You are on page 1of 25

I.

Pamagat
Panulaang Filipino
II. Mga mag-aaral na gagamit
Mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino na nasa ikatlong antas ng
kolehiyo.
III. Pananaw
Ang pagtuturo /pagkatutong ito ay inihanda para sa iyo upang magkaroon ka ng mga
karagdagang kaalaman.
IV. Layunin
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito. Ikaw ay inaasahang.
1. Natutukoy ang pag-unlad ng tula sa bawat panahon ng kasaysayan.
2. Nalilinang ang kakayahan sa pagtukoy sa element at katangian ng tula.
3. Nakabubuo ng sariling tula gamit ang tuntunin sa istilo,pamamaraan, at orihinalidad
sa pagbuo ng tula
4. Nakasusuri ng tula sa pagtukoy sa mga element ng sining ng pagtula.
5. Nagagamit ang guni-guni at pagkamalikhain ng pag-iisip sap ag-unawa sa nilalaman
ng tula.
6. Natutukoy ang kaibahan ng mga piling uri ng tula sa loob at labas ng bansa.
V. Panuto o instruksyon sa mag-aaral
a. Basahin at unawaing mabuti ang mga aralin sa PANULAANG FILIPINO
b. Sundin ang mga panuto at unawaing mabuti ang mga katanungan sa pagsasanay.
c. Sagutin ang mga pagsasanay/Gawain ng may pag-iingat.
VI. Mga kakailanganing kahandaang Gawain
Bago mo pag-aralan ang modyul na ito, kailangan alam mo na ang kahulugan
PANULAANG FILIPINO
VII. Paunang salita
Mahal naming mambabasa/mag-aaral,
Ang Modyul na ito ay ginawa para sa iyo, layunin nitong tulungan ka sa iyong pag-aaral
upang magkaroon ka ng kaalaman patungkol Panulaang Filipino. Sa pamamagitan ng modyul na
ito ay maari mong gamitin ang iyong kakayahan at kahusayan sa pag-unawa at pagsagot ng mga
pagsasanay na buong sipag na aming inihanda para sa iyo.

Nawa ito ay iyong magustuhan!


Ang may akda… Bb. Daisy S. Tabios

PANIMULA
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng
wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay.
Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat
karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.

Sa modyul na ito ay iyong matatalos ang mga kahulugan ng tula, elemento ng tula, mga
tula sa iba’t ibang kasaysayan ng panahon at mga uri ng tayutay na makakatulong sa inyo kung
paano nga ba ang tamang paggawa ng maikling kuwento.

Nawa’y ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo at makapagbigay ng dagdag kaalaman sa iyo.

PAGSASANAY

PANUTO: Piliin ang TITIK ng tamang sagot .

1. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantigng bawat taludtod na bumubuo saisang saknong. Ang
pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
a. Saknong c. Tugma
b. Anyo d. Sukat
2. Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming
linya(Taludtod)
a. Sukat c. Talinhaga
b. Saknong d. Tugma
3. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
a. Kariktan c. Tono
b. Anyo d. Persona
4. Isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon upang
mangaral at akayin ang mga kabataan sa mabuting asal.
a. Bugtong c. Epiko
b. Salawikain d. Kasabihan
5. Ito ay isang dula na nanggaling sa mga Muslim
a. Epiko c. Bugtong
b. Bayoka d. Kasabihan
6. Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan.
a. Epiko c. Bugtong
b. Bayoka d. Kasabihan
7. Tumutukoy sa paggamit ng matatalinhagang salita.
a. Sukat c. Talinhaga
b. Saknong d. Tugma
8. Isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian at karanasan ng mga taong
naninirahan sa isang pook.
a. Kantahing bayan c. Duplo
b. Balad d.Bugtong
9. Ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa Ingles ay Mother Goose. Ito
ay mga tulang pambata o tugmang walang diwa o mababaw ang isinasaad na kahulugan.
a. Bugtong c. Epiko
b. Salawikain d. Kasabihan
10. Ito ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.
a. Tula c. Dula
b. Maikling Kuwento d. Sanaysay

