You are on page 1of 22

MGA EPEKTO NG BULLYING SA AKADEMIKONG PAGSASANAY NANG

MGA MAG – AARAL

SULATING PANANALIKSIK SA FILIPINO

Na Ihaharap kay:

Bb. Janna Lea De Torres

Guro sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

JHON PAUL COLLEGE

Odiong, Roxas, Oriental Mindoro

Nina

Trinidad, Keiser G.

Visca, Christian G.

Marso 16, 2020


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Pamagat

Talaan ng Nilalaman

Kabanata 1

Panimula ……..……………………..…………..…..…………..…………..……….. 1-2

Paglalahad ng Suliranin…………..……………………..……..………………..……. 2

Kahalagahan ng Pag- aaral …………..…………………..……...…......……….…. 2-4

Batayang Konseptwal …………..…………..…………...…..…..………..…...…… 4 -5

Saklaw at Limitasyon ng Pananaliksik …………..……………………………..…… 5

Depinisyon ng mga Termino …………..…...…………………………...…..….....….. 6

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA PAG – AARAAL AT LITERATURA ...……...……… 7-11

Kabanata 3

MGA PROSESONG GINAWA SA PAG – AARAL ……………………………… 12

Kabanata 4

PRESENTASYON, ANALISIS, INTERPRETASYON ....………….…….….. 13-15


Kabanata 5

BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON ....………….…….…..16-19


1

KABANATA 1

INTRODUKSYON

1.1 PANIMULA

Sa buhay ng isang estudyante, iba’t ibang sitwasyon ang kanilang nararanasan.

Maging ito man ay mabuti o masama, hindi maitatanggi na sila ay natututo sa mga

nasabing karanasang ito. Ang pagiging isang estudyante ay hindi ganoon kadali na

katulad nang iniisip nang iba. Maaaring iniisip nang iba na madaling maging estudyante

sapagkat uupo lamang naman sila sa upuan, kukuha nang panulat at sulatan at matamang

makikinig sa guro. Maaaring ganun nga ang pagpapakahulugan ng iba kapag estduyante

ang pinag – uusapan. Sa kabilang banda, maganda nga sanang pakinggan na ang mga

estudyante ay nag – aaral ng maayos at matamang nakikinig, ngunit paano na lamang

kung ang mga mag – aaral ay hindi naman nagse- seryoso sa pag – aaral.

Karamihan sa mga estudyante sa panahon ngayon ay hindi mo na maintindihan.

Maaaring ang kanilang pag – uugali ay naaapektuhan ng iba’t ibang mga bagay na

nakapaligid sa kanila. Hindi mo masasabing lahat ay kasalanan nila sapagkat mayroong

mga pagkakataon na biktima lang rin naman sila. Masarap ang mag – aral yun ang sabi

nila. Masarap mag – aral sapagkat marami kang matututunan, magkakaroon ka ng iba’t

ibang karanasan na maaaring masaya o malungkot, masakit o masarap sa pakiramdam,

makakakilala ka ng iba’t ibang mga tao na maaari mong gawing kaibigan. Ayon naman

sa iba,bilang isang estudyante, masarap ang mag – aral sapagkat magkakaroon sila ng

pera dahil binibigyan sila ng kanilang mga magulang ng baon o kaya naman ay

makakaiwas sila sa mga trabahong nakatalaga sa kanila sa kanilang bahay. Pagdating sa


2

usaping pagpasok sa paaralan, iba’t iba ang mga dahilan na maaaring maibigay ng isang

mag – aaral.

1.2 PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa mga epekto ng bullying sa

akademikong pagsasanay ng mga mag – aaral. Layunin din nitong sagutin ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Ano ang epekto ng bullying sa mga mag – aaral?

2. Ano ang mga karaniwang dahilan ng mga bully kung bakit nila ginagawa ito?

3. Paano maiiwasan ang usaping ito?

4. Sa paanong paraan mabibigyan ito ng solusyon?

5. Gaano kalakas ang tama nito sa akademikong pagsasanay ng mga mag –

aaral?

1.3 KAHALAGAHAN NG PAG – AARAL

Para sa mga Estudyante. Bilang isang mag- aaral, nararapat na malaman nila na

magiging mahalaga at kapaki- pakinabang ito sa isang estudyante sa kadahilanang ang

pangunahing mga respondente namin sa nasabing pananaliksik ay mismong mga

kabataan.
3

Bukod pa dito, malalaman nila kung anu- ano ba ang mga dahilan at maaaring

maging epekto ng bullying sa kanilang pag - aaral. Malalaman din nila kung ano ba ang

mga kahalagahan at kung bakit ba natin ito dapat pag- aralan o saliksikin.

