You are on page 1of 26

Epekto ng Pambu-bully

Kabanata I
Panimula
Ang unang bahagi ng pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga suliranin, balangkas, metodolohiya at iba
pang mga detalye na naglalarawan sa paksa ng pag-aaral. Introduksyon Mula sa mga sinusubaybayang
teleserye sa telebisyon, mga napapanood sa mga pelikula, mga babasahing libro, sa mga balita at
pahayagan hanggang sa sariling karanasan, ang
bullying ay siguradong hindi lingid sa kaalaman ng lahat. Ang bullying ay isang uri ng
karahasan laban sa mga bata. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, matatawag na
bullying
ang paulit-ulit na pangungutya, pananakit nang pisikal o pagbibitiw ng masasakit o mapanirang salita sa
isang indibidwal.
Kadalasang biktima ng bullying ang mga mag
-aaral na nasa elementarya at sekondarya. Ang mga naaaping ito ay kadalasang mahina, tahimik,
mahiyain, may kapansanan, at hindi marunong lumaban na nagtutulak sa mga
bully
na apihin sila dahil alam nilang hindi sila lalabanan nito. Sa pamamagitan ng pambu-bully, maaaring
maapektuhan ang biktima nito sa kaniyang pisikal, emosyonal, sosyal at/o moral na aspeto kung saan
maaari silang humantong sa
matinding depresyon at kung malala pay umaabot pa ito sa kanilang kamatayan.

Epekto ng Pambu-bully 3 Kaya naman, isinagawa ang pananaliksik na ito upang makapagbigay-
impormasyon ukol sa mga epekto ng pambu-bully at mahikayat ang ilang mg
a bully na tigilan na ang kanilang
masamang gawain. Layunin Ang papel pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga epektong
naidulot ng pambu-bully sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto ng mga may karanasang mag-aaral
na nasa unang taon sa kolehiyo. Layunin din nitong tukuyin ang mga dahilan sa likod ng pambu- bully sa
pananaw ng mga biktima nito, pag-alam sa uri ng pambu-bully na kanilang naranasan, at pati na rin ang
pagtukoy sa mga paraang isinagawa ng mga biktima sa paglaban dito. Suliranin Upang maisakatuparan
ang layunin ng pag-aaral, humahanap ang pag-aaral na ito ng mga kasagutan sa mga sumusunod na
suliranin: 1.

Ano ang epektong naidulot ng pambu-bully sa aspetong:

1.1.

pisikal? 1.2.

mental? 1.3.

sosyal? 1.4.

moral ng mga mag-aaral? 2.

Anong uri ng pambu-bully ang kanilang naranasan o nararanasan?

Epekto ng Pambu-bully 4 3.

Ano ang dahilan ng pambu-bully sa pananaw ng biktima ng bullying?


4.

Anong mga pamamaraan ang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang bullying?

Pagpapalagay 1.

Ang pambu-bully ay nakaaapekto sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto ng isang indibiduwal.

2.

Ang karaniwang uri ng pambu-bully na nararanasan ng mga mag-aaral ay sa paraang berbal.

3.

Ang isang indibiduwal ay nambu-bully dahil may personal itong problema.

4.

Malalabanan o maiiwasan ang pambu-bully kung hindi na lamang ito papansinin.

Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pambu-bully na karaniwang nararanasan


ng mga mag-aaral. Sakop nito ang mga epekto ng bullying sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto
ng mga mag-aaral, mga dahilan ng pambu-bully, uri ng pambu-bully na nararanasan ng mga mag-aaral at
ang mga pamamaraang isinagawa ng mga biktima upang malabanan ito. Ang pag-
aaral na ito ay nilimitahan lamang sa pitumput limang (75) piling mag
-aaral na nasa unang taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na may karanasan sa
pambu- bullybilang mga tagatugon. Sila ang pinili ng mananaliksik dahil sila ang lubos na makatutulong
at makatutugon sa mga suliranin ng pag-aaral. Sa pamamagitan din ng mga respondenteng ito, magiging
instrumento sila sa katagumpayan ng pananaliksik na ito