PAGTATALAKAY

KAHULUGAN NG TULA
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.
ELEMENTO NG TULA
1. SUKAT
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantigng bawat taludtod na bumubuo saisang saknong. Ang
pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Mga uri ng Sukat
 Wawaluhin
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis.
 Lalabindalawahin
Ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
 Lalabing-animin
Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matamis
Ang naroon sa loobang may bakod sa paligid.
 Lalabingwaluhin
Ibong kang lumipad sa rurok ng langit sa buong nasa
Silawin sa kinang ang nabaghang titig ng isang nilikha
2. SAKNONG
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming
linya(Taludtod)
Mga Uri ng Saknong
 2 linya - couplet
 3 linya - tercet
 4 linya - quatrain
 5 linya – quintet
 6 linya - sestet
 7 linya - septet
 8 linya – octave

3. TUGMA
Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
Mga Uri ng Tugma
1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala

Kapagka ang tao sa saya’y nagawi


Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa katinig.
a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y
Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
4. KARIKTAN
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa
gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
5. TALINHAGA
Tumutukoy sa paggamit ng matatalinhagang salita.
6. ANYO
Porma ng tula

7. TONO/INDAYOG
Diwa ng tula

8. PERSONA
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula.

GAWAIN: “COVID-19”
PANUTO:
1. Gumawa ng isang tula patungkol sa epidemyang ating nararanasan ngayon.
2. Mayroon itong anim na saknong
3. Bawat saknong ay binubuo ng apat na talutod
4. Ang tula ay malayang taludturan lamang.
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG TULA
Daloy ng kaisipan- 40%
Orihinalidad- 30%
Balarila-20%
Kabuuang dating- 10%
KABUUAN= 100%

Tulang Filipino Sa Iba’t Ibang Panahon

KASABIHAN
BUGTONG
SALAWIKAIN
KANTAHING
BAYAN
EPIKO
BAYOK O
EMBAYOKA

KASABIHAN
▪ Ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa Ingles ay Mother Goose.
Ito ay mga tulang pambata o tugmang walang diwa o mababaw ang isinasaad na
kahulugan.
GAMIT NG KASABIHAN
PANUDYO, Ginagawa ng mga bata sa kalaro kapag nagkakapikunan.
Halimbawa:
Putak ng putak batang duwag, matapang ka’t nasa pugad.
SABI-SABI- Bukambibig
Halimbawa:
Kung may tiyaga , may nilaga.
PANG-ALIW- tulad ng katuwaan ng mga naglalarong bata.
Halimbawa:
Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan ay hindi maasahan.
GAWAIN:
PANUTO: Ipaliwanag ang bawat KASABIHAN
1. Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot. (5 puntos)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli. (5 puntos)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan. (5 puntos)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Ang tunay na karangalan ay nag-uumpisa sa paggalang sa mga magulang.
(5 puntos)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan. (5 puntos)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

BUGTONG
Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binubuo ng isa o dalawang taludtod na
maikli at may sukat at tugma.
GAWAIN: BUGTONG! BUGTONG!
Panuto: Sagutin ang mga bugtong na nasa ibaba
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot:

2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.


Sagot:

3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.


Sagot:
4.Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot
5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot:
6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot:
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot:

8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.


Sagot:

9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.


Sagot:
10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot:

11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.


Sagot:

12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.


Sagot:
13. Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo
Sagot:

14.Dalawang batong itim, malayo ang mararating


Sagot:
15. Ihagis mo man kahit saan, sadyang babalik at babalik sa pinanggalingan
Sagot:

SALAWIKAIN
Isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon upang
mangaral at akayin ang mga kabataan sa mabuting asal.
GAWAIN: “TALINHAGANG MAY ARAL”
PANUTO: Ipaliwanag ang bawat salawikain .
6. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. (5 puntos)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
7. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran. (5 puntos)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
8. Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi umaayaw. (5 puntos)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
9. Kung ano ang puno, siya ang bunga. (5 puntos)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
10. Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy. (5 puntos)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

KANTAHING BAYAN
Isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian at karanasan ng mga taong
naninirahan sa isang pook.
GAWAIN: “GOOGLE: BISITAHIN MO NAMAN AKO!”
PANUTO: Hanapin sa GOOGLE kung saan inaawit ang mga kantahing bayan na nasa
ibaba.
1) Oyayi-
2) Soliranin-
3) Kumintang-
4) Kundiman-
5) Dalit-
6) Diyona-
7) Talindaw-
8) Malumay-
9) Kutang-Kutang-
10) Pananapatan-
11) Sambotani-

EPIKO
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng
mga diyos o diyosa.
MGA HALIMBAWA:
 Bantugan (Epikong Mindanao)
 Bidasari (Epikong Mindanao)
 Maragtas (Epikong Bisayas)
 Lam-ang (Epikong Ilokano)

