You are on page 1of 4

April love C.

Paguigan
BSEd 3B FILIPINO

Tata Selo
Ni Rogelio Sikat

Pagsusuri sa Maikling Kuwento

Tema:
“Ang hindi pagbibigay ng pantay-pantay na opotunidad at karapatan sa katayuan ng
mga indibiduwal sa loob ng lipunan”

Mga Elemento

Panimula
Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si
Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng
lupang sinasakahan niya. Si Tata Selo ay mahigpit na nakahawak sa rehas.
Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Nasa harap
niya at kausap ang isang magbubukid na kanyang kahangga, maging ito’y hindi
makapaniwala sa nagawa ni Tata Selo.

Saglit na Kasiglahan
Sa patuloy na pagsasalita ni Tata Selo kung bakit niya nagawa ang krimen at
matapos matulala sa labasan ng istaked ay nagsalita naman ang isang binatang anak
ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na sana umano ay hindi na nito tinaga
ang kabesa. Dahil doon ay patuloy naman sa pagpapaliwanag si Tata Selo, ngunit
ayon sa binata ay hindi ito sapat na rason upang gawin ito sa kabesa.

Suliranin
Ipinaliwananag muli ni Tata Selo ang nangyari. Ayon sa kanya ay pagmamay-ari
nila noon ang lupang kanyang sinasakahan ngunit, naisangla niya ito sa kabesa at
kalaunanan ay naimbargo. Kung kaya nang pinuntahan ni Kabesang Tano si Tata
Selo sa sakahan nito ay nakikiusap si Tata Selo. Ngunit, pilit na pinapalayas ng
kabesa si Tata Selo dahil ipapasaka nito ang kanyang lupa sa iba. At sa halip na
pakinggan ay tinungkod nang tinungkod siya nito, kung kaya ay nataga ito ni tata
Selo. Pagkatapos, nakulong si Tata Selo sa iskated ng munisipyo.
Tunggalian
Unang naroon sa munisipyo ang binatang anak ng pinakamayamg propirtaryo sa
San Roque. Inusig nito si Tata Selo kung bakit niya pinatay si Kabesang Tano kaya
ipinagtanggol ni Tata Selo ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsasalaysay sa
kung paano nagsimula ang insidente. Huling dumating ang alkalde at ang hepe ng
pulisya na galing pa sa bahay ng nasirang kabesa. May pagkayamot na tiniyak ng
alkalde ang hatol na pagkakabilanggo kay Tata Selo. Pinangatwiranan pa rin ni Tata
Selo na siya ang unang inagribiyado at ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili
ngunit tila wala nang ibang naririnig ang mga may kapangyarihan.

Kasukdulan
Nang maibalik na sa istaked si Tata Selo ay siya namang pagpaparinig ng alkalde
na katatapos lamang maligo, na baka umano dadalhin siya sa kabesera at
panghabang-buhay na makulong si Tata Selo. Sa pagkakarinig naman niya sa mga
pahayag nito ay daling hiniling ni Tata Selo na patayin na rin siya nito, dahil sa
pagkakapatay niya sa kabesa. Kinabukasan, dumating si Saling na anak ni Tata Selo.
Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na
humagulgol. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang
umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo at nagkaroon lamang
ng lakas nang makita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng alkalde.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita, at alalang-alalang sinabi ni Tata Selo na hindi na
sana siya pumaroon sapagkat maysakit siya. Maya-maya pa ay hiniling ni Tata Selo
na umalis na ang anak.

Kakalasan
Nabalitaan ni Tata Selo na naroon ang kanynag anak sa alkalde. Napasubsob
naman si Tata Selo pagkaraang siya’y maiupo ng dalawang pulis. Humihilahod na
ginapang niya ang rehas. Mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang
sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag siya ng mga pulis ngunit paos siya at
malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang
kanyang mukha sa sementadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig
na may tila gumigising sa kanya. Iyon ang batang bumisita sa kanya nang nakaraan,
at hiniling ni Tata Selo rito na yayain si Saling, ang kanyang anak na umuwi na.

Wakas
Lumipas ang apat na araw, naroon sa mainit na bahagi ng istaked si Tata Selo,
nakakapit sa rehas sa dakong harapan at nakatingin sa labas. At sa labas ng istaked,
nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya. Sinasabi ng bata na ayaw siyang
papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na
ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at
nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, ang lahat ay kinuha
na sa kanila.
Tagpuan
Istaked ng munisipyo sa bayan ng San Roque - Kung saan nakabilanggo si Tata
Selo at pinagkaguluhan ng mga tao.
Bukid - na sakahan ni Tata Selo at kung saan napatay nito si Kabesang Tano.

Paksang Diwa
“Pagmamalupit at hindi pantay na pagtrato ng mga nakakataas sa mga maralita”
“Ang hindi pagkapantay-pantay ng mga oportunidad at karapatan sa lipunan”

Kaisipan
Napakaraming nilalang sa mundo ang hindi masyadong nabiyayaan ng materyal
na bagay na minsa’y nagiging sanhi kung bakit sila inaapi at ninanakawan ng
karapantang mabuhay nang matahimik at mapayapa. Ngunit, hindi ito mangyayari
kung ang lahat ng tao ay nakikipag-isa at naguunawaan tuwina. Isinasantabi ang
pagiging makasarili at pagiging sakim.
Isa rin na mapupulot sa kuwento ay pagmamahal ng magulang sa kanyang mga
anak gayundin ang pagmamalasakit ng anak sa kanyang mga magulang sa kabila ng
dinaranas na kahirapan.

Banghay
Mga bahagi (ilahad ang mga bahagi ng kuwento)

1.Simula
Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si
Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng
lupang kanyang sinasakahan. Ayon kay Tata Selo ay pag-aari niya ang lupa noon
ngunit naisanla niya ito at naimbargo. Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa
kadahilanang pinaalis siya nito sa kanyang lupang sinasakahan at tinungkod-tungkod
sa kabila ng kanyang pagmamakaawa rito. Ito rin ang paulit-ulit na paliwanag ni Tata
Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe
na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.

2.Gitna
Nang makalawang araw, dumating si Saling na anak ni Tata Selo. Pagkakita sa
lugmok na ama ay mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
Nang muli silang magkitang mag-ama ay kaagad silang nagyakapan, habang alalang-
alala namang sinabi ni Tata Selo na hindi na sana siya pumaroon sapagkat maysakit
siya. Maya-maya pa ay hiniling ni Tata Selo na umalis na ang anak. Kinabukasan,
nabalitaan ni Tata Selo na naroon ang kanynag anak sa alkalde. Kung kaya ay
inutusan ni Tata Selo ang batang bumibisita sa kanya na kung maaari ay yayaing
umuwi si Saling.

3.Wakas
Lumipas ang apat na araw, naroon sa mainit na bahagi ng istaked si Tata Selo,
nakakapit sa rehas sa dakong harapan at nakatingin sa labas. At sa labas ng istaked,
nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya. Sinasabi ng bata na ayaw siyang
papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na
ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at
nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, ang lahat ay kinuha
na sa kanila.

You might also like