You are on page 1of 33

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Maituturing na isa sa nangungunang unibersidad ang Pambansang

Pamantasan ng Batangas pagdating sa kursong Inhenyeriya. Noong Setyembre

2015, ginanap ang “Mechanical Engineering Board Examination” at nakamit ng

nasabing unibersidad ang ikalawang puwesto pagdating sa porsyento ng bilang

ng mga nakapasa sa lahat ng kumuha ng pagsusulit na ito.

[(http://attracttour.com/2015/10/top-performing-top-performance-of-schools-for-

september-2015-mechanical-engineer-me-cpm-board-exam-results/)]. Hindi

maitatanggi at maipagkakaila ang husay ng unibersidad pagdating sa larangan

ng inhenyeriya.

Marami sa mga mag – aaral sa kasalukuyang panahon ay makabagong

teknolohiya ang nagsisilbing instrument upang mapag – aralan at malaman ang

mga dapat aralin sa bawat kurso at nabibilang ang mga mag – aaral ng BSU –

Lipa dito. Gamit ang iba’t ibang gadyet at networking sites, mas madaling

naibabahagi ng mga guro at mga kamag – aaral ang mga ideya na kanilang

naiisip. Mas madaming impormasyon ang makukuha sa tulong ng mga

networking sites at bulwagan ng Internet. Ginagamit ito ng mga guro upang mas

maengganyo ang mga mag – aaral na makapag – aral ng ayos dahil kung

1
makalumang paraan pa rin ang gagamitin, hindi na magiging epektibo ng ganoon

katulad ng dati.

Sa tulong ng pag – aaral na ito, malalaman natin ang paraan na ginagamit

ng mga mag – aaral ng Association of General Engineering Students sa kanilang

pag – aaral upang makatulong ito sa iba pang mag – aaral at magsilbing gabay

ito upang mapataas ang kanilang marka sa mga pangunahing kurso na kanilang

kinukuha.

Mga Layunin ng Pag – aaral

Layunin ng pamanahong papel na ito na magbigay impormasyon at

magsilbing gabay sa mga mag – aaral upang malaman ang mga epektibong

pamamaraan para sa mas magandang resulta ng pag – aaral sa mga

pangunahing kurso ng mga mag – aaral ng Association of General Engineering

Students. Bibigyang kasagutan nito ang mga sumusunod na tanong:

1. Nakakaapekto ba ang paraan ng pagtuturo ng guro sa kanilang pag –

unawa ng mga mag – aaral sa mga paksang tinatalakay?

2. Nakatutulong ba ang pag – aaral kasama ang mga kaibigan o mas

nanaisin na mag – aral mag – isa?

3. Mayroon bang mahalagang relasyon ang profile ng tumutugon sa paraan

ng pag – aaral?

2
4. Anong epektibong paraan ng mga mag – aaral upang mas mapalawig ang

pag – aaral kaakibat ang makabagong teknolohiya?

Kahalagahan ng Pag – aaral

Mag – aaral. Magsisilbing gabay ito para sa mga mag – aaral kung ano

ang maaring gamiting paraan ng pag – aaral ng mga kursong kanilang kinukuha.

Sa pamamagitan din nito, mapapadali para sa kanila ang pag – aaral sa mga

kurso kung saan sila nahihirapan.

Instructor. Para mabigyang ideya sila sa kung ano ang pinakaepektibong

paraan na maari nilang gamitin sa pagtuturo sa bawat mag – aaral. Mas

mapapadali ang kanilang pagtuturo at makakaisipp sila ng paraan na

makakatulong sa mga mag – aaral upang mapadali ang kanilang pag – unawa.

University Guidance Counselor. Ang magiging resulta ng pag – aaral na

ito ay makatutulong hindi lamang para maunawaan ang mga paraan na

ginagamit ng bawat mag – aaral kundi pati na rin mas malalaman nila kung ano

ang magsisilbing pokus ng kanilang mga seminar na maaaring pangasiwaan.

