You are on page 1of 21

KABANATA II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Nakalahad sa kabanatang ito ang rebyu ng mga kaugnay na pag-

aaral at literatura na kung saan ay sumasaklaw sa mga pananaliksik

at mga literaturang nakalimbag sa mga institusyong nakatuon sa

pag-aaral na ginamit ng mga mananaliksik bilang batayan sa kanilang

isinasagawang pag-aaral tungkol sa epekto sa pag-uugali, relasyong

pampamilya, at kakayahang panlipunan ng modernong paraan nang

pagpapalaki ng magulang sa kanilang mga anak. Ito ay upang

magabayan at masuportahan ng tuwiran ang layunin at hangarin ng

mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral na isinasagawa kabilang

ang mga kuwalipikadong respondente sa epekto ng modernong estilo

ng pagpapalaki ng magulang sa kanilang mga anak kasabay ng

modernong impluwensiya ng ibang bansa na nakaapekto sa kultura,

tradisyon, sosyo-kultural at maging sa sosyo-emosyonal na

kaugalian sa bansang Pilipinas.

LOKAL NA PAG-AARAL
Mahalagang Papel ng Magulang sa Paghubog sa Kanilang mga Anak

Ang mga magulang ang susi at gabay sa kinabukasan ng bawat

bata sa kanilang paglaki na direkta rin na nakakaapekto sa lipunang

kanilang ginagalawan. Nakadepende ang kakalabasang pag-uugali,

ugnayang relasyon, at kakayahang panlipunan nito sa uri ng

pagpapalaki ng magulang magmula sa unang yugto ng buhay na dadalhin

niya sa kanyang pagtanda lalo na sa kanilang pagbibinata o

pagdadalaga (Garcia at Santiago, 2017).

Ayon sa pananaliksik nila Garcia at Santiago, patungkol sa

uri ng pagpapalaki ng magulang na nakakaapekto sa paglaki ng bata

at lalo na sa kanilang pagpapahalaga sa sarili na inilathala sa

Our Lady of Fatima University, Philippines na pinamagatang

“Parenting styles as correlates to self-esteem of underprivileged

adolescents: basis for a proposed parenting skills program”, na

nagsasaad na ang panahon ng pagbibinata o pagdadalaga bilang

kabataan sa buhay ng tao ay ang panahon ng pagbabago sa kanilang

buhay sapagkat isinasaad dito na ang relasyong ugnayan ng mga

kabataang ito sa kanilang mga pamilya ay nagiging lubhang radikal

kesa maging mas malapit sa isa’t-isa at mas nagiging malapit sa

ibang tao sa kaniyang lipunan na makakaapekto sa kanilang pag-

uugali at kakayahang panlipunan lalo na ang uri ng pagpapalaki ng

magulang na isinasagawa sa loob ng tahanan mula sa maraming uri ng

pagpapalaki na mula sa pag-aaral ni Baumrind (1960) na nahahati sa


tatlong uri: ang Awtoritaryan na mayroong mahigpit na pagpapalaki;

ang Permissive na maluwag naman at kabaligtaran ng naunang uri ng

pagpapalaki at ang Awtoritatibo na pumapagitna rito sapagkat ito

ay maaaring maging mahigpit ngunit may pagka-maluwag sa

pagpapalaki ng kanilang anak o bata.

Tulad ng mga na-obserbahang resulta ng mga naturang

mananaliksik sa pag-aaral na ito ay magiging makabuluhan at basehan

ito sa pag-aaral na isinasagawa sa ngayon ng mga mananaliksik na

pinamagatang “Epekto sa Pag-uugali, Relasyong Pampamilya, at

Kakayahang Panlipunan ng Modernong Paraan nang Pagpapalaki ng

Magulang sa Kanilang mga Anak” sapagkat hangarin ng pag-aaral na

ito na malaman ang epektibong uri ng estilo na makakaapekto sa

paglaki ng bata sa ilalim ng modernong paraan ng pamumuhay at

pagpapalaki ng magulang. Ito ay bilang suporta na magkaroon ng

maayos na aplikasyon ang epektibong uri ng pagpapalaki ng magulang

sa bansang Pilipinas kasabay ng impluwensya ng ibang bansa at mga

batas na nauugnay sa pagpapalaki ng magulang na lubos na

makakaapekto sa katangian ng bata.

Ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa pagpapalaki sa

kanilang mga anak lalo na sa katangiang pag-iisip nito at sa

paghubog ng mga kasanayan sa panlipunang kakayahan at ang mga

resulta ng pag-unlad ng mga bata ay maaaring maging pang-mundong

kahalagahan (Alampay at Jocson, 2011). Ayon sa pananaliksik na


pinamagatang “Attributions and Attitudes of Mothers and Fathers in

the Philippines” noong 2011, nila Alampay at Jocson na inilathalata

sa Ateneo de Manila University, Philippines, ipinapaliwanag dito

ang aksyon at pagdidisiplina na ipinapamalas ng Pilipinong

magulang base sa ipinapakita nitong ugali sa kanilang mga anak at

ang kanilang epekto ng pagpapalaki sa tagumpay at kabiguan ng bata,

at kung anong ugnayan ang mayroon sa pagitan ng pamilya nito, kung

ito ba ay malapit o malayo ang relasyon sa isa’t isa sa ilalim ng

pagpapalaking awtoritaryan bilang mahigpit na magulang sa kanilang

anak.

Isinasaad dito na may iba’t-ibang baryante ang nakakaapekto

sa pag-uugali ng magulang at isa na dito ang Kultura at pagbabago

sa lipunan kasabay ng paglipas ng panahon, sapagkat ang mga

Pilipino ay may paniniwalang familism na kung saan ay itinuturing

na ang pamilya ang pinaka importanteng bagay sa mundo at ang pag-

uugali ng indibidwal na ipinapamalas ng miyembro ng pamilya ang

siyang sumasalamin sa kung anong klase ng pamilya meron ang isang

tao sapagkat ang bawat bata sa kanilang paglaki ay kakikitaan ng

mga kaisipan tulad ng “pakikipag-kapwa”, “kahihiyan sa sarili”,

“utang na loob”, na dumidikta sa lipunan ng Pilipinas kung ang

bata ba ay napalaki ng maayos o hindi. Inilahahad din sa pag-aaral

na ito na ang nanay ang mas nagpapakita ng modernong estilo ng

pagpapalaki sapagkat ipinapakita na ang Nanay sa modernong panahon

ay mas binibigyan ang mga anak nila ng karapatang magdesisyon para


sa kanilang sarili at kalayaan na ipahayag ang saloobin dahil sa

epekto ng globalisadong pamumuhay at lunsad ng mga ipinapakita sa

midya at mga pag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay lubusang makatutulong bilang suporta

sa isinasagawang pananaliksik sa kasalukuyan sapagkat isa sa mga

hangarin ng mananaliksik na malaman at matukoy kung ano ang epekto

ng modernong estilo ng pagpapalaki ng magulang sa pag-uugali at

relasyong ugnayan sa pagitan ng magulang at anak, nang sa huli ay

malaman kung ano ang magiging epekto nito sa kakayahang panlipunan

ng anak sa kanyang kapwa at sa sarili bilang parte ng nagbabagong

lipunan ng Pilipinas.

