You are on page 1of 20

Ano Ang Tula?

 Ang Tula is isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang


damdamin sa malayang pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.Ang tula ay maaaring
distinggihin sa tatlo na bahagi.

 Mga anyo ng tula 

o Malayang taludturan 
o Tradisyonal 
o May sukat na walang tugma 
o Walang sukat na may tugma

Mga uri ng tula 

o Liriko o pandamdaming tula ○


o  Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman 
o  Dalit/Hymno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan. 
o  Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
o  Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal) 
o  Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding
pagkukuro-kuro 
o  Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari 
o Naratibo o nagsasalaysay 
o Padula/Drama 
o Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin;
halimbawa:bal agtasan 
o  Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang
o Balagtasan
o Duple
Mga sangkap ng tula o Elemento ng tula

o 1. Sukat
o 2. Tugma
o 3. Tayutay
o 4.Ritmo
o a. Pagtutulad
o b. Pagwawangis
o c. Pagsasatao
o d. Pagmamalabis
o e. Pagpapalit saklaw
o f. Balintunay
o 4. Karigtigan
o 5. Symbolo
o 6.Anyo
o 7.Tono
o 8.Persona
o 9.Saknong
o 10.Kaanyuan
o 11.Karikitan
o 12. Indayog

Marami naring depinisyon ang nailathala at naibahagi tungkol sa kahulugan ng tula at hanggang sa
ngayon ay may kalayaan ang kahit sino na magbigay ng personal opinyon o kahulugan ng tula base
na rin sa interpretasyon ukol dito.

Iilan ding magigiting na manunulat ang nagbigat kahulugan sa panunula o tula.Isa na dito ay si
Edgar Allan Poe na kilala sa buong sanlibutan dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling
kuwento at mga tula.Ayon sa kanya ang tula ay masasabing ang maaliw-aliw na paglikha ng
namumukod na kagandahan.Sa isang banda naman, Ayon kay Dr. Rufino Alejandro, ang tula ay
nangangahulugan ng LIKHA at ang makata ay tinatawag na MANLILIKHA. Ang tula ay isang
pagbabagong hugis sa buhay. Sa tulong ng guniguni, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng
makata. Kalikasan at buhay ang pinaghahanguan ng paksa ng makata at sa pamamagitan ng
larawang-diwa ay pinupukaw niya ang ating damdamin.

Ayon naman kay Amado V. Hernandez, "Ang tula ay hindi pulos na pangarap at salamisim, di
pawang halimuyak, silahis, aliw-iw, at taginting. Ang tula ay walang di nagagawang paksain. Ang
paham na si Plato ay nagturing na ang tula ay lalong malapit sa katotohanan kaysa istorya at ayon
din kay Alexander Pope ay higit na maringal ang katotohanan kung nakadamit sa tula"

Hindi lang sila ang maaaring magbigay kahulugan sa tula -maging kayo rin! Kaya maging malikhain
sapagkat sa aking palagay Ang tula ay isang pagpapahayag ng kung anong nais sambitin ng
puso na maitatanging obra maestra at siyang gabay na tiyak na kapupulutan ng aral tungo sa
buhay natin.

Mga Elemento ng Tula

a. Tugma
- nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma

1. Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig

2. Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y

b. Sukat
- tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod

c. Paksa
- maraming maaaring maging paksa ang isang tula

d. Tayutay
- paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad (metaphor) pagtatao (personification) ay ilang
paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula

e. Tono/Indayog
- dapat isaalang-alang ang diwa ng tula

f. Persona
- tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula
- una, ikalawa o ikatlong panauhan

g. Kariktan ng tula
- nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa

Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi.Ang
mga uri ng tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o
narrative poetry sa ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – tulad ng isang soneto o ng isang oda, na
ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon
karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay
hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay
direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

Uri ng Tulang Liriko

Awit – Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat
saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong
tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na
paksa - sad love songs kumbaga.

Soneto – Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na
kabatiran sa likas na pagkatao.

Oda – Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao
o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.

Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

Dalit – isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng
papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o
maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.

2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring
maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o
kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga
epiko, ballad, idylls at lays.

Uri ng Tulang Pasalaysay

a. Epiko – ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na


naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang
kultura o bansa.
b. Awit at kurido – ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang
kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya,
Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong
Adarna.

c. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-
araw na buhay.

3. Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.

a. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.
Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.

b. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang
itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa
dagat.

c. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango
ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan. 

