You are on page 1of 14

KABANATA I

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Teorya ng Pag-aaral

Si Spady ay isa sa mga unang mananaliksik na nagmungkahi ng kilalang teorya

tungkol sa retensyon ng estudyante noong 1970, ang Spady’s Sociological [ CITATION

Spa77 \l 13321 ]. Ang inaasahan sa teorya na ito ay maipapaliwanag nang maayos ang mga

mag-aaral na nagdrop out sa pamamagitan ng interaksiyon sa pagitan ng indibidwal na

estudyante at ang kapaligiran sa unibersidad. Sa interaksiyon na ito, ang mga katangian

ng mag-aaral, tulad ng pag-uugali, kakayahan at interes ay nakalantad sa mga

impluwensiya, inaasahan at hinihingi ng unibersidad. ang resulta ng interaksiyon na ito

ang tutukoy kung ang mag-aaral ay magpakatulad sa pang-akademiko at panlipunang

sistema ng unibersidad at kasunod ay kung ang mag-aaral ba ay mananatili sa pag-aaral.

Karugtong ng prosesong ito ay mga baryabol na nagpapakilala sa akademiko at

panlipunang integrasyon ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan. Ang mga baryabol na

ito ay ang kaligiran ng pamilya, akademikong potensyal, normatibong pagkakapareho,

performans ng grado, intelektuwal na pag-unlad at suporta mula sa kapwa. Ang lahat ng

mga baryabol na ito ay maiuugnay pa sa dalawang baryabol, ang kasiyahan sa kapaligiran

sa unibersidad at ang pangako sa institusyon

Ang teoryang broken home naman ay ginamit na ng iba’t ibang sosyolohista sa

buong kasaysayan ng panlipunang Amerikano upang ipaliwanag kung bakit hindi

disiplinado ang mga bata. Ang teoryang ito ay madalas gamitin at katanggap-tanggap ang
eksplanasyon hanggang ngayon. Ang teoryang broken home ay isang pamilya na may

isang magulang na pinaniniwalaan ng mga unang sosyolohista at ng gobyerno na hindi

epektibo tulad ng pamilyang may dalawang magulang. Ang ideyang ito ay nakabase

lamang sa istraktura ng pamilya at ang katotohanang ang dalawang magulang ay mas

maayos kaysa sa isa. Isang pinagmulan na nakatulong na mahikayat ang pananaw na ito

ay ang kilusang “child savers.” Sa pagitan ng 1630 at 1830, maraming kabataan na hindi

disiplinado ang lumipat sa U.S. hindi bilang isang mamamayan kundi bilang isang

manggagawa ng agrikultura, manggagawang may kontrata at mga aprentis (Senna, 1994).

Ngunit pagkaapos ng kalayaan at industrialisasyon, ang paga-aprentis ay tinanggal na.

Ang mga bata ay mayroon pa ring mababang estado sa lipunan at malupit na

pinaparusahan ng mga matatanda. Noong 1838, sa wakas ay naramdaman ng U.S. na

kailangan na nilang makialam dahil ang natuklasan nilang mng dahilan ng pagiging hindi

disiplinado ng mga bata ay direktang sanhi ng mahina at maling paggabay sa mga anak.

[CITATION Wil74 \l 13321 ]

Ayon sa pag-aaral sa literatura ng nga manunulat na sina Swail (2006, 1 of 4),

Draper (2005, 2 of 20) at McCubbin (2003, 20). Ang teorya ni Tinto sa panlipunan at

akademikong pagsasama o Tinto's Integration Theory ay ang pinakatinutukoy sa lugar ng

mga pananatili ng mag-aaral. Noong 1975, si Tinto ay sumulat ukol sa gawa ni Spady