Korporal na Pagdidisiplina at Epekto nito sa Kabataan

Ang pagpalo ay isa sa mga paraan ng pagdisiplinang isinasagawa

ng mga Pilipinong magulang. Sinasabi mula sa lumang libro na

maaaring ang paraang ito ay namana sa mga banyagang nanakop sa

bansang Pilipinas. Makikita rin sa ilang mga libro gaya ng Noli Me

Tangere ang paggamit ng gamitong paraang upang disiplinahin ang

isang tao. Ang corporal punishment ay binigyang kahulugang

paggamit ng pisikal na lakas gaya ng pagpalo na may intensyong

magdulot ng sakit lalo na sa batang dinidisiplina na may layuning

itama at makontrol ang ugali nito (Strauss, 2001). Isa sa mga pag-

aaral patungkol dito ang isinagawa ni Bernice Vania N. Landoy na


pinamagatang “The Association between Parental Use of Physical

Discipline and Child Outcomes: A Literature Review” na naglalayong

malaman kung papaano naiuugnay ang gamit ng pisikal na

pagdidisiplina sa kinalabasan ng bata, tulad ng salik na naghubog

sa paggamit ng paraang pagdidisiplina na ito, at mga pagbabago na

nagbigay katuturan sa kaugnayan ng pisikal na pagdidisiplina at

kinalabasan ng bata. At ang resulta bunga ng kanyang pagsisiyasat

ay nagsasabing mula sa 85 na impirikal at konseptwal na pag-aaral

ay nagpapahiwatig na, sa isang tukoy na kultura, ang magulang ay

madalas na gumagamit ng paraang pisikal sa pagdidisiplina ng

kanilang anak at ito ay kaugnay at may kinalaman sa negatibong

resulta ng paglaki ng bata. Gayunpaman, ang kinahinatnan ng pag-

aaral na ito ay nagpapakita din na ang kaugnayan ng pagdidisplinang

pisikal at kahulugan ng pag-uugali ng magulang ay lubos na

magkapareho, ngunit pinapamagitan ng kultura at klase ng magulang

at anak.

Pagkakaiba at Pagkakapareho ng Pamilyang Pilpino

Ang gampaninng katalusan ng mga magulang sa paghuhubog ng

gawing pang sosyal at pagpapaunlad ng mental na aspeto ng bata ay

napakahalaga. Gayunpaman, karamihan ng pag-aaral sa ibang uri ng

sikolohikal na aspeto nito ay isinagawa sa mga kanluraning mga

bansa gaya ng sa United States. Minarapat ng mga mananaliksik na

pag-aralan ang katalusan ng mga ama at ina at kaakibat na kapalit


nito sa pagunlad ng kanilang anak. Ayon sa pag-aaral nina Liane

Peña Alampay at Maria Rosanne M. Jocson na pinamagatang

“Attributions and Attitudes of Mothers and Fathers in the

Philippine” na naglalayong siyasatin ang pangkaraniwang lebel ng

pagkakaiba-iba at pagkakapare-pareho ng mga pilipinong pamilya

lalo na ng pagpapalagay ng pilipinong ina at ama sa tagumpay at

kabiguan ng kanilang pag-aalaga sa kanilang anak at sa istilong

Authoritarian Parenting ay nakarating sa resultang mayroong

malaking pagkakaiba sa paraan ng pagpapalaki ng ina at sa paraang

ng pagpapalaki ng ama na kung saan mas mataas ang lebel ng

modernidad sa paraan ng isang ina kumpara sa lebel ng modernidad

sa paraan ng isang ama.

Mayroong malakas na ugnayan ang ugali ng ama at ng ina sa

aspetong authoritative. Ang kultural na pagpapaliwanag ay mayroong

kinalaman sa pagtuklas sa sosyokultural na kahalagahan na

nagpapayaman sa tradisyunal na pag-uugali at sumasang-ayon din na

may kinalaman sa paraan ng pagpapalaki ng magulang at pagsunod ng

kanilang mga anak, at sa pagkakaiba sa kasarian at gampanin ng mga

Pilipinong magulang.

Ang pagiging magulang ay itinuturing bilang mahirap at

mahalagang gampanin ng mga magiging ama at ina at ito’y masasabi

rin na isa sa mga importanteng hakbang ng kanilang buhay. Ito ay

pinatunayan ng mga Pilipinong may pamilya, na kung saan sinasabing


“Ang Pamilya ang Sentro ng Mundo” (Jocano 1998, p.11). At mula

naman sa siyentipikong pagpapahayag, ang pag-unawa ng magulang ay

mahirap at madugo sa pag-aaral ng pag-unlad ng isang tao, ngunit

karamihan sa mga pag-aaral na kung papaano pinalaki ng isang

magulang ang kanyang anak ay dulot ng ibat-ibang positibo at

negatibong resulta, mula paaralan at trabaho hanggang sa

antisosyal na pag-uugali at sakit sa pag-iisip (Collins et al.

20000).