Epekto ng Pambu-bully 5 Teoretikal na Balangkas Bilang batayan sa konsepto ng pag-aaral na ito, nilahad
ng bahaging ito ang mga teoryang may kaugnayan at magiging basehan sa daloy ng pag-aaral. Ayon sa
teorya ni
Urie Bronfenbrenner (1977, 1979) na
ecological systems
, isinasaad
na ang isang mag-aaral ay nasa sentro ng kaniyang panlipunang kapaligiran na kinabibilangan ng
kanyang grupo, pamilya, paaralan, komunidad, at kultura. Nagkakaroon ng pakikipag-ugnayanang
mga tao sa pamamagitan ng reciprocal interaction kung saan maaaring maging
salik ito ng pag-uugali ng isang indibiduwal, partikular sa mga mag-aaral bilang sentro ng
lipunan. Bilang paglilinaw, ang mga social system na nabanggit ay kinabibilangan ng mg
a indibiduwal na makaiimpluwensya sa mga mag-aaral at lugar na kung saan ang bata ay isang aktibong
kalahok, tulad sa tahanan at paaralan, at sa iba pang mga kapaligiran na maaaring magkaroon ng di-
tuwirang epekto sa mga bata. Mula naman kay Pellegrini, ang kabataan ay ang panahon na kung saan
mataas ang bilang ng pambu-
bully. Ang nasabing pagtaas na ito ay ipinaliliwanag ng dominance theory.
Ayon sa teoryang ito, ang
bullying
ay isang agresibong pamamaraan na may layuning makakuha
at mapanatili ang dominance ng taong nambu
-bully (Pellegrini & Bartini, 2001). Ang
dominance ay isang salik ng pakikipag
-ugnayan kung saan ang mga indibiduwal ay nakaayos sa isang herarkiya ayon sa kanilang kakayanan o
kapangyarihan(Dunbar, 1988). Ayon pa sa
teoryang dominance, ang mga kalalakihan na gumagawa ng agresibong gawain na ito ay

Epekto ng Pambu-bully 6
lalong pinahahalagahan ng kanilang grupong kinabibilangan at mas appealing sa mga grupo ng
kababaihan. Sinasaad naman sa
teoryang attraction
ni Bukowski, dahil sa kagustuhan ng mga kabataang mahiwalay sa kanilang mga magulang, sila ay
naaakit sa ibang mga kabataang nagtataglay ng mga katangiang nagpapakita ng kalayaan, (hal.
pagpapabaya, pagka-agresibo, at pagsusuway) at hindi naman sila gaanong naaakit sa mga kabataang
nagtataglay ng mga
katangiang higit na naglalarawan ng pagkabata o childhood, (hal. pagkamasunurin)
(Bukowski et al., 2000, Moffitt, 1993). Ayon sa mga may-akda, naiimpluwensyahan ng mga
peer group ang mga kabataan sapagkat naaakit sila sa pagkaagresibo ng mga ito.
Konseptwal na Balangkas Nabuo ang konsepto ng pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagbatay sa
mga ginamit na teoryang nakalap ng m
ananaliksik. Ayon sa teoryang ecological systems ni Bronfenbrenner,
ang isang mag-aaral ay nasa pinakasentro ng lipunang kanyang kinabibilangan kung saan malaki ang
posibilidad na maimpluwensyahan siya ng mga indibiduwal na nasa kaniyang kapaligiran. Ang mga
kagawian o kaugalian na makukuha niya rito ay maaaring magdulot sa kaniya ng mga tuwiran o mga di-
tuwirang epekto. Nahinuha ng mananaliksik na isa iyon sa mga dahilan kung bakit may mga batang
nambu-bully at nabu-
bully kaakbay na rin ng teoryang dominance ni Pellegrini at teoryang attraction ni Bukowki.
Kaya naman, nagtulak ito sa mananaliksik na alamin ang mga epekt
ong dulot nito sa ibat
ibang aspeto ng isang indibiduwal partikular na sa pisikal, mental, sosyal at moral. Nais din ng