Susunod na mananaliksik. Maaaring gamitin ito bilang patotoo sa mga

pag – aaral na kaugnay nito.

Tagasaliksik. Upang mabigyan ng ideya at teknik para mas mapataas

ang marka at mapadali ang pag – aaral kalakip ang mga paraan na natuklasan

sa tulong ng pag – aaral na ito.

3
Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral

Nakapaloob sa pag – aaral na iyo ang mga paraan ng pag – aaral na

ginagamit ng bawat mag – aaral ng Association of General Engineering Students

ng Pambansang Pamantasan ng Batangas – Lipa Kampus sa kanilang mga

pangunahing kurso kaakibat ang makabagong teknolohiya.

Tatalakayin sa pag – aaral na ito ang epekto ng paraan ng pagtuturo ng

guro sa pag – unawa ng mga mag – aaral sa mga paksang tinatalakay,

epektibong pag – aaral kasama ang mga kaibigan o mas nanaisin na mag – aral

mag – isa, relasyon ng profile ng tumutugon sa paraan nito ng pag – aaral, at

mga epektibong paraan upang mas mapalawig ang pag – aaral kaakibat ang

makabagong teknolohiya.

Magsisilbing tagatugon ang mga mag – aaral na kumukuha ng

programang General Engineering na mula sa una at ikalawang antas.

4
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Mga Kaugnay na Literatura

Ayon kay Mark Gilly (2000), ang mga matagumpay na estudyante ay

nababalanse ang sosyal na aktibidad sa mabuting study habits. Ang

pagdadaybert mula sa pag – aaral ay nakakabawas ng istres at nakakaiwas sa

pagkakapagod. Sabi niya, dapat sa isang estudyante kailangang magkaroon ng

break time ng isang oras pagkatapos ng pag-aaral para makisalamuha ang mga

kaibigan: maglaro ng baraha, magwork – out sa gym o makipagkilala sa ibang

tao. Sa ganitong paraan, ang estudyante ay nagkakaroon ng konsentrasyon sa

pag-aaral pag may plano siyang sosyal na aktibidad pagkatapos. Dagdag pa ni

Gilly, “Para madebelop ang isang magandang sosyal na pamumuhay, dapat

madebelop ang isang magandang malagiang study habits. Pagkatapos ng

hapunan, dalhin ninyo ang inyong aklat sa silid aralan, humanap ng komportable

at payapang lugar at mag – aral ng dalawa hanggang tatlong oras na may break

na sampung minuto kada apat na put limang minuto”. Ang pakikipagkaibigan sa

mga taong may similar na study habits at pagsabay sa kanila sa silid aralan ay

isa sa pinakamabuting paraan ng pagdedebelop ng study habits.

Ayon kay Jesslyn Reinecke (2007), ang kasanayan sa Time Management

ay isang magandang predictor ng mabuting akademikong perpormans, at ito ay

sinusuportahan ng mga pag – aaral. Nagpapakita sa isang pananaliksik na ang

5
epektibong estratehiya sa time management ay nagpapataas ng akademikong

perpormans at achievement lalo na sa mga mag-aaral ng kolehiyo. Dagdag pa

rito, ayon sa isang pag-aaral na ginawa para malaman kung saan sa dalawa -

time management o paglilibang ang epektibo sa pagpapababa ng stress sa pag -

aaral, ang time management ay mas mabisa sa pagpapababa ng stress kumpara

sa paglilibang. Dahil dito, ang mga estudyante ay hinhikayat na dumalo sa mga

seminar tungkol sa time management. Ang maayos na paggamit nito ay

nakakatulong sa ibang aspeto ng akademikong pag-aaral: sa pagpaplano, sa

paggawa ng mga requirements at sa araw-araw buhay estudyante.

