You are on page 1of 32

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

EPEKTO NG PAGKAKAWATAK-WATAK NG PAMILYA SA PAG-AARAL


NG MGA UNANG TAONG MAG-AARAL SA PHILIPPINE NORMAL
UNIVERSITY MINDANAO

Isang Riserts Proposal na Iniharap


sa Fakulti ng Panggurong
Debelopment
Pamantasang Normal ng Pilipinas-Mindanao

Bilang Parsyal na Pagpapatupad sa


Kahilingan ng GEDFil01
(Filipinohiya sa Ibat-ibang Disiplina)

Gomez, Marvin Lipao, Generose B.


Jamero, Jean Yvonne S. Mantong, Noriley D.
Jamito, John Paul U. Monin, Mecha Teresa M.
Limbaga, Edelyn Joy L. Moscosa, Glydell A.

Disyembre2018
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

TALAAN NG NILALAMAN

Talaan ng Nilalaman ………………………………………………………..............i

Listahan ng mga Pigura……………………………………………………………..ii

Tsapter 1: Ang Suliranin at Mga Literature….…………………………...............1

A. Kaligiran ng Pag-aaral……………………………………………………………1

B. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura…………………………………………2

C. Layunin ng Pag-aaral…………..…………………………………………………10

D. Batayang Konseptwal……… ……………………………………………………11

E. Lawak at Delimitasyon …………………………………………………………..12

F. Pagpapakahulugan………………………………………………………………..12

Tsapter 2:Mga Pamamaraan…………………..…………………………………13

A. Kwalitatibong Desinyo at Metodolohiya………………………………. ………14

B. Lugar ng Pagsasagawaan ng Pananaliksik ……….…………………….. ………15

C. Pamantayan sa Pagpili ng mga Kalahok…………………………………………15

D. Pangongolekta ng Datos…………………………………………………………16

E. Pagsusuri ng mga Datos………………………………………………………….16


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

F. Gampanin ng Mananalisik………………………………………………………..17

G. Pamamaraan sa Pag-validate……………………………………………………..18

H. Potensyal na mga Isyu sa Etika…………………………………………………. 19

Mga Referens ……………………………………………………………................21

Apendiks ……………………………………………………………………………24

A. Liham Para sa Guro ……………………………………………………………...25

B. Liham Para sa Kalahok…… ……………………………………………………. 26

C. Talatanungan ……………………………………………………………………..27

Curriculum Vitae …………………………………………………………..............28


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

TSAPTER 1

ANG SULIRANIN AT MGA LITERATURA

I.Kaligiran ng Pag-aaral

Lahat ng mag-aaral ay humaharap sa iba’t ibang aspeto ng problema na

nagpapahirap sa kanila. Oras, pera, pag-asang magkaroon ng trabaho sa hinaharap at

relasyon sa pamilya ay isa sa mga salik na nagpapahirap sa mga mag-aaral. Ang mga

payo na binibigay ng isang magulang upang masolusyunan ang mga ito ay hindi

naiibsan ang presyon ng isang mag-aaral.

Sa America halos sampung porsyento (50%) ng mga bata ang biktima ng

paghihiwalay ng mga magulang dahil legal ang deborsyo sa nasabing bansa, habang

malapit naman sa kalahati nito ang mga batang biktima ng paghihiwalay ng mga

magulang sa pangalawa nilang asawa (Furstenberg, F.F., Nord, C.W., Peterson, J.L.,

and Zill, N. ,1983). "The Life Course of Children of Divorce." American Sociological

Review 48(5): 656-668.).

Samantala, sa ulat ng 24 Oras ng GMA News noong ika-21 ng Pebrero taong

2014 pinahayag ng Philippine Statistics Authority na isa sa limang mag-asawa sa

bansa ay magkahiwalay. Sa taong 2012 pa lang, 10,528 na mga kaso na ang isinampa

para sa pagpawalang-saysay at pagpapawalang-bisa ng mga kasal, ito ay katumbas ng

28 na mga kaso araw-araw.


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

Sa Institusyon ng Philippine Normal University-Mindanao, isa sa mga

kinahaharap ng mga mag-aaral ay ang pagkakaroon ng di kompletong pamilya na

magpapakita ng pagmamahal at pag-aaruga. Kahit na maraming opinyon mayroon

ang paksang ito, di-mapagkakaila na malaki ang epekto sa isang mag-aaral ang

pagkakaroon ng watak-watak na pamilya.

Ayon kay Seven (2010), “Hindi mabubuo ang pagkatao ng isang kasapi ng

pamilya kung walang sapat at makabuluhang kalinga at gabay ng magulang. Masasabi

nating hindi makabubuti sa bawat isa at sa lipunang ating ginagalawan ang broken

family. Sapagkat ang pamilya ang daan sa pagiging balanse ng bawat bagay dito sa

lipunan. Ang pamilya ay sumasalamin sa tamang gawi at pagtupad ng mga pangarap

hindi lamang sa pag-unlad ng sarili bagkus para sa lipunan din”.

