Professional Documents
Culture Documents
Kung ang dulog ng panitikan ang pag-uusapan dito, nangibabaw dito ang teoryang
dekonstruksyon. Muli natin balikan kung ano ang kahulugan at pinagmulan ng teoryang ito.
Ayon sa mga nakalap na pananaliksik, ang teoryang dekonstruksyon ay layunin nitong
ipakita ang iba’t-ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo, pag-aanalisa ang paglalantad
sa mga magkakasalungat na kahulugan o implikasyon ng teksto at ng mga salita at
pangungusap. Sinasabing walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat
kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at
mundo. Dagdag pa nito, ang teoryang dekonstruksyon ay batay sa ideyang walang
permanenteng kahulugan ang teksto dahil ang wika ay di matatag at nagbabago at binigyan
diin nito na higit na mahalaga ang mambabasa kaysa sa may-akda sa pagtiyak ng
kahulugan ng teksto. Sa teoryang ito, ang karaniwang istruktura ng kwento ay hindi
sinusunod at lumilikha ito ng serye ng mga pangyayaring magkakaugnay subalit
winawakasan naman ng mga hindi sukat akalaing pangyayari. Kung balikan natin ang
pinagmulan ng teoryang ito, ito ay natuklasan ng isang pilosopo na si Jacques Derrida
noong ika-20 siglo. Sinasabing naimpluwensya ang teoryang ito mula sa mga akda ng mga
linggwistika kagaya nina Ferdinand de Sausaure, Roland Barthes, Claude Levi-Strauss at
marami pang iba.
Muli natin balikan ang kwento ng Tata Selo, kung ang dulog ng panitikan ang pag-
uusapan sa nasabing kwento, naging dominante ang teoryang dekonstruksyon. Kung
mapapansin natin ang mga tauhan sa kwento na silang Tata Selo at Kabesang Tano, ito ay
nagmula sa nobelang El Filibusterismo sa “Kabanata 4: Si Kabesang Tales”. Ang mga
tauhan na silang Tata Selo at Kabesang Tano ay nagmula sa mga karakter na silang
Tandang Selo at Kabesang Tales na nagmula sa nasabing kabanata ng nobela. Ang mga
tampok na makikita mula sa kwento ay hango rin sa El Filibusterismo kung saan
nangibabaw ang pang-aabuso at kawalan ng hustisya na tampok rin mula sa nasabing
nobela. Masasabi natin na naging dominante ang teoryang dekonstruksyon sa kwentong
“Tata Selo” dahil ang may-akda na si Rogelio Sicat ay nagkuha ng mga iilang tampok at
tauhan sa El Filibusterismo para sa akdang ito at binago lang niya ang pangalan ng mga
tauhan doon at idinala ang mga tampok sa nobela sa kasalukuyan.
Bilang patunay sa puntong ito, ang tampok sa pag-aalis ni Kabesang Tano kay Tata
Selo sa lupaing sinakahan na walang dahilan ay nagpapakita ng pang-aabuso sa
kapangyarihan kagaya ng nangibabaw sa nobelang El Filibusterismo. Sa tampok naman na
pinaslang ni Tata Selo sa kabesa ay nagpapakita na siya’y gumanti gamit ang dahas. Sa
kabilang dako, nangibabaw din ang kawalan ng hustisya sa matanda nang siya’y mahuli ng
mga otoridad at nagpapaliwanag sa naging dahilan ng paggawa niya ng krimen subalit hindi
siyang pinakinggan. Lahat ng mga tampok sa kwento hinggil sa pagkait ng karapatang
pantao ay nangyari rin sa El Filibusterismo kaya masasabi natin na teoryang
dekonstruksyon ang ginamit ng may-akda dahil sa pagdadala niya ng mga tauhan at
tampok mula sa nobela sa kanyang kwento at binago lamang ang mga pangalan at mga
tampok nito.
Kung ang takbo ng kwento ang ating pag-uusapan, nangibabaw ang teoryang
dekonstruksyon dahil naglilikha ito ng serye na hindi akalain ng mga mambabasa na
magagawa ito ng pangunahing tauhan nito. Bilang patunay, kung balikan natin ang tampok
sa insidenteng patayan sa pagitan ng matanda at kabesa, nabanggit sa kwento na isang
mabait na tao si Tata Selo ngunit nagulat nalang ang mga tao sa Istaked nang mabalitaan
nilang nakapatay ang naturang matanda sa kabesa. Kung sa mga karaniwang kwento ito
makikita, ang pangunahing tauahn ay madalas tahimik, mapagkumbaba, determinado at
hindi gumawa ng mga masamang bagay pero sa kasong ito sa kwentong “Tata Selo”,
kabaliktaran ang nangyari dahil ang pangunahing tauhan nitong si Tata Selo ay nagawang
pumaslang kay Kabesang Tano dahil sa lupang sinakahan. Mapapansin natin na isa itong
pambihirang tampok na ang pangunahing tauhan nito ay nakapatay ng kontrabida sa
kwento at nauwi sa pagsisisi ang lahat ng ito nang siya ay mabilanggo dahil sa nagawa
niyang krimen.