Epekto ng Pambu-bully 7 mananaliksik na tukuyin ang mga dahilan sa pananaw ng mga biktima at ang
mga pamamaraang
isinagawa nila upang maiwasan ito. Kung kayat
naghanda ang mananaliksik ng isang bukas na talatanungang sarbey na magdidikta sa mga sagot sa
suliranin ng pag-aaral. Metodolohiya ng Pananaliksik Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong
metodo sa kwantitatibong uri sa pangangalap ng datos. Ang metodong ito ang siyang maglalarawan sa
pangkasalukuyang kondisyon ng paksa ng pag-aaral at siya ring makatutulong sa pagtugon ng mga
suliranin ng pag-
aaral na ito. Bumisita naman ang mananaliksik sa mga iba t ibang mapagkakatiwalaang websayt
sa internet upang makangalap ng mga mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa pag-aaral.
Bukas na talatanungano open-ended survey ang ginamit ng mananaliksik bilang instrumento ng pag-aaral
sa pagkuha ng mga datos. Ang nasabing talatanungan ay naglalaman ng apat (4
) na katanungan na ibinahagi sa pitumput limang (75) bullied na mga mag
-aaral na nasa unang taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa Santa Mesa, Maynila
bilang mga respondente. Masasabing malawak ang saklaw ng mga respondente sapagkat hindi
nakasisiguro ang mananaliksik na mayroong pitumput lima o higit pa ang nakaranas ng pambu
- bully sa isang departamento o kolehiyo lamang.Sa PUP naman ang napiling lugar ng mananaliksik dahil
sa aksesibilidad at sa dali na makapagsagawa ng sarbey. Makikita ang sampol ng sarbey sa huling pahina
ng bahaging ito
Epekto ng Pambu-bully 8 Dahil bukas na talatanungan ang isasagawang sarbey, pagsasama-samahin ng
mananaliksik ang mga magkakaugnay na sagot na respondente, kahit na hindi eksakto ang
itinugon ng respondente hanggat sa itoy nagsasaad ng kaparehong ideya, isasama na iyon sa iba
pang kaugnay na sagot. Ang mga nasabing magkakaugnay na kasagutan at ang tanong sa Bilang 2, kung
saan
itoy isang tseklis, ay susukatin sa pamamagitan ng istatistikal na paraan sa ibaba.

Ang pormulang ito ang siyang gagamitin sa pagkuha ng bahagdan ng mga tugon ng mga respondente,
kung saan: ang
P
ay tumutukoy sa porsyento o bahagdan;
f
para sa frikwensi o bilang ng sumagot; at
N
para sa kabuuang bilang ng mga respondente.)

Epekto ng Pambu-bully 9
Pangalan Edad Kurso at Baitang Petsa
BULLYING: EPEKTO NITO SA PISIKAL, MENTAL, SOSYAL AT MORAL NA ASPETO NG MGA MAG-
AARAL
Magandang araw! Ako po ay kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik ukol sa paksang nasa itaas at
kung maaari po lamang ay masagutan ninyo ang sarbey na ito ng maayos at matapat. Maaasahang ang
inyong profayl ay mananatiling konfidensyal.

Cristina Dela Cruz, BSA 1-31


1
Bilang isang biktima ng pambu-bully, ano ang naging
epekto
nito sa iyong aspetong:
a PISIKAL
(pangangatawan)
b MENTAL
(pag-iisip)
c SOSYAL
(pakikipagkapwa)
d MORAL
(pag-uugali)
2
Anong uri ng pambu-bully ang iyong
naranasan
? (Lagyan ng tsek (

) ang kahon)

Pisikal
(pananakit sa katawan)

Berbal
(panunukso, masasakit na salita, atbp.)