Para sa mga Magulang. Isa sa mahahalagang bagay na dapat malaman ng mga

magulang o ng mga tagapag - gabay ay kung ano ba ang nangyayari sa buhay ng kanilang

mga anak o supling, hindi lamang sa bahay, o paaralan, kundi pati na rin sa usaping

sosyal medya. Sa pagkakataong ito, hindi na mahihirapan ang mga magulang nila na

alamin kung ano ba ang kanilang ginagawa, pinagkakaabalahan sa kanilang pangaraw-

araw na buhay. Sa pamamagitan nito, matutuklasan nila na ang kanilang mga anak ay

maaaring nasa mabuting kalagayan o hindi. Bilang karagdagan, makakakuha din sila ng

mga impormasyon na maaari nilang ibahagi sa kanilang mga anak at sa iba pa.

Para sa mga Guro. Bilang pangalawang ina ng mga batang pumapasok sa

paaralan, nararapat lamang na kahit papaano ay magkaroon sila ng dagdag kaalaman

tungkol sa kanilang mga estudyante. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito,

magkakaroon sila ng karagdagang kaalaman kung paano ba sila makikisalamuha sa

kaniyang mga estudyante. Bukod pa dito, makakatuklas din sila ng mga bagong

kaalaman, katulad na lamang ng iba’t ibang mga pag – uugali ng kanilang mga anak na sa

panahon ngayon ay maaari nilang magamit upang makapag – bigay sila ng maayos na

payo sa kanilang mga anak.

Para sa mga mamamayan. Ang mga mananaliksik bilang isa sa bumubuo ng

bansang Pilipinas, ay nagpapahiwatig na ang pag – aaral na ito ay sadyang mahalaga

sapagkat isa lamang ito sa pagpapatunay na ang ating mundo ay umiinog, nagbabago, at

umuunlad. Idagdag pa na ang mga nakalahad dito ay sadyang nakakatulong upang


4

malaman nila kung ano ba ang lagay ng mga estudyante pagdating sa kanilang pag –

aaral. Magkakaroon sila ng tsansang malaman kung ano ba ang mga pagbabago sa

kanilang pag – uugali kundi pati na rin ang mga pagbabago sa kanilang pag – aaral.

1.4 BATAYANG KONSEPTWAL

Bullying sa school. Ayon sa (Pilipino Star Ngayon), maraming nangyayaring

bullying sa mga school at hindi na ito nalalaman ng mga magulang ng mga bata. Marami

sa mga bata ang nananahimik na lamang kaya lalo namang nagpapatuloy ang bullying.

May mga bullying na humahantong sa pananakit gaya nang ginawa ng Ateneo Junior

High School student sa kanyang classmate na nakunan ng video at pinagmulan ng

outrage. Kung hindi nakunan ng video ang pangyayari, maaaring manahimik na lamang

ang estudyanteng binully at magpapatuloy ang pambubully sa kanya ng kaklase na isa

umanong blackbelter Taekwondo champion.

Ang school ang nararapat na manguna sa pagsugpo ng bullying sa kanilang nasasakupan.

Dapat nalalaman nila kung may nangyayaring pambu-bully at umaksiyon agad bago pa

lubusang lumala ang ginagawa ng “sangganong estudyante’’.

Kung hindi pa naging viral sa social media ang pananakit ng estudyante sa kanyang

kaklase, hindi pa kikilos ang pamunuan ng Ateneo. Napilitan lamang kumilos at sinabing

patatalsikin ang “sangganong estudyante’’ makaraang magalit ang netizens sa inakto nito.

Dahil sa galit, may mga martial arts expert na humamon sa mismong ama ng

“sangganong estudyante” para maturuan ito ng leksiyon. Sabi ng mga humamon, hindi

raw pinalaki nang maayos ng ama ang anak nito kaya nambu-bully. Isa pang martial
5

expert ang humamon sa “sangganong estudyante”. Matapang lamang daw sa hindi

lumalaban ang estudyante kaya hinahamon niya ito. Ang pagiging marunong daw sa

Taekwondo ay hindi dapat ipinagyayabang at ginagamit lamang ito sa self defense.

