You are on page 1of 12

PAGSU

SURI
NG
TULA
Isang Dipang Langit
Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
I.PAKSA
• Pamagat: Isang Dipang Langit
• May akda: Amado V. Hernandez

II. KAYARIAN
A. Uri ng Tula: Tulang Pasalaysay
B. Sukat: Labing dalawang Pantig
C. Tugma: Tugmang Ganap at Di ganap
III. ANYO
A. Tono: Pagdudurusa at Kagustuhang
makapaghimagsik.
B. Tayutay: Pagtutulad (Simile)
-Sintalim ng kidlat ang mga mata ng tanod.
-Anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Pagmamalbais (Hyperbole)
-Sanlibong aninong iniluwa ng dilim
-Sa munting dungawan tanging abot malas
-Isang dipang langit
Pandiwantao (Personipikasyon)
-Kung minsan’y gabi’y biglang magulangtang
C.Talasalitaan:
Linsil - Kasalanan
Balasik – Kalupitan o Kabagsikan
Tiwalag – Nauukol sa pagiging malaya
Moug – Matibay na Taguang bato
Atungal – malakas na iyak ng malaking
hayop
Tanang – Tayo na
IV. PAGSUSURI
A. Paksa
- Ang Buhay sa loob ng kulungan
B. Diwa
- Karanasan ng mga bilanggo
- Pinagdadaanan ng mga preso sa loob ng
kulungan.
C. Simbolismo
- Puno = Pagkakasala
- Kuta = Kulungan
- Bintanang Rehas = Dungawan
- Kadena = Tanikala
- Birang = Itim na panakip sa ulo
D.Himig
- Pagdurusa dahil sa
pagtukoy ng kanyang
pinagdaanan na kanyang
inilahad sa loob ng
kulungan.
- Umaasa sa Kalayaang
matagal nang hinahangad.
V. IMPLIKASYON
A. Mensahe
- Dapat maging matatag sa lahat
ng pagsubok na dumadating.
- Alamin ang ating mga Karapatan
bilang isang tao.
- Laging magtiwala sa sariling
kakayahan at huwag itong
ikahiya.
- Laging manalig sa Diyos
Teoryang Bayograpikal
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang
karanasan o kasagsagan sa buhay ng
may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang
bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat
ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.
na akda, makababasa tayo ng
ilang mga pangyayaring
nangyari sa tunay na buhay
ng may-akda upang
masmapaganda pa nito ang
paghubog sa kanyang sinulat
na akda. Kakikitaan din ito
ng pilosopiya ng may akda sa
dahilang kababasaan ito ng
kanyang pananaw patungkol
sa mga bagay na nais niyang
ihatid sa mga mambabasa.
BAKIT NAGING
HALIMBAWA NG
TEORYANG
BAYOGRAPIKAL ANG
“ISANG DIPANG LANGIT”

You might also like