Di-tuwiran
(pantsitsismis, pamamlastik, atbp.)

Intimidasyon

(paggawa ng di
kagustuhan, paghingi ng pera)

Social Alienation
(pagturing na di
kabilang sa grupo)
3
Sa iyong
pananaw
, ano ang dahilan ng pambu-
bully sayo?
Epekto ng Pambu-bully 10
4
Anong
pamamaraan
ang ginawa mo upang malabanan ang pambu-bully sa iyo?

KABANATA II Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Ang bahagi ng pag-


aaral na ito ay naglalaman ng mga ibat ibang literatura at pag
-aaral mula sa lokal at internasyonal na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik. Kaugnay na Literatura
Isang artikulo mula sa websayt ng DepEd Nueva
Ecija na pinamagatang Pang
-Aapi
(Bullying)... Dapat Maiwasan na kung saan binanggit ng may
-akda ang ilang kadahilanan kung bakit may nagaganap na pambu-bully sa mga paaralan.
Biktima ng pang
-aapi kadalasan ang mga maliliit, mahihina at mga may kapansanan na walang kakayahang lumaban at
ipangtanggol ang sarili mula sa mas malalaking kaklase na kadalasan din mapang-api dahil sa pag-
aakalang takot sa kanila ang mga kamag-aral. Ayon sa aking pagsasaliksik at base sa aking nakikita, ang
mga mapang-api ay mga batang kulang sa pansin (KSP) na sabik sa atensyon at pagmamahal ng
magulang at hindi masyadong nagabayan kaya sa ganitong paraan nila inilalabas ang kanilang saloobin
upang makakuha ng atensyon.Kung minsan napabayaan na nga ng magulang ang kanilang mga anak,
bayolente pa ang pagtrato at pagdisiplina kaya

Epekto ng Pambu-bully 11
naman nakuha nila ang ganitong pag-uugali mula sa mga magulang.Patunay lamang na
tama ang kasabihang kung ano ang ginagawa ng mas nakatatanda ang siyang ginagaya ng mga bata.
(Vicencio, 2012)
Dagdag pa niya, dapat mabantayan at magabayan mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo
na sa pagdidisiplina sa mga ito upang maiwasan ang mga ganitong uri ng senaryo sa mga paaralan.
(http://www.depedne.net/?page=news&action=details&categ=Articles&code01 =AP121 20001
&CMonth=12&CYear=2012)
Sa isang artikulo naman sa onlayn na pahayagan na Balita.net, isang bata ang naiulat na
namatay dahil sa pambu-bully ng mga kamag-aral. Ayon dito, napikon umano ang siyam na taong gulang
na bata matapos itong asarin ng 12 kamag-aral niya at nauwi ito sa matinding pag-aaway laban sa 2
kamag-aral niya sa bakuran ng paaralan nila sa San Jose, Pili, Camarines Sur.
Namaga umano ang braso ng bata hanggang sa makaramdam ito ng labis na sakit kung kaya t
dinala ito sa pagamutan
matapos ang tatlong araw at ditoy nasawi ang bata sa
cardiac arrest
. (Taboy, 2013) (

http://www.balita.net.ph/2013/08/15/9-anyos-patay-sa-bullying/)
Mula naman sa isang literatura na may titulong Bullying and Harassment at Schools,
kung saan isinaad na ang pambu-bully at karahasan ay hindi na bagong isyu sa mga mag-aaral at
paaralan. Ayon pa rito, dahil sa kaalaman ng lahat na ang pambu-bully ay kadalasang nagaganap sa mga
paaralan, nagiging banta ito sa mga mag-aaral at ang paniniwalang ang bullying ay isang