Ayon kay Liane Peña Alampay sa kanyang pag-aral na

pinamagatang “Parenting in the Philippines” na naglalayong matukoy

ang iba’t-ibang aspeto ng mga magulag sa Pilipinas patungkol sa

magiging resulta ng kanilang estilo ng pagpapalaki sa ugali ng

kanilang mga anak. Lumabas sa pag-aaral ni Alampay na ang mga

magulang sa Pilipinas ay may iba’t ibang aspeto sa mga palatuntunan

ng mga kaalaman at pag-uugali tungo sa kanilang mga anak.


Banyagang Pag-aaral

Impluwensya ng Paraan ng Pagpapalaki ng Magulang sa Akademikong

Aspeto ng Kanilang mga Anak

Ang mga magulang, guro, at ang komunidad na may kinalaman sa

edukasyon ay ang mga pangunahing salik na interesado sa pagtukoy

sa mga dahilan sa kabila ng mga natatamong kakayahan at pag-uugali

ng mga bata at ng kabataan sa paaralan. At ayon sa pag-aaral nina

Purificación Checa at Alicia Abundis-Gutierrez na pinamagatang

“Parenting and Temperament Influence on School Success in 9–13

Year Olds” na isinagawa sa University of Cádiz, Puerto Real-Cádiz,

Spain at University of Guadalajara, Guadalajara, Mexico na

naglalayong masuri ang naitutulong ng parenting style at

temperament sa mga bata mula siyam hanggang labintatlong gulang sa

akademikong pagganap nito at pagsasaayos ng kakayahang pang

akademiks sa paaralan na ang regulasyon ng emosyonal at pag-uugali


ay namamagitan sa pagiging magulang at akademikong kalagayan ng

bata. Ang mga resulta na ito ay nagbibigay-alam sa kaugnayan ng

ugali ng bata sa paaralan. Ang mga pahiwatig na ito patungkol sa

edukasyon ay nilinaw at binigyang diin sa kahalagahan ng pang-

unawa sa pag-uugali ng mga mag-aaral upang makasabay sa hamon sa

paaralan at kalugod-lugod na pagganap sa akademikong aspeto.

Ang pamilya ay napakahalaga at napakaimportanteng estruktura

sa lipunan na may importanteng ginagampanan sa buhay ng isang

indibidwal at sa lipunan nito. Ang kahalagahan ng pamilya bilang

sosyal na estruktura ay tila dapat na hindi mapag-aalinlanganan.

Kahit na sinasabing ang mga bata ay lubos na naiimpluwensyahan ng

lipunan at kaibigan niya, magulang parin ang may pinaka malaking

impluwensya sa kinalabasan ng kanilang mga anak. Ang impluwensya

ng pamilya sa kanilang anak at gampanin nito sa pagiging

pagkamalikhain, kultura, sosyal at moral na mga aspeto ay may

napakalaking gampanin. Kaya ang tama at balanseng pakikitungo sa

pagitan ng magulang at kanilang anak ay isa sa mga salik na

nakakaapekto sa kanilang pisikal at mental na kalusugan. Isa sa

pag-aaral na pinamagatang “The influence of parenting style on

academic achievement and career path” na isinagawa nina Zahra Zahed

Zahedani, Rita Rezaee, Zahra YazdaniI, Sina Bagheri, at Parisa

Nabeiei sa Islamic Azad University, Isfahan, Iran ay naglalayong

tukuyin ang kaugnayan sa pagitan ng paraan ng pagpapalaki ng

magulang, akademikong kalagayan at inaasahang buhay sa hinaharap


ng kanilang mga anak. Ang pangunahing resulta ng pag-aaral ay

lumabas na may malapit na kaugnayan ang Authoritarian Parenting

Style at Educational Success. Gayundin sa pagitan ng istilong Firm

Parenting at Career Path ng mga estudyante. Ang mga magulang ay

may mahalagang pagganap sa pagtutukoy ng talent ng mga bata at

paggabay sa mga ito. Ang pag-intindi sa isa’t-isa at pagkakaroon

ng malapit na samahan sa pagitan ng magulang at kanilang anak ay

ipinapayo. Kaya ang paraan ng tamang pakikipag-ugnayan ng magulang

at ng anak ay lubos na mahalaga, kaya ang mga magulang ay siyang

dapat na responsible sa pagsasanay sa kanilang mga anak.