Mga school ang nararapat maging listo sa mga estudyanteng may sintomas ng pambu-

bully. Mahigpit na ipatupad ang Anti-Bullying Act para maiwasan ang bullying at

madebelop ang psychosocial interventions sa biktima at sa nambubully. Kung nangyayari

ang pambu-bully sa mga sikat na pribadong school, mas lalong nangyayari ito sa mga

pampublikong eskuwelahan na mas marami ang “sangganong estudyante’’. Maging

mapagmatyag at alerto naman ang mga magulang sa kanilang mga anak at baka nabu-

bully ito o nambu-bully. 

1.5 SAKLAW AT LIMITASYON NG PANANALIKSIK

Bilang isang panimulang pagsusuri tungkol sa mga epekto ng bullying sa

akademikong pagsasanay ng mga mag – aaral. Paksa. Sa pag – aaral na ito aalamin ang

mga epekto ng bullying sa akademikong pagsasanay ng mga mag - aaral, kung gaano

kadalas itong mangyari, mga dahilan sa kung bakit ba nila ito ginagawa, at kung ano ang

mga naidudulot nito sa kanilang buhay. Lugar. Ang pag – aaral na ito ay tumitiyak sa

panlahat na mag – aaral ng Senior High School.


6

DEPINISYON NG PANANALIKSIK

Bullying - ay nangangahulugang pangungutya sa kapwa tao dahil mayroon syang

pagkakaiba sa isang tao na wala sa kanila. Ang bulying rin ay isang uri ng pang-aapi na

ginagamitan ng lakas. Kadalasang nangyayari ito sa paaralan at karaniwang mga

kabataan ang biktima nito. Isa sa kaso sa Pilipinas ay ang tinatawag na bullying. May

tatlong uri ang bullying,Ito at ay ang  mga sumusunod; Sosyal na pambubulas, isang uri

ng pambubully kung saan sinisira ng bullies ang reputasyon at pakikitungo sa ibang tao

ng kanilang binibiktima. Pisikal na pambubulas, ito naman ay ang pisikal na pananakit at

paninira ng kanyang pag-aari. Dito papasok ang sinasabing panununtok, paninipa,

pananampal,pangungurot at iba pa. Pasalitang pambubulas, isang uri ng pambubully kung

saan pananalita ang ginagamit ng bullies. Ito rin ay panunukso,panlalait,pang-

aasar,paninigaw,pagmumura,pang-iinsulto,pagpapahiya sa harap ng maraming tao at iba

pa.

CYBER BULLYING”kung saan internet naman ang nagiging daan para

makapanakit ng kapwa tao. Makikita natin at masasaksihan ang ganitong pambubully sa

mga websites gaya ng facebook,twitter,at instagram.  Hindi lamang sa status nakikita ang

pambubully kundi maging sa pagpopost ng mga litrato na ikasisira ng kanilang biktima.


7

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG – AARAL AT LITERATURA

2.1 ANG SOCIAL MEDIA SA BUHAY NG ISANG ESTDUYANTE

Batay sa isinasagawang pagsusuri at pag – aaral namin bilang mga mananaliksik,

kami ay nagtulong – tulong upang makagawa at makatuklas pa ng mga impormasyon na

may kaugnayan sa mga wikang ginagamit ng mga piling mag – aaral sa Facebook. Bilang

kalinawagan, naisip din namin na kumuha ng mga impormasyon, lokal man ito o isa sa

mga dayuhang literatura upang magsilbing gabay sa aming mga mananaliksik na bigyang

kasagutan at kalinawan ang mga katanungan.

Ayon kay Fr. Noel V. Oskal, SDB, hindi na natin maaaring ipagkaila ang

napakalaking impluwensyang dala ng Facebook at iba pang mga Social Network sa ating

mga sarili. Dito natin matatagpuan ang mga matagal nang nawawalang ka eskwela,

naiuugnay tayong muli sa mga kaibigan na nangibang bansa na, nalalaman din natin ang

kasalukuyang katayuan ng mga dating karelasyon natin.

Para sa marami sa atin, nagiging mas malawak ang mundo natin dahil nagkaroon

tayo ng ‘buhay online’. Pero para sa iba naman, mas kumitid ang mundo nila dahil sa

online na lamang sila nabubuhay.

Karaniwan nga naman kasi sa mga kabataan ngayon ay sa Facebook na

nakakahanap ng kaibigan. Kahit nga ang mga iniibig nila sa Facebook na lang iniaasa.

