You are on page 1of 5

Kahalagahan nang Pagbibigay ng Takdang Aralin at Proyekto sa Paglagong

Pang-akademiko ng Senior High School students mula sa First City Providential College.

Ang edukasyon ay isa sa mga bagay na maghahatid sa isang tao tungo sa inaasam na
tagumpay na hindi kailanman makukuha ninoman. Ito ay lubhang mahalaga at pinahahalagahan
dito sa Pilipinas. Nagsisilbi itong puhunan upang magin produktibo ang bawat ia at mahasa ang
kanilang kamalayan sa sarili, sa pamayanan at sa komunidad na siyang pinaiigting at pinagtitibay
pa sa tulong ng Kagawaran ng Edukasyon at iba pang mga samahan na nakikiisa sa paglago nito.
Gayunman, ang pag-aaral ay hindi madali at hindi basta - basta. Maraming mgabagay ang dapat
na gawin at isakatuparan upang ito ay maisagawa gaya ng pagsagot sa mga pagsusuit, pagpapasa
ng mga proyekto at paggawa ng mga inatas na takdang aralin.

Ayon kay Michelle Medina (2017), ang takdang aralin na kilala rin sa Ingles na
Homework Assignment ay tumutukoy sa gawain na ibinibigay ng guro na inaasahang gagawin sa
kani-kanilang mga tahanan. Ang sistemang ito ay nagsisimula sa kultura ng Amerika ayon sa
kasaysayan. Marami itong maidudulot sa students’ achievement gaya ng natutulungan nito ang
isang magaaral na magsiyasat sa tulong lamang ng kanyang sarili at maging malaya na gawin
ang isang gawaing pang-akademiko na tutulong sa paghahasa ng kanyang isip, ideya at tiwala sa
sarili. Sa ganitong paraan rin nasasanay ang mga estudyante na maging responsible sa kanilang
pag-aaral. Sa kabilang banda mas maigi parin ang pagsasanay na may gabay at tugon ng guro
upang mabigyang diin na ang kahalagahan nito ay ang pagkatuto at hindi lamang ang iskor o
puntos kung kaya kailangang iangkop ng mga guro ang lebel, kakayahan at panahon upang hindi
maisakripisyo ang bunga nito sa pagkatuto.

Ang pagkatuto ay lubhang mahalaga kung kaya nais ng mga mananaliksik na makakalap
ng mga impormasyon ukol sa pagbibigay ng takdang aralin at proyekto at ang epekto nito sa pag-
aaral. Makakatulong rin ito ng mabuti at hindi mabuting dulot nito sa mga estudyante upang
mapabatid sa bawat mag-aaral, guro at mamamayan ang kahalagahan nito at magsilbing gabay sa
mas epektibo at progesibong pag-aaral at pagkatuto ng bawat isa.
Ang mga mananaliksik ay naglalayong maipakita ang mga mabuting naidudulot ng
pagbibigay ng takdang aralin at proyekto sa mga mag-aaral sa kanilang paglago sa akademiko.
Ang pananaliksik na ito ay huhubog sa pagsasarili ng isang mag-aaral sa kaniyang kapaligiran.
Layunin din ng pananaliksik na ito na mabigyan ng malinaw at bukas na kamalayan ang mga
magulang maging ang mga guro sa adhikain na isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ambag sa komunidad sapagkat ang mga naturang
dagdag na gawain na nakapaloob sa pag-aaral ay may malaking papel sa kalidad ng edukasyon
sa kasalukuyan. Ag pangangailangan sa pagkakaroon ng mga estudyanteng handang harapin ang
mundo ay nangangahu-lugan lamang ng pangangailangan sa pagpapaunlad ng estratehiya sa
pagtuturo. Sa makatuwid, ang mga paaralan na nagsasakatuparan ng ganitong gawain ay
nagbibigay ng pagkakataon na sanayin ang mga mag-aaral sa pag-aaral. Para sa mga
mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay magbibigay tulong upang mabigyang kasagutan ang mga
mabibigat na talakayan sa proseso ng edukasyon.

Saklaw at Delimitasyon
Ang nasabing pag-aaral ay nagalayong makamit ang layunin sa tulong ng 25 piling mag-
aaral ng Senior High mula sa paaralang First City Providential College ng Brgy. Yakal,
Francisco Homes, CSJDM, Bulacan. Ang naturang pananaliksik ay maisasakatuparan sa tulong
ng mga datos na nakalap at sapamamagitan ng mga piling katanungan na sasagutin ng mgapiling
mag-aaral.
Paglalahad ng Suliranin
Ang nasabing pagsisiyasat ay kinakailangang magbigay kasagutan sa mga suliraning
ilalahad upang tiyakin ang bisa ng pag-aaral sa mga mag-aaral, guro at sa mga susunod na
mananaliksik.
1. Anu-ano ang mga positibong epekto ng pagbibigay ng mga takdang aralin at proyekto
sa isang mag-aaral?
2. Sa paanong paraan nakatutulong ang pagbibigay ng mga takdang aralin at proyekto sa
pag-unlad pang-akademiko ng isang mag-aaral?
3. Anu-ano ang mga paraang maaaring gamitin ng isang estudyante sa paggawa ng mga
takdang aralin at proyekto?
Review of Related Literature
I. Lokal na Pag-aaral

Edukasyon ang pinakapinagtutuunan ng pansin sa Pilipinas dahil ito ang magiging daan
sa paglagong pang-akademiko ng bansa hindi lamang sa larangan ng serbisyo at produkto kundi
maging sa larangang pangprofesyonal ng mga Pilipino. Bilang tugon sa adhikaing ito,
pinapanatili ng Kagawaran ng Edukasyonat gobyerno ang maayos at dekalidad na pagtuturo sa
mga kabataang Pilipino. Tinuturuan silang hasain ang pagiisip ng bawat kabataan at paunlarin
ang mga talent nito.