BAYOKA O EMBAYOKA
Isang dula na nanggaling sa mga Muslim
 isang pagtatalong patula
 isang lalaki at isang babae
 salapi o kasangkapan pagkatapos ng palabas

PANAHON NG ESPANYOL

AWIT
 Tulang pasalayay
 Lalabindalawahing pantig
 PAKSA: ang pakikipagsapalaran ng bayani, alamat at relihiyosong tula
 Florante at Laura

KORIDO
 Tulang pasalaysay
 Wawaluhing pantig
 PAKSA: karangalan, katapangan, pagkamaginoo, kabayanihan
 Ibong Adarna

BALADA
 tulang pasalaysay
 isang uri o tema ng isang tugtugin

KARAGATAN
 Tulang patnigan
 isang laro ng mga dalaga at mga binata,
 pagtitipon na pang-gabi tulad ng kasalan,kaarawan,at pag lalamay sa patay

DUPLO
 Tulang patnigan
 pagtatalo at pahusayan sa pagbigkas ng tula na ginagawa sa lamayan
 binubuo ng mga puns, biro at palaisipan

DALIT
 Tulang padamdamin
 Wawaluhing pantig
 nagpaparangal sa Maykapal na may halong pilosopiya sa buhay

PASYON
 Tulang pasalaysay
 Wawaluhing pantig
 nagsasaad ng buhay ni Hesukristo

JUEGO DE PRENDA
 Tulang pangtanghalan
 Ang mga manlalaro ay uupo sa isang bilog kasama ang lider sa gitna.
 Bawat manlalaro ay kukuha ng pangalan ng puno o bulaklak na bigay ng lider.

PANUBONG O PAMUTONG
 Tulang padamdamin
 isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o sa panauhin
SONETO
 Tulang padamdamin
 may 14 na taludtod tungkol sa damdamin at kaisipan, may tugma, at may mapupulot na aral
ang mambabasa
 kailangang may malinaw na kabatiran sa kalikasan ng tao at sa kabuuan.
Halimbawa

Soneto Para Sa Makatang Makabayan


Kung wika ang sandata at tugmaan ang digma
gawan ng sarswela ang aping magsasaka
ikuwento ang buhay ng nasa selda
at ipagbalagtasan ang tunay na paglaya

Kung lapis ang sandata at nasa papel ang digma


sumulat ng tula para sa mga nawawala
gawan ng dalit ang pinatay na walang aba
at bumuo ng nobela tungkol sa pakikibaka

Kaya’t pulutin ang sandata at mamuno sa digmaan


pagka’t tula mo’y di lang pang silid-aklatan
ang sinulat mo’y mumulat ng kaisipan
makata ng bayan, may lugar ka sa kilusan
Ang obra mo ngayo’y di na lang pang libangan
makata ng bayan, ngayon ay lumalaban!

ELEHIYA
 Tulang padamdamin
 pag-alaala hinggil sa yumao
 naglalarawan ng guni-guni hinggil sa kamatayan

ELEHIYA KAY INAY

Kung ang kamataya’y isang panibagong paglalakbay  aking Inay


Sa iyong pagtawid ala-ala nami’y baunin
Pagmamahal mo, pagkalinga,
mga pagtitiis at pagdurusa

Ngayo’y nakatakas ka na
Habang nakamasid ka sa ‘ming iyong naiwan
sa mga ibong nakasama mo,
sa mga talangka at sigay na  naging laruan mo
sa mga along kahabulan mo
at sa malawak na buhanginang naging palaruan mo

Nawa’y naalala mo ang mga ito sa paglisan mo


Mag-isang ninanamnam ang kalinga ng kalikasan
habang isang ala-ala na lamang ang yakap ng iyong ina
sa oyayi ng hangin, ipinaghele ka,
sapagkat ika’y maagang naulila

Lumaking salat sa pagmamahal sa magulang


Tanging kaibigan naging takbuhan
Inulila pa ng kapatid na turan
animo’y isang sadlak sa dusang nilalang

Pagkat ang isang kaibiga’y lumisan


Tuluyan nang humalik sa lupa
ang sarangolang dinagit ng hangin,
Tanging pumpon ng bulaklak
sa malamig na bato ang tangan mo

Nakaukit na ang pangalan mo


Ang naiwan sa ami’y mga ala-ala mo
Nang isang inang kasabay kong nangarap,
lumipad, kumalinga at sumalo sa aba ko.