Pansinin din natin yung mga taong lahat ng ginagawa nila para sa araw na iyon ay gusto
8

din nilang ipaalam o ipagmayabang sa lahat ng Friends nila sa Facebook gamit ang iba’t

ibang wika na alam nilang papatok sa masa. Karaniwan pa ay gumagamit ng mga salitang

minsan ay sadyang hindi mo lubos maintindihan gaya ng ‘werpa’, ‘petmalu’, ‘lodi’ at

marami pang iba. Mga salitang balbal na patok na patok naman sa mga kabataang ang

nais ay maging sikat at astig kaya humahabol at umaayon sa uso.

Hindi natin namamalayan pero pahaba nang pahaba ang panahon na iginugugol

natin para sa gumamit ng mga social networks lalo na ang Facebook. Isa sa mga dahilan

kung bakit mas marami ang gumagamit nito dahil mas madali ang paggawa ng account

dito. Bukod pa diyan, nagagawa din nila ang kanilang mga nais gawin, may pahintulot

man ito ng kanilang mga gabay o wala. At nalalaman ba natin na ang panahong inilalaan

natin sa online ay parang tinatanggal natin mula sa totoong buhay. Kung minsan ay para

bang nag – aaksaya na tayo ng panahon (at pera) sa paglagi natin sa harap ng kompyuter.

Maganda ang makisabay sa pagbulusok ng teknolohiya sa ating panahon, kaya

nga at tinatawag tayong mga ‘millennials’, ‘computer aged’, at marami pang iba. At isa

lang din ang opinion namin na isa sa mga salitang bansag ngayon sa aming mga kabataan

tulad ng millennials ay isa ring salita na nagmula sa malikhaing pag – iisip ng isang tao at

pina – uso gamit ang Facebook.

Ngunit dapat din nating tandaan, na nararapat lang na bantayan din natin ang ating

mga sarili upang hindi tayo malunod sa mga teknolohiyang ito. Kaya nga isa sa mga

nakakalungkot na katotohanan na dapat nating tanggapin ay ang pagkawala ng

paggalang, paggamit, at pagmamalaki ng ating Wikang Pambansa. Kung minsan ay

nahahaluan ito ng kung anu – anong salita na hindi naman talaga kabilang sa Wikang

Filipino.
9

Gustuhin man natin ngunit wala tayong ibang pagpipilian para baguhin ang

nasabing sistema ng bansa natin ngayon. Bilang isang estudyante na gumagamit din ng

social media sapagkat ito rin ay lubos na nakakatulong sa aming pag – aaral, nalalaman

din naman namin kung ano pa ba ang mga nangyayari sa buhay Facebook sa ngayon.

Sa paglipas ng panahon, ang Pilipinas ay isa rin sa mga bansang sumusunod sa

uso. Kaya naman mapapansin natin na naiimpluwensyahan na din tayo ng iba’t ibang

wika na magmula sa iba’t ibang lahi na ating nakakasalamuha sa pangaraw – araw na

buhay. Isa na dito ang mga salita na ating ginagamit upang magkaintindihan,

magkaunawaan at magkaroon ng komunikasyon sa bawat isa. Gumagamit tayo ng mga

wikang nararapat at naiintindihan natin.

Ang midyum ay maaari ring magamit upang makapanakit nang damdamin nang

ating kapwa. Sa pamamagitan nito, ang ilang mga bully ay naisasagawa ang kanilang

mga ninanais sa pamamagitan nang pag post nang kung anu – anong mga salita at

larawan na maaaring makasakit ng damdamin ng iba. Dahil nga ang Facebook o ang

social media ay pangkalahatan at napakadaling gamitin, ginagamit ito ng mga mag –

aaral, mga guro, at iba’t ibang mga tao upang makipag – komunikasyon. Kung iisiping

mabuti, ang layunin lamang naman talaga ng social media ay upang mapadali ang

pakikipag usap sa mga taong malalayo o kaya naman ay ginagamit ito upang malibang sa

mga oras na sila ay nababagot. Ngunit, sa panahon ngayon, nauuso ang tinatawag na

cyberbullying na kung saan ay inaaway nila ang isang tao sa pamamagitan ng pagbibigay

ng mga mensaheng hindi maganda at mga litratong hindi naman kanais nais tingnan. Ang

uri ng bullying na ito ay hindi personal sa halip ang mga taong partisipado nito ay
10

karaniwang nakaharap sa kanilang kompyuter, cellphone at iba pang mga teknolohikal na

bagay.