Ayon sa Law of Proximity ng Gestalt Psychology, ang mga porma ay

nagugrupo ayon sa paraan ng kanilang pakakaespasyo, kung saan ang

naglalapit na bagay ay mas madali na igugrupo kaysa sa nalalayo (Tria, et. Al.,

1998). Sa pagkatuto, ito ay sumasaklaw sa pagkakalapit ng mga bagay ayon

sa espasyo o oras. Ito rin ay nagpapaliwanag kung bakit masmadaling

natatandaan ang mga sariwang kaganapan at mas madaling sumali sa interes

ng kasalukuyan. Sa aplikasyon ng proseso ng pagkatuto, ang regular na study

periods at paggawa ng mga requirements ay madalas na magresulta sa

mas mahusay na pagganap kaysa sa naantala at mali-maling study

periods. Ang Law of Exercise ni Thorndike ay sumusuporta sa prinsipyong ito.

Ang mas madalas na paggamit ng isang modipikadong koneksyon sa pagitan ng

isang sitwasyon at tugon ay nakakalakas ng koneksyon. Ngunit pag ang

modipikadong koneksyon ay hindi gaanong ginagamit sa loob ng mahabang

6
panahon, ang lakas ng koneksyon ay humihina. Kung kayat, ang regular na

pagsanay at pag-ulit ng isang kaugalian ay humahantong sa habit formation.

7
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagsasaalang –

alang sa pinakaangkop na disenyo ng pananaliksik, ang deskriptib – analitik.

Tinangkang ilarawan at suriin ng mananaliksik sa pag – aaral na ito ang paraan

na isinasagawa ng mga mag – aaral ng Association of General Engineering

Students sa kanilang pag – aaral sa tulong ng makabagong teknolohiya.

Mga Respondente

Tatlumpung (30) mag – aaral na kumukuha ng programang General

Engineering sa Pambansang Pamantasan ng Batangas – Lipa Kampus ang

napiling tagatugon sa pananaliksik na ito. Nabibilang sa iba’t ibang pangkat at

seksyon ang mga napiling respondent na nasa parehong programang kinukuha

ng tagapagsaliksik upang mas mapadali ang pagsasagawan ng sarbey. Ginawa

ito upang magkaroon ng representasyon ang mga pangkat at maiwasan ang

pagkiling.

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Respondente

Respondente Bilang

GE – 121 5

GE – 122 5

8
GE – 124 5

GE – 221 5

GE – 222 5

GE – 224 5

Kabuuan 30

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.

Naghanda ang mananaliksik ng sarbey – kwestyoner upang mabigyang

kasagutan ang mga piling katanungan at upang malaman ang pananaw ng mga

mag – aaral ng Association of General Engineering Students at ang mga

kaalaman na kaakibat ng paksa.

Tritment ng mga Datos

Sa kadahilanang ang pamanahong papel na ito ay panimulang pag –

aaral, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa

pamamagitan ng mataas na istatistika. Pagtatally lamang at pagkuha ng

porsyento ang kinailangang isagawa ng mananaliksik.

9
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Tinatalakay sa kabanatang ito ang deskripsyon sa mga resultang ginawa

upang malaman ang sagot sa mga katanungan tungkol sa Paraan ng pag – aaral

ng mga mag – aaral ng Association of General Engineering Students ng

Pambansang Pamantasan ng Batangas – Lipa Kampus sa kanilang mga

pangunahing kurso kaakibat ang makabagong teknolohiya . Ipinapakita rin sa

kabanatang ito ang interpretasyon sa mga impormasyong nakalap.

1. Kaalaman tungkol sa “Paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag – aaral

ng pangunahing kurso”

1.1 Makikita sa Grap 1 ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag –

aaral ng mga pangunahing kurso. Ipinapakita ang interpretasyon sa tindi ng

pagsang-ayon sa bawat pangungusap na nakalagay sa talatanungan batay sa

persepsyon ng bawat respondente. Makikita dito ang bilang ng mga

respondenteng sumagot kung gaano sila lubos na sumasang-ayon at sumasang-

ayon lang. Labing apat (14) na respondente ang nagsasabi na sila ay lubos na

sumasang ayon na ang makabagong teknolohiya ay magagamit sa pag – aaral

ng pangunahing kurso at Labing anim (16) na respondente ang nagsasabi na sila

ay sumasang-ayon lang sa nasabing sanhi. Kung makikita sa nakalap na datos

patunay lang na totoong magagamit ang makabagong teknolohiya sa pag – aaral

ng bawat isang mag – aaral sapagkat tatlumpu (30) na respondente ang

sumasang ayon sa nabanggit na kadahilanan.