Emosyon bilang Pangunahing Aspeto sa Personal na Kaunlaran ng

Isang Indibidwal

Ang pansariling paraan ng pagpapalaki ng mga magulang ay

ipinahiwatig bilang may negatibo at positibong dulot, na kung saan

ang hindi malinaw ay kung paano nito naaapektuhan ang kanilang mga

anak. Sa kabilang dako, si Darling at Steinberg (1993) ay

inirerekomenda na ang estilo ng pagpapalaki ay dapat isinasaalang-

alang ang pagpapahayag ng damdamin na makakaimpluwensya sa

kahulugan ng iba pang istilo nito. Ayon sa pag-aaral na isinagawa

nina Toshimitsu Kamakura at Hiromi Hirata sa Kagawa Nutrition

University, Japan at Aichi University, Japan na may layuning

siyasatin ang lawak ng epekto ng paraan ng pagpapalaki ng mga

magulang sa Personal Growth Initiative (PGI) at pagpapahalaga sa


sarili ng kanilang mga anak gamit ang paraang Multiple Regression

Analysis ay lumabas na ang PGI (Personal Growth Initiative) at

Pagpapahalaga sa sarili (Self-esteem) ng mga bata ay mga

pangunahing aspetong naaapektuhan ng Authoritative Parenting

Style. Pinalabas din ng pag-aaral na ito na ang karamihan sa uri

ng mga aspetong ito ay bibihirang naaapektuhan ng Authoritative

Parenting Style na kung saan, para sa mga mag-aaral na babae, ang

pagiging handa sa pagbabago na pumapailalim sa aspetong PGI ay

apektado ng Authoritarian Parenting Style. Sa kabilang dako, ang

PGI at pagpapahalaga sa sarili ay hindi apektado ng Permissive

Parenting Style (ibang uri ng parenting style). Ang mga nakalap na

resulta ay nagpapahiwatig na malaki ang imlpuwensya ng istilong

Authoritative Parenting sa aspetong PGI at pagpapahalaga sa sarili

ng mga Hapones na mag-aaral.

Paraan ng Pagpapalaki ng Magulang at Epekto nito sa Pag-uugali

ng Kanilang mga Anak

Ilan sa mga pag-aaral ay isinagawa upang malaman ang gampanin

ng mga paraan ng pagpapalaki sa panlabas at pansariling problema

ng mga bata at kabataan. Kahit na may tatlong istilo sa pagpapalaki

ng mga ito gaya pagpapalaki gamit ang pagmamahal, pagdidisiplina

at sikolohikal na pagkontrol, ang bawat isa ay may kinalaman sa

pag-aayos ng kanilang mga anak (Barber, Olsen & Shagle, 1994;

Siequeland, Kendall & Steinberg, 1996). Iminumungkahi na ang


pinag-isang paraan ng pagpapalaki ng ama at ina ay ang may

pinakamaimpluwensayng salik sa paghubog sa bata (Baumrind, 1991;

Darling & Steinberg, 1993; Steinberg, 2001).

Ang pag-aaral na pinamagatang “The Role of Parenting Styles

in Children's Problem Behavior” na isinagawa nina Kaisa Aunola at

Jari‐Erik Nurmi sa University of Jyväskylä, PO Box 35, 40014

Jyväskylä, Finland na naglalayong matukoy ang epekto ng pinag-

isang paraan ng pagpapalaki ng ama at ina (pagmamahal,

pagdidisiplina at sikolohikal na pagkontrol) sa pansarili at

panlabas na problemang kinakaharap ng mga batang may edad lima

hanggang anim na taon. Kalauna’y nakarating sa resulta na ang ayon

sa pag-aaral ng dalawa, ang masyadong mataas na antas ng pagmamahal

at sikolohikal na pagkontrol na ginagawa ng mga ina ay nagpapataas

ng antas ng mga problemang pansarili at panlabas ng mga bata.

Samantalang ang pagdidisiplina na sinamahan ng mababang antas ng

sikolohikal na pagkontrol na ginagawa ng mga ina ay nagpapababa ng

problemang panlabas na nararanasan ng mga bata.

