You are on page 1of 9

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Naglalaman ang bahaging ito ng mga kaugnay na literatura at mga kaugnay


na pag-aaral na may pagkakahawig sa kasalukuyang pananaliksik.

Kaugnay na Literatura

Sining ng pasalitang pagpapahayag ang pagtatalumpati na may layuning


makaakit at makahiyat sa mga tagapakinig. Masasalamin ang ganda ng isang
talumpati sa masusing paglilimi o pagpili ng mga mabubulaklak na salitang
gagamitin sa pagpapahayag. Ito ang nagbibigay buhay at kakanyahan upang higit
na makita ang kaibahan ng isang talumpati sa isang pangkaraniwang talumpati
lamang, sapagkat isa sa makukulay na pasalitang pakikipagtalasan ang talumpati.

Ayon kay Arogante (2000):

Kung sa pag-ibig ang isang binata ay manliligaw o sa


pangangalakal ang isang negosyante ay manghihikayat ng
kliyente, maitatangi sa kanila ang ekspresyong “matamis ang dila”.
Sa pahayag ni Arrogante, maihahalintulad ang pagtatalumpati sa panliligaw
at panghihikayat ng isang negosyante sa isang kliyente. Sa mga senaryong ito
pinipili at pinag-iisipan ang bawat salitang ginagamit upang mas lalong mapaniwala
at mapasang-ayon ang mga tagapakinig.

Ayon nga kina Abueg at Catacataca (2011):


Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng
mga tao.
Kilala sa mga katawagang address, oration, public speaking at speech sa
wikang Ingles ang talumpati. Dagdag pa ni Arrogante (2003), “Ito’y isang uri ng
komunikasyong pampubliko sapagkat nagpapaliwanag ng isang mahahalagang
paksa.” Sa madaling sabi, isang paraan ng pagpapahayag na binibigkas sa harap
ng mga taong handang making ang isang talumpati.
Ayon naman kina Dayag at Basa (2005),

Tuwiran ang paggamit nito ng wika, tinig, kilos o galaw,


komposisyon, paraan sa pagpapaunlad ng kaisipan at pag-
aangkop ng materyales sa particular na manood at sitwasyon.
Nangangahulugan lamang sa pagtatalumpati marami ang dapat isa-alang-
alang upang mas maging matagumpay ang pagpapahayag. Sa pagsasakatuparan
ng mga nabanggit sa pahayag nina Dayag at Basa, maaaring mapadali ang
layunin ng isang mananalumpati na maakit at mahikayat ang tagapakinig at
sumang-ayon sa pahayag.

Ayon nga kina Sauco, et al., (2004):

Nilalayon ng talumpati na maghatid ng mahalagang ideya


tungkol sa isang paksa upang makaakit.
Samantalang ayon naman kina Carpio at Encarnacio (2004), may tatlong
layunin ang talumpati, “Layunin ng talumpati ang magbigay-impormasyon,
manlibang at manghikayat sa mga tagapakinig.”

Kung nilalayon ng isang talumpati na magbigay-impormasyon, maaring


gamitin ang paglalahad, paglalarawan, paglinaw, pagpapakahulugan,
papapaliwanag at pag-uulat sa pagpapahayag. Samantalang kung ang mang-aliw
ang layon ng mananalumpati, isang nakakatawang sitwasyon o nakalilibang na
kapupulutan ng aral ang dapat na maging paksa ng mananalumpati upang maging
kawili-wili sa tagapakinig. Kung ibig naman ng mananalumpati na manghikayat,
layon niyang magpahayag ng sariling pagtingin o pag-unawa sa paksa, nararapat
na gumamit siya ng mga angkop na salita upang madaling mapaniwala ang
tagapakinig.

Ginaganap ang isang talumpati saanman at sa alinmang uri ng okasyon,


pormal man o hindi, pribado man o pampubliko. Maituturing na talumpati ang
simpleng pag-uulat ng isang empleyado ng kompanya ng mga gastusin at kita sa
kanyang pinagtatrabuhan. Masasabi rin talumpati ang pagsesermon o pagmimisa
ng isang pangulo ng simabahan tulad ng pari, pastor at ministro sa madlang
nakikinig.
Maaaring matawag na mananalumpati ang sinumang panauhing pandangal
ng isang partikular na pagdiriwang na nagpapaabot ng kanyang pagbati,
pasasalamat o papuri sa balana. Pagtatalumpati rin ang tawag sa isinasagawang
pagsasalita ng mga politiko sa harap ng taumbayan tuwing may pagpupulong o
halalan.