10
Grap 1

Paggamit ng makabagong teknolohiya sa

pag – aaral ng pangunahing kurso

16
14
12
10
8
6
4
2
0
Lubos na Sumasang - Hindi Sumasang Lubos na Hindi
Sumasang - ayon - ayon Sumasang -
ayon ayon

bilang ng mga mag-aaral

2. Pagpapadali ng makabagong teknolohiya sa pag – aaral

2.1 Sa Grap 2 nakatala kung ano ang naging persepsyon ng mga mag – aaral

hinggil sa tulong ng makabagong teknolohiya upang mas mapadali ang pag –

aaral. Batay sa sagot ng mga respondente, Labing pito (17) ang lubos na

sumasang – ayon na napapadali ng makabagong teknolohiya ang pag – aaral.

Sampu (10) naman ang nagsasabi na sila ay sumasang – ayon sa nasabing

tulong nito. Habang sa kabilang dako, may tatlo (3) ang nagsasabi na hindi sila

sumasang – ayon sa pahayag na nakakatulong ito sa pag – aaral ng bawat mag

– aaral.

11
Grap 2

Pagpapadali ng makabagong teknolohiya sa pag – aaral

18
16
14
12
10
8
6
4
2
0
Lubos na Sumasang - Hindi Sumasang Lubos na HIndi
Sumasang - ayon - ayon Sumasang -
ayon ayon

bilang ng mga mag-aaral

3. Persepsyon ng mga mag – aaral patungkol sa tulong ng mga sanggunian na

nakukuha sa internet upang mabigyang kasagutan ang mga katanungan

3.1 Sa kasunod nag grap, ipinapakita ang tulong na naibibigay ng teknolohiya

sa pag – aaral ng mga pangunahing kurso. Nakatala sa Grap 3 na may anim (6)

ang nagsasabi na sila ay lubos na sumasang – ayon sa pahayag na ito

samantalang dalawamput dalawa (22) naman ang sumasang – ayon dito. Sa

kabilang dako, isa (1) ang hindi sumang –ayon sa pahayag na ito at isa (1) rin

ang lubos na hindi sumang – ayon sa pahayag na ito.

12
Grap 3

Tulong ng makabagong teknolohiya sa pagsagot ng katanungan

25
20
15
10
5
0
Lubos na Sumasang - Hindi Sumasang Lubos na Hindi
Sumasang - ayon - ayon Sumasang -
ayon ayon

bilang ng mga mag-aaral

4. Kahirapan sa pagpopokus sa pag – aaral tuwing gumagamit ng makabagong

teknolohiya.

4.1 Makikita sa grap na ito ang pahayag ng mga mag – aaral hinggil sa

negatibong epekto ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa kanilang pag –

aaral. Sa nakalap na datos ng mananaliksik, labing dalawang (12) mag – aaral

ang sumang – ayon na kadalasan ay hindi nagiging epektibo ang paggamit ng

makabagong teknolohiya sa pag – aaral ng mga pangunahing kurso. Labing

anim (16) naman ang sumasang – ayon sa pahayag na ito ngunit may dalawang

(2) mag – aaral ang hindi sumang – ayon patungkol dito.