Isa sa mga paraan na pinapahalagahan ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang pagbibigay


ng mga takdang aralin at proyekto sa mga mag-aaral. Ito ay upang linangin ang pagsasarili ng
isang mag-aaral kapag siya ay wala na sa paaralan at upang linangin din ang kanyang pag-iisip at
pagiging malikhain (Cruz, 2012). Base sa isang pag-aaral ni Popkin (2014), tumataas ang
kaalaman ng iang mag-aaral sa tuwing binibigyan ito ng takdang aralin at proyekto sapagkat ang
kabuuang bilang ng oras na ginugugol ng isang mag-aaral para gawin ang naturang proyekto ay
nakakaimpluwensiya kung gaano na karami at kalawak ang natutunan ng mag-aaral.

Hindi lamang ang mga mag-aaral ang nakikinabang sa pagbibigay ng mga takdang aralin
at proyekto maski ang mga guro. Ayon kay Guillane (2012), ang pagbibigay ng mga takdang
aralin at proyekto ay nakatutulong sa mga gurong malaman ang paglagong pang-akademiko ng
mag-aaral upang makagawa ng mga layunin at makagawa ng mga hakbangin sa pagtamo ng mga
naturang layunin. Dito ipinapahayag na sa pagbibigay ng takdang-aralin at proyekto ay
nasusukat ng isang guro kung saang aspekto ng aralin nahihirapan ang mga mag-aaral at
makagawa ng mga epektibong paraan upang matugunan ito.
II. Dayuhan na Literatura

Isa sa mga problema ng mag-aaral sa kanyang pag-aaral ay kung paano matutugunan ang
tambak-tambak na takdang-aralin at proyekto lalo na kung sabay-sabay ito. Isang pagaaral ang
inilabas ng New York University (2014) na tumutukoy sa paggamit ng sticky notes at planner
bilang talaan ng mga takdang-aralin at proyekto at para maging organisado ang paggawa nito sa
takdang oras. Ipinakita dito na 95% ng mga mag-aaral na tumugon ay gumagamit ng sticky notes
at planner tulong sa pag-oorganisa ng mga gawain at nakatutulong sa pagtaas ng kanilang grado
sa iba’t-ibang asignatura (Conell, 2014).

Bilang karagdagan, nakatutulong sa isang mag-aaral upang masolusyonan ang mga


takdang-aralin at proyekto ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya gaya ng cellular
phone, laptop o desktop bilang instrument sa mabilis na pagkalap ng mga impormasyon
patungkol sa takdang aralin o proyekto (Austin,2012).

Metodolohiya

Sa bahaging ito nakapaloob ang mahahalagang istilo at paraan ng pagkabuo, pagpaplano


at ang pagsasagawa ng pananaliksik. Nailalahad rin sa bahaging ito ang bawat deskripsyon ng
mga disenyo, ang pangangalap ng impormasyon, ang mga instrumentong ginagamit at ang
populasyon o sampling na pamamaraan.

II. Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyong action research ang ginaganit sa pag-aaral na ito. Napili ang disenyong ito
dahil ito ang magbibigay linaw sa mga katanungan hinggil sa pagbibigay ng proyekto at takdang
aralin sa mga mag-aaral ng Senior Highschool ng iba't-ibang strand. Magsasaad ito ng kalaman
ng 30 mag-aaral ng Senior Highschool tungkol sa kung ano ang naitutulong nito sa kanila bilang
isang estudyante. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng interpretasyon mula sa
mga nakalap na resulta at impormasyon na may kinalaman sa epekto ng pagbibigay ng proyekto
at takdang aralin sa isang mag-aaral.
III. Populasuyon/ Sampling na Pamamaraan

Ang napiling respondante para sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng Senior
Highschool mula sa iba't-ibang strand ng paaralang First City Providential College. Sila ang
napiling respondante dahil nais ng mga mananaliksik na makuha ang kanilang pananaw o
reaksyon hinggil sa epekto sa kanila ng pagbibigay ng proyekto at takdang aralin.

IV. Instrumento ng Pananaliksik

Sa kadahilanang nais makakalap ng mainam na impormasyon mula sa mga mag-aaral,


pinili ng mga mananaliksik na gumamit ng questionnaire upang maisakatuparan ang layunin ng
pag-aaral na ito.

Questionnaire ang pangunahing instrumento na ginagamit sa sarbey. Ito ay binubuo ng


limang tanong na naglalayong makuha ang pananaw ng mga
mag-aaral sa iba't-ibang strand ng ika- labing isang baitang mula sa First City Providential
College tungkol sa epekto ng pagbibigay ng proyekto at takdang aralin sa kanila.

You might also like