(1970) na naunang gumamit ng Durkheim's Theory sa pagpapakamatay sa pagpapanatili

ng mga mag-aaral. Ang teoryang ito ay base sa pagpapalagay na ang posibilidas na ang

isang indibidwal ay magpakamatay ay nahuhulaan sa lebel ng kanilang pakikisama sa

lipunan (Tinto 1976, 91). Habang sa Durkheim's model ng pagpapakamatay, ang

indibidwal ay nagpapakamatay dahil sila ay kulang sa pakikisama sa lipunan, naisip ni


Tinto na ang pagda dropout at nangyayari dahil sa kakulangan sa pakikisama sa lipunan

ng mga mag-aaral sa iba't-ibang aspeto ng unibersidad. Patuloy na ipinagtatalo ni Tinto

na ang dropout ay maaring mangyari dahil sa kakulangan sa pakikisama sa lipunan o

pang-akademikong sistema sa unibersidad (Tinto 1975, 92). Base sa mahigit na

pananaliksik, binago ni Tinto ang teorya noong 1987 sa pagsama ng tatlong hakbang sa

paglipat mula sa isang komunidad tungo sa isa pa. Ang unang hakbang, paghihiwalay,

tumutukoy sa pagkahiwalay ng mag-aaral sa isang grupo para sumali sa iba. Habang sa

ikalawang hakbang, kung saan ang pagbabago, ang mag-aaral ay makikitungo sa mga

diin sa paghahabol sa bago, hindi kilalang kapaligiran. Sa huling hakbang ng

inkorporasyon ng mga mag-aaral ay naging palaban sa pagiging miyembro ng bagong

kapaligiran (McClanahan 2004, 3; Swail, Redd and Perna 2003, 46). Ang mahigit na

pagbago ng teoryang ito noong 1993 ay nadagdagan ng iba pang variable na nakaaapekto

sa panlipunan at akademikong pagsasama ng mga mag-aaral sa unibersidad. Ang mga

variable na ito ay paga-adjust, kahirapan, pagkakaiba, pag-iisa, bayarin, natutunan at

panlabas na obligasyon ng mga mag-aaral sa universidad (Tinto 1993, 45). Mas lalong

binago ni Tinto ang pagsasama samang teorya ng 1997 sa pagpopokus sa karanasan sa

silid aralan. Mula sa perspektibong ito, naisip ni Tinto na ang proseso ng pakikisalamuha

na nagaganap sa silid aralan ay nalalaman ang panlipunan at akademikong pagsasama

sama ng mga mag-aaral [CITATION Tin75 \l 13321 ].

Kaugnay na Literatura

Ayon sa GotQuestions (2020), ang tamang panahon sa pagaasawa ay magkakaiba

para sa bawat tao at sa bawat sitwasyon. Ang antas ng kahustuhan ng pagiisip at


karanasan sa buhay ang dalawa sa mga dahilan ng pagkakaiba-iba. May mga tao na

handa na sa pagaasawa sa edad na 18, habang ang iba naman ay hindi pa handa kahit

sumapit na sa ganitong edad. Dahil ang diborsyo sa Amerika ay lampas sa singkwenta

porsiyento (50%), makikita na maraming tao ang hindi itinuturing na pang hambambuhay

na relasyon ang pagaasawa.

Ang nagpaplanong mag-asawa ay kailangan ding tiyakin na kilala na nila ang isa't

isa. Dapat nilang malaman ang pananaw ng isa't isa tungkol sa pagaasawa, sa pinansyal,

sa mga partido ng magiging asawa, sa pagpapalaki ng anak, sa gawain ng asawang lalaki

at babae, kung isa lamang sa kanila o pareho silang magtatrabaho, at ang antas ng

espirtiwalidad ng magiging kabiyak [ CITATION Got20 \l 13321 ].