13
Grap 4

Pokus sa pag – aaral tuwing gumagamit ng makabagong teknolohiya

20
15
10
5
0
Lubos na Sumasang - Hindi Lubos na Hindi
Sumasang - ayon Sumasang - Sumasang -
ayon ayon ayon

bilang ng mga mag-aaral

5. Pagkaubos ng oras na maaaring ilaan sa pag – aaral

5.1 Makikita sa grap 5 ang maaaring sanhi ng paggamit ng makabagong

teknolohiya sa pagkonsumo ng mga mag – aaral sa oras na maaring magamit

nila sa kanilang pag – aaral. Labing tatlong (13) respondente ang nagsasabing

sila’y lubos na sumasang – ayon sa pahayag na nakakaubos ng oras ang

paggamit ng makabagong teknolohiya ng malaking oras na maaring ilaan ng

mga mag – aaral sa kanilang pag – aaral ng mga paksang kanilang tinatalakay.

Labing apat (14) ang sumang – ayon dito at tatlo naman sa tatlumpung (30)

respondente ang nagsabing hindi sila sumasang – ayon patungkol dito.

Ipinapakita lang ng mga nakalap na datos na ito na ang paggamit ng

makabagong teknolohiya sa pag – aaral ng mga pangunahing kurso ay labis na

nakakaapekto sa pagkonsumo ng oras.

14
Grap 5

Pagkaubos ng oras na maaaring ilaan sa pag – aaral

14
12
10
8
6
4
2
0
Lubos na Sumasang - Hindi Sumasang Lubos na Hindi
Sumasang - ayon - ayon Sumasang -
ayon ayon

bilang ng mga mag-aaral

6. Pagkuha ng limitadong kaalaman

6.1 Ang huling grap ay nagpapakita ng reaksyon ng mga mag – aaral

patungkol sa pagkalap ng mga limitadong kaalaman mula sa paggamit ng

internet. Limang (5) respondente ang lubos na sumasang – ayon patungkol dito

at labing dalawang (12) naman ang sumang – ayon. Habang may labing isa (11)

ang hindi sumasang – ayon dito at dalawa (2) ang lubos na hindi sumasang –

ayon. Batay sa naging resulta ng grap, patunay lang na ang paggamit ng

makabagong teknolohiya ay hindi sapat upang makakuha ng sapat na

impormasyon sa paksang kanilang tinatalakay.

15
Grap 6

Limitadong kaalamang nakukuha

12
10
8
6
4
2
0
Lubos na Sumasang - Hindi Lubos na HIndi
Sumasang - ayon Sumasang - Sumasang -
ayon ayon ayon

bilang ng mga mag-aaral

16
KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag – aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin

at pananaw ng mga mag – aaral na kumukuha ng programang General

Engineering hinggil sa mga paraan na kanilang isinasagawa sa kanilang pag –

aaral ng mga talakayin sa mga pangunahing kurso kaakibat ang makabagong

teknolohiya.

Gamit ang disenyong deskriptib – analitik, ang mananaliksik ay

nagdisenyo ng sarbey – kwestyoner na pinasagutan sa tatlumpung (30) mag –

aaral. Labing lima sa unang antas at labing lima sa ikalawang antas.

Kongklusyon

Batay sa inilahad na mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa

mga sumusunod na kongklusyon:

1. Nakakaapekto ang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa pgkatuto ng mag

– aaral sapagkat dito nakadepende ang kaalaman na makukuha ng mag – aaral

sa isang kaukulang paksang tinatalakay.

17
2. Malaki ang relasyon ng profile ng tumutugon sa paraan ng pag – aaral ng

isang mag – aaral sapagkat nakabase dito kung paano mangangalap ng

impormasyon at kung anong istratehiya ang maaari niyang gamitin sa kanyang

pag – aaral.

3. Ang paggamit sa makabagong teknolohiya ng tama at naaayon

saintensyon ng mag – aaral kung bakit niya ito ginagamit ang mga epektibong

paraan upang mas mapalawig pa ang pag – aaral.