Sa bawat ngiti ng mga munting anghel na kinalinga mo


isang munting kaluluwang pinanabikan mo
Konting sulyap lamang sana anak ko

Kahit ako’y malamig ng tila  yelo


Ngunit ito’y ipinagkait mo
Ngayon aking ina sa iyong paglalakbay
Baunin mo ang aming pagmamahal
Ihalik sa hangin aming mga pagmamahal
Ibulong sa Diyos na kami’y bantayan
Yakapin ng pagmamahal kahit sa panaginip lang

Nawa sa iyong pagtawid sa kabilang buhay


masilayan mo ang kaginhawahang
di natikman sa palad ko

GAWAIN: ELEHIYA PARA SA SARILI.


PANUTO: Magsulat ng isang ELEHIYA para sa iyong sarili.
PAMANTAYAN
Daloy ng kaisipan- 40%
Orihinalidad- 30%
Balarila-20%
Kabuuang dating- 10%
KABUUAN- 100%

ODA
 Tulang padamdamin
 pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao
 masigla ang nilalaman

Manggagawa
ni Jose Corazon de Jesus

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday


alipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral


nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamay mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal


pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,


at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

Ang tula ay nagbibigay-pugay sa mga manggagawa. Tinalakay rito ang malaking utang na
loob sa mga manggagawa na siyang pinagmulan ng lahat ng bagay na mayroon sa mundo.
Kinikilala nito ang sakripisyong pinapasan ng mga manggagawa upang guminhawa ang
buhay ng kanilang kapuwa. HInihikayat nito ang mambabasa na dakilain sila sapagkat kapag
nawala sila, titigil din ang buhay ng tao.

BALAGTASAN
 Tulang patnigan
 uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa

BATUTIAN
 Ginagawa ito sa mga lamayan upang libangin ang mga tao.
 katatawanan ngunit may kasama ring katotohanan
HAIKU
 binubuo ng tatlong (3) taludtod at may bilang ng mga pantig na lima-pito-lima (5-7-5)
ayon sa pagkakasunud-sunod
 paglalarawan ng dalawang magkaibang tao, hayop, bagay, pangyayari o lugar.
Halimbawa: Patungkol sa Kaibigan
TAPAT DAPAT
Kung maghahanap
Kaibigang kausap
Dapat ay tapat

GAWAIN: FIVE-SEVEN-FIVE
PANUTO: Gumawa ng tulang HAIKU.

A.
_________________________________
__________________________________
__________________________________
B.
_________________________________
_________________________________
_________________________________

TANAGA
 May apat na taludturan na may pipituhing pantig.
 malayang tula at sagana sa talinghaga.
Halimbawa:
PAG-IBIG
Parang talang marikit
May taglay na pang-akit
Hangad niyang makamit
‘wag sanang ipagkit.
GAWAIN: PITO-PITO-PITO-PITO
PANUTO: Gumawa ng 2 tula na batay sa TANAGA.

A.
_________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
B.
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
 
Mga Katangian ng Tula
1. Ang karaniwang paksa ay patungkol sa pag-ibig at kalikasan
2. Namayani ang tulang malayang taludturan
3. Nagtataglay ng talinhaga
4. Marami ang gumagad sa haiku

URI NG TAYUTAY
1. Pagtutulad (Ingles: Simile)
Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp.
Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng,
animo, kagaya ng atbp.

Halimbawa:

 Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad
 Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.

2. Pagwawangis (Ingles: Metaphor)


Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad ng,
parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.

Halimbawa:

 Si Jon ay lumalakad na babae.


 Malakas na lalaki si Ken.

3. Pagtatao (Ingles: Personification)


Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay.

Halimbawa

 Ang mga damo ay sumasayaw.
 Tumatawa ng malakas ang mga puno.

4. Eksaherasyon (Ingles: Hyperbole)


Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay,
pangyayari atbp.
Halimbawa

 Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan.


 Parang nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo.

5. Paguyam(Ingles: Sarcasm/Irony)
Isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o pangaasar ito sa tao o bagay.

Halimbawa:

 Ang sipag mo naman, Juan. Makikita ko ang sipag mo sa madumi mong kwarto.


 Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas at mga tagihawat ng mukha mo.

6. Paglipat-wika
Ito ay paggamit ng pang-uri upang ipaglalarawan ang mga bagay.

Halimbawa:

 Ang masayang larawan ni Pedro ay nagpapakita ng kanyang emosyon ngayon.


