You are on page 1of 4

PARAS, ANGELO

BMMP-1
1. Ng at Nang
Ng
Kasunod ng mga pang-uring pamilang.
• Naglabas ang nanay NG walong baso ng tubig para sa mga bata.

Sa mga pangngalan.
• Kinuha NG bombero ang balde sa kusina.

Nagsasaad ng pagmamay-ari.
• Ang tiwala NG tao ay mahirap makuha kaya ingatan mo ito.

Kapag ang sinusundan na salita ay pang-uri.


• Bumili NG magandang damit ang tatay para ibigay kay nanay.

Pananda sa gumaganap ng pandiwa sa pangungusap.


• Inalis NG matanda ang mga nakaharang na bakod sa daan.

Nang
Ginagamit ang “nang” sa gitna ng mga pandiwang inuulit.
• Takbo NANG takbo ang bata sa parke sa sobrang kaligayang naramdaman
niya.
Pampalit sa “na at ang”, “na at ng”, at “na at na” sa pangungusap.
• Sobra NANG pagkamasungit ni Alysa. (Sobra na ang pagkamasungit ni
Alysa.)
Para magsaad ng dahilan o kilos ng galaw.
• Nag-aral NANG tahimik ang magkapatid.

2.May at Mayroon
May
Ginagamit ang “may” kung ang kasunod na salita ay “vowel”.
• MAY isang linggo na lang ako para magensayo at maghanda sa darating na
recital.
Mayroon
Ginagamit naman ang “mayroon” kung ang susunod na salita ay nagsisimula sa
“consonant”
• “Uy mare! MAYROON akong chika, alam mo ba si rosing ....”

3.
Kung
Ginagamit na pangatnig sa sugnay na di makapagiisa sa mga pangungusap na
hugnayan.
• KUNG hindi umulan, siguro nakapunta ako sa kaarawan ng kaibigan ko.

Ang “KONG” naman ay galing sa panghalip na “ko” na nilagyan lang ng pang-


angkop na “ng” sa para maging ugnay sa salitang susunod.
• Ang bago KONG aklat ay akin lamang.

4.
Ang RAW ay ginagamit kung ang sinundng salita ay nagtapi sa “vowel” at sa
salitang nagtatpos sa “semi-vowel” (“w” at “y”)
• Bakit DAW ikaw ang minahal ko. Sabi ko lang, minahal kita dahil sa taglay
mong pambihira.

Ang RAW naman ay ginagamit kung ang sinundang salita ay nagtapos sa


“consonant”.
• Ikakasal na RAW si Joshua sa isang buwan. Mahigit dalawang taon na din
noong nagkahiwalay kayo. Mukhang nakapag-move on na siya. Ikaw na
lamang ang hindi pa.

5.
“PAHIRIN” ang ginagamit kung ang nais gawin ay alisin o tanggalin ang isang
bagay mula sa isang bagay.
• PAHIRIN mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.

“PAHIRAN” ang ginagamit kung ang ibig ipagkahulugan ay lagyan ng isang


bagay ang isang bagay.
• P’wedeng paki PAHIRAN ng floor wax ang sahig.
6.
SUBUKIN ang ginagamit kung ang nais ipahayag ay ang paggawa ng isang
bagay.
• SUSUBUKIN ko lang lumangoy kung kaya ko pa.

Ang salitang SUSUBUKAN naman ay ginagamit kung ang nais ipagkahulugan ay


ang paniniktik.
• Atin nang SUBUKAN kung talagang matibay itong binili ko.

7.
PINTO ang ginagamit kung ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay.
• Pininturahan ni Josh ang bagong gawang PINTO.

Pintuan ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o
pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.
• Sa malapit sa PINTUAN mo ilagay ang paso ng rosas.

8.
Ang HAGDAN ay ang baytang na inaakyatan at binababaan.
• Magdahan-dahan ka sa pag-akyat sa HAGDAN.

Ang HAGDANAN ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.


• Naayon lamang na ilagay ang HAGDANAN katapat ng pintuan.

9.
Operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
• OOPERAHIN bukas ang mga mata ni Angelica.

Tinutukoy ng OPERAHAN ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan.


• INOPEREHAN na si Natsu kahapon.

10.
Sabihin – Tumutukoy sa mensahe na nais iparating.
Kung ako sa’yo, SABIHIN mo na sa kanya ‘yang gusto mong sabihin.
Sabihan – Tumutukoy sa tatanggap ng mensahe.
“P’wede mo bang SABIHAN si Denise na magkita kami sa BGC mamayang
hapon. Salamat!”

You might also like