LOKAL NA LITERATURA

Mga Batas na Nangangalaga sa Kabataan at sa Karapatan Nito


Ang Presidential Decree No. 603 na pinamagatan bilang "The

Child and Youth Welfare Code" ang batas na nangangalaga sa

karapatang pantaong tinatamasa ng isang batang indibidwal at

pagbibigay kahalagahan sa bata bilang importanteng tao sa pag-

unlad ng bansa. Binibigyang halaga din dito ang pagkakaiba ng mga

indibidwal sa murang edad ng kani-kanilang mga pagkatao na may

kinalaman sa lipunang kapakanan ng bawat isa na may karapatan sa

kabila ng kaniyang sekswalidad, antas ng pamumuhay sa lipunan,

relihiyon, at iba pang salik na makakaapekto sa kanyang paglaki at

kinabukasan ng bansa. Ayon dito, nararapat din na matamo ng isang

bata ang kanyang pangunahing pangangailangan sa kanyang paglaki

tulad ng edukasyon, pagkain, tirahan at kalusugan at ng kompletong

pamilya na makatutulong sa pagpapaunlad ng sarili sa lipunang

ginagalawan.

Ang batas na ito ang isa sa mga batayan ng mga mananaliksik

kung paano ito naaapektuhan ang isang bata sa kanyang mga

karapatan, simula pagkasilang hanggang sa pagtanda; sa mga

pamamaraan na ito ay malalaman ng lipunan ang karapatang pantao ng

bata, lalo na sa magulang na makakaapekto sa magiging uri ng

kanilang pagpapalaki sa bata na nais malaman ng mga mananaliksik.

Ang Republic Act 7610 na pinamagatan bilang "Special

Protection of Children Against Abuse, Exploitation and

Discrimination Act" ay isang batas na pinagtitibay ang


pangangalaga sa mga bata mula sa pang-aabuso, pagsasamantala at

diskriminasyon na may karampatang parusa sa paglabag sa karapatang

pantao at pantay na pagtrato sa mga bata mula sa mga magulang,

tagapag-alaga, guro at iba pang nakakatanda na nangangalaga sa

bata na makakaapekto sa paglaki at pag-unlad ng indibidwal sa

kanyang lipunan at sariling pamumuhay. Hangarin ng batas na ito

ang pagtaguyod sa kapakanan ng pamumuhay ng bata at pagpapaunlad

ng kanilang mga sarili para sa kinabukasan ng bansa at masaya at

maayos na buhay. Binibigyang halaga dito ang kapakanang pang-

sikolohiya, pisikal mula sa mga pang-aabuso, maging sa sekswal na

pang-aabuso at kawalan ng pagbibigay ng kanyang pangunahing

pangangailangan sa pamumuhay.

Ang pagkakaroon ng batas na ito ay isa sa mga nais malaman ng

mga mananaliksik kung maayos at maganda nga ba ang kakayahang

panlipunan ng bata sa kanyang henerasyon at lipunang ginagalawan

at kung ano ang maaaring epekto nito sa pag-uugali at relasyong

ugnayan sa ibang tao sa pamamagitan ng iba’t-ibang uri ng

pagpapalaki ng magulang.

Ang Senate Bill No. 1477 o pinamagatan bilang "Positive

Discipline of Children Act of 2017" ay isang ordinansang itinalaga

upang mataguyod ang positibo at walang karahasang pag-trato sa pag

disiplina o pagpapalaki ng bata, na ipinagbabawal ang lahat ng uri

ng korporal na parusa, pagpapahiya at pangmamaliit upang


mapagtibay ang pantay na proteksyon ng mga bata bilang indibidwal

sa lipunan na mahalaga para sa ikaaangat at ikaaayos ng kinabukasan

ng bansang sinilangan.