Kung gayon, mas malaki ang problemang hinaharap ng mag-aaral na

nakakaranas ng watak-watak na pamilya. Sa larangan ng pag-aaral at sa sikolohikal na

status. Kung marunong ang isang mag-aaral na pakipagsabayan sa loob ng paaralan

marahil gayundin sa larangan ng presyon na tinatamasa nito. Marami ang nag-iisip na

ang malaking problema ay nangangailangan ng malaking solusyon. Ngunit ang totoo,

isang simpleng sikolohikal na interbensyon ang may malaking epekto sa pag-usad ng

isang mag-aaral.
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang pamilya ay may importanteng gampanin. Masasabing may mabuting

magulang sa isang pamilya kung alam na niya sa simula pa lamang ang mga

responsibilidad, mga pagsubok at mga problemang kakaharapin bilang isang

magulang. Karamihan sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang pagpahalaga sa

pamilya, kanilang pamilya. May iilan na swerte sa pamilya kahit kapus sa pera sa

kabilang banda may mga pamilya naman na may kaya ngunit ang mga miyembro ay

di nababatid ang saya sapagkat maaring hindi buo o watak ang kanilang pamilya. At

ito ay isa sa mga problemang panglipunan, ang sanhi at bunga ng pagkakaroon ng

wasak na pamilya.

Ayon kay Leynes (2016), “Ang Pamilya ang itinuturing na pinakamaliit na

yunit ng isang pamayanan. Ito ay isang malaking bahagi sa buhay ng tao na hindi

kailanman mababago sa mundo. Ito ang humuhubog sa pagkatao ng bawat

miyembronito. Walang sinuman ang makakapalit sa ama, ina, at mga kapatid ng isang

tao. Napakalaki ng impluwensya ng pamilya sa buhay ng isang tao, sapagkat

ditonatututunan ng isang tao ang mga kauna- unahang aral na kailangan sa buhay. Sa

pamilya unang nararamdaman ang pagmamahal, kasiyahan, kalungkutan, at

inspirasyon. Dito unang nahuhulma ang pagkatao at personalidad ng bawat

miyembro ng pamilya”.
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

Ano nga ba ang mga dahilan ng pagkasira ng isang pamilya? Ayon kay Saikia

(2017) ang mga pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng isang sirang pamilya ay

diborsyo, pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, di-pagkakaintindihan ng mga

miyembro ng pamilya, maling pangangasiwa sa loob ng pamilya at ang impluwensya

ng magulang o kaibigan.

Maraming sanhi ang pagkasira ng pamilya isa na rin dito ang di masyadong

pagbibigay ng oras sa isat-isa dahil sa trabaho. Paglaho ng pagmamahal at pagkawala

ng oras sa pagtatalik. At ang higit na popular sa lahat ng sanhi ng pagkawatak-watak

ng pamilya sa ating lipunan ay ang diborsyo at pangingibang bansa para sa pamilya.

Sapagkat ayon kay Sister Eustacia J. Rosal sa kanyang pag-aaral “Education

for Family Life in the Philippines”, ang pangunahing dahilan ng pagkakalayo ng

pamilya ay ang pagkahilig sa material na bagay. Dahil sa paghahangad dito,

nalilimutan na ang Panginoon na siyang pinaniniwalaang gumagabay sa bawat

indibidwal. Ang teoryang ito ay totoo sa ilang pamilya ngayon. Ito ang dahilan kaya

napipilitan ang ilang pamilya o mga magulang na mag-abroad o mangibang bansa

upang madagdagan pa ang mga material na bagay na mayroon sila. Ayon nga kay

Belowan (2017) ang aspetong ispiritwal kapag hindi napangasiwaan nag maayos ay

nagiging dahilan ng pagbabago ng ugali ng kabataan.

Bilang karagdagan iminungkahi rin ni Tejada sa kanyang pananaliksik na ang


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

karamihan sa mga sanhi sa paghihiwalay ay nagkakaroon ng mga third party

sa magkabilang panig ng mga magulang, na nagiging sanhi ng pagkalito sa bahagi ng

bata. Ang iba pang mga kadahilanan ay maaari ring kawalan ng pakiramdam ng pag-

ibig sa bawat isa na dumating na sa kasunduan na sila ay maghiwalay.

Panghuli, isinaad rin ni Campbell (1932) sa kanyang sa kanyang libro na

pinamagatang “The Effect of the broken home upon the child in school” na ang

paghihiwalay ng isang mag-asawa ay maaaring dahil sa kamatayan, diborsiyo,

desersyon, at iba pa.

Ano nga ba ang epekto ng pagkakaroon ng isang sirang pamilya sa kalagayan

ng mga miyembro nito? Nakakaapekto ba ito sa akademikong perpormans ng isang

mag-aaral?

