You are on page 1of 3

Kabanata 2

METODO

Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag at mailahad ang mga paraang ginamit ng mga
mananaliksik upang mabigyang katuparan ang layunin ng pag-aaral.

Metodolohiya ng Pag-aaral

Isang kwantitatibong pananaliksik ang ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral kaugnay sa


pag-alam sa Mga Piling Awiting Filipino nang taong 1975 hanggang 1985 bilang instrumento sa
pagkatuto ng mga mag-aaral sa araling Filipino:Batayan sa mungkahing kagamitang Pampagkatuto sa
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, sapagkat ang kwantitatibong pananaliksik ay isang proseso ng
pagkalap ng impormasyon na nasasangkot sa pagbuo ng mga katanungan at pamamaraan, ang mga datos
ay karaniwang kinokolekta at pinagsasama-sama sa lugar ng mismong participant (Cresswell,2007). Sa
pamamagitan nito ang mga mananaliksik ay makabubuo ng mga kasagutan na makatutulong upang
masagot ang mga katanungan na magbibigay ng matibay na pondasyon sa layunin ng pag-aaral.

Dagdag pa dito gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan (survey questionnaire) upang
malaman ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral at guro sa mga piling awiting-Filipino na pamilyar
sa kanila na magagamit nila bilang kagamitang panturo sa araling Filipino.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananalisik.


Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang “Descriptive
Survey Research Design”, na gumamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga
datos. Layunin nitong ilarawan ng mga mananaliksik ang mga pananaw ng mga mag-aaral at guro sa
paggamit ng awiting Filipino bilang karagdagang kagamitan sa pagtuturo.

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang ganitong uri ng metodolohiya sapagkat mas
mapapadali ang pagkuha ng mga datos sa maraming tagatugon. Samakatuwid, makakakuha ang mga
mananaliksik ng mas malinaw at maayos na datos mula sa mga respondante.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan dahil sa kinakaharap nating
pandemya, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga
talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral.

Mga Kalahok

Sa pag-aaral na ito, inalam ng mga mananliksik ang kamalayan ng mga guro sa mga awiting
Filipino na pamilyar sa kanila na maaring gamitin sa pagtuturo ng asignatura at sa mga mag-aaral na
kapupulutan nila ng aral at pagbukas ng kanilang diwa sa mga piling awiting Filipino.

Ang itinalagang mga kalahok ng naturang pananaliksik ay mga Mag-aaral at guro ng San Roque
National High School sa pagkalap ng datos.
Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan (survey questionnaire) upang makuha ang
datos mula sa mga guro, na may mga katangian nakatutugon sa mga pamantayan na hinihingi ng pag-
aaral. Sa pagkuha ng espisipikong katangian ng mga kalahok. Una, kailangan ang guro ay nagtuturo sa
highschool simula baitang 7 hanggang 10 ang maaring sumagot sa talatanungan gayundin ang mag-aaral.

Hindi naging madali sa mananaliksik ang magkalap ng datos sa mga kalahok sapagkat limitado
lamang ang pagkilos at galaw ng tao gayunpaman sinikap ng mga mananaliksik na mangalap ng mga
awiting Filipino na posibleng pamilyar sa mga mag-aaral at guro na maari nilang magamit sa kanilang
pagtuturo.

Paraan ng Pagpili ng mga tagatugon

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay binubuo ng _______ mag-aaral at_____ guro. Ito ay
makakatulong upang makabuo ng sapat na datos sa pananaliksik na ito.

Sa kadahilanang may kabuuang ____ na bilang ang mga mag-aaral at ____guro sa San Roque
National High School, ginamit ng mga mananaliksik ang random sampling sa pamamagitan ng random
sampling upang mapili ang mga respondanteng sasagot sa mga talatanungan.

Sa pagpili ng mga respondante, ang mga mananaliksik ay gumamit ng Slovin’s formula. Gamit
ito, nakuha ang bilang na ___ na tagatugon na magmumula sa mga guro at Mag-aaral ng SRNHS.

Narito ang ginamit na formula:

n = N/1+Ne2

kung saan: n - ang bilang ng sampol mula sa populasyon

N - ang kabuuang bilang ng populasyon

e - margin of error

Instrumentong Ginamit

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan bilang patunay at mapagkukuhanan ng


datos. Ang antas ng kamalayan ng mag-aaral at guro sa awiting Filipino ang napalitaw sa pamamagitan
ng paggawa ng Talatanungan. Kabilang dito ang iba’t ibang awiting Pilipino noong taong 1975 hanggang
1985 na ipinakita ng mga mananaliksik na magagamit bilang karagdagang kagamitang panturo ng guro.

Pangangalap ng mga Datos

Isang talatanungan ang unang binuo ng mga mananaliksik. Humingi ng pahintulot ang mga
mananaliksik sa pamamagitan ng _________ na kung maaaring makapagsarbey ang mga mananaliksik sa
mga guro at mag-aaral. Napahintulutan ang mga mananaliksik at ginawang batayan ang naging mga
tugon ng mga tagasagot ng talatanungan at nakalap na impormasyon mula sa mga guro
Estadistikang Ginamit

Gagamitin ng mga mananaliksik ang sumusunod na mga kagamitan sa istatistika sa paglalahad at


pagsusuri ng mga datos na maiipon…

1. Kinalap ang mga instrumento at ginamitan ng statistikal tritment ng datos na


pamamaraan. Ang mga datos na nakalap ng may-akda mula sa mga mag-aaral na tumugon sa
talatanungan ay ipinagsama-sama o itinally upang makuha ang tama at eksaktong bilang ng mga guro
ukol sa kanilang persepsyon. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa mga katanungan
inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay inalisa at

2. ikinumpara ayon sa pagkakaiba ng mga tumugon. Ang mga datos na nakalap ay


isasalarawan gamit ang pie graph upang makamtan ng may kaayusan ang tamang resulta at upang
makapagbigay ng malinaw at madaling pag-unawa sa mga nag nanais na makabasang nasabing pag-
aaral. Ang pormularyong ginamit sa pagkuha ng porsyento ng tugon sa bawat tanong ay:

Porsyento = Bilang ng TugonKabuuang

Bilang ng Respondente ×100

Note dito sa estadistikang ginamit d ko alam kung eto gagamitin natin at sa mga blangko d ko
din alam .

You might also like