Ayon kay Bernaldo (2017), maraming salik para maging matagumpay ang

pagsasama ng isang mag-asawa. Tulad nang marami ring iba’t ibang dahilan kung bakit

maraming mag-asawa ang nagkakahiwalay.  Isa rin sa tinitingnan sa pag-aasawa ang

edad ng babae at lalaki na nais “lumagay sa tahimik.” Pero meron ba talagang tamang

edad sa pag-aasawa? Merong nag-aasawa sa edad na 18 anyos o 25 anyos pero

nagkahiwalay din sila ng kanilang napangasawa kinalaunan. Gayunman, meron din

namang mga nasa ganitong edad nagpakasal na naging matagumpay at tumagal ang

pagsasama bilang mag-asawa. Sa panig ng agham, sinubukang pag-aralan ng ilang

siyentipiko kung ano ang eksaktong tamang edad sa pag-aasawa para ito tumagal

habambuhay. Lumilitaw sa pananaliksik ng University of Utah sa United States na mas

magandang mag-asawa sa pagitan ng mga edad na 28 at 32-anyos para lumaki ang

tsansang tumagal ang pagsasama. Pinangunahan ng mananaliksik at sosyolohiko na si


Nick Wolfinger ang pag-aaral na tumataliwas sa paniniwala na mas malayong

magkahiwalay ang isang mag-asawa kapag nagpakasal sila o nagsama sa panahong

matanda na sila.  Natuklasan ng mga mananaliksik na mas mataas ang peligrong

magdiborsiyo o magkahiwalay ang babae at lalaking nagpakasal sa edad na napakabata

pa nila. Nababawasan ang peligrong ito sa mga hulihan ng mga edad na 20s at unahan ng

mga edad na 30s. Kung lampas ka na sa edad na 28 at 32-anyos nang magpakasal ka,

lumalaki muli ang peligrong magkahiwalay kayo ng iyong asawa. At higit pang tumataas

ang peligrong ito sa mas matatandang edad [ CITATION Ram17 \l 13321 ].

Ipinapaliwanag ba ng edad kung kailan nagsama ang mga premarital cohabitor

kung bakit sila may mas mataas na peligro sa pagkasira ng kanilang pagsasama? Ang

mga paliwanag sa tumaas na peligro ng pagkakasira ng pagsasama ng mga batang mag-

asawa ay nakasentro sa paghahanda sa papel ng pag-aasawa; para sa mga nagsasama

bago ikasal. Karamihan, kung hindi lahat, sa mga tungkuling ito ay nagsimula sa

magkasamang paninirahan, hindi sa kasal. Ang mga pagsusuri noong 1995, 2002, at

2006–2010 ng National Survey of Family Growth (N = 7,037) ay nagsiwalat na ang edad

sa ko-residens ay nagpaliwanag ng isang malaking bahagi ng mas mataas na peligro ng

pagpapawalang-bisa ng kasal sa mga premarital cohabitors. Sa mga paghahambing na na-

standardays ng edad sa ko-residens, ang pagkakaiba sa panganib ng pagkasira ng

pagsasama ng mga nagsama bago ikasal at ang mga nag-asawa nang walang naunang

pagsasama ("direktang mga pag-agaw") ay mas maliit kaysa sa paghahambing na na-

standardays ng edad sa kasal, at sa ilang mga modelo ang pagkakaiba na ito ay hindi

makabuluhan (Kuperberg, 2014).


Maraming mga pamilya ang nakakaranas ng mga problema sa pananalapi dahil

wala silang maayos na mga kasanayan sa pangangalaga ng pera at gumagawa sila ng

hindi matalinong mga pagpapasya tungkol sa kung paano gamitin ang kita at kredito

[ CITATION Nic20 \l 13321 ]. Ang hindi makontrol na mga kadahilanan tulad ng kawalan ng

trabaho ay maaaring magdagdag sa mga problema sa pananalapi ng pamilya. Ang

kakulangan sa komunikasyon ay maaaring magdulot ng mga problema kapag nawala ang

kontrol sa pamimili. Ang iba pang mga sanhi ng mga problema sa pananalapi ng pamilya

ay kinabibilangan ng pagkaadik, mga emosyonal na problema at stress na humantong sa

hindi makatwiran na mga paaran sa paggasta. Ang mga problema sa pananalapi sa

pamilya ay maaaring humantong sa stress. Ang ilang mga mag-asawa ay nag-aaway dahil