Epekto ng Pambu-bully 12
developmental stage na kung saan lahat ng mga kabataan ay pagdaraanan ito (Ross, 2002,
p.107). (http://umanitoba.ca/faculties/education/media/Bennett-09.pdf) Kaugnay na Pag-aaral Isang pag-
aaral naman ang isinagawa ng ahensyang Plan Philippines noong 2008 ukol sa bullying sa Pilipinas na
pinamagatang Toward a Child
-Friendly School Environment: A B
aseline Study on Violence Against Children in Schools.
May tatlong (3) layunin ang kanilang pag-aaral.Una, mailarawan ang isyung mga karahasan sa mga
paaralan mula sa mga persepsyon ng mga bata, magulang, paaralan at ang mga kawani nito sa mga piling
lugar sa bansa. Pangalawa, matukoy ang mga salik sa mga karahasang ito sa mga bata sa paaralan sa mga
piling lugar. At pangatlo, makapagrekomenda ng mga polisiya at programa sa mga paaralan laban sa mga
karahasan upang
maging child
-
friendly ang
mga paaralan. Ayon
sa Plan Philippines, ang
bullying ay isang
karaniwang behavior na
sa mga eskwelahan sa buong mundo. Sa Pilipinas, ang bullying ay nakaka-apekto na sa maraming mga
estudyante sa mga pribado at pampublikong
paaralan (2008). Ayon
sa pag-aaral na ito na ginawa sa 58 na pampublikong
eskwelahan, ang

mga peers mismo


ng mga estudyante ang gumagawa ng

Epekto ng Pambu-bully 13 (Sors:http://www.studymode.com/essays/Philippines-Toward-a-Child-


Friendly-Education-Environment-1870111.html) Isang sarbey sa buong kapuluan naman ang isinagawa ni
Miguel-Baquilod na kawani ng Kagawaran ng Kalusugan noong 2004 ukol sa kalusugan ng mga
sekondaryang mag-aaral. Kabilang sa nasabing survey ay ang karahasan laban sa kabataan. Naipakita sa
sarbey na halos kalahati ng mga respondente ay sangkot sa pisikal na pang-
aaway at ang mga sophomore ay mas nasasangkot at nabibiktima kaysa sa mga juniors at seniors.
One
-third na mga mag-aaral ay na-bully na nang higit pa sa isang beses sa loob ng isang buwan, at halos 3 sa
10 mga nabikitima ay na-bully nang pisikal. Isinaad din sa pag-aaral na mas nasasangkot ang mga
kalalakihan sa mga ganitong uri ng karahasan kumpara sa mga kababaihan.
(Sors:http://safeschoolenvironment.blogspot.com/2007/06/bullying-in-philippine-setting.html) Sa isang
pag-aaral naman na isinagawa nina Jean Sunde Peterson at Karen Ray na may
titulong Bullying and the Gifted: Victims, Preprators, Prevalence, and Effects (2006) na kung
saan pinag-aralan nil
a ang patuloy na paglaganap ng bullyingat mga epekto nito sa mga biktima at ang pagiging isang
bully sa kindergarten hanggang sa ika
-walong baitang. Sa 432 na kalahok sa isinagawang sarbey, 67 porsyento ang nakaranas ng 1 sa 13 uri ng
pambu-bully na nakalista sa sarbey, mas marami sa ika-anim na baitang kaysa sa ibang baitang, at 11
porsyento naman ang nakaranas ng paulit-ulit na pambu-bully, at ang nalalabing porsyento ay mga
nakaranas ng iba pang uri ng pambu-bully na may malaking impak sa emosyonal na aspeto ng mga mag-
aaral. Sa ika-
walong baitang, 16 na porsyento ang mga bully, at 29 na porsyento
naman ang may marahas na kaisipan. Sa lahat ng baitang,mula kindergarten hanggang ika
walong baitang, malaking bahagdan ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan
ang mga biktima ng pambu-bully, na-bully ng higit sa sampung beses, at mga bully.
(Sors:https://www.nagc.org/uploadedFiles/GCQ/GCQ_Articles/Bullying%20%20Spring
%202006.pdf)