4. Kakulangan ang kawalan ng mga kagamitang pinapagana ng teknolohiya

sapagkat magsasanhi ito ng pagkalap ng kulang na impormasyon at mas

kokonsumo ito ng malaking oras na maaaring gamitin ng mag – aaral pa sa iba

pa niyang kailangang gawin.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang

inirerekomenda ng mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Para sa kinauukulan katulad ng CHED, kinakailangang bigyang pansin

ang mga paraan na maaring gamitin ng mga guro sa pagtuturo ng mga paksang

tinatalakay sa pamamagitan ng masikap na pag – aapdeyt sa bawat isa.

2. Para sa mag – aaral, maging mulat sa mga paraan na maaring gamitin

upang mas maging epektibo ang pag – aaral na ginagamit sa kanilang pagkatuto

sa mga paksa.

18
3. Para sa mga guro, pagbibigay ng pinakaepektibong paraan upang mas

mapalawak ang talakayan upang maging pamilyar ang mga mag – aaral at

tumatak ng husto sa kanilang isipan.

19
Listahan ng mga Sanggunian

Hanguang Elektroniko

http://www.gmanetwork.com/news/story/301200/news/nation/batangas-state-u-

with-highest-passing-rate-in-mech-engineering-board-exam

http://attracttour.com/2015/10/top-performing-top-performance-of-schools-for-

september-2015-mechanical-engineer-me-cpm-board-exam-results/

http://www.wired.com/2008/03/top-5-reasons-i/

https://www.scribd.com/doc/102337296/

20
Apendix A

Marso 1, 2016

Mahal kong mga respondent:

Malugod na pagbati!

Ako po ay mag – aaral sa Filipino 102 at kumukuha ng kursong General

Engineering sa Pambansang Pamantasan ng Batangas, Lipa Kampus.

Kasalukuyan akong nagsasagawa ng pananaliksik hinggil sa paksang PARAAN

NG PAG – AARAL NG MGA MAG – AARAL NG ASSOCIATION OF

GENERAL ENGINEERING STUDENTS NG PAMBANSANG PAMANTASAN

NG BATANGAS – LIPA KAMPUS SA KANILANG MGA PANGUNAHING

KURSO KAAKIBAT ANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA.

Kaugnay nito, naghanda ako ng sarbey – kwestyoneyr upang mangalap nang

sapat na datos hinggil sa aking paksa.

Hinihiling ko po sa inyo na sagutan nang buong katapatan ang mga tanong at

aytem na nasa kwestyoneyr.

Marami pong salamat sa inyong kooperasyon.

Lubos na gumagalang,

HACKFINSEPT H. TUBIGAN

Mananaliksik

Pinagtibay ni:

ALEJANDRO ROSALES

Propesor

21
Apendiks B

SARBEY-KWESTYONEYR PARA SA RESPONDENTENG MAG-AARAL

“Paraan ng pag – aaral ng mga mag – aaral ng Association of General

Engineering Students ng Pambansang Pamantasan ng Batangas – Lipa

Kampus sa kanilang mga pangunahing kurso kaakibat ang makabagong

teknolohiya”

Pangalan (Optional): Edad:

Seksyon: Kasarian:

Panuto: Lagyan lamang ng tsek ( ) ang kahong sumasang – ayon sa

iyong kasagutan. Pumili lamang ng isa.

A – Lubos na sumasang – ayon C – Hindi sumasang – ayon

B – Sumasang – ayon D – Lubos na hindi sumasang – ayon

MABUTING EPEKTO A B C D

1. Magagamit ang makabagong teknolohiya

sa tuwing nag – aaral ng pangunahing kurso.

2. Sa tulong ng makabagong teknolohiya,

mas napapadali ang pag – aaral.

3. Nabibigyang kasagutan ang mga

katanungan na bumabagabag sa isipan sa

22
tuwing nag – aaral.

4. Sa tulong ng mga sanggunian na

nakukuha sa internet, nasasagutan ang mga

katanungan at nakakapag – aral ng maayos

sa tuwing may eksaminasyon.

5. Mas epektibong gamitin ang makabagong

teknolohiya sa pag – aaral sapagkat mabilis

na nakakakuha ng mga kasagutan hinggil sa

paksang tinatalakay.