Ayon kay Yahaya (2012) ng Nazarawa State University, Keffi, ang mga

miyembro ng isang sirang tahanan ay maaaring hindi mapaunlad ang kanilang

intelektwal, moral, emosyonal, pisolohikal, ekonomikal, pisikal at social na

kakayahan. Kung kaya’t malaki ang epekto ng pagkakaroon ng buo at sirang pamilya

sa kalagayan ng mga miyembro nito.

Isinaad rin Saikia (2017) sa kanyang pananaliksik ang epekto ng pagkakaroon

ng isang broken family sa edukasyon ng isang batang biktima nito, binigyang-diin

niya ang emosyonal na epekto ng pagkakaroon ng sirang pamilya ay maaaring sapat


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

na upang sumugpo sa akademikong pagganap ng isang mag-aaral, habang ang

mga pagbabago sa pamumuhay at kawalang-tatag ng sirang pamilya ay maaaring

magbigay ng kontribusyon sa mahinang pang-edukasyon.

Sinangayonan naman ito ni Tejada (2017) sa kanyang meta-analysis, mula sa

pananaliksik nina Amato at Keith (1991), na sa 92 na mga pag-aaral na isinagawa

noong dekada 1980 at sa 67 na pag-aaral na isinagawa noong 1990s (Amato,2001).

Kung ikukumpara ang kagalingan ng mga bata mula sa mga sirang pamilya at buong

pamilya, makikitang ang mga bata mula sa mga sirang pamilya ay makabuluhang mas

mababa ang mga marka sa iba't ibang mga larangan kabilang na sa pang-edukasyon

na tagumpay, pag-uugali, sikolohikal na pagsasaayos, konsepto sa sarili, kakayahang

panlipunan at sa kalusugan kaysa sa mga batang nag mula sa buong pamilya.

Ipinapakita rin ng pag-aaral na ang mga bata mula sa mga sirang tahanan ay mas

makakaranas ng mas mataas na posibilidad na masangkot sa paggamit ng droga,

kriminalidad, maling pagpapakasal at depresyon.

Pinatunayan din ito ni Havenmann (1990) kung saan binigyang diin na. Ang

mga bata mula sa diborsiyadong pamilya ay halos limang beses na mas nagdudusa sa

mga “mental troubles” kaysa sa mga batang nakatira sa isang buong tahanan. Ito ay

nagpapakita na mas mainam na ang dalawang magulang ang magpapalaki sa kanilang

anak kaysa sa isa lamang. Ang mga bata na nagmula sa mga nasirang pamilya ay

maaaring magkaroon ng mahirap na panahon sa buhay. Ang mga anak ng diborsiyado


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

na mga magulang ay halos dalawang beses na may posibilidad na mag-drop

out sa paaralan kaysa sa mga anak na nakikinabang sa pamumuhay ng mga magulang

na hindi diborsiyado. Ang ilang mga bata mula sa mga pinagtatalunang kasal ay

malaki ang tsansang lumiko sa pang-aabuso sa droga o iba pang mga negatibong pag-

uugali.

Subalit salungat naman ito sa pananaw ng “Health. How Stuff Works”, isang

blog ukol sa “pregnancy and parenting” ayon sa kanila hindi nangangahulugang lahat

ng mga batang pinalaki ng solong magulang ay babagsak sa pare-parehong kapalaran.

Ang mga batang naninirahan kasama ng byudang ina ay magkakaroon ng ibang

karanasan sa mga batang naghiwalay ang mga magulang o hindi kinasal depende sa

kasunduang napag-usapan ng dalawang kampo. Mayroon ding mga taong nahuhubog

ng maayos, nakatatapos ng pag-aaral at lumalaking may mabuting relasyon sa kapwa

sa kabila ng mga pagsubok na dinaranas sa pagkakaroon ng single parent families.

Dagdag pa rito, iminungkahi din ni Richards (2007) na ang mga batang

biktima ng isang pamilyang magkahiwalay o diborsiyado ay maaring magkaroon ng

mas mabuting pananaw sa buhay. Maaari silang maging likas na matulungin, maalaga

at mapagpalaya. Sapagkat ang kanilang eksperyensiya ay maaaring makapagpaunlad

ng kanilang kakayahang praktikal tulad na lamang ng kakayahan sa paglutas ng mga

suliranin (problem solving).

Sinangayonan din ito ni Tolentino (2014), ayon sa pa nga kanya “hindi


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

hadlang ang pagkakaroon ng sirang tahanan upang magtagumpay pa rin sa

buhay bagkus ito ay dapat na magsilbing motibasyon upang mapatunayan sa lahat na

kahit hindi buo ang pamilyang kinabibilangan ng isang indibidwal ay kaya pa rin

nitong maituwid ang landas na kanyang tinatahak. Ayon pa sa kanyang hinuha

“nararapat pa ring sumunod sa magulang at lalo pa’t silang mahalin, huwag nang

magpokus sa kung ano ang wala bagkus pagyamanin pa at mahalin kung ano ang

meron”.