 Ang ulilang bag na iyan ay galing kay Celia.

7.  Paglilipat-saklaw (Ingles: Synecdoche)


Pagbanggit ito sa bahagi nga isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.

Halimbawa:

 Tatlong kamay ang tumutulong sa kawawang ulila


 Si Santiago ay humingi ng kamay ng dalaga.

8. Pagtawag (Ingles: Apostrophe)


Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang ikinausap sila.

Halimbawa:

 O Pag-ibig, nasaan ka na?


 Galit, layuan mo ako magpakailanman.

9. Tanong Retorikal (Ingles: Rhetorical Question)


Mga tanong ito na hindi nangangailangan nga sagot.
Halimbawa:

 Kailangan ko bang tangappin na hindi niya ko mapapansin at mamahailin?


 Wala na bang pag-asa na makaahon tayo sa kahirapan nang dahil sa mga sunud-sunod na
mga problema natin?

10. Pagpapalit- tawag (Ingles: Metonymy)


Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay.

Halimbawa:

 Igalang dapat ang mga maputing buhok.


 Mas magiting ang panulat kaysa espada.

11. Pagdaramdam (Ingles: Exclamatory)


Ito ay naglalarawan sa mga karaniwang damdamin

Halimbawa:

 Noon, kapag nakikita kita, punung-puno ako ng kaligayahan at kilig pero ngayon, sa
tuwing nakikita kita na may ibang kasama, dumilim ang mundo ko at punung-puno
ng pighati at kirot.

12. Tambisan(Ingles: Antithesis)
Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong mapatingkad
na lalo ang mga salita.

Halimbawa:

 Ang pag-ibig ay ideyal ngunit ang kasal ay tunay na bagay.


 Marami ang tinawag pero kaunti ang napili.

13. Paghihimig (Ingles: Onomatopoeia)


Ito ay pagpahiwatig ng kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.

Halimbawa:

 Maririnig ko ang tiktok ng orasan.


 Maingay ang aw-aw ng aso kong si Iggy.
14. Pag-uulit(Ingles: Alliteration)
Ginagamit nito ang magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigpit pang
salitang ginagamit sa isang pangungusap.

Halimbawa:

 Si Sam ay sumasayaw sa silid-aralan.
 Masipag maglaba ang mga magulang ko.

15. Pagtanggi(Ingles: Litotes)


Ito ay ginagamit ang salitang “hindi” sa unahan ng pangungusap.

Halimbawa:

 Hindi niyo ako maloloko


 Hindi siya sumama sa outing ng kanilang barkada.

16. Salantunay(Ingles: Paradox)
Ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng sangkap na
animo’y di totoo sa biglang basa o dinig.

Halimbawa:

 Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay.


 Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan.

17. Pangitain(Ingles: Vision imagery)


Ito ay nagpapahayag ng mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita sa
nagsasalita.

Halimbawa:

 Naiisip ko na maging mapayapa ang lahat.


 Nakikita kong mananalo ako sa kompetisyon.
Pagsasanay
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_________1. Ang tayutay na ito ay pagpapakilos sa mga bagay na parang tao.


__________2. Ang tayutay na ito ay paghahambing sa dalawang bagay na magkaiba ang uri
at ginagamitan ng mga salitang parang, tila at iba pa.
__________3. Pagpapahayag na lampas o sobra sa katotohanan upang bigyang diin ang
pahayag.
__________4. Pagtawag sa isang bagay o tao na wala sa harap ng nagsasalita o hindi
nakaririnig sa sinasabi ng nagsasalita.
__________5. Ang aking Ina ay ilaw ng tahanan.
__________6. Nagtago ang araw sa likod ng ulap.
__________7. Ang agila at tila eroplanong lumilipad.
__________8. Diyos ko, iligtas mo po ang aming bayan sa masasamang element
__________9. Masayang umuhip ang hanging amihan
__________10. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituin na nagniningning.
__________11. Ahas siya sa grupo namin.
__________12. Umuulan ng dolyar kila salmon nang dumating si perla.
__________13. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang mga luhang dulot ng kapighatian.
__________14. Nahihiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
__________15. Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan.
__________16. Matigas na bakal ang kanyang kamao.
__________17. Ang mga nakatakas ay ikinulong na parang sardinas sa piitan.
__________18. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
__________19. Hindi niyo ako maloloko.
__________20. Maingay ang aw-aw ng aso kong si Iggy.

You might also like