You are on page 1of 13

Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal,

Mental,Sosyal at Moral na Aspeto ng mga


Mag-aaral

Cristina L. Dela Cruz

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ma. Victoria R. Apigo

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Marso 15, 2014

REHIYON 1.

AERON OCBIAN

RICHELLE TAGUM

JAYSON ROQUE
Epekto ng Pambu-bully 2
Kabanata I
Panimula
Ang unang bahagi ng pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga suliranin,
balangkas,metodolohiya at iba pang mga detalye na naglalarawan sa paksa ng pag-
aaral.
Introduksyon
Mula sa mga sinusubaybayang teleserye sa telebisyon, mga napapanood sa mga
pelikula,mga babasahing libro, sa mga balita at pahayagan hanggang sa sariling
karanasan, ang bullying ay siguradong hindi lingid sa kaalaman ng lahat. Ang
bullying ay isang uri ng karahasan laban sa mga bata. Ayon sa Kagawaran ng
Edukasyon, matatawag na bullying ang paulit-ulit na pangungutya, pananakit
nang pisikal o pagbibitiw ng masasakit o mapanirang salitasa isang indibidwal.
Kadalasang biktima ng bullying ang mga mag -aaral na nasa elementarya at
sekondarya.
Ang mga naaaping ito ay kadalasang mahina, tahimik, mahiyain, may kapansanan,
at hindimarunong lumaban na nagtutulak sa mga bully na apihin sila dahil alam
nilang hindi silalalabanan nito.
Sa pamamagitan ng pambu-bully, maaaring maapektuhan ang biktima nito
sakaniyang pisikal, emosyonal, sosyal at/o moral na aspeto kung saan maaari
silang humantong sa matinding depresyon at kung malala pay umaabot pa ito sa
kanilang kamatayan.

Epekto ng Pambu-bully 3

Kaya naman, isinagawa ang pananaliksik na ito upang makapagbigay-impormasyon


ukolsa mga epekto ng pambu-bully at mahikayat ang ilang mga bully na tigilan na
ang kanilang masamang gawain.

Layunin

Ang papel pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga epektong naidulot
ng pambu-bully sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto ng mga may
karanasang mag-aaral nanasa unang taon sa kolehiyo. Layunin din nitong tukuyin
ang mga dahilan sa likod ng pambu- bully sa pananaw ng mga biktima nito, pag-
alam sa uri ng pambu-bully na kanilang naranasan, at pati na rin ang pagtukoy sa
mga paraang isinagawa ng mga biktima sa paglaban dito.

Suliranin

Upang maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral, humahanap ang pag-aaral na ito


ng mgakasagutan sa mga sumusunod na suliranin:

1.Ano ang epektong naidulot ng pambu-bully sa aspetong:

1.1.pisikal?

1.2.mental?

1.3.sosyal?.

1.4. moral ng mga mag-aaral

2.Anong uri ng pambu-bully ang kanilang naranasan o nararanasan?

3.Ano ang dahilan ng pambu-bully sa pananaw ng biktima ng bullying?

4. Anong mga pamamaraan ang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang
bullying?

Pagpapalagay
1.Ang pambu-bully ay nakaaapekto sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto
ngisang indibiduwal.

2.Ang karaniwang uri ng pambu-bully na nararanasan ng mga mag-aaral ay sa


paraang berbal.

3.Ang isang indibiduwal ay nambu-bully dahil may personal itong problema.

4.Malalabanan o maiiwasan ang pambu-bully kung hindi na lamang ito papansinin.

Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pambu-bully na karaniwang
nararanasan ngmga mag-aaral. Sakop nito ang mga epekto ng bullying sa pisikal,
mental, sosyal, at moral naaspeto ng mga mag-aaral, mga dahilan ng pambu-bully,
uri ng pambu-bully na nararanasan ngmga mag-aaral at ang mga pamamaraang
isinagawa ng mga biktima upang malabanan ito.Ang pag-aaral na ito ay nilimitahan
lamang sa pitumput limang (75) piling mag-aaral nanasa unang taon sa
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na may karanasan sa pambu bully
bilang mga tagatugon.
Sila ang pinili ng mananaliksik dahil sila ang lubos na makatutulongat
makatutugon sa mga suliranin ng pag-aaral. Sa pamamagitan din ng mga
respondenteng ito,magiging instrumento sila sa katagumpayan ng pananaliksik na
ito.

Epekto ng Pambu-bully 4
3.Ano ang dahilan ng pambu-bully sa pananaw ng biktima ng bullying?

4.Anong mga pamamaraan ang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang
bullying?

Pagpapalagay
1.Ang pambu-bully ay nakaaapekto sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto
ngisang indibiduwal.

2.Ang karaniwang uri ng pambu-bully na nararanasan ng mga mag-aaral ay sa


paraang berbal.

3.Ang isang indibiduwal ay nambu-bully dahil may personal itong problema.

4.Malalabanan o maiiwasan ang pambu-bully kung hindi na lamang ito papansinin.

Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pambu-bully na karaniwang
nararanasan ngmga mag-aaral. Sakop nito ang mga epekto ng bullying sa pisikal,
mental, sosyal, at moral naaspeto ng mga mag-aaral, mga dahilan ng pambu-bully,
uri ng pambu-bully na nararanasan ngmga mag-aaral at ang mga pamamaraang
isinagawa ng mga biktima upang malabanan ito.Ang pag-aaral na ito ay nilimitahan
lamang sa pitumput limang (75) piling mag-aaral nanasa unang taon sa
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na may karanasan sa pambu bully
bilang mga tagatugon.
Sila ang pinili ng mananaliksik dahil sila ang lubos na makatutulongat
makatutugon sa mga suliranin ng pag-aaral. Sa pamamagitan din ng mga
respondenteng ito,magiging instrumento sila sa katagumpayan ng pananaliksik na
ito.

Epekto ng Pambu-bully 5
Teoretikal na Balangka
sBilang batayan sa konsepto ng pag-aaral na ito, nilahad ng bahaging ito ang
mgateoryang may kaugnayan at magiging basehan sa daloy ng pag-aaral.Ayon sa
teorya ni Urie Bronfenbrenner (1977, 1979) na
ecological systems, isinasaad na ang isang mag-aaral ay nasa sentro ng kaniyang
panlipunang kapaligiran na kinabibilangan ngkanyang grupo, pamilya, paaralan,
komunidad, at kultura. Nagkakaroon ng pakikipag-ugnayanang mga tao sa
pamamagitan ng reciprocal interaction kung saan maaaring maging salik ito ng
pag-uugali ng isang indibiduwal, partikular sa mga mag-aaral bilang sentro ng
lipunan. Bilang paglilinaw, ang mga social system na nabanggit ay kinabibilangan
ng mga indibiduwal na makaiimpluwensya sa mga mag-aaral at lugar na kung saan
ang bata ay isangaktibong kalahok, tulad sa tahanan at paaralan, at sa iba pang
mga kapaligiran na maaaringmagkaroon ng di-tuwirang epekto sa mga bata.Mula
naman kay Pellegrini, ang kabataan ay ang panahon na kung saan mataas
ang bilang ng pambu bully
. Ang nasabing pagtaas na ito ay ipinaliliwanag ng dominance theory.
Ayon sa teoryang ito, ang bullying ay isang agresibong pamamaraan na may
layuning makakuha At mapanatili ang dominance ng taong nambu-bully
(Pellegrini & Bartini, 2001).
Angdominance ay isang salik ng pakikipag-ugnayan kung saan ang mga
indibiduwal ay nakaayossa isang herarkiya ayon sa kanilang kakayanan o
kapangyarihan(Dunbar, 1988).
Ayon pa sa teoryang dominance, ang mga kalalakihan na gumagawa ng
agresibong gawain na ito ay

Epekto ng Pambu-bully 6
lalong pinahahalagahan ng kanilang grupong kinabibilangan at mas appealing sa
mga grupo ngkababaihan
.Sinasaad naman sateoryang attractionni Bukowski, dahil sa kagustuhan ng
mgakabataang mahiwalay sa kanilang mga magulang, sila ay naaakit sa ibang mga
kabataangnagtataglay ng mga katangiang nagpapakita ng kalayaan,
(hal. pagpapabaya, pagka-agresibo, at pagsusuway)
at hindi naman sila gaanong naaakit sa mga kabataang nagtataglay ng mga
katangiang higit na naglalarawan ng pagkabato childhood, (hal. pagkamasunurin)
(Bukowski et al., 2000, Moffitt, 1993).
Ayon sa mga may-akda, naiimpluwensyahan ng mgapeer group ang mga kabataan
sapagkat naaakit sila sa pagkaagresibo ng mga ito.

Konseptwal na Balangkas

Epekto ng Pambu-bully 12
developmental stage na kung saan lahat ng mga kabataan ay pagdaraanan ito
(Ross, 2002,
p.107). (http://umanitoba.ca/faculties/education/media/Bennett-
09.pdf)Kaugnay na Pag-aaralIsang pag-aaral naman ang isinagawa ng ahensyang
Plan Philippines noong 2008 ukol sa bullying sa Pilipinas na
pinamagatang Toward a Child
-Friendly School Environment: AB
aseline Study on Violence Against Children in Schools.
May tatlong (3) layunin ang kanilang pag-aaral.Una, mailarawan ang isyung mga
karahasan sa mga paaralan mula sa mga persepsyonng mga bata, magulang,
paaralan at ang mga kawani nito sa mga piling lugar sa bansa.Pangalawa, matukoy
ang mga salik sa mga karahasang ito sa mga bata sa paaralan sa mga pilinglugar.
At pangatlo, makapagrekomenda ng mga polisiya at programa sa mga paaralan
laban samga karahasan upang maging child-friendly ang mga paaralan. Ayon sa
Plan Philippines, ang bullying ay isang karaniwang behavior nasa mga
eskwelahan sa buong mundo. Sa Pilipinas,ang bullying ay nakaka-apekto na sa
maraming mga estudyante sa mga pribado at pampublikongaralan
(2008). Ayon sa pag-aaral na ito na ginawa sa 58 na pampublik eskwelahan, ang
mga peers mismo ng mga estudyante ang gumagawa ng ibat-ibang uri ng
karahasan sa kapwaestudyante. Ang pamamahiya at pangungutya ang pinaka-
komon na gawain.
Halos 50 porsyentong mga bata sa Grades 1 hanggang 3 ay nagging biktima nito
at 67 porsyento naman ng mga batasa Grades 4 hanggang 6. Sa high school, 65
porsyento ng mga estudyante ay nagging biktima narin ng pangungutya at
pamamahiya. Dahil sa bullying, maraming mga bata ang naggingmahiyain at lagi na
lamang natatakot, at nawalan ng gana sa pag-aaral.

Epekto ng Pambu-bully 13

(Sors:http://www.studymode.com/essays/Philippines-Toward-a-Child-Friendly-
Education-Environment-1870111.html)Isang sarbey sa buong kapuluan naman ang
isinagawa ni Miguel-Baquilod na kawani ngKagawaran ng Kalusugan noong 2004
ukol sa kalusugan ng mga sekondaryang mag-aaral.Kabilang sa nasabing survey ay
ang karahasan laban sa kabataan. Naipakita sa sarbey na haloskalahati ng mga
respondente ay sangkot sa pisikal na pang-aaway at ang mga sophomore aymas
nasasangkot at nabibiktima kaysa sa mga juniors at seniors. One-third na
mga mag-aaralay na-bully na nang higit pa sa isang beses sa loob ng isang buwan,
at halos 3 sa 10 mganabikitima ay na-bully nang pisikal.
Isinaad din sa pag-aaral na mas nasasangkot ang mgakalalakihan sa mga ganitong
uri ng karahasan kumpara sa mga kababaihan.
(Sors:http://safeschoolenvironment.blogspot.com/2007/06/bullying-in-
philippine-setting.html)Sa isang pag-aaral naman na isinagawa nina Jean Sunde
Peterson at Karen Ray na may titulong Bullying and the Gifted: Victims,
Preprators, Prevalence, and Effects (2006) na kung saan pinag-aralan nila ang
patuloy na paglaganap ng bullyingat mga epekto nito sa
mga biktima at ang pagiging isang bully sa kindergarten hanggang sa ika-walong
baitang.
Sa 432 na kalahok sa isinagawang sarbey, 67 porsyento ang nakaranas ng 1 sa 13
uri ng pambu-bully nanakalista sa sarbey, mas marami sa ika-anim na baitang
kaysa sa ibang baitang, at 11 porsyentonaman ang nakaranas ng paulit-ulit na
pambu-bully, at ang nalalabing porsyento ay mganakaranas ng iba pang uri ng
pambu-bully na may malaking impak sa emosyonal na aspeto ngmga mag-aaral. Sa
ika-walong baitang, 16 na porsyento ang mga bully, at 29 na porsyento
naman ang may marahas na kaisipan. Sa lahat ng baitang,mula kindergarten
hanggang ika-

Epekto ng Pambu-bully 14
walong baitang, malaking bahagdan ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan
ang mga biktima ng pambu-bully, na-bully ng higit sa sampung beses, at mga
bully.(Sors:https://www.nagc.org/uploadedFiles/GCQ/GCQ_Articles/Bullying%2
0%20Spring%202006.pdf)KABANATA IIIPaglalahad at Pagsusuri ng mga
DatosAng bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng resulta ng mga
impormasyong nakalapmula sa isinagawang sarbey ukol sa mga epekto ng pambu-
bully sa pisikal, mental, sosyal, atmoral na aspeto ng mga mag-aaral at ang
interpretasyon ng mga datos ayon sa pagsusuri.Sa
isinagawang sarbey na ipinamahagi sa pitumput limang (75) mag
-aaral na nasa unang
taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, sa hindi inaaasahang pangyayari,
ay animnaput pitong (67) tugon lamang ang bumalik sa mananaliksik
Kung kayat ang 67 respondentengtumugon sa sarbey ang siyang gagamitin
upang mailahad ang resulta ng buong pananaliksik.
Epekto ng Pambu-bully 33
paraan upang matigil ang pambu-bully sa inyo.
Mas may kakayahan ang mga pagsusumbunganmo kaysa sa mga nambu- bully
sayo.
Sa mga nambu-bully, inirerekomenda ng mananaliksik na itigil na ang pang-aapi sa
ibangtao dahil maaari itong makaapekto sa kaniyang buhay. Maaaring magdulot
ito ng kasiyahan sa
inyo ngunit tandaan ninyo na iyoy panandalian lamang at dapat ninyon haraping
ang kasalanan ninyo sa Kanya.
Sa mga guro at magulang, ninanais ng mananaliksik na mas pagtibayin pa ang
atensyonat paggabay sa inyong mga anak upang walang karahasang nangyayari.
Hindi man sa inyonakukuha ng inyong mga anak ang pambu-bully ngunit nararapat
na bigyan ng pansin ang mgakagawian ng inyong mga anak lalo na sa paaralan.
Lubos na naiimpluwensyahan ang inyongmga anak sa mga gawain na nakikita at
nakakasalamuha niya sa kapaligiran (teoryang ecologicalsystem)Sa mga iba pang
mag-aaral at mananaliksik, lubos na iminumungkahi ng mananaliksik namagsagawa
pa ng ilang pag-aaral ukol sa bullying. Bagamat marami na rin ang mga pag-
aaralna nagsasagawa nito, ninanais ng mananaliksik na tumuon pa sa iba pang
aspeto ng isangindibidwal na maaaring maapektuhan ng pambu-bully. Maaari rin
na magsagawa ng isang pag-aaral ukol sa pagsugpo ng pambu-bully kahit na
maiisip ng karamihan na imposibleng matigilang karahasang ito.
Marami pang hindi napapatunayan at hindi natutuklasan kung kayat lubos
na nirerekomenda ng mananaliksik ang mga nabanggit.

Epekto ng Pambu-bully 34

Referensya Bennett, C. (2009).


Literature Review of Bullying at Schools
. http://umanitoba.ca/faculties/education/ media/ Bennett-
09.pdfEspelage, D.L. & Swearer, S.M. (Ed.) (2004).
Bullying in American Schools: A Social- Ecological Perspective on Prevention and
Intervention. Mahwah, New Jersey:Routledge.

Epekto ng Pambu-bully 35
OConnor, JA. (2012).
An Examination of Bullying Within Middle School Physical Education.
(Doctoral
dissertation) https://www.ideals.illinois.edu/bitstreamz/handle/2142/31044/O
Connor _Jamie.pdfPeterson, J.S. & Ray, K.E. (2006).
Bullying and the Gifted: Victims, Perpetrators, Prevalence,and Effects
. https://www.nagc.org/uploadedFiles/GCQ/GCQ_Articles/Bullying%20%20Spri
ng %202006.pdf

Taboy, F. (2013, Agosto 15).


9-anyos, patay sa bullying
. http://www.balita.net.ph/2013/08/15/9-anyos-patay-sa-bullying/Vicencio, C.
B. (2012).
Pang-
Aapi (Bullying) Sa Paaralan Dapat Maiwasan
. http://www.deped-
ne.net/?page=news&action=details&categ=Articles&code01=AP12120001&CMont
h= 12&CYear=2012
Bullying in the Philippine Setting
(2007, Hunyo 30).
http://safeschoolenvironment.blogspot.com/2007/06/bullying-in-philippine-
setting.html
Mga Saksi ni Jehova
. http://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/pamilya/tin-edyer/tanong/binu-bully/
Philippines Toward a Child-Friendly Education Environment
. (2013, Agosto). http://www.studymode.com/ essays/Philippines-Toward-a-
Child-Friendly-Education-Environment-1870111.html
Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit. (Kawikaan 15:1)

Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama. (Roma 1


2:17)
Siyang marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli.
(Kawikaan 29:11

You might also like