Patunay nito ang pag-aaral na ginawa ni Jonathan Louis Herbolario na may pamagat

na “The Relationship of Single Parent Familyhood and Two ParentFamilyhood on

School Discipline and Academic Performance “, bagama’t lumabas na mas

disiplinado ang mga batang lumaki sa tahanang buo ang pamilya kaysa sa mga batang

lumaki sa mga sirang tahanan ay wala pa rin naman itong kasiguraduhan.

Base naman sa usapin sa perpormans ng mga mag-aaral, ang mga mag-aaral

na miyembro ng isang watak na pamilya ay hindi apektado sa kanilang pag-aaral.

Isinasaad din na ang mga parehong magulang (single parenthood man o complete) ay

hindi nagkukulang o lumiliban sa mga obligasyon sa eskuwelang dapat nilang punan.

Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa 400 mag-aaral ng Saint Louis UniversityLaboratory

High School sa 1994-1995.(http://dspace.slu.edu.ph/handle/123456789/122).

Samantala, sa isang pag-aaral ni Tarroja (2010) mula sa libro ni Medina


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

(2001), isinaad niyang mula sa resulta ng 1996 Philippine Values Survey ng

Social Weather Station (SWS) na nagsasaad na “98.86% ng Pilipinong kalahok sa

surbey ay naniniwalang ang pamilya ang pinakamahalagang bahagi ng kanilang

buhay, 95% naman ang naniniwalang kailangan ng isang bata ang kompletong

magulang upang maging masaya at 87.58% naman ang tutol sa paniniwalang ang

kasal ay makalumang tradisyon na” mahihinuhang ang pagkakaroon ng isang sirang

pamilya ay katumbas ng paghihirap sa emosyonal, sa pag-uugali at sa kasiyahan ng

isang bata na mga karaniwang may epekto sa pag-aaral ng isang estudyante. Hindi

maikakaila na ang pagtaas ng bilang ng isyu ng pagkasira ng tahanan ay

nakakaalarma. Malinaw na maaari itong makaapekto sa isang indibidwal, mabuti man

o masama.

Ayon naman sa pag-aaral ni Tamayo (2012), “Ang relasyon ng bawat

miyembro ng isang pamilya ay napakahalaga sapagkat ito ang pundasyon ng

pakikipag-ugnayan ng bawat miyembro sa isa’t- isa. Matatag na pamilya ang

pundasyon ng lahat ng mga dakilang bansa.

Nakatutulong ito sa paghubog ng pagkatao ng bawat miyembro ng pamilya.

May mga katangiang kailangan sa pagkakaroon ng matatag na pamilya. Una, ang

may pananagutan sa bawat miyembro at pagpapakita ng pagpapahalaga sa isa’t – isa.

Ikalawa, ang pagkakaroon ng mabuting komunikasyon at pagsasama-sama ng

pamilya. Mahalaga ang mga nasabing katangian dahil ito ang nagbubuklod at
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

nagpapatibay sa relasyon ng bawat miyembro ng pamilya”.

Ginagawa ng magulang lahat ng kanilang makakaya. Ngunit minsan ang

magulang ay may hindi magandang pinagdaanan, kinulang sa kalinga ng kanila ring

magulang o may nararamdamang takot mula sa nakaraan na nakakaapekto sa

paghubog ng asal ng isang anak. Ayon kay Janitez (2015), “Sa pamilya nag uumpisa

ang pagkatao ng bawat isa, pati na rin ang paghubog ng katauhan. Kung kaya nama’y

napakahalaga ng pag-aaruga ng magulang”.

“A strong family and home is a place where children gain the identity,

discipline, and moral education that are essential for their full individual

development” (Mclanahan, 1994). Ang paghubog sa bata ng mga magulang ay hindi

lamang upang protektahan ang isang bata, kundi para tulungan ang lipunan patungo sa

isang maayos na hinaharap, ito ay nasasakatuparan sa pamamagitan ng edukasyon. Sa

huli, ang relasyon ng magulang ay napakahalaga, at nawa’y mapahalagahan.

III.Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng pagiging miyembro

ng isang broken family sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng Philippine Normal

University- Mindanao Campus.

Upang maging tiyak, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na:


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

1.Matutukoy ang mga karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng broken family ng mga

mag-aaral;

2.Masusuri ang mga epekto nito sa sikolohikal na pananaw ng bawat isa.

3.Mailalahad ang mga paraan kung paano nila tinugunan ito o sinulusyunan upang

maharap nila ang buhay na nais nilang makamtan.

4. Mailalarawan ang mga persepsyon ng mag-aaral kung paano nila buuin ang buhay

na nais nilang makamit sa hinaharap.