Pinagtitibay ng batas na ito ang karapatang pantao ng mga

bata sa kanilang kapakanang pisikal, moralidad, espiritwal,

intelektwal at pang sosyal na katangian, sa kahit saang lugar tulad

ng paaralan, tahanan, institusyon at iba pa. Pinapahalagahan din

ng batas na ito ang pangangalaga sa mga bata at pagbibigay ng mga

pangangailangan nito sa araw-araw kabilang ang tamang pag-aalaga,

at proteksyon mula sa kapabayaan ng magulang, pagmamalupit,

karahasan at iba pang maaaring makaapekto sa kanilang paglaki at

pag-unlad bilang tao.

Ang kahalagahan ng nasabing batas na ito ay makatutulong sa

mga mananaliksik upang malaman at masukat ang mga pagbabago sa

modernong estilo ng pagpapalaki ng magulang sapagkat ito ay iba sa

pamamaraang nakasanayan ng mga Pilipinong magulang na kung saan ay

pinagbabawalan na rito ang paggamit ng anumang uri ng karahasang

pag-didisiplina sa mga bata na nagbigay daan sa mga mananaliksik

upang tuklasin kung anong uri ng pagpapalaki ng magulang ang

kalalabasan mula dito at kung ano ang magiging epekto nito sa

kapakanan ng bata sa kanyang paglaki pagdating sa pag-uugali,

relasyong ugnayan sa pamilya at ibang tao, maging sa kakayahang

panlipunan na maipapakita nito sa kanyang paglaki at maging sa


pagpapahalaga nito sa sarili kung ito ba ay makakabuti o makakasama

sa kapakanan ng bata sa kanyang paglaki kasabay ng lipunang may

impluwensya ng iba’t-ibang kultura mula sa ibang bansa at pamumuhay

na magdudulot ng iba pang mga kaisipan.

Epekto ng Kawalan ng Gabay ng Magulang sa Kabataan

Nakalahad sa isang pag-aaral na isinulat ng mga estudyante ng

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Pagtutuos sa

patnubay n Prof. Maria Victoria Apigo na may pamagat na “Ang Epekto

ng Kakulangan ng Atensyon ng mga Magulang sa Kanilang mga Anak”

ang sumusunod na literatura:

Ayon kay Virgie Ponsaran-Baloyo sa kanyang kolum, ang

pagiging wala palagi sa tahanan ng mga ama ay lumalaganap na sa

maraming pamilyang Pilipino. Habang kumakaunti ang bilang ng

pamilyang nucleyar (binubuo ng ama, ina, at mga anak) at

napapalitan ito ng pamilyang walang ina o ama. Katulad ng

pamamaraan ng ama na OFW, ang kanyang pagkawala sa mahabang panahon

ay parang pag-abandona niya sa pamilya. Ayon naman sa aklat ni

Carmela Ortig, isang guro ng Sikolohiya sa Ateneo de Manila, may

hindi magandang epekto ang pagpapalaki ng mag-isa sa mga anak. Sa

pangkaraniwang tahanan na pamilyang Pilipino, makikita sa mga anak

na pilit inuunawa kung bakit mas mahalaga ang trabaho ng kanilang

ama kaysa sa kanila. Maraming ama ng nakakariwasang pamilya ay

naibibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak bukod


pa sa ipinapakitang atensyon at pagmamahal. Ang anak ay kayang

lumaki ng normal kahit isang magulang lang ang kinagisnan. Subalit

mas napapanatag sila kung pareho nilang nakakasama ang kanilang

ama at ina. Sa kolum naman ni Ojero, “The Art of Disciplining the

Child” (July, 1992), binigyang linaw niya ang nangyayari sa mga

anak na napapabayaan ng magulang. Ayon sa kanya, karamihan sa mga

batang siga sa paaralan ay hindi nagagabayan ng maayos ng kanilang

mga magulang. Sila ay nahihilig gumawa ng kalokohan hindi lamang

sa paaralan kundi maging sa iba pang pampubliko at pampribadong

lugar. Isinaad naman ni Melchor Salvado (1989), ang pagpapabaya

ng mga magulang sa mga anak ay nagiging dahilan upang magpabaya

ang anak sa pag-aaral maging sa kanyang sarili na nagdudulot ng

mga katangian ng kabataang may problemang hatid ng kakulangan sa

pansin ng mga magulang tulad ng pagiging sinungaling at nandaraya

sa ibat-ibang bagay at pagkakataon gaya ng mga pagsusulit, pagiging

mahiyain, kawalan ng gana sa pag-aaral, palaging lumiliban at huli

sa klase ng walang sapat na dahilan, (ang iba’y) malayo sa tao;

hindi palakaibigan, at(ang iba’y) lumalaking bastos at walang

modo.