sa mga paraan ng paggastos sa halip na maghanap ng mga solusyon sa kanilang mga isyu

na may kaugnayan sa pera. Minsan ang mga hindi pagkakasundo tungkol sa pera ay

nagiging malala kaya humantong sila sa diborsyo. Maaaring makaramdam ang mga bata

na pagkaipit sa gitna ng mga argumento, at nakakaramdam ng pagkakasala kapag

nakikinabang sila sa mga pagbili, o pagkabigo kapag ang mga problema sa pera ay

pumipigil sa kanila sa pagkakaroon ng ilang mga bagay (Whitney, 2020).

Ayon naman kay Saikia (2017), ang mga batang gumagawa ng problema,

nakikipag-ungusan at hindi nakukuntento sa paaralan o sa ibang pang lugar ay kadalasang

galing sa broken family. Halos lahat ng mga batang nasa –bahay pag-asa o ibang social

centers dahil sa mga seryosong pagkakamali ay galing sa broken family kung saan

walang maayos na administrasyon at maayos na paninirahan. Ang broken family ay

kadalasang sinusundan naman ng problema sa pananalapi. Dahil dito, mas mataas ang

tiyansa na ang mga batang ito ay magnakaw [ CITATION Ruk17 \l 13321 ].


Hindi na nakakapagtaka na ang pagkakaiba sa istilo ng pangangalaga ng

pananalapi sa pagitan ng mag-asawa ay maaaring makasira ng pagsasama[ CITATION Set12

\l 13321 ]. Sa katunayan, hindi na kailangang maging kasal upang magkaroon ng

problema sa pananalapi ang magkasintahan. Maaaring magsama ang dalawa sa ilang taon

o di kaya ay kasalukuyang may kasintahan, ngunit ang relasyon sa pera ng bawat isa ay

dapat na malinaw. Kung mabilis na mag-aksaya ng pera ang isa, magiging dahilan ito

upang maapektuhan ang kasintahan at ang pagsasama ng dalawang nasa relasyon

[ CITATION Set12 \l 13321 ].

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa resulta na nakalap sa pananaliksik nina Belizon, Catindig, Mondejar,

Narvasa, at Ollero (2012), lumalabas na mas maraming mga magulang ang nagpakasal sa

edad na 18-25. 45.16% ng mga ama ang nagpakasal at 51.61% naman ng mga

ina ang nagpakasal sa nabanggit na gulang (18-25). Ang may pinakamababang porsyento

naman ay ang mga magulang na nagpakasal sa edad na 34 at pataas. Layunin ng

porsyong ito na malaman kung may makabuluhan nga bang epektoang pag-aasawa ng

mas maaga sa hiwalayan ng mga magulang [ CITATION Bel12 \l 13321 ].

Ang kakulangan sa kahandaan ay nakaaapekto sa pagpapalaki sa mga anak

[ CITATION Law13 \l 13321 ]. Ayon sa pag-aaral, dahil hindi pa sila handa sa emosyonal na

aspeto ng pagiging magulang, ang mga kabataang ina ay mas malayo sa kanilang mga

anak na syang nagiging dahilan ng mga behavioral problems sa mga bata. Ayon pa sa

ibang pag-aaral, ang mga batang isinilang ng mga kabataang ina ay maaaring magkaroon

ng kakulangan sa tamang nutrisyon, magkaroon ng academic difficulties at maging


biktima ng pang-aabuso at kapabayaan. Bukod dito, ang mga anak na lalaki ay sinasabing

may malaking tsansang masangkot sa mga gulo at makulong. Ang mga anak na babae

naman ay maaari ring maagang mabuntis gaya ng kanilang ina [ CITATION Law13 \l 13321 ].