Ayon kay Ulit (2003):

Ang pagtatalumpati ay nakatatakot na gawain


Samantalang para sa marami, isang nakakatuwang gawain ang
pagtatalumpati. Ngunit tulad ng saad ni Ulit, hindi madaling magtalumpati sa harap
ng maraming tao lalong-lalo na para sa mga may nerbyos, kapos sa kasanayan,
kulang sa kahandaan at baguhan pa lamang. “Tinatawag na stage fright sa Ingles
ang takot pagharap sa balana,” ayon kay Mish (2011). Karaniwan itong
nararamdaman ng mga taong takot mapagtawanan at magkamali sa harap ng
maraming tao.

Ngunit sa kabila nito, hindi maikakaila na marami na ang naging tanyag


pagdating sa pagtatalumpati. Ayon kina Bernales, et al. (2011), “Marami na’ng
natanyag at nagtagumpay na mga guro, tagapamayapa, rebelde, at pinunong-
bayan dahil sa kanilang katangi-tanging kakayahan sa pagtatalumpati na
kinalugdan ng tagapakinig.” Kabilang na rito si Demosthenes, isang kilalang orador
o mananalumpati ng Sinaunang Atenes, sina dating Pangulong Abraham Lincoln,
Fraklin D. Roosevelt at John F. Kennedy ng Estados Unidos. Hindi noon magaling
magsalita ang mga dating Pangulong ito, ngunit dahil sa kanilang pagsasanay
natuto silang bumigkas nang mahusay at naging tanyag sa daigdig sa larangan ng
pagtatalumpati.

Marami ang uri ng talumpati ayon kina Cassanova at Rubin at nina Tendero.
Ngunit ayon din sa kanila, “Hindi maikakaila na marami pang uri ang kinakailangan
ilathala ng iba pang manunulat.” Isa na nga rito ang Talumpati sa Kalagayan ng
Bansa na mas kilala sa Ingles na State of the Nation Address o pinaikling SONA
na hinango sa Talumpati sa Kalagayan ng Unyon o State of the Union Address ng
Estados Unidos.

Dagdag pa nina Cassanova at Rubin (wp):

Ang SONA ay maituturing na isang sub-uri ng mga


talumpating nagpapalaganap ng ugnayan panlipunan sapagkat
ito’y nakatalaga hindi lamang para sa isa o iilang tao manapa’y
nakalaan sa lipunang kinabibilangan ng lahat ng mamamayan ng
bansa.
Kaiba ang SONA sa lahat ng uri ng talumpati dahil sa masaklaw nitong
kalikasan na naglalaman ng lubhang napakaraming paksa. Ipinahahayag nang
isang beses kada isang taon ng sinumang nanunungkulang Pangulo ang
Talumpati sa Kalagayan ng Bansa. Nakatadhana ito sa dating Konstitusyon ng
1935 hanggang sa kasalukuyang Konstitusyon ng 1987. Nakasaad sa Artikulo VII,
Seksyon 23 ng pinakabagong saligang batas ang ganito:

Dapat magtalumpati ang Pangulo sa Kongreso sa


pagbubukas ng regular na sesyon nito. Maaaring humarap din
siya rito kahit sa iba pang pagkakataon.
Dagdag pa riyan, itinadhana rin sa Artikulo VI, Seksyon 15 na, “Ang
Kongreso ang dapat magsimula ng pulong minsan sa isang taon sa ikaapat na
Lunes ng Hulyo ukol sa regular na sesyon nito. Matangi kung may ibang petsang
itinakda ang batas, at dapat magpatuloy na nagsesesyon sa loob ng tiyak na
bilang ng mga araw na maaari nitong itakda hanggang sa tatlumpung araw bago
magbukas ang susunod na regular na sesyon nito, hindi kasama ang Sabado, mga
Linggo, at mga pista opisyal. Ang Pangulo ay maaaring tumawag ng tanging
sesyon sa anumang oras.”

Ayon kina H. De Leon at H. DeLeon, Jr. (2011):

Ang SONA ay isang oportunidad at pribilehiyo ng Pangulo


na makapagtalumapati sa harap ng Kongreso upang
makapagpahayag ng maraming bagay o usaping hinggil sa
kalagayan ng bansa, magtagubilin sa mga mambabatas ng mga
bagay na sa palagay niya’y dapat pag-ukulan ng pansin at
aksyunan kaagad at magpahayag ng patnubay sa pambansang
patakaran o National Policy.
Nangangahulugan lamang na nagiging pagkakataon para sa administrasyon
ang pagpapahayag ng kanilang talumpati upang maiulat ang iba’t ibang proyekto
na natapos na at isasagawa pa lamang.

