You are on page 1of 2

Ang Masel ni Aling Maria

ni German V. Gervacio

alas-tres ng madaling araw


habang ang bana’y naghihilik pa
babangon siya upang makipag-agawan
sa mga ibabagsak sa banyera ng isda
doon sa may talipapa
siya na rin ang bubuhat
papunta sa kanyang pwesto

dalawampung taon siyang ganito!


tingnan mo tuloy ang kanyang braso
mahihiya si Popeye
maski si Rambo

pero sa masel niya masasalamin


walong anak na iginapang:
isang kumakarera
dalawa sa hayskul
tatlo sa elementarya
ang isa’y di pa nag-aaral
ang bunso’y pasusuhin pa

pagkagat ng dilim

saka pa lang huhupa ang masel niya


ang ulo niya’y nakasubsob sa unan
patalikod sa banang mapintog ang tiyan

You might also like