Ayon kay Pantoja Hidalgo, ang internet ay isang komunidad, isang sosyo –

teknikal na sistema ng komunidad na ang mga miyembro ay pinag- uugnay ng

teknolohiya. Isa itong di – pisikal na lugar na kung saan ay nag kakaroon ng ugnayan ang

mga tao sa iba’t ibang paraan. Ngunit sa ating pakikipag – ugnayan o pakikipag –

komunikasyon, madalas man o hindi, ay napapansin ba natin ang mga lenggwahe o wika

na ating ginagamit. Na kung mamarapatin, ay nakasisiguro ba tayong gumagamit ng

purong Tagalog o Ingles di kaya. Hindi masasabing oo at hindi rin natin masasabing

hindi. Sa ating pakikipag – usap sa araw – araw, hindi natin napapansin na tayo pala ay

nakakapag – salita ng iba’t ibang lenggwahe, kaunti man ito o hindi.

Kadalasang maririnig lalo na sa umaga ay ang mga salitang “good morning po”,

“konnichiwa”, “anyeonghaseoyo”, “magandang morning sa lahat”, at iba pa. Ilan lamang

ang mga iyan sa mga naririnig nating salita at napakikinggan. Ating pansinin at suriing

mabuti na ang ilan sa mga salitang ginamit ay may halo ng ibang lenggwahe. Taglish.

Ang paggamit ng dalawang wikang pinag – sama. Sa simpleng paggamit natin ng salitang

“ok po” ay sapat ng dahilan upang masabing tayo ay lubos ng naimpluwensyahan at

masasabi ring tayo ay gumagamit rin ng dalawang wika ngunit pinag – sama. Kasimbilis

ng pagbabago ng panahon ang pagbabago ng wika. Ayon kay Mangahis, isa sa katangian

ng wika ay dinamiko o buhay. Dahil nga buhay ang wika, may mga salitang namamatay,

nadadagdagan at patuloy na nagbabago kasabay sa pagbabago ng panahon.

Isa sa paraan upang makapapag – komunikasyon sa ibang tao sa ating komunidad

ang Facebook. Ang Facebook ay isa sa mga patunay sa pag – unlad ng teknolohiya. Isa
11

ito sa mga kilalang Social Networking Sites (SNS) sa kasalukuyang henerasyon na

malawakang ginagamit ng mga tao sa buong mundo. Dahil dito, malaya tayong makipag

kamustahan sa ating mahal sa buhay, kaibigan o sa ibang tao sa iba’t ibang panig ng

mundo. Sa pagpapahayag nang ating naiisip, wika ang tanging ginagamit upang ang mga

tao ay magkaunawaan. Sa pag – usbong ng ganitong paraan ng pakikipag –

komunikasyon, malayang gumamit ang isang indibidwal na anumang wikang alam niya.

Kaya sa Facebook ay hindi maiiwasan ang pagkocode – mix o ang paghahalo – halo ng

mga salita o maaari ring wika. Kung ating mapapansin ang araw – araw nating pagpasok

sa paaralan, hindi natin maikakaila na hindi natin naririnig ang salitang Facebook. Ang

pagpapalitan ng mga usapan tulad ng “ oy, nag – open ka ng FB mo?”, o kaya naman ay

“lodi, open si crush kagabi”, karaniwan din nating maririnig ang “ang ingay ng GC

(groupchat) kagabi”. Masasabi naming kulang ang araw kapag hindi namin naririnig ang

mga usapang tulad noon, o kaya naman ay hindi nabubuksan ang Facebook.

Karaniwan din nating mapapansin ang madalas na paggamit ng wikang Ingles sa

Facebook at hinding – hindi na iyan maiiwasan. Madalas ay mababasa natin ang mga

katagang tulad ng “love yourself”, “just love”, at “trying hard”, ilan lamang ang mga iyan

kumpara sa madalas nating makita at mabasa sa Facebook. Sa panahon natin ngayon, ang

mga kabataan ay nakikibagay at nakikiayon sa uso. Kumbaga, kapag ang wikang Tagalog

ang ginamit mo ay talaga namang walang dating, ngunit kapag ginamit ay ang

lenggwaheng Ingles tiyak na papatok ito at agad na sisikat sa mga kabataan.


12

KABANATA 3

PAMAMARAAN AT DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang bahaging ito ay naglalaman ng disenyo ng pananaliksik, pagpili ng mga

respondente, instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik, at pagsusuring istatistik.

3.1 DISENYO NG PANANALIKSIK

Upang lubos na malinawan at mabigyang kasagutan ang mga katanungan sa pag –

aaral na ito, nararapat lamang na mailarawan o mabigyan ng maayos na kasagutan ang

mga katanungang nasasaad sa pag – aaaral na ito. Bilang karagdagan, dapat lamang na

suriin ang mga epektong gagamitin o ginagamit ng mga bully sa kapwa nila mag – aaral.