IV. Batayang Konseptwal

EPEKTO NG PAGKAKAWATAK-WATAK NG PAMILYA SA PAG-AARAL


NG MGA UNANG TAONG MAG-AARALSA PHILIPPINE
NORMAL UNIVERSITY MINDANAO

MAG AARAL NA
AKADEMIKONG NAKARARANAS
PERPORMANS NG DI BUONG
PAMILYA

MALIIT MATAAS
NA MARKA NA MARKA

PIGURA 1
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

Ang balangkas na ito ay naglalarawan at tumutukoy sa mga epekto ng watak-

watak na pamilya sa akademikong perpormans ng isang mag-aaral sa unang taon ng

PNU-Min. Ayon sa pananaliksik na gawa ng Group-seven (2010) na pinamagatang

“Broken Family” na binigyang pokus ang epekto ng watak-watak na pamilya, para

sakanila “hindi mabubuo ang pagkatao ng isang kasapi ng pamilya kung walang sapat

at makabuluhang kalinga at gabay ng magulang.” Kung gayon, malaki

angpangangailangan ng isang anak na tinataguyod ng isa sa magulang.

V. Lawak at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nalilimitahan lamang sa mga piling unang mag-

aaral ng Philippine Normal University – Mindanao na miyembro ng broken family.

Naglalayon din itong matapos bago matapos ang ikatlong semestre nang unang taon.

Nakapokus lamang ito sa epekto ng pagkawatak-watak ng pamilya sa akademikong

perpormans ng mga piling mag-aaral.

VI. Pagpapakahulugan

Sirang Pamilya (Broken Family). Tumutukoy bilang anumang pamilya na kung

saan ang isa o parehong mga magulang ay hindi nakatira kasama ang bata sa

isang normal na relasyon ng pamilya.


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

Akademikong Perpormans. Tumutukoy sa GPA ng mga piling unang taong mag-

aaral ng PNU-Min na miyembro ng isang sirang pamilya.


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

TSAPTER 2

Mga Pamamaraan

I.Kwalitatibong Desinyo at Metodolohiya

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa Epekto ng Pagkakawatak-watak ng

Pamilya sa Pag-aaral ng mga Unang Taong Mag-aaral sa Philippine Normal

University- Mindanao Campus. Ang kwalitatibong pananaliksik na ito ay gagamitan

ng deskriptibong desinyo upang matugonan ang mga layunin ng pag-aaral. Ang

disenyong ito ang napiling gagamitin para sa epektibong pagsasagawa ng

pananaliksik. Sapagkat nilalayon ng mga mananaliksik na makapangalap ng mga

mahahalagang datos mula sa mga kasagutan ng mga impormante mula sa gagawing

pakikipanayam.

Samantala upang mabigyang-katuparan ang nasabing disenyo ang mga

mananaliksik ay gagamit ng metodolohiyang pakikipanayam. Upang makakuha ng

impormasyon sa mga kalahok na may awtoridad at may personal na pag-unawa sa

paksa ng pananaliksik ukol mga dahilan ng pagkakaroon ng broken family, ang

epekto nito sa kanilang pag-aaral at kung paano nila nasolusyonan ang problemang

ito. Ang gagawing pakikipanayam ay gagamitan ng semi-structured interview o

pakikipanayam na bahagyang nakabalangkas na mas magbibigay ng kontrol sa mga

mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy ng panayam. Dahil ito ay semi-


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

structured interview, gagamit ang mga mananaliksik ng mga gabay na tanong

upang maging sistematiko ang daloy ng panayam ngunit hindi strikto ang pagsunod

dito at magpapaubaya lamang sa pagpapailalim at pagpapalawak ng tanong na

nagmumula sa impormasyong ibinigay ng kakapanayamin.

II. Lugar ng Pagsasagawaan ng Pananaliksik

Ang lugar ng pananaliksik sa pag-aaral na ito ay sa Philippine Normal

University kung saan nag-aaral ang mga magiging piling kalahok, na matatagpuan sa

Prosperidad, Agusan del Sur, Mindanao.

Pigura 2. Mapa

ng Philippine Normal University


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

III. Pamantayan sa Pagpili ng mga Kalahok

Upang makakuha ng impormasyon ang mga mananaliksik ukol sa paksang

“Epekto ng Pagkakawatak-watak ng Pamilya sa Pag-aaral ng mga Unang Taong Mag-

aaral sa Philippine Normal University- Mindanao Campus” gagamit ng Extreme (or

deviant) case sampling isang uri ng purposive sampling. Ito ang angkop

sapananaliksik na gagawin dahil ito’y kapaki-pakinabang sapagkat ang nasabing

sampling ay kadalasang magbibigay ng makabuluhang pananaw sa isang partikular na

penomenon, na maaaring magbigay ng datos na magiging gabay sa kakaharaping

pananaliksik. Dagdag pa rito, ang sampling na ito ay sasalamin sa pinakadalisay at

malinaw na pananaw sa penomenon na pag-aaralan.

Ang magiging kalahok ng pananaliksik na ito ay mga piling unang taong mag-

aaral ng OBTEC 2.0 sa Akademikong Panuruan 2018-2019 ng Philippine Normal

University na miyembro ng isang broken family.

IV. Pangongolekta ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ang mismong kakalap ng mga impormasyon na

gagawin sa paraang pakikinayam upang lubos na maunawaan at makakalap ng mga

pangunahing datos (primary data) na gagamitin sa gagawing pananaliksik.