4. Tulang Pantanghalan o Padula – karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas


na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga
tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-
araw-araw na buhay.

Anyo ng Tula? Ang mga anyo ng tula ay maaaring i-uri sa apat na bahagi na nauna na namin
nailimbag sa nakaraang artikulo.Ito ay ang Malayang taludturan, Tradisyonal, May sukat na walang
tugma at Walang sukat na may tugma.Upang maintindihan ng mabuti, ay iisa-isahin kong ipaliwanag
ang bawat anyo ng tula.

Ang Malayang taludturan - Isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi
ang ano mang naisin ng sumusulat.Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla.
Ayon sa kanya, maaaring makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma. Gnunit dapat manatili
ang karikatan, ito ay ang paggamit ng matatalinhagang pahayag na ipinakilala niya Sa kanyang
tulang “ Ako ang Daigdig”.

Ang Tradisyonal na Tula - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may
malalim na kahulugan.

Samantalang ang dalawa ay maiintindihan na sa tawag pa lamang dito.Ang anyo ng tula na May
sukat na walang tugma at Walang sukat na may tugma.

Ngunit di lang diyan nagtatapos ang lahat.May tatlong natitira at kakaibang anyo pa ang tula na
kinakailangan ninyong malaman.Ito ay ang DIONA, TANAGA at DALIT.

Sa makatuwid pito lahat ang anyo ng tula.Ang tatlong natitira ay espesyal dahil sa kung anong
kadahilan na inyong malalaman sa ilang saglit lamang.Ang tatlong ito ay nabibilang sa katutubong
uri ng mga tula.Isang katibayan na di pa sinisilang si Francisco Balagtas o kung sino mang sikat at
bihasa sa larangan ng ganitong panitikan ay mayaman na tayong mga Pilipino sa pagkamalikhain
lalo na sa pagbuo ng mga tula.

Mga Katutubong Anyo ng Tula

DIONA - Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod,
tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula
na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

TANAGA - Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod,
apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.

DALIT - Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat
na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.
Mga Elemento ng Tula
Ang tula ay may walong (8) elemento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Anyo
Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo.
 Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay
karaniwang ayon sa nais ng manunulat. Ang mga tulang isinulat
ni Alejandro Abadilla ang halimbawa ng mga tulang nasa anyong
malayang taludturan.
 Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita. Ang ilan sa
mga halimbawa ng tulang nasa anyong tradisyonal ay ang mga tulang
isinulat ni Dr. Jose Rizal, isa na dito ang “Isang Alaala ng Aking Bayan“.
 May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang ang pantig
ngunit ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi
magkakatugma.
 Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na bilang ang
pantig sa bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o
magkakatugma.
2. Kariktan
Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga
mambabasa. Ang kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng
mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.
3. Persona
Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang
persona at ang makata ay iisa. Maari rin naman na magkaiba ang kasarian ng
persona at makata. Maaari rin na isang bata, matanda, pusa, aso, o iba pang
nilalang.
4. Saknong
Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa
dalawa o higit pang taludtod.
5. Sukat
Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na
waluhan, labing-dalawahan, at labing-animan na pantig.
6. Talinhaga
Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga
pahayag upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
7. Tono o Indayog
Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang
pataas o pababa.
8. Tugma
Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod
ng tula. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita
ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula.
Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
SEE ALSO: ALAMAT: Kahulugan at Halimbawa ng mga Alamat
Mga Uri ng Tula
Ang tula ay may apat (4) na uri. Ito ay ang sumusunod:
1. Tulang Liriko
Ang tulang liriko o pandamdamin ay uri ng tula kung saan itinatampok ng isang
makata ng kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Puno ito ng
masisidhing damdamin ng tao tulad ng kalungkutan, pag-ibig, kaligayahan,
kabiguan at iba pa. Sa kabila ng pagiging maikli, ito ay sapat upang maipahayag
ang damdamin ng manunulat. Ang halimbawa ng tulang ito ay ang Florante at
Laura na isinulat ni Francisco Baltazar.
2. Tulang pandulaan
Ang tulang pandulaan ay karaniwang itinatanghal sa mga entablado at ang mga
linyang binibigkas ng bawat karakter ay patula. Ito ay naglalarawan ng mga
tagpong lubhang madula na maaring makatulad, makaparehas, o maiba sa
nagaganap sa pang araw-araw na buhay.
3. Tulang pasalaysay
Ito ay nagsasalaysay o naglalarawan ng makulay at mahahalagang pangyayari sa
buhay na matatagpuan sa mga linya o berso na nagbabahagi ng isang kwento.
Ang halimbawa ng tulang ito ay ang Ibong Adarna ni Jose dela Cruz o mas kilala
sa tawag na “Hoseng Sisiw”.
4. Tulang patnigan
Ang tulang patnigan ay kilalang tulang sagutan sapagkat ito ay itinatanghal ng
mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula kundi sa paraang
patula na tagisan ng talino at katuwiran ng mga makata. Karaniwan itong
tinatawag na balagtasan kapag itinatanghal sa entablado.