Bukod pa dito, alamin ang mga mahahalagang datos na dapat isama sa gagawing pag –

aaral. At para sa pang – huling testamento, kami bilang mananaliksik ay nararapat na

gumawa ng isang masinsinang pag – aaral.

Sa pagpili ng mga respondante ay isasaalang – alang ang ilang mga limitasyon.

Ang mga magiging kalahok sa isasagawang pag - aaral ay mga mag – aaral lamang. Mga

mag – aaral o estudyanteng biktima nang bullying at pati na rin ang mismong gumagawa

nito. Babae man o lalaki ay maingat silang pipiliin at kinakailangang suriin muna kung

sila ba ay may sapat na kakayahan para makapag – bigay ng mga impormasyong

kinakailangan.
13

KABANATA 4

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang pag – aaral na ito ay tumutukoy sa mga epekto ng bullying sa akademikong

pagsasanay ng mga mag – aaral. Ang kabanatang ito ay naglalaman ng presentasyon,

analisis, at interpretasyon ng mga naipong datos upang masagot ang mga katanungan sa

paglalahad ng suliranin.

Ano ang epekto ng bullying sa mga mag – aaral? Iba – iba ang pag – uugali ng

mga kabataan sa panahon ngayon. Mayroong mga kabataang hindi naaangkop ang pag-

uugali sa paaralan at mayroon naman na mga kabataan na masunurin at responsable sa

mga bagay bagay. Bilang isang mag – aaral, napakahirap para sa kanila na mag – aral

habang maraming bagay ang gumugulo sa kanilang isipan. Hindi man napapansin ng mga

taong nakapalibot sa kanila, ngunit ang lahat ng mga aksyon na nakikita nila at ang mga

salita na naririnig nila ay maaaring maka – apekto sa kanilang isipan na maaaring maging

dahilan sa kapabayaan nang kanilang pag – aaral.

Ang mga kabataan sa panahon ngayon ay sensitibo. Maaaring dahil sa ito ay hindi

pa nagma – mature ang kanilang isipan kung kaya’t may mga pagkakataon na mabilis

masaktan ang kanilang mga damdamin. Hindi pa ganoon kalawak ang kanilang pang –

intindi sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Ang pagkakaroon ng bully sa iyong

pangaraw – araw na buhay habang ikaw ay nag – aaral ay lubos na nakakabahala. May

mga pagkakataon na dahil sa mga bully kung kaya’t natatakot ang mga biktima nito na

pumasok sa paaralan. Natatakot sila na baka kapag pumasok sila ay aawayin sila nang
14

mga ito sa pisikal man o sa emosyon. Ang mas nakakatakot pa nito, may mga

pagkakataon na hindi na mapigilan ang pagiging bayolente at minsan iniisip na lamang

nila ang kanilang sarili. Sa pagdaan ng panahon, mas lalong lumalala ang mga kaso ng

bully kahit pa sabihing isinabatas na ito.

May mga pagkakataon din na nagiging mahirap para sa isang estudyante ang mag

pokus sa kanyang pag – aaral kapag siya ay biktima ng bully. Hindi niya maibibigay ang

kanyang buong atensyon sa pakikinig sa kanyang guro at gayundin sa kanyang

partisipasyon sa klase, mababawasan ang kanyang pagiging aktibo sa klase na magiging

dahilan ng malaking kabawasan nito sa kanyang akademikong pagsasanay.

Ano ang mga karaniwang dahilan ng mga bully kung bakit nila ginagawa ito?

Ayon sa isa sa mga nabasang aklat ng mananaliksik, ang karaniwang dahilan ng isang

bully kung bakit nila ito ginagawa ay dahil sa sila rin mismo ay naging biktima nito.

Maaaring ito ay nangyari noong sila ay pumapasok sa elementary o sa sekondarya.

Bilang isang biktima ng bully, maaaring naitatak nila sa kanilang isipan na hindi na sila

magpapa – api kung kaya’t matututo silang lumaban. Sa pamamagitan nito hindi na sila

masasaktan nang kung sinu – sino lamang. May ibang mga bully naman na gusto lamang

makakuha ng atensyon. Maaaring ang dahilan naman nito ay hindi sila nabibigyan nang

sapat na atensyon mula sa kanilang pamilya o maaari na ring tawagin na kulang sa

atensyon at pagmamahal ng magulang. Dahil dito kung kaya’t gumagawa sila ng mga

bagay na maaaring hindi kanais – nais upang mapansin lamang ng mga taong nakapaligid

sa kanila. Mayroon namang mga bully na defense mechanism ang ganitong gawain.