MASAMANG EPEKTO A B C D

6. Nahihirapang makapokus sa pag – aaral

sa tuwing ginagamit ang makabagong

teknolohiya.

7. Napapagastos ng malaki sa tuwing mag –

aaral sapagkat kulang ang kagamitang

pinapagana ng makabagong teknolohiya.

8. Nakauubos ng oras na maaaring ilaan sa

pag – aaral ang paggamit ng makabagong

teknolohiya.

9. Mas nahihirapang makapag – aral kung

alanganin ang oras.

10. Limitado lamang ang mga kaalamang

23
nakukuha.

24
Apendiks C

PORMULARYO SA PAG-EEBALWEYT NG PAMANAHONG PAPEL

Pamagat: “Paraan ng pag – aaral ng mga mag – aaral ng Association of

General Engineering Students ng Pambansang Pamantasan ng Batangas –

Lipa Kampus sa kanilang mga pangunahing kurso kaakibat ang

makabagong teknolohiya”

Mananaliksik: Hackfinsept H. Tubigan

Taon at Pangkat: Unang Antas – GE – 1204

Semestre at Taong Akademiko: Ikalawang Semestre,

Taon Panuruan 2015 – 2016

Sistema ng Pagmamarka:

Limang puntos ang pinakamataas na maaring ibigay sa bawat aytem.

Maaring magbigay ng puntos na may decimal (halimbawa: 1.7, 1.4) ayon sa

paghuhusga ng ebalwaytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng

puntos upang makuha ang kabuuang marka.

A. Paksa at Suliranin

1. Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng pananaliksik? _____

2. Sapat ba ang pagtatalakay sa introduksyon? _____

25
3. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limtasyon ng paksa upang makaliha

ng mga valid na paglalahat? _____

4. Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyon sa paksa ng pag

– aaral? _____

5. Malinaw, ispesipik at sapat ba ang mga tiyak na layunin

sa pag-aaral? _____

6. Sapat ba at matalino ba ang pagpili sa mga terminong binigyan ng

depinisyon at malinaw ba ang pagpapakahulugan sa bawat isang

termino?

Sub-total: _____

B. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

1. Sapat at angkop ba ang mga pag-aaral at literaturang tinalakay? _____

2. Malinaw at maayos ba ang pagtatalakay sa mga pag-aaral at

literaturang iyon? _____

3. Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga pag-aaral at iba pang

hanguang ginamit? _____

Sub-total: _____

C. Disenyo ng Pag-aaral

26
1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraan / metodong ginamit sa

pananaliksik? _____

2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naaayon ba iyon sa

siyantipikong metodo ng pananaliksik? _____

3. Sapat at angkop ba ang respondenteng napili sa paksa ng

pananaliksik? _____

4. Malinaw at wasto ba ang disenyong instrumenting ginamit sa

pangangalap ng mga datos? _____

Sub-total: _____

D. Presentasyon ng mga Datos

1. Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos na nakalap? _____

2. Maingat bang nasuri at nalapatan ban g wastong tritment

ng mga datos? _____

3. Wasto at sapat ba ang naging interpretasyon ng mga datos? _____

4. Malinaw, maayos at konsistent ba ang tekstuwal at tabular / grapikal na

presentasyon ng mga datos? _____

Sub-total: _____

E. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

27
1. Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa mga datos? _____

2. Lohikal at valid ba ang kongklusyon? Nakabatay ba iyon sa mga datos

na nakalap? _____

3. Nasagot bas a kongklusyon ang mga ispesipikong katanungan sa

lohikal pasibol, praktikal, at ateynabol ba ang mga nilahad na

kongklusyon? Natutugunan ba ng mga iyon ang mga suliraning natukoy

sa pag - aaral? _____

4. Malinaw, tuwiran at mayyos ba ang paglalahad ng mga lagom,

kongklusyon at rekomendasyon? _____

Sub-total: _____

F. Mekaniks at Pormat

1. Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng pamanahong papel?

