You are on page 1of 1

Tema - Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento.

Ang tema ang
pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento. At ang kaisipang ito
ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga
sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa
pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong
daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang
tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.
 Simula - Ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan. Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng
Tagpuan.
 Gitna - Binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang
tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin. Samantalang, ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
 Wakas - Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento.
Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Gayunpaman, may mga kuwento na
hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung
minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang
mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng
kuwento.

You might also like