Ayaw nilang masaktan sa kahit na anong paraan kung kaya’t inuunahan na nila ang mga

ito sa paraang gusto nila.


15

Paano maiiwasan ang usaping ito? Upang maiwasan ang mga usaping may

kinalaman sa bullying, nararapat na ang mga bully gayundin ang mga biktima ay

magkaroong ng proper counselling upang maliwanagan ang kanilang pag – iisip. Maaari

silang humingi ng sa kanilang mga magulang, guro, at sa kanilang mga kaibigan. Sa lahat

ng pagkakataon, ang mga tao ay nararapat na magkaroon ng malawak na pang – unawa sa

lahat ng bagay. Nararapat na unawain nila ang maaaring dahilan kung bakit ba ito

ginagawa upang maiwasan ang pagkakaroon nang alitan na maaaring magdulot nang

pisikal at emosyunal na sakit sa bawat isa.

Sa paanong paraan mabibigyan ito ng solusyon? Nararapat na kausapin ang bawat

isa upang malaman kung ano ba ang kanilang saloobin. Sa pamamagitan nito mabibigyan

nila ito ng mga payo na maaaring makapagpabago sa kanilang mga paniniwala sa buhay.

Nararapat din na bigyan nila nang sapat na atensyon ang kanilang mga anak upang

mamonitor nila nang maayos kung ano ba ang ginagawa nang mga ito sa kanilang bahay

gayundin sa kanilang paaralan.

Gaano kalakas ang tama nito sa akademikong pagsasanay ng mga mag – aaral?

Ang mga mananaliksik ay isa ring mag – aaral na nakakaranas nang iba’t ibang

pangyayari sa buhay. Maaaring naranasan na nila ang maging biktima sa kahit na anong

paraan at dahilan at maaari din na sila mismo ang bully na nang aaway nang kaklase.

Maging siya man ay bully o biktima, hindi nito maipagkakaila na ang lahat nang ito ay

nakaka – apekto din sa kanilang pag – iisip. Makokonsensya ang bully sa kanyang mga

nagawa sa biktima at ang mga biktima naman ay makakaramdam ng takot, pagkamuhi sa

mga bully o ang tinatawag na public humiliation.


16

KABANATA V

BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang “bullying”? Lingid sa ating kaalaman na ang

bullying ay nangangahulugang pangungutya sa kapwa tao dahil mayroon syang

pagkakaiba sa isang tao na wala sa kanila. Ang bulying rin ay isang uri ng pang-aapi na

ginagamitan ng lakas. Kadalasang nangyayari ito sa paaralan at karaniwang mga

kabataan ang biktima nito. Isa sa kaso sa Pilipinas ay ang tinatawag na bullying. May

tatlong uri ang bullying,Ito at ay ang  mga sumusunod; Sosyal na pambubulas, isang uri

ng pambubully kung saan sinisira ng bullies ang reputasyon at pakikitungo sa ibang tao

ng kanilang binibiktima. Pisikal na pambubulas, ito naman ay ang pisikal na pananakit at

paninira ng kanyang pag-aari. Dito papasok ang sinasabing panununtok, paninipa,

pananampal,pangungurot at iba pa. Pasalitang pambubulas, isang uri ng pambubully kung

saan pananalita ang ginagamit ng bullies. Ito rin ay panunukso,panlalait,pang-

aasar,paninigaw,pagmumura,pang-iinsulto,pagpapahiya sa harap ng maraming tao at iba

pa.

Mayroon din tayong tinatawag na “CYBER BULLYING”kung saan internet naman

ang nagiging daan para makapanakit ng kapwa tao. Makikita natin at masasaksihan ang

ganitong pambubully sa mga websites gaya ng facebook,twitter,at instagram.  Hindi

lamang sa status nakikita ang pambubully kundi maging sa pagpopost ng mga litrato na

ikasisira ng kanilang biktima.