Ayon sa mga naunang pag-aaral, isang importanteng dahilan ng

maaagang pagbubuntis na dapat pagtuunan ng pansin ay ang “mass media.” (Multiply,

2007). Ayon naman sa “2002Young Adult Fertility and Sexuality,” isang pag-aaral na

isinagawa ng University of thePhilippines at Demographic Research and Development

Foundation, 26% ng mga kabataangPilipino na may edad 15-25 ang nagsabing nagkaroon

sila ng pre-marital sex habang 38% ngmga kabataan ang nagsabing sila ay nasa live-in

arrangement.May kaugnayan dito, sinasabing 16.5 milyong Pilipino ang kabilang sa mga

may edad na labinlima hanggang dalawampu’t apat at 30% sa mga ito ang dumadaan sa

suliranin ngmaagang pagbubuntis at sa edad na dalawampo 20% na sa mga ito’y mga ina

na [ CITATION Kar12 \l 13321 ].

Sa isang pag-aaral mula kina Papp, Cummings, & Goeke-Morey (2009), nakasaad

na ang pera ay ang hindi pinakamadalas na isyu na nagdudulot ng alitang mag-asawa sa

tahanan. Subalit, kung ikukumpara sa ibang mga problema na hindi tungkol sa pera, ang

alitang mag-asawa na tungkol dito ay mas malala, laganap at bumabalik. Isinaad nina

Robila at Krishnakumar (2005), na ang mas mataas na antas ng economic pressure ay

konektado sa mas mataas na antas ng alitang mag-asawa. Natuklasan nina Hardie at

Lucas (2010), na ang mga kadahilanang pang ekonomiya na ito ay important predictors

ng alitan sa parehong kasal at mga cohabiting couples at ang economic pressure ay may

kinalaman sa mas maraming alitang mag-asawa at cohabiting couples. Sinusuportahan ng


mga pag-aaral na ito ang katunayan na ang economic pressure ay nakakadagdag sa

alitang mag-asawa [ CITATION Bal17 \l 13321 ].

Kung titignan mula sa aspeto ng pagkakaiba-iba at pagkategorya ng kahirapan,

totoo na iminumungkahi na ang karamihan ng mga mahihirap na broken family sa mundo

ay nasa ilalim ng kahirapan sa ganap at talamak na kahirapan [ CITATION Öme16 \l 13321 ].

Gayundin, maaaring masabi na ang kamakailan lamang na pagpapalakas ng kamalayan

ng estado sa lipunan sa mga maunlad na bansa at sa bansang Turkey ay higit na

nabawasan ang panganib sa mga mahihirap ma broken family na maitulak sa ganap na

kahirapan. Lahat ng mga negatibong sitwasyon na nalalapat sa mga mahihirap ay

maaaring maipahayag para sa mga broken family. Gayunpaman, ang bigat ng kahirapan

sa mga pamilyang ito ay higit pa kumpara sa ibang mga pamilya. Sa mga broken family,

ang penomena ng kakulangan sa salapi ay nagpapakita ng iba’t ibang kakulangan,

kahirapan, hindi pag-unlad at kababaan. Ang kahirapan na ito ay isang problemang

panlipunan at ang kombinasyon ng problemang ito sa pagiging broken family ang

magiging dahilan ng paglitaw ng mga dramatikong kwento sa buhay. [ CITATION Öme16 \l

13321 ]

Kawalan ng trabaho, ito ang nagdudulot sa kahirapan [ CITATION Nic16 \l 13321 ].

Ukol sa ating ekonomiya at sa overpopulation, hindi na sapat ang bilang ng trabaho sa

dami ng mga nagtatapos. Dahil ditto, wala silang pagkakakitaan upang masuportahan ang

kanilang mga pamilya sa pang araw-araw na pangangailangan [ CITATION Nic16 \l 13321 ].