Nasunod ba ang mga tuntunin at tagubiling tinalakay sa klase? _____

2. Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto ng

pamanahong papel? _____

3. Sapat at maayos ba ang pagkaka – proofread at pagkaka – edit sa

teksto ng pamanahong papel? _____

Sub-total: _____

Kabuuan / Katumbas na Marka (100%) _____

28
Ebalweytor: ________________________________

Petsa: _____________________________________

Mga Puna at Mungkahi:

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

29
Apendiks D

Pamagat: “Paraan ng pag – aaral ng mga mag – aaral ng Association of

General Engineering Students ng Pambansang Pamantasan ng Batangas –

Lipa Kampus sa kanilang mga pangunahing kurso kaakibat ang

makabagong teknolohiya”

Mananaliksik: Hackfinsept H. Tubigan

Taon at Pangkat: Unang pangkat – GE – 1204

Semestre at Taong Akademiko: Ikalawang Semestre,

Taon Panuruan 2015 – 2016

Sistema ng Pagmamarka:

Limang (5) puntos ang pinakamataas na maaring ibigay sa bawat aytem.

Maaring magbigay ng puntos na may decimal (halimbawa: 2.5, 3.6) ayon sa

paghuhusga ng ebalwaytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng

puntos upang makuha ang kabuuang marka.

A. Masteri

1. Naipamalas ba ng bawat miyembro ng pangkat ang masteri at

kahandaan sa pagtatalakay ng paksang naitakda sa bawat isa? _____

2. Sapat, malinaw, at mapanghikayat ba ang pagtatalakay

ng bawat isa? _____

30
3. Sapat at malinaw ba ang mga inilahad na paliwanag at halimbawa ng

bawat miyembro? _____

4. Wasto, sapat, at mapanghikayat ba ang pagsagot sa bawat isa sa

katanungan ng mga panelist? _____

5. Obhetibo at valid ba ang mga pahayag ng bawat isa? Naiwasan ba nila

ang mga pahayag na may pagkiling, prejudice, lihis sa paksa, at walang

katibayan? _____

Sub-total: _____

B. Pamamaraan

1. Lohikal ba ang presentasyon ng bawat pangkat? _____

2. Gumamit ba sila ng mga kailangang kagamitang awdyo–biswal? _____

3. Angkop at epektibo ba ang mga kagamitang ginamit ng pangkat? ____

4. Epektib at kompitent ba ang pangkat sa manipulasyon ng kagamitan sa

presentasyon? _____

5. Angkop at epektibo ba ang pamamaraan o estratehiya na ginamit ng

pangkat sa presentasyon? _____

Sub-total: _____

C. Artikulasyon

1. Sapat ba ang lakas ng tinig ng bawat miyembro sa pagsasalita? _____

31
2. Malinaw at wasto ba ang kanilang bigkas sa mga salita? _____

3. Angkop at epektibo ba ang kanilang mga galaw, kumpas at iba pang

non – verbal cues? _____

4. Wala ba silang mga nakakadistrak na mannerism sa pagsasalita? ____

5. Wasto at angkop ba sa diwa ng kanilang mga pahayag ang bilis nila sa

pagsasalita, tono, diin at hinto / pausing? _____

Sub-total: _____

D. Disiplina

1. Nagsimula at natapos ba ang sa takdang oras ang presentasyon ng

pangkat? _____

2. Naging malinaw, matapat, at magalang ba siya sa pagsasagot ng mga

tanong ng panelist? _____

3. Naipamalas ba nila ang pagkakaisa at kooperasyon sa presentasyon?

Hindi ba monopolisado ng isa ang mga gawain? _____

4. Naipamalas ba ang niya ang tiwala sa sarili? _____

5. Angkop ba ang anyo, ayos, at kasuotan ng bawat isa? _____

Sub-total: _____

Kabuuan / Katumbas na Marka (100%) _____

Ebalweytor: ________________________________

32
Petsa: _____________________________________

Mga Puna at Mungkahi:

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

33

You might also like