17

Karaniwang panunukso ang pinakpangunahing nararanasan ng mga mag-aaral sa

paaralan. Makakita lamang sila ng kakaiba sa paningin nila ay agad nila itong tutuksuhin

o di kaya’y napansin nila ang isang bata na nag-iisa ay agad itong lalapitan at saka

tutuksuhin. Ang mga ganitong eksena ay kadalasang nagyayari kapag walang magawang

hindi maganda ang ilang estudyante,minsan ay kapag sinita ng isang guro ang kanilang

kinagawa ay sasabihin lamang na nagbibiruan lang dahil sa takot ng biktima ay nakuha

na lamang nya na sumangayon dito. Kahit anong masasakit na salita ang lumabas mula sa

bibig ng bullies ay parang binalewala na lamang ito ng biktima dahil aa takot. Karaniwan

ding biktima ng pambubully ay mga kabataan ng mahihina at alam nilang walang kalaban

laban sa kanila.

                Nagiging uso na rin sa ilang paaralan ang pambubully na gamit ang pananakit

sa paraang pisikal. May iilang estudyante ang napapabalita dahil sa pambubully na

binugbog ng kanyang kamag-aral. Gaya na lamang ng isang bata na grade six pupil

biktima umano ng bullying na nabalian ng tadyang nang suntukin ng kaklase na noon pa

man ay nambubully na sa kanya. Isa ito sa halimbawa ng pambubully sa paraang pisikal.

Isa rin ang diskriminasyon sa pambubully kung saan tinutukoy nito ang ating mga lahi.

Ang paninira at pagkukumpara sa ibang kalahi ay isa ring pambubully. Ang bullying sa

sekswalidad ay hindi rin maganda. Ito naman ay ang pambubully sa mga taong

kasalungat bg babae at lalaki o di kaya’y bakla at tomboy. Sila ay binubully base sa

kanilang kasarian. 

Ayon sa batas, ang Anti-Bullying Act of 2013 na nilagdaan ng dating si

President Noynoy Aquino, ang lahat ng paaralan sa elemntarya at sekondarya ay


18

kinakailangang gumawa ang mga polisya laban sa bullying sa kanilang institusyon. Ang

kopya ng mga polisya ay kailangang ibigay sa mga mag-aaral at magulang. Kabilang sa

polisya ang pagbabawal sa bullying sa loob ng paraalan at sa lahat ng mga school-related

activities. Ipinagbabawal din ang paggamit ng teknolohiya sa bullying.

KONKLUSYON

May mga sanhi at epekto ang pambubully. Una ay ang kawalan ng interes sa

pagaaral at hindi pagpasok sa school. Pangalawa, pagkukunwaring may sakit para hindi

makapasok sa school. Gusto laging nag-iisa. May pasa, gasgas o sugat na hindi masabi sa

magulang ang kadahilanan. At ang maaaring mangyari sa isang biktima ay maaaring

magpakamatay, masisiraan ng ulo o di kaya’y papatay.

Anu-ano nga ba ang dapat na gawin kung sakaling maranasan ang ganitong

kapangahasan? Magsumbong sa guro, kung sakaling makaranas ang isang tao ng

pambubuli ay nararapat lamang na isuplong ito sa iyong guro ng sa ganoon ay

mapagsabihan ito at hindi maulit pa. Magsumbong sa magulang, nararapat ding ipaalam

ito sa iyong magulang para mapayuhan tayo ng magulang. Ang ganitong sitwasyon ay

hindi dapat isinasawalang bahala lamang dapat ay matuto din tayong umimik kung anong

nangyayari sa atin para mapagsabihan ang mga nambubully at maitama ito. 

 
19

REKOMENDASYON

Ang masasabi ko lamang sa ganitong kaso lalo na sa Pilipinas na palagiang may

nagaganap na pambubully ay itigil na ito. Wala namang mabuting maidudulot ito sa ating

kapwa at lalo sa ating sarili bagkus ay makasasama pa ito. Dahil once na ang isang bata

ay nangbully automatically madadamay ang magulang nito na nagiging dahilan ng

pagkakagulo ng bawat magulang dahil sa walang kwentang pambubully ng kanilang mga

anak. Kung sa tingin ng iba magiging sikat sila sa ginagawSa nila pwes nagkakamali sila

dahil sa mata ng tao at lalong higit ng Diyos na mali ang ginagawa nila. Hindi naman

tayo nagkulang sa mga pangaral ng ating mga magulang at lalong higit ay nag-aaral tayo

kaya naituturo sa atin ng mga guro ang tama at mali. Kaya bakit naiisip pa ng iilan ang

ganitong sitwasyon? Siguro ay kulang ito sa atensyon ng magulang kaya naman para sa

ating mga magulang ay dapat subaybayan pa rin tayo at gabayan sa bawat kilos na ating

gagawin.

You might also like