Upang matukoy ang mga karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng broken

family, upang masuri ang mga epekto nito sa pang-akademikong perpormans ng mga
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

piling kalahok at mailahad ang iba’t ibang mga paraan kung paano

matutugunan ang gayong kalagayan isang naka-skedyul na panayam ang gagawin ng

mga mananaliksik.

V. Pagsusuri ng mga Datos

Ang mga gagawing panayam ay irerekord sa pamamagitan ng mobile phone

ng mga mananaliksik. Ang transkripsyon ng mga gagawing panayam susuriin sa

pamamagitan ng constant comparative method nina (Glaser, 1976, 1993; Glaser

andStrauss, 1967). Ang mga datos ay susuriin sa pamamagitan ng open coding kung

saan ang mga datos na makakalap ay paghahambingin, at kakategoryahin. Ito’y

magagabay sa mga mananaliksik upang makamtan ang mga layuning nais

maisakatuparan at/o gagabay sa susunod na theoretical sampling decisions. Sa

pamamagitan ng open coding, matutukoy ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral na

miyembro ng broken family at susuriin rin ng mga mananaliksik ang akademikong

perpormans (academic performance) ng mga piling mag-aaral upang matukoy at

masuri ang epekto ng pagkakaroon ng broken family sa pag-aaral ng mga miyembro

nito.

Dagdag pa dito, ang mga makakalap na impormasyon ukol sa mga paraan

kung paano tinugunan o sinulusyunan ng mga respondante ang problemang kanilang

kinakaharap upang makamtan ang buhay na nais nilang makamit ay iko-code rin

upang makabuo ang mga mananaliksik ng konsepto at/o teorya mula dito.
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

VI. Gampanin ng Mananaliksik

Ang papel ng mga mananaliksik sa pananaliksik na ito ay kritikal, habang mga

mananaliksik ay nangongolekta ng data at nagpapatupad ng pagtatasa (Creswell,

2007). Ang tungkulin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay tagapagmasid, dahil

ang mananaliksik ang pangunahing instrumento sa pagkolekta at sa pagpagtasa ng

datos na makokolekta, mako-code, at susuriin mula sa mga panayam kung saan ang

mga mananaliksik rin ang mga tagapag-panayam at sa mga narekord na obserbasyon

kung saan ang mga mananaliksik ay magiging tagapagmasid na gagamitan naman ng

direktang obserbasyon, bilang karagdagan ang mga mananaliksik mismo ang tagatala

ng kanilang mga makakalap na obserbasyon.

Upang makumpleto ang pag-aaral na ito, kailangan muna itong malaman ng

mga kasaling kalahok ng pananaliksik kung kaya’t ang mga mananaliksik ay

manghihingi muna ng pahintulot sa mga piling kalahok at sa institusyon kung saan ito

isasakatuparan. Ang mga tagapagsaliksik ay kailangang maging kritikal sa pag-aaral

na ito, kabilang na ang anumang mga biases at mga asumpsyon nila. Sa kahit

anumang sirkumstamsya inaasahan na ang karanasan ng mga mananaliksik ay

karapat-dapat sa kanilang kakayahang magsagawa ng pananaliksik.

Inaasahan ring bukod sa tagapagtanong, ang mga mananaliksik ay

tagapagpakinig, tagapagsiyasat, tagapagusisa at tagasuri rin ng mga makakalap na

datos. Mula rito, makakabuo ng mas malalim na antas ng paguusap ang mga
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

mananaliksik upang maging epektibo ang gagawing pananaliksik para

makabuo ng mga bagong konsepto at/o teorya na layon ng kwalitatibong pag-aaral na

ito. Sapagkat naniniwala ang mga mananaliksik na ang isang epektibong

mananaliksik ay may husay at naglalayong bumuo ng mga paglalarawan at mga

teorya mula iba't ibang mga mapagkukunan.

VII. Pamamaraan sa Pag-validate

Data triangulation ang gagamiting paraan ng mga mananaliksik upang ma-

validate at matugunan ang mga layuning nais makamtan. Ang mga makakalap na

impormasyon upang matukoy ang mga dahilan ng pagkakaroon ng broken family ng

mga piling mag-aaral ay ibeberipika sa pamamagitan ng pagkokompara ng mga tugon

ng mga kalahok. Samantala, susuriin naman ng mga mananaliksik ang akademikong

perpormans ng mga kalahok sa pamamagitan gagawing panayam at iuuugnay naman

ito sa kanilang paglalahad kung paano nila tinugunan o sinulusyunan ang problemang

nabanggit. Samantala ang mga marerekord na obserbasyon (recorded observation) ng

mga mananaliksik ay susuriin din upang mapatunayan ang kaangkupan ng mga

nakalap na datos mula sa panayam.

