You are on page 1of 2

Kapampangan ; Luid ka!

Ang wika ay may napakalaking kahalagahan. Sa pagpapahayag ng damdamin at


pagbibigay ng mungkahi. Ito ay nagagamit sa iba't ibang uri ng komunikasyon maging pasulat
man o pasalita. Ito ay isang malaking dahilan ng pagkakaisa ng mga tao. Pagkakaisang
kinakailangan upang magkaroon ng kaayusan sa pamayanan o kahit saang lugar. Ang wika ay
hindi lamang dahilan o simbolo ng pagkakaisa. Ito ay isang instrumento upang makabuo ng
solusyon sa bawat suliranin na kinahakaharap ng isang pamayanan. Isang malaking tulong ang
wika sa pag-unlad sa kahit anong aspeto ng buhay. Kagaya na lamang pakikipagkaibigan na
kinakailangan ng komunikasyon sa bawat isa.Ang wika ay nagsisilbing daan upang lubos nating
maipahayag ang ating mga saloobin at iniisip, bagkus ito rin ang dahilan kung bakit nareresulba
ang problema at suliraning nangangailangan ng agarang solusyon. Maging ito man ay sa politika,
ekonomiya, agrikultura, edukasyon, at lahat ng sangay na bumubuo sa isang bansa. Tulad na
lamang ng Kapampangan, grupo ng mga salita na lubos na ginagamit sa Pampanga. Ito ay ang
kanilang paraan ng komunikasyon sapagkat sila ay namulat at nasanay sa ganitong klase ng
pananalita. Ngunit ano nga ba ang kagandahan ng wikang Kapampangan?
Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan at mga nakagawiang gawain na
ipinamana ng kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang
larangan sa kultura. Ang mga Kapampangan ang ikapitong pinakamalaking pangkat etnikong
Pilipino..Ang wikang Kapampangan ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ang tawag sa
wikang sinasalita ng mga Kapampangan ay “Pampango” o“Kapampangan”. Ito ay miyembro ng
Wikang Malayo-Polynesia. Noong 1571,napag-alaman ng mga Español na ang palapantigan ng
wikang ito ay maaring maiuat sa wikang Devangari. Ito ay may sariling ortograpiya at
alpabeto.Kapansin-pansin sa alpabetong ito ang kawalan ng titik “h”. Noong 1896,nailimbag ang
isang aklat tungkol sa Kapampangang alpabeto sa pamagat na“Alfabeto Pampango” na isinulat
ni Alvaro de Benavante. “Kapampangan” ay nagmula sa salitang-ugat na “pampang” na ang ibig
sabihin ay tabing ilog. Mangilan-ngilan lang ang may nakakaalam sa naturang wika dahil sa pag-
usbong ng wikang Filipino. Sa kasalukuyan, ang paggamit ng wikang Kapampangan, kahit na sa
mga lugar na kung saan tradisyunal na ginagamit ang wika ay unti-unti nang nababawasan. Sa
kasalukuyan,karamihan ng mga taong nagsasalita ng Kapampangan ay nakatira sa mgalalawigan
ng Pampanga at Tarlac subalit mayroon din naman sa ilang bahaging Zambales at Bataan.
Mayroong ilang teorya ukol sa pinagmulan ng wikang Kapampangan. Gaya na lamang ng
di umano pag iral nito noong 300- 200 BC. Sa pamumuno ni Haring Dulum. Mga tsino mula sa
Taiwan ang original na ninuno ng kapampangan. Ito ay ayon sa modernong pagsasaliksik.
Sinasabi rin na nasusulat sa katutubong manuskrito ng Brahmi ng Idla na nanatili bago matapos
ang panahon ng Kastila ang Kapampangan. Nagsimula ang paglilimbag ng wikang
Kapampangan noong 1618, na malapit sa kastila ang baybay. Ito ay batay sa manuskrito ng latin.
Ayon sa kasalukuyang panahon, makikita ang malalim na pinag-ugatan ng Kapampangan sa
malay at Indonesian sa pamamagitan magkakahalintulad na salita gaya ng babi at baboy, payung
at payong, minum at inom, at marami pang iba. Noong 1998 may nakatalang 1.85 milyong
indibiduwal na nagsasalita ng Kapampangan. Maaring lalo pa itong dumami sa kasalukuyang
panahon at patuloy pang dadami sa paglipas ng panahon. Sanhi ng patuloy na pag- unlad ng
Pampanga ang pagdagsa ng napakaraming dayuhan. Nagigiliw silang magtayo ng iba't ibang
komersiyo. Dahil dito, hindi maiiwasan na ang maimpluwensyhan ng wikang Kapampangan ang
banyagang wika tulad ng salitang intsik. Tulad na lamang ng ampaw, atsi at atse, biko, batsoy, at
marami pang iba.

Ang wika Kapampangan ang pinakapangunahing instrumento ng mga Pampangueño


upang sila ay magkaintindihan, ito rin ang nagdadamit sa kanilang kamalayan at sumisimbolo sa
kanilang lahi bilang mga Kapampangan. Kanilang ginagamit ang wikang Kapampangan sa iba’t
ibang larangan katulad ng edukasyon, selebrasyon o okasyon, at marami pang iba. Hindi
maikakaila na tila isang biyaya para sa mga Pampangueño ang magkaroon ng wikang
magbubuklod ng kanilang lahi o pinagmulan. Nagkakaroon ng pagkakaintindihan, pagkakaisa at
kakayahang mapanatili ang kapayapaan dahil sa pagpapanatili at respetong nakukuha ng wikang
Kapampangan. Sila ay may sariling pamamaraan ng pagsulat. Ito ay tinatawag na Kulitan. Ang
Kulitan ay kabilang sa iba’t ibang sistema ng pagsulat sa Pilipinas. Ito ay ginagamit para sa
pagsulat ng wikang Kapampangan. Ang Kulitan ay kasalukuyang ang tanging nabubuhay na
katutubong pamamaraan ng pagsulat sa Pilipinas na nakasulat at binabasa patayo mula sa itaas
patungo sa ibaba at mula sa kanan patungo sa kaliwa. Halimbawa ng salitang Kapampangan ay
ang paraan ng kanilang pagbibilang. Kung sa Tagalog masasabi natin itong ”isa, dalawa, tatlo,
apat, lima, anim, pito, walo, siyam, at sampo”. Sa Pampanga binibilang nila ito ng “metung,
addua, atlu, apat, lima, anam, pitu, walu, s’yam, apulu”.
Sa paglipas ng panahon ay unti-unti na ring nabibigyang pansin ang dayalektong
Kapampangan lalo na sa mga paaralan at iba pang lugar na pinag-aaralan upang lubos na
maintindihan ang mga ideyang nais iparating ng mga nagtuturo sa tinuturuan. Ika nga, nagiging
mas epektibo ang pamamaraan ng pagtuturo kapag lubusang naiintinihan ng mga mag-aaral ang
kanilang mga guro sa mga paaralan at isa na rito ang pagsasalita ng dayalektong local gaya ng
Kapampangan. Mahalaga rin ang ayalektong Kapampangan ahil may mga salitang wala talagang
eksaktong salita na maaaring maisalin sa Tagalog o Ingles kung kaya’t nararapat na lamang na
bigkasin o isulat ito sa ayalektong local. Sa ganitong paraan, lubos sa maiintinihan ng mga mag-
aaral ang nais iparating ng kanilang mga guro.
Ang sanaysay na ito ay naglalayong maipakita ang iba't ibang dayalektong patuloy na
namumuhay sa bansang Pilipinas. Nagpapatunay na lamang ito na dahil sa patuloy na pagabante
ng sibilisasyon, ay patuloy ding nagkakaroon ng mga bagong dayalekto. Ngunit ang
Kapampangan ay patuloy na pahahalagahan ang kanilang kultura at kasaysayan tulad na lamang
ng pag-awit. Ang pag-awit ng gawang pampanitikan at pagkakaroon ng tugma ay ang dalawang
pangunahing katangian ng panitikang Kapampangan bago dumating ang mga mananakop. Ang
tugma ay isang representasyon ng umiiral na kaayusan sa kapaligiran at buhay ng tao.
Samakatuwid, para sa mga Kapampangan, ang ayalekto nila ang nagpapagana sa lugar ng
Pampanga.

You might also like