Malinaw na pinapahayag ng mga literaturang nailimbag na ito

na talagang mayroong mahalagang gampanin ang mga magulang sa

pagkakaroon ng maayos na pag-uugali at positibong persepsyon ang

kanilang mga anak. Ang pagkawala ng mga ito sa tamang landas ay


epekto ng kakulangan sa aruga at minsa’y hindi pagkakaintindihan

sa pagitan ng dalawang panig.


BANYAGANG LITERATURA

Ang Pinakamalaking Hamon sa Mundo—Pagiging Mabuting Magulang

Ayon kay Faust. J.E. (n.d) at sa nilimbag niyang teksto,

“Hindi lamang isang malaking hamon ang pagiging ama o ina, ito ay

isang banal na katungkulan. Isa itong pagsisikap na

nangangailangan ng lubos na paglalaan. Sinabi ni Pangulong David

O. McKay na ang pagiging mga magulang “ang pinakadakilang

pagtitiwalang naibigay sa mga tao” (The Responsibility of Parents

to Their Children [polyeto, walang petsa], 1)”. Pinapatunayan ng

pahayag na ito na hindi madaling responsibilidad ang pagiging

magulang. Ito ay panghabang buhay na Gawain kung saan kabilang ang

pagsisikap at sakripisong mataguyod ang mga anak at mapalaki ang

mga itong may maayos na pag-uugali at responsible at produktibong

mamamayan ng bansa. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na

napakarami ng kabataan ngayon ang maagang nagkakaroon ng anak at

ang katotohanang hindi pa sila handa para sa napakabigat at

napakaling hamon ng pagiging magulang ay nagdudulot ng iba pang

problemang panlipunan.

Sa paglikha ng mga matagumpay na tahanan, bgama’t may ilang

hamong nakahihigit sa pagiging mabubuting magulang, iilang

pagkakataon lamang ang naglalaan ng mas malaking potensyal para sa

kagalakan. Sinasabing tiyak na walang mas mahalagang gawaing

kailangang gawin sa mundong ito maliban sa paghahanda sa ating mga


anak na magkaroon ng takot sa Diyos, maging maligaya, marangal, at

makabuluhan. Wala nang matatagpuang ibang mas nakapagdudulot ng

kaligayahan sa mga magulang kaysa sa igalang sila at ang kanilang

mga turo ng kanilang mga anak. Ito ang kaluwalhatian ng pagiging

magulang. Pinatotohanan ni Juan, “Wala nang dakilang kagalakan sa

ganang akin na gaya nito, na marinig na ang aking mga anak ay

nagsisilakad sa katotohanan” (3 Juan 1:4). Ang pagtuturo,

pagpapalaki, at pagsasanay sa mga anak ay nangangailangan ng higit

na talino, matalas na pang-unawa, pagpapakumbaba, lakas,

karunungan, espirituwalidad, tiyaga, at pagsisikap kaysa sa

anupamang hamon na dumarating sa buhay.

Ipinayo ni Brigham Young na, ”Kung inatasan kayong parusahan

ang isang tao, huwag na huwag magparusa nang higit sa pamahid na

nasasainyo upang magbenda” (Discourses of Brigham Young, pinili ni

John A. Widtsoe [1954], 278). Ang patnubay at disiplina,

gayunpaman, ay siguradong isang kailangang-kailangang bahagi ng

pagpapalaki ng bata. Kung hindi didisiplinahin ng mga magulang ang

kanilang mga anak, ang publiko ang didisiplina sa kanila sa paraang

hindi magugustuhan ng mga magulang. Kung walang disiplina, hindi

igagalang ng mga bata ang mga patakaran ng tahanan o ng lipunan.

Dahil ditto, isang mahalagang gampanin ang pasan ng mga magulang

na siguraduhing lalaking maayos ang kanilang mga anak.

You might also like