Epekto ng Pambu-bully 14 walong baitang, malaking bahagdan ng mga kalalakihan kaysa sa mga
kababaihan ang mga biktima ng pambu-bully, na-bully ng higit sa sampung beses, at mga bully.
(Sors:https://www.nagc.org/uploadedFiles/GCQ/GCQ_Articles/Bullying%20%20Spring%202006.pdf)
KABANATA III Paglalahad at Pagsusuri ng mga Datos Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng
resulta ng mga impormasyong nakalap mula sa isinagawang sarbey ukol sa mga epekto ng pambu-bully
sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto ng mga mag-aaral at ang interpretasyon ng mga datos ayon
sa pagsusuri. Sa
isinagawang sarbey na ipinamahagi sa pitumput limang (75) mag
-aaral na nasa unang
taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, sa hindi inaaasahang pangyayari, ay animnapu t pitong
(67) tugon lamang ang bumalik sa mananaliksik. Kung kaya t ang 67 respo
ndenteng tumugon sa sarbey ang siyang gagamitin upang mailahad ang resulta ng buong pananaliksik

Epekto ng Pambu-bully 17 Grap 2 Kabuuang bahagdan ayon sa epekto Ipinapakita sa grap na ito ang
samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha ng 36% o 24 respondente ang walang epekto at 67% o
43 na respondente naman ang sumagot ng may
epekto sa ibat ibang kasagutan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng
43 na respondente. TALAHANAYAN BLG. 2
MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN
Bumaba ang tingin sa sarili 7 16% Nag-iisip palagi 4 9.5%
67% 36% 0 0
Kabuuang Bahagdan
Mayroong epektoWalang epekto
Epekto ng Pambu-bully 18 Na-stress 1 2% Na-depress 5 12% Nawawala sa sarili o pagkalutang 3 7%
Hindi makapag-isip ng maayos 1 2% Natatakot/nato-trauma 10 23% Naging emosyonal at sensitibo 1
2% Nakatulong sa paghubog ng aspetong mental (pagiging
aware, matured
at wais) 4 9.5% Naisipang lumaban 2 5% Naging paranoid 5 12%
KABUUAN 43 100%
Makikita sa talahanayan na higit na nagingibabaw ang tugon na natatakot o nato
-
trauma na may 23% o 10 respondente. Sinundan ito ng tugon na bumaba ang tingin sa sarili na may
16% o 7 respondente; 12% o 5 respondente sa parehong tugon na na
-
depress at
Epekto ng Pambu-bully 19
naging paranoid; 9.5% o 4 respondente sa parehong tugon na nag
-
iisip palagi at nakatulong sa paghubog ng sarili; 7% o 3 respondente sa tugon na nawawala sa sarili;
5% o 2 respondente sa tumugon na naisipang lumaban; at 2% o 1 respondente sa parehong tugon na na
-
stress at di makapag
-
isip ng maayos.
Sab-suliranin 3 Epekto ng Pambu-bully sa Sosyal na Aspeto ng mga Mag-aaral Grap 3 Kabuuang
bahagdan ayon sa epekto Ipinapakita sa grap na ito ang samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha
ng 10% o 7 respondente ang walang epekto at 80% o 60 na respondente naman ang sumagot ng may
epekto sa ibat ibang kasagutan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng
60 na respondente. TALAHANAYAN BLG. 3
90% 10% 0 0
Kabuuang Bahagdan
Mayroong epektoWalang epekto

ibat
-ibang uri ng karahasan sa kapwa estudyante. Ang pamamahiya at pangungutya ang pinaka-komon na
gawain. Halos 50 porsyento ng mga bata sa Grades 1 hanggang 3 ay nagging biktima nito at 67 porsyento
naman ng mga bata sa Grades 4 hanggang 6. Sa high school, 65 porsyento ng mga estudyante ay nagging
biktima na rin ng pangungutya at pamamahiya. Dahil sa bullying, maraming mga bata ang nagging
mahiyain at lagi na lamang natatakot, at nawalan ng gana sa pag-aaral.

You might also like