VIII. Potensyal na mga Isyu sa Etika


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro


Ang relasyon na itatatag sa pagitan ng mga mananaliksik at mga kalahok sa

gagawing pag-aaral ay maaaring lumikha ng iba't ibang mga etikal na alalahanin, at

ang mga mananaliksik ay maaaring makasalubong ng mga problema (dilemmas) sa

gitna ng paggawa ng pananaliksik kung kaya’t ang mga mananaliksik ay

gagalang sa pagkapribado ng mga kalahok, bubuo ng tapat at bukas na pakikipag-

ugnayan sa pagitan ng mga kalahok, at iiwas sa posibleng maling mga pagunawa.

Kung sakaling lumitaw ang mga mapaghamong sitwasyon kung saan ang mga

mananaliksik ay kailangang harapin ang mga kontradiktadong isyu, pipili ang mga

mananaliksik ng angkop na paraan upang masaayos ang nasabing problema. Sa

gayong mga kaso, ang mga di-pagsang-ayon sa iba't ibang aspeto tulad ng mga

kalahok, mga mananaliksik, disiplinang pansarili ng mga mananaliksik,

pangangatwiran at ng lipunan ay maaaring hindi maiiwasan. Kung kaya’t ang mga

mananaliksik ay isasaalang-alang ang mga sumusunod upang makagawa ng mahusay

na pananaliksik: pagiging kompidensiyal at kaalamang pahintulot sa institusyon kung

saan gagawin ang pag-aaral at sa mga mapipiling kalahok. (Richards and Schwartz,

2004)
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

MGA REFERENS

Amato, P.R. (2001) Children of divorce in the 1990s: an update of the Amato and
Keith (1991) meta-analysis. Journal of Family Psychology,15, 355-70

Belowan. (2017). “Dahil sa paghahangad dito, nalilimutan na ang Panginoon”.


Retrieved from
http://www.angelfire.com/freak2/valeriefeleo/sosyolohiya.html

Campbell, M. W. (1932). The Effect of the broken home upon the child in school. J.
Educ.Sociol.,5:274-281

Havemann, E. (1990). Divorce and New Beginnings. USA: John Wiley and Sons

Janitez, K. (2015). “Sa pamilya nag uumpisa ang pagkatao ng bawat isa, pati na rin
ang paghubog ng katauhan”. Retrieved from
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102004763.

Leynes, R. (2016). “Ang Pamilya ang itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang


pamayanan”. Nabanggit nina Marquez, et al. (2018). Mga Salik na
Nakakaapekto sa Relasyon ng Anak sa Magulang. Retrieved from
http://www.academia.edu/36234290/Mga_Salik_na_Nakakaapekto_sa
_Relasyon_ng_Anak_sa_Magulang_2018

Mclanahan, S. (1994). Divorce, Family Conflict, and Adolescents’ Well-being.


Journal of Health and Social Behavior, Vol. 30

Medina, B. (200 I). The Filipino family (2nd ed.). Quezon City: University of the
Philippines Press.
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

Meyerhoff, M. Understanding Family Structures and Dynamics. Retrieved


from https://health.howstuffworks.com/pregnancy-and-
parenting/understanding-family-structures-and-dynamics-ga.htm

Richards, M. (2007). Parental divorce and the life chances of children.


Family Law, 481-484

Rosal, E. (1948). Education for family life or principles of an educational


program for family life in the Philippines. Retrieved from
https://books.google.com.ph/books/about/Education_for_family_life_o
r_principles.html?id=3YqYswEACAAJ&redir_esc=y

Saikia R. (2017). Broken family: Its causes and effects on the development of
children. International Journal of Applied Research 2017; 3(2):445-448

Takumi, M. (Writer). Gozon, F. (Director). (2014). GMA News 24 Oras.


Philippines, GMA; News 7.

Tamayo. (2012). “Ang relasyon ng bawat miyembro ng isang pamilya ay


napakahalaga…” Nabanggit nina Marquez, et al. (2018). Mga Salik na
Nakakaapekto sa Relasyon ng Anak sa Magulang. Retrieved from
http://www.academia.edu/36234290/Mga_Salik_na_Nakakaapekto_sa
_Relasyon_ng_Anak_sa_Magulang_2018

Tarroja, M.C.H. (2010). Revisiting the Definition and Concept of Filipino


Family: A Psychological Perspective. PHILIPPINE JOURNAL OF
PSYCHOLOGY, 20I0,43 (2), 177-193

Tejada, K. (2017). THE EFFECTS OF SEPARATED PARENTS TO A


CHILDS’ WELL-BEING AND ACADEMIC PERFORMANCE –
CASE STUDY. Retrieved from
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro


https://lovediesblog.wordpress.com/2017/03/24/does-having-separated-
parents-negatively-affect-a-students-well-being-and-academic-
performance/

Tolentino 2014 Tolentino, A. (2016). Broken Family with Single Parent and
Adolescent. Retrieved from
https://edoc.tips/[PDF]/Broken/Fam/wi/Local/Lit/Na/Single/Parent/Ad
olescent

Yahaya, M. A. (2012). BROKEN HOME: CAUSES AND


CONSEQUENCES. Retrieved from
https://www.academia.edu/21987314/BROKEN_HOME_CAUSES_A
ND_CONSEQUENCES
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

