You are on page 1of 17

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V
Sangay ng Masbate
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG
KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate

Pananaw ng mga Estudyante ng Senior High ng Pambansang Mataas na Paaralang


Komprehensibo ng Masbate (MNCHS) sa Konseptong Mañana Habit

Tesis na iniharap sa Faculti ng

Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate

Para sa parsyal na pagtalima sa mga rekwaryment ng asignaturang “Pagbasa at

Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto tungo sa Pananaliksik”

Mananaliksik:

JESS RENZO B. AREVALO

SARANGGANI J. BANTAYAO, JR.

BENEDICT D. BURDEOS

SHANE DWELAN B. CAMPOS

IAN O. DELA SALA

JIMWIL S. MACADAT

Oktubre , 2019
KABANATA I
Ang Suliranin at Kaligiran

Kaligiran ng Pag-aaral

Importante sa bawat tao ang oras, kailangan nating magamit ang 24 oras ng

maayos upang hindi ito masayang. Kailangan itong mapakinabangan upang maging

produktibo tayo sa araw-araw. Ayon kina Nasrullah at Khan (2015), “ang pamamahala ng

oras ay may mahalagang papel sa pagpapabuti ng akademikong pagganap ng mag-aaral.

Ang bawat mag-aaral ay dapat magkaroon ng kakayahan sa pamamahala ng oras

kasabay na ang pagtatakda ng mga layunin at prayoridad, gamit ang mekanismo ng

pamamahala ng oras at ang pagiging organisado sa paggamit nito. Dito magiging posible

ang pamamahala ng oras sa pamamagitan ng pagganyak sa sarili; pagganap, abilidad at

motibasyon.”

Ngunit dahil sa pag-unlad ng bansang Pilipinas at pag-usbong ng teknolohiya

dito, masasabi na unti-unting nababago ang paraan ng paggamit ng mga Pilipino sa oras.

Sa katunayan, ang hindi wastong paggamit ng mga Pilipino sa oras ay nagsimula pa

noong panahon ng mga Kastila kung saan tinawag ang mga Pilipino na “tamad na

manggagawa”. Sa kasalukuyan, mas lalong naging tamad ang mga Pilipino dahil sa

makabagong teknolohiya.

Habang ang pagiging produktibo at ang maayos na pamamahala ng oras ay ang

susi sa pagtamo ng maayos na pagganap sa akademiko, ang Mañana Habit ang

pinakakaraniwang problema ng mga estudyante. Naantala nito ang pagiging produktibo

ng mga estudyante, nasasayang ang oras, at kadalasang sanhi sa pagbaba ng grado at


nakaaapekto sa akademikong pagganap ng mga estudyante. Ang mañana habit ay isang

pag-uugali na nag-aantala sa paggawa ng isang tiyak na gawain at pinipiling gawin ito sa

ibang pagkakataon, kadalasan sa huling minuto, isang halimbawa nito ay ang pag-cram

ng mga estudyante dahil sa katamaran. Gayunpaman, ang pagpapaliban ng nga gawain ay

isang hindi kasiya-siyang pag-uugali ng mga Pilipino.

Ang Mañana Habit ay pag-uugali ng mga Pilipino na kung saan pinagpapaliban

ang mga gawin at namana natin ito sa mga dayuhang Español. May mga konsepto

kailangang ng nahahawig sa konsepto ng Mañana Habit. Isa na dito ang konsepto ng

Ningas Kugon, galing sa salitang kugon na isang uri ng damo. Dito naman ay

nagkakaroon ang tao ng mataimtim na interes sa ginagawa at iiwan ito ng hindi tapos. Isa

pang konsepto ang katamaran ng mga Pilipino, dahil sa kakulangan sa sipag. Ang

dalawang konseptong ito ay talagang magkatulad sa konsepto ng Mañana Habit (Pilarte,

n.d.)

Ang salitang “mañana” ay galing sa salitang tagalog na “bukas” o “sa

tiyak na darating na panahon” at kilala rin bilang “procrastination” sa Ingles o “mamaya

na” sa Filipino. Ito ay maituturing din bilang “procrastination virus” dulot ng daming

negatibong epekto nito sa atin. Sa ugaling ito, ang mga Pilipino ay mas nagiging tamad

at nababawasan ang kakayahang makapagtapos ng gawain. Ito din ang isang dahilan

kung bakit sila ay hindi gaanong umaasenso at bakit nahuhuli sila sa pagbibigay ng

kanilang gawa, kung saan ito ang sanhi ng pagpigil ng pag-unlad nila bilang tao.