Mga Elemento ng Tula[baguhin | baguhin ang wikitext]


 Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang
taludtod.
 Sukat - bilang ng pantig ng tula.
 Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.

 Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.


 Ang tula o poem ay isang anyo ng panitikan kung saan binubuo ito
ng taludtod o verse at saknong o stanza sa wikang Ingles.
 Ito ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, o ginagawa ng isang
tao sa pamamagitan ng paggamit ng mga maririkit na salita.
 Mga elemento ng tula
 Makikita rin na ang tula ay nagbibigay diin sa mga sumusunod
na elemento:
 Sukat – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig o syllalbe ng bawat
taludtod na bumubuo sa isang saknong.
 Saknong – ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na
may dalawa o maraming linya o taludtod.
 Tugma – sinasabing may tugma ang isang tula kung ang huling
pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.
 Kariktan – kailangang magtaglay ng maririkit o magagandang
salita ang isang tula upang mapukaw ang damdamin at kaisipan
ng mga mambabasa.
 Talinhaga – ito ay isang sangkap ng tula kung saan ang mga
salita ay may itinatagong kahulugan.
Ayon nga sa isang kilalang manunulat na si Edgar Allan Poe: ang tula ay
masasabing ang maaliw-aliw na paglikha ng namumukod na
kagandahan (Poetry is the rhythmical creation of beauty in words).
Ang tula ay isang anyo ng
panitikan na nagpapahayag ng
damdain ng tao. Sa
pamamagitan ng ga salita ay
naipahahayag ng makata ang
kanyang nararamdaman.
Ang pagsulat o pagkatha ng
tula ay ginagawa alang-alang sa
sining na siyang
konsiderasyon ng makata.
Ang isang makata ay
maaaring makabuo ng tula sa
pamamagitan ng kaniyang
malawak na imahinasyon.
Nakasalalay ang kagandahan ng
tula sa tulong ng makulay
na imahinasyon at paggamit ng
masisining na pananalita.
KATUTURAN NG TULA
Ang tula ay pagsasama-
sama ng mga piling salita na
may tugma, sukat,
talinghaga at kaisipan. Makata
ang tawag sa humahabi ng tula.
Ang makata ay may
mayayamang imahinasyon,
sensitibong pandama at
matayog na kaisipan.
Ang tula ay nadaramang
mga kaisipan. Hindi ito ga
salaita lamang na nababasa o
naririnig. Kailangang ito ay
nakikita ng ga ata, nauunawaan
ng isip at tumutuloy sa
damdamin. Ang ahusay na tula
ay dapat kinapapalooban ng
mmga larawang-diwa.
Ang tula ay isang anyo ng
panitikan na nagpapahayag ng
damdain ng tao. Sa
pamamagitan ng ga salita ay
naipahahayag ng makata ang
kanyang nararamdaman.
Ang pagsulat o pagkatha ng
tula ay ginagawa alang-alang sa
sining na siyang
konsiderasyon ng makata.
Ang isang makata ay
maaaring makabuo ng tula sa
pamamagitan ng kaniyang
malawak na imahinasyon.
Nakasalalay ang kagandahan ng
tula sa tulong ng makulay
na imahinasyon at paggamit ng
masisining na pananalita.
KATUTURAN NG TULA
Ang tula ay pagsasama-
sama ng mga piling salita na
may tugma, sukat,
talinghaga at kaisipan. Makata
ang tawag sa humahabi ng tula.
Ang makata ay may
mayayamang imahinasyon,
sensitibong pandama at
matayog na kaisipan.
Ang tula ay nadaramang
mga kaisipan. Hindi ito ga
salaita lamang na nababasa o
naririnig. Kailangang ito ay
nakikita ng ga ata, nauunawaan
ng isip at tumutuloy sa
damdamin. Ang ahusay na tula
ay dapat kinapapalooban ng
mmga larawang-diwa.

You might also like