APENDIKS A
LIHAM PARA SA GURO

March, 2019
FE A. QUISIL
Propesor
Philippine Normal University - Mindanao
Prosperid Agusan del Sur

Ma'am:
Magandang Araw!
Kami po ang Group 3 na mga estudyante ng OBTEC-AG-1-7 na kasalukuyang
nagsasagawa ng riserts na may pamagat na ““Epekto ng Pagkakawatak-watak ng
Pamilya sa Pag-aaral ng mga piling Unang Taong Mag-aaral sa Philippine Normal
University”” bilang bahagi ng katuparan ng mga pangangailangan ng asignaturang
Filipinolohiya sa Iba't-ibang Desiplina.
Kaugnay nito, kami po ay humihingi ng pahintulot na magsagawa ng panayam sa
mga piling unsang taong mag-aaral na miyembro ng isang broken family bilang
bahagi sa pangangalap namin ng datos para sa aming pananaliksik. Makakaasa po
kayo na ang mga datos na makalap sa pananaliksik na ito ay aariin na kompidensyal
at gagamitin lamang para sa tunguhin ng pananaliksik na ito.
Maraming salamat po sa inyong positibong tugon sa kahilingang ito.
Sumasainyo,

NORILEY D. MANTONG, et al.


Mananaliksik

Nabatid ni:
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro


PROF. FE A. QUISIL
Propesor

APENDIKS B
LIHAM PARA SA RESPONDENTE

______________
______________
______________
______________

Sir/Madam:
Magandang Araw!
Kami po ang Group 3 na mga estudyante ng OBTEC-AG-1-7 na kasalukuyang
nagsasagawa ng riserts na may pamagat na ““Epekto ng Pagkakawatak-watak ng
Pamilya sa Pag-aaral ng mga piling Unang Taong Mag-aaral sa Philippine Normal
University”” bilang bahagi ng katuparan ng mga pangangailangan ng asignaturang
Filipinolohiya sa Iba't-ibang Desiplina.
Kaugnay nito, kami po ay humihingi ng pahintulot na magsagawa ng isang panayam
sa iyo bilang isang miyembro ng broken family bilang bahagi sa pangangalap namin
ng datos para sa aming pananaliksik. Makakaasa po kayo na ang mga datos na
makalap sa pananaliksik na ito ay aariin na kompidensyal at gagamitin lamang para sa
tunguhin ng pananaliksik na ito.
Maraming salamat po sa inyong positibong tugon sa kahilingang ito.

Sumasainyo,

NORILEY D. MANTONG, et al.


Mananaliksik

Nabatid ni:
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

PROF. FE A. QUISIL
Propesor

APENDIKS C
SEMI-ISTRAKTYURD NA TALATANUNGAN

EPEKTO NG PAGKAKAWATAK-WATAK NG PAMILYA SA PAG-AARAL


NG MGA UNANG TAONG MAG-AARAL SA PHILIPPINE NORMAL
UNIVERSITY MINDANAO

• Saan ka nakatira ngayon?


_______________________________________________________________

• May komunikasyon pa ba kayo ng iyong magulang/ mga magulang na


nakahiwalay sa iyo?
_______________________________________________________________

• Nirerespeto mo pa din ba sila sa kabila nito?


_______________________________________________________________

• Mayroon bang agwat ang iyong pakikitungo sa iyong mga magulang?


_______________________________________________________________

• Paano ka nakikitungo sa iyong mga magulang?


_______________________________________________________________

• Ilang taon ka noong maghiwalay ang iyong mga magulang?


_______________________________________________________________

• Sinong sumusustento sa iyong pag-aaral?


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro


_______________________________________________________________

• Ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay?


_______________________________________________________________
• Sa iyong palagay, nakaapekto ba ang paghihiwalay ng iyong mga magulang sa
iyong pag-aaral?
_______________________________________________________________

• Ano ang iyong academic standing sa kasalukuyan / ano ang iyong GPA (kung
pahihintulutan ng kalahok)
_______________________________________________________________

• Naagapan mo ba ng maayos ang problemang iyong hinaharap sa kasalukuyan?


_______________________________________________________________

• Ano ang ginawa mong paraan upang maagapan ang iyong mga problema?
_______________________________________________________________

• Sino ang una mong nilalapitan sa tuwing ikaw ay may problema?


_______________________________________________________________

• Gaano kahalaga ang pamilya para sa iyo?


_______________________________________________________________
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

LISTAHAN NG MGA PIGURA

I. Pigura 1.
EPEKTO NG PAGKAKAWATAK-WATAK NG PAMILYA SA PAG-AARAL
NG MGA UNANG TAONG MAG-AARALSA PHILIPPINE
NORMAL UNIVERSITY MINDANAO

MAG AARAL NA
AKADEMIKONG NAKARARANAS
PERPORMANS NG DI BUONG
PAMILYA

MALIIT MATAAS
NA MARKA NA MARKA

II. Pigura 2
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro

Mapa ng Philippine Normal University

You might also like