You are on page 1of 2

Kaugnay na Teorya tungkol sa Wika

Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ng

pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.

Kaugnay nito, ayon sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika ay

nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na

ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na

tinatawag na morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinagugnay-ugnay na mga pangungusap.

Diskors, kapag nagkaroon ng makahulugang palitan ng dalawa o higit pang tao.

Ayon kay Desiree Reyna (kahalagahan ng wika)

Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang Filipino. Kaya

naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na magamit ito araw-araw sa

kanilang pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang maipagamit ang wikang Filipino. Sa pag-

aaral ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga bata ang mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas

magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa kanyang pakikipagtalastasan sa iba.

Ang isang batang matatas sa wikang Filipino ay angat sa karaniwan. May kakayahan siyang makipag-

ugnayan sa kahit kanino sa ating bansa. Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika.

Isa itong daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung

tatanungin muli ako kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino sa mga bata, ito ang aking tugon. Ang

kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino at

magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang magpapamalas sa

buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at kultura. Nararapat lamang na matutuhan

nila ito.

You might also like