Pangkaraniwan na itong kaugalian ng mga Pilipino. Hindi na ito maiaalis pa dahil

ito ay nakatatak na sa kanila noong panahon pa ng kastila. Ito rin ang kadalasang

kinakaharap na problema ng mga estudyante. Napipigilan na maabot ng mga estudyante


ang kanilang layunin na makatapos sa pag-aaral dahil sa Mañana Habit. Nagbibigay ito

ng mga aksiyon sa estudyante na hindi mag-aral at hindi gawin ang mga akademikong

atas. Ang kadalasang dahilan kung bakit naaantala ang mga gawaing tatapusin ay dahil sa

pagkahumaling ng tao sa ibang bagay gaya ng paggamit ng mga teknolohiya o iba pang

gawaing mas nakakaaliw.

Kahit na likas na sa mga Pilipino ang kaugaliang ito, may iba paring mga tao na

kahit ganito ang kanilang pag-uugali ay kaya parin nilang matapos ang mga gawain kahit

sa huling mga minute na lamang. Nasa tao parin ang desisyon kung pipiliin nilang

pairalin ang kaugaliang Mañana Habit.

Ang Mañana habit ay matagal nang problema ng mga Pilipino. Naging mas

malala ito sa kasalukuyan dahil sa makabagong teknolohiya katulad ng gadgets. Napili

itong pag-aralan ng mga mananaliksik upang makabuo ng panibagong solusyon para sa

problemang ito. Sabi nga ng karamihan, “ang modernong problema ay nangangailangan

ng modernong solusyon”. Kaya ito napili ng mga mananaliksik dahil isa rin sila san

nakararanas nito at upang mabigyan din ng tulong ang mga estudyanteng o Pilipinong

nakararanas nito.

Paglalahad ng Suliranin

Nais masagot ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan;

1. Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa estudyante na naghahantong sa ugaling

Mañana Habit?

2. Ano-ano ang mga epekto nito sa mga estudyante?

3. Bakit patuloy itong nakikita o naoobserbahan sa mga estudyante?


4. May maganda bang naidudulot ang Mañana Habit kaya patuloy pa rin itong

ginagawa ng mga estudyante?

5. Ano-ano ang mga estratehiya upang maiwasan ang kaugaliang ito?

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman at masagutan ang mga tanong na

nabanggit. Nais ng pag-aaral na ito na kumalap ng impormasyon tungkol sa kaugalian ng

mga Pilipino na Mañana Habitt, kung ano ang mga sanhi nito at kung paano ito

nakaaapekto sa bawat mamamayang Pilipino partikular na sa mga estudyante. Nais rin

ng pag-aaral na ito na mabigyang solusyon ang kaugalian ng mga Pilipino na Mañana

Habit upang maging produktibo ang bawat isa sa lipunan tungo sa maunlad na Pilipinas.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kaugaliang Mañana Habit ay patuloy paring na oobserbahan sa mga Pilipino,

ito’y hindi nagbago simula ng dumating ang mga Kastila upang sakupin tayo. Tamad pa

rin ang mga Pinoy. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang matukoy ang mga salik na

nakaaapekto sa isang indibidwal na nagdudulot ng pagiging tamad at upang mabigyan ng

solusyon ang matagal nang negatibong pag-uugali at problemang ito ng mga Pilipino.

Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Estudyante- matutukoy ng mga estudyante ang mga salik na nakaaapekto sa pag-

aaral nila na naghahantong sa Mañana Habit at magkakaroon sila ng sapat na kaalaman

patungkol dito. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga estudyante upang maunawaan nila

ng maayos kung ano nga ba ang Mañana Habit at ano ang madudulot nito sa kanila.
Mamayang Pilipino- makatutulong din ito sa mga Pilipino sapagkat matutukoy

ng pag-aaral na ito kung bakit nagkakaroon ang mga Pilipino ng kaugaliang Mañana

Habit, higit na mauunawaan nila ito at maiaangkop na nila ito sa kanilang mga sarili

upang maiwasan ang negatibong pag-uugaling ito.

Mga Susunod na Mananaliksik- magsisilbing gabay ang pag-aaral na ito sa mga

susunod pang mananaliksik na may kaparehong paksa sa amin. Mabibigyan sila ng mga

ideya at pwede ring magsilbi ang pag-aaral na ito bilang kaugnay na literatura/pag-aaral

sa kanilang pag-aaral.

Saklaw ng Limitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga estudyante ng Pambansang Mataas na

Paaralang Komprehensibo ng Masbate (MNCHS). Sila ang magiging respondente at sila

ang pagkukunan ng mga datos ng pag-aaral na ito. Gaganapin ang pag-aaral na ito sa

Annex Campus ng MNCHS at pipili ang mga mananaