You are on page 1of 11

1

COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

"Epekto ng 'STRESS' sa akademikong pag-aaral ng mga

estudyante ng baitang 11-Socrates (HUMSS) sa Commonwealth

High School"

Ang Pananaliksik na ito ay iniharap sa

Mataas na Paaralan ng Komonwelt

Kagawaran ng Senior High

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang:

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t – ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Ipinasa nina:

Articuna, Ricky
Bularda, Andrea Bianca
Montederamos, Ma. Mavel C.
Pinero, Stephany Jean
Renoballes, Kyla
Rondina, Gwen Marie
Taller, Roberto
Union, Mary Ann

Ipinasa kay:
Bb. Ronna Mae Aguinaldo
Guro sa Filipino 11
2
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL
Hunyo 2021
3
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ano nga ba ang stress? Ang stress ay isang uri ng pakiramdam at

dahil dito maaari tayong makaramdam. Ang matinding galit, lungkot o

pagkatakot ang nagiging reaksyon ng ating isipan kapag tayo ay

nakakaranas ng ‘stress’. (Medlineplus Medical Encyclopedia)

Ito ang napili naming paksa dahil alam naman natin na ang ating

bansa ay humaharap sa isang napaka-laking krisis ngayon. Ito ay dahil

sa kumakalat na sakit na kung tawagin ay Covid19. Dahil ang sakit na

ito ay madaling naipapasa o madaling kumakalat, napagpasiyahan ng

ating gobyerno na manatili muna sa loob ng bahay ang lahat ng tao.

Maaaring noong una ay tila wala lang ito sa atin, maaaring ang iba ay

masaya pa, ngunit habang tumatagal unti-unti ng nagkakaroon ng

matinding pag-aalala ang mga tao. maaaring sa kanilang trabaho, sa

kanilang pamilya, o sa kanilang pag-aaral. Napag-desisyonan namin

ng aking mga kamag-aral na gawan ng pananaliksik ang “Epekto ng

‘stress’ sa akademikong pag-aaral ng mga estudyante.” At ang napili

naming kapanayamin ay ang aming mga kapwa mag-aaral sa baitang

labing-isa.
4
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

Layunin ng aming grupo na malaman kung anong nagiging epekto

ng stress sa kanilang pag-aaral. Kung ang stress ba ay labis na

nakakatulong upang pag-igihan pa nila ang kanilang pag-aaral o kung

nagiging sanhi ang stress upang lalong tamarin ang mga mag-aaral.

Nais naming malaman kung ano-ano ang nagiging sanhi kung bakit

sila nakakaranas sila ng stress. At ano-ano ang mga ginagawa nila

kapag sila ay nakakaranas ng ganitong klase ng pakiramdam.

Ang pag-aaral na ito ay dapat bigyan ng pansin dahil maraming

tao ang tinatamaan ng ganito ng uri ng pakiramdam. Nais naming

makatulong para sa mga iba pang kabataan na nakakaranas ng ganito

uri ng pakiramdam, nais naming magkaroon sila ng tamang aksyon at

magkaroon sila ng positibong pananaw na kahit sila ay stress ay may

kaya silang gawin. Ang pananaliksik na ito ay hindi lamang mga

estudyante ang makikinabang kung hindi pati narin mga magulang at

mga ka-guroan. Makakatulong ito upang malaman nila ang

pinagdadaanan ng kanilang mga anak o estudyanteng dumaranas ng

stress.
5
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Epekto ng ‘STRESS’ sa

akademikong pag-aaral ng mga estudyante ng baitang 11-Socrates

(HUMSS) sa Commonwealth High School” ay naglalayong sagutin ang

mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang pang-unawa ng mga respondente sa mga epekto ng

stress sa kanilang pag-aaral?

2. Ano ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral na

nakarararanas o nakaranas ng stress?

3. Paano natin matutulungan ang mga mag-aaral na nakararanas

ng stress?

4. Ano ang nararamdaman ng mga mag-aaral na nakararanas ng

stress?

5. Paano tuluyang mapupuksa ang stress sa pag-aaral ng mga

estudyante?
6
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

Kahulugan ng mga Katawagan

Upang mas madaling maunawaan ang mga salitang ginamit sa

pag-aaral, binigyan ng kahulugan ng mananaliksik ang mga

sumusunod na pangkat ng/mga salita:

1. Academic Pressure. Isang karanasan kung saan ang isang mag-

aaral ay nabibigatan sa hinihinging oras at lakas upang makamit ang

mga tiyak na layunin sa akademiko. Ang stress na ito ay maaaring

magmula sa iba't ibang mga potensyal na mapagkukunan at

magkaroon ng napakaraming mga epekto sa mga mag-aaral kapwa

emosyonal at akademiko

2. Akademikong Pagganap.

Ang akademikong pagganap ay kung paano gumaganap ang isang

mag-aaral sa mga gawain sa paaralan. Gayundin, ang mga mag-aaral

na may kaalaman sa kanilang mga estilo sa pag-aaral ay maaaring

bigyang kapangyarihan upang kilalanin at gamitin ang mga diskarte ng

pag-aaral na angkop sa kanilang mga indibidwal na estilo, na

nagreresulta sa higit na kasiyahan sa edukasyon. (Rodrigo and

Rajapakse, 2013)
7
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

3. Baitang 11. Sila ang mga mag-aaral na nag-aaral sa paaralan na

Commonwealth High School. Ang pangkat ng baitang 11 ay nasa taon

ng paaralan na 2020-2021

4. Mag aaral. Mga estudyante na nagaaral sa isang partikular na

paaralan

5. Pandemya. Ito ay ang internasyonal na pagkalat ng isang bagong

sakit kung saan ang karamihan ay wala pang kaligtasan laban dito.

Ang pandemya ay isang emergency sa kalusugan sa publiko. Ito ay

nailalarawan sa pamamagitan ng pagdudulot ng maraming mga

seryosong kaso na, kahit na maaaring kumatawan sa isang maliit na

porsyento ng populasyon, nagpapahiwatig ng isang pare-pareho at

hindi malulutas na kahinaan. Isa na rito ang Covid-19, na ating

kinakaharap ngayon.

6. Respondent. Ang salitang tinatawag na respondente o respondent

ay tumutukoy sa isa o higit pang indibidwal na kasapi o parte ng isang

interbyu o ekspiremento, sila ang mga nakakatanggap ng papel na

may mga tanong at parte ng proseso. Sila ang pinakapangunahing

pinagkukuhanan ng impormasyon ng mga mananaliksik o tinatawag na

primary sources of information.


8
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

7. Strand. Ang mga strands na kasali sa bagong K-12 curriculum ng

DepEd ay ang ABM, STEM, HUMSS.

8. Stress. Isang sitwasyon na kung saan ay dumadaan sa

pakiramdam na Ikaw ay nahihirapan, nababahala, labis na kapaguran

at kawalan ng pag-asa.

BATAYANG KONSEPTWAL

a. Stress Model

Ang Stress Model ay isang modelong teorya na nagpapaliwanag sa

pinaka sanhi ng problemang mga pag-uugali. Sa katunayan,

kung tuluyang maiintindihan ng isang tao ang konsepto ng Stress

Model, at ang malawak na implikasyon sa totoong buhay, ay

maaari ka ng makagawa ng isang healing dynamic process para sa

iyong pamilya o mga tao sa iyong paligid. Sinasabi sa Stress Model na;

“Ang lahat ng pag-uugali ay nanggagaling sa kanyang pagiging

stressed. Sa pagitan ng mga estado ng stress (maging mabuting

stress o hindi nakabubuting stress) at ang pag-uugali, ay

ang pagkakaroon ng isang damdamin. Ito ay sa pamamagitan ng

expresyon, pag proseso, at pag-unawa ng damdamin na maaari

maging kalmado ang stress at lumiit ang pag-uugali.


9
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

B. General and Adaptation Theory

Sa teoryang ito, mayroong tatlong bahagi. Sa unang bahagi, iyon

muna ang inisyal na reaksyon ng mga tao sa stress, pagkabigla.

Ngunit di kalaunan ay babalik din ito sa normal niyang kalagayan. Sa

pangalawa naman, dito nangyayari ang pagtanggi ng tao sa stress na

kanyang nararanasan na magreresulta sa pang huling bahagi, ang

kapaguran. Sa paggamit ng teoryang ito, mas maiintindihan namin

ang pinagdadaanan ng mga estudyante at makakamit namin ang

sagot na hinahanap namin para sa pananaliksik na ito.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pagkalap ng datos

na makakapagsabi kung ano ang epekto ng stress sa akademikong

pagganap ng mga estudyante sa Senior High School at kabilang sa

Humanities and Social Science. Ang mga mananaliksik ay naglalayong

alamin ang sitwasyon ng mga napiling sumagot sa aming katanungan

kung paano nila hinaharap at tinutugunan ang mga nararanasang

problema sa pag-aaral.
10
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

Ang mga hayskul sa paaralan ng Commonwealth High School ang

siyang binigyang pansin ng mga mananaliksik sapagkat sila ang

makapag-bibigay opinyon ukol sa pag-aaral na gagawin at dahil sila rin

ang labis na naapektuhan ukol sa nasabing usapan.

Dalawampung respondent na mag-aaral ng Humanities and Social

Science na sumasailalim sa academic pressure at stress, sa taong

2020-2021 mula sa ika-11 baitang at sa edad 15-16 years old ang

magsisilbing taga-tugon sa serbey kwestyuner na sumasaklaw

patungkol sa kanilang karanasan at salik na nakakaapekto sa kanilang

akademikong pagganap.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga sumunod:

Mga Mag-aaral

Makakatulong ang pananaliksik na ito upang malaman ng ating mga

kamag-aral sa Baitang 11 kung ano ba ang epekto ng stress sa

akademikong pag-aaral ng mga estudyante. Mahalaga ito upang

makapagbigay din ng impormasyon o payo kung paano ba maiiwasan


11
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL
ang pag-iisip ng sobra ng mga estudyante o ang tinatawag na pagka-

stress sa kanilang pag-aaral sa panahon ng pandemya.

Mga Guro

Mahalagang malaman ng mga Guro kung ano ba ang epekto ng stress

sa kanilang nga mag-aaral. Ang mga guro ang tumatayong

pangalawang magulang sa mga estudyante kaya naman karapatan din

nilang malaman ang mga nararamdaman o nangyayari sa kanilang

mag-aaral. Mahalagang malaman ng mga guro ang epekto ng stress

sa mga estudyante upang kanilang mapayuhan, magabayan o bigyan

ng pangaral ang mga estudyante upang makaiwas sa pagka-stress.

Magulang

Ang ating mga magulang o tagapangalaga ang nakakasama natin sa

araw-araw na pamumuhay kaya naman mahalagang malaman nila ang

tungkol sa pananaliksik na ito. Sa panahon ng pandemya sila ang

nakakasama natin sa tahanan kaya naman karapatan din nilang

malaman ang nangyayari sa atin mas lalo na ang ating problema

tungkol sa pag-aaral. Maaari rin silang gumabay satin upang hindi tayo

mag-isip ng mabibigat na problema o makaranas ng stress sa pag-

aaral.

You might also like