Paradigma ng Pag-aaral

1. Profayl ng mga Mag-aaral


Ang epekto ng pagkakaroon ng
1.1 Edad ng magulang noong
broken family sa akademikong
nag-asawa
performans ng mag-aaral.
1.2 Estado sa buhay

Hinuha
Definisyon ng mga Terminolohiya

Broken Family - anumang tahanan na kung saan ang isa o parehong mga magulang ay

hindi nakatira kasama ng mga bata sa isang normal na relasyon ng pamilya. Ang

paghihiwalay ay maaaring dahil sa edad ng magulang noong nag-asawa at estado sa

buhay.

Akademikong Performans – Dito nasusukat at masasabi kung maganda ba ang

ipinapakita ng mag-aaral sa paaralan.

.Diborsyo - legal na pagpapasawalang-bisa ng kasal ng mag-asawa at lahat ng

obligasyong nakapaloob dito.

Nuclear Family - Ang isang karaniwang pamilya ay binubuo ng tatay, nanay at mga

anak na pinag-iisa ng pagmamahal.

Extended Family - Pamilyang binubuo hanggang sa lolo’t lola.

Conjugal Family - Pamilyang binubuo lamang ng nanay at tatay.


Mga Tala sa Kabanata II

Balba at Castronuevo. (2017). Kasal-Sakal: Alitang Mag-Asawa. The Bedan Journal of

Psychology 2017, 27-28.

Belizon, Catindig, Mondejar, Narvasa, at Ollero. (2012, Pebrero). www.google.com.

Retrieved from www.scribd.com:

https://www.scribd.com/doc/111903375/Thesis-sa-Filipino-docx

Bernardo, R. M. (2017, September 23). www.google.com. Retrieved from

www.philstar.com: https://www.philstar.com/pang-masa/punto-

mo/2017/09/23/1742156/tamang-edad-sa-pag-aasawa

Cruz, L. (2013, Pebrero 27). www.google.com. Retrieved from www.scribd.com:

https://www.scribd.com/doc/127533521/Maagang-Pagbubuntis-Pananaliksik

GotQuestions. (2020). www.google.com. Retrieved from www.gotquestions.org:

https://www.gotquestions.org/Tagalog/tamang-panahon-pagaasawa.html

Kuperberg, A. (2014, March 4). www.google.com. Retrieved from

www.onlinelibrary.wiley.com:

https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/jomf.12092

Leynes, N. (2016). www.google.com. Retrieved from www.nicoleleynes.atavist.com:

https://nicoleleynes.atavist.com/kahirapan

Meyers, S. (2012, Desyembre 6). www.google.com. Retrieved from

www.psychologytoday.com: https://www.psychologytoday.com/us/blog/insight-

is-2020/201212/how-financial-problems-stress-cause-divorce
Nidoy, K. (2012, Hulyo 19). www.google.com. Retrieved from www.scribd.com:

https://www.scribd.com/doc/100498233/Maagang-Pagbubuntis

Saikia, R. (2017). Broken family: Its causes and effects on the development on children.

International Journal of Applied Research 2017, 446.

Spady. (1977). www.googe.com. Retrieved from www.researchgate.net:

https://www.researchgate.net/publication/272579348_Theoretical_perspectives_o

n_factors_affecting_the_academic_performance_of_students

Tinto. (1997). www.google.com. Retrieved from www.researchgate.ne:

https://www.researchgate.net/publication/272579348_Theoretical_perspectives_o

n_factors_affecting_the_academic_performance_of_students

Whitney, N. (2020). www.google.com. Retrieved from www.sapling.com:

https://www.sapling.com/6383353/family-financial-problems

Wilkinson. (1995). www.google.com. Retrieved from www.digitalcommons.calpoly.edu:

https://digitalcommons.calpoly.edu/cgi/viewcontent.cgi?

referer=https://www.google.com/&httpsredir=1&article=1012&context=socssp

Yusufoğlu, Ö. Ş. (2016). www.google.com. Retrieved from www.dergipark.org:

https://dergipark.org.tr/en/download/article-file/206040?

fbclid=IwAR2ylgyFHF6sptaGeE416pNiqy_ZUpwC2-

DJr8W7FgBX6cz_L0xOEk_W23U

You might also like