Kakintalan

a. Bisa sa Isip-

Ang kwentong ito ang nagmulat at nagpa-isip sa akin kung

gaano kahirap para sa isang magsasaka ang mawalan ng

trabaho lalo't pagsasaka lamang ang kanyang ikinabubuhay.

Kaya nga't ang trabaho ay isang bagay na hindi talaga dapat

ipagkait o mawala sa atin dahil ito ang tanging bagay na siyang

magpapasya sa kung anong uri ng buhay ang ating

mararanasan.

b. Bisa sa Damdamin

Sa pagbabasa ng kwentong ito, naghalo-halo ang

kalungkutan, galit, at paghihirap ng tauhan sa kanyang

kalagayan. Nakaramdam ako nga awa para kay Tata Selo dahil

sa siya na nga ang nagpapakahirap magtrabaho sa kabila ng

katandaan niya, ay siya pa din ang pagkakaitan ng trabaho at

basta na lamang papaalisin nga kabesa sa bukid. Naramdaman

ko din yaong galit na naramdaman para sa kabesa dahil sa hindi


makatarungang desisyon nitong paalisin ang isang masipag na

magsasaka sa kanyang bukid.

c. Bisa sa Moral-

May iba't-ibang uri ng tao sa mundo. May mga taong may

posisyon sa lipuan ngunit mali ang paggamit sa kanilang

kapangyarihan. May mga tao din namang mahihina na siyang

inaapi-api lamang ng may mga maykapangyarihan. Ang mga

mahihina, mahihirap at mga hikahos ay babawian hanggang sa

maging "walang-wala".

You might also like