Sa pagpapahayag ng isang talumpati, naipaparating ang nais sabihin sa


pamamagitan ng wika. Dito pumapasok ang usaping wika sa politika, politika sa
wika. Ayon nga kina Fortunato at Valdez (1995), “Bawat gumagamit ng wika ay
isang politiko.” May wika sa politika, hindi maikakaila ito. Sa mga
pangangampanya at mga talumpati ng mga politiko, saan mang panig ng daigdig
wika ang kanilang gamit upang makaakit ng mga tagasunod at botante. Kung
sususriin ang salitang politika, maiuugnay rito ang salitang tulad ng lakas, pwersa
at kapangyarihan.

Ayon kina Fortunato at Valdez (1995):

Wika ang kasangkapan sa pagbabagong anyo ng politika at


kapangyarihan sa isipan at puso ng tao. Hindi kongkreto ang
lakas ng wika at ito’y pangkaisipan. Sa mabisang paggamit ng
wika, nakakaapekto ito at napapakilos tayo.
Makapangyarihan ang wika at ang kapangyarihang ito ang nag-uugnay sa
politika at wika. Wika ang pinakaprominenteng behikulo ng paghahatid ng mga
imahe, positibo man o negatibo. Sapagkat sa paggamit ng wika, nababago ang
marami, naiimpluwensyahan ang bawat tao. Sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan lumilitaw ang ugnayan ng wika, kapangyarihan at politika na
naging sanhi marahil kung bakit nasabi ni Aristotle na, “Man is a political animal”.

Ipinaliwanag ni Constantino na mas madalas gamitin ang pambansang wika


sa mga usaping politikal gaya ng pangangampanya tuwing eleksyon at talumpati
ng Pangulo sa mga nagdaan okasyon. Sa mga ganitong sitwasyon, mas
kinakailangan ng mga pulitiko na maunawaan ng masang Pilipino ang kanilang
mga sinasabi. Ngunit marami pa rin sa mga Pangulo ang gumagamit ng wikang
banyaga sa kanilang pagtatalumpati.
Ayon kay Angela Mendoza, sa kanyang akdang Wika’t
Pulitika ng Wika (wp):

Sa isang gobyerno, kung Filipino ang gagamitin sa


pamamalakad ng mga namumuno mas maabot sila ng kanilang
mga pinamumunuan, mas maiintindihan ng mga karaniwang tao
ang implikasyon ng kanilang pamumuno. Nangangahulugan
lamang na mas makakalahok ang mga mamamayan sa mga
usaping pampulitika at pamamalakad sa sariling bayan
Gayundin ang punto sa salaysay ni Constantino na, “Nasa wika ang mga
konsepto o kaisipan na bumubuo sa lawak ng gawaing pulitikal kaya naman
ginagamit ito para magkaroon ng political control.” Nangangahulugan lamang na
dahil sa wikang ginagamit ng mga pulitiko, nagkakaroon ng kamalayan ang mga
Pilipino sa mga nagaganap sa gobyerno.

Kaugnay na Pag-aaral

Sa bahaging ito inilatag ang mga pag-aaral ng ibang mananaliksik na may


kaugnayan sa kasalalukuyang pananaliksik.

Ayon sa pag-aaral ni Ram Kumar Dahal ng Language Politics in Nepal,


binigyang kahulugan niya ang Politika bilang “Politics in general term is the study
of interactions, actions and reaction among individuals, between individuals and
groups, and between groups and larger community what we call nation-state”. Sa
pagpapakahulugang ito, sinasabing politika ang simpleng pakikisangkot ng tao sa
ibang tao, mga aksyon at reaksyon sa pagitan ng bawat indibidwal sa isang lugar
malaki man na bahagi ng samahan o maliit.

Ayon naman sa pag-aaral ni Dr. Ibrahim Mohamed Al-Faki (wp):

Politics has both wide and narrow senses.


Sadyang malawak ang kahulugan ng politika, kabilang na nga rito ang mga
gawaing may kinalaman sa institusyon tulad ng political parties at iba pang usaping
o isyung panlipunan. Dagdag pa sa pag-aaral ni Beard (2000) “Politics is also
conceived of as a struggle to gain and retain power among members of these
institutions”. Dahil sa malawak na kahulugan at nasasakupan ng politika marami
ang sumusubok at nagnanasa sa kapangyarihang taglay at makukuha rito.

Binigyang ugnayan din sa pag-aaral ni Ram Kumar Dahal ang wika


at politika, ayon dito (wp):

Language and politics are closely related to one another and


the former is one of the determining factors of the later.
May kaugnayan ang wika sa politika. Wika ang nagsisilbing instrumento sa
pagpapahayag. Sa pagnanasang makamit ang kapangyarihan sa politika,
gumagamit ang politiko ng mga mabubulaklak na salita mula pa lamang sa
pangangampanya. Ayon nga sa pag-aaral ni Luuk Lagerwerf, “Political campaign
speeches are deemed influential in winning people’s minds and votes.” Tulad ng
pahayag ng ibang tanyag na manunulat, malaki ang nagiging impluwensya ng mga
binibitawang salita ng bawat politiko sa masa.

Dagdag pa mula rin sa pag-aaral ni Ram Kumar Dahal (wp):

Political leaders can manipulate ideas and can attract the


voters towards their political ideologies and belief.
Sa paggamit ng mabubulaklak na salita ng mga politiko, nalilinlang nito ang
pag-iisip at nababago ang desisyon ng mamamayan. “Language is powerful tool by
which politicians transmit political conception and symbols of political power,
ideologies and values.”, ayon pa rin kay Ram Kumar Dahal. Makapangyarihan ang
wika, kung kaya ito ang ginagamit na sandata ng mga politiko upang mailahad ang
kani-kanilang mga palagay at mahahalagang kaisipan.

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Ibrahim Mohamed Al-Faki (wp):

Making speeches is a vital part of the politician’s role in


announcing policy and persuading people to agree with it.
Parte na ng kasayasayan ang pagpapahayag ng talumpati tungkol sa
politika. Sa ganitong gawain nagiging malaya ang Pangulo ng bansa na ilahad sa
mamamayan ang mga bagay o usaping may kinalaman sa lipunan. Mula sa pag-
aaral ni Jessica Hakansson, “Political speeches have been regarded a major part
of American democracy, and they have been so throughout history.”

Dagdag pa mula sa pag-aaral ni Luuk Lagerwerf (wp):

Political speeches aim at convincing the listener by


arguments, to persuade him or her on an emotional level or even
manipulate him.
Dahil dito, nahihikayat ang bawat tao na sumang-ayon sa bawat ideya na
kanilang sinasabi. Namamanipula ang masa ng mga salitang binibigkas ng bawat
politiko. Mula sa salitang ginamit ng politiko nakakamit nila ang pagkapanalo.
Nakakamit nila ang kapangyarihan mayroon sa politika. Saan man panig ng bansa
parte na ng pagiging pagiging Pangulo ang magpahayag ng isang talumpati ukol
sa isyung sa lipunan.

Samantala, nagkaroon ng pagkakatulad ang dalawang mananaliksik sa


pagbibigay kahulugan ng political speech,

Ayon kay Proctor at I-Wen Su (2011):

Political speeches tend to be delivered in a somewhat


formal style, more so than ordinary conversation, although that is
not always the case.
Ayon naman kay Silvia Irimea (2010):

Political speech is the formal exchange of reasoned views on


what courses of action should be taken to solve a societal problem.
Sa pagpapakahulugang ito, masasabing isang political speech ang
talumpati kung isinasagawa ito sa pormal na paraan ng paglalahad ng mga
palagay na gawain o solusyon para sa isang suliraning panlipunan tulad na lamang
ng SONA ng mga Pangulo.

Ayon naman sa pag-aaral ni Luuk Lagerwerf, “Political speeches are


supposed to increase the population’s political participation, help them to
understand important issues and how a problem is best solved as well as a way for
the politicians to persuade others to have the same opinions as them.” Malaki ang
nagiging ambag ng talumpati ng Pangulo sa masa. Sa pagpapahayag ng kaniyang
opinion ukol sa mga isyu, pagpapahayag ng bawat suliranin at solusyon sa mga
ito, nahihikayat ang masa na makilahok sa mga gawain makakapagpabago ata
makakapagpaunlad sa bansa. Sa pamamagitan nito nalalaman nila kung ano ang
kanilang maaring maging partisipasyon sa bansa kanilang kinabibilangan.

Ayon sa pag-aaral ni Silvia Irimea (2010):

Political speech was considered by Thomas Jefferson and


the other founders of the American Republic to be the heart of
democracy.
Sa pagpapakahulugan na ito, puso ng demokrasyang maituturing ang
political speech sapagkat nagiging malaya hindi lamang pamunuan ng bansa kundi
pati na rin buong bansa sa paglalahad ng kanilang mga saloobin. Dagdag pa ni
Silvia Irimea (2010), “In democracy, political speech is regarded as a method of
decision.” Ayon dito, maaring sabihing simbolo ng pagiging malaya ng isang bansa
ang pagsasagawa ng political speech sapagkat dito, malayang binibigkas ang
lahat ng kanilang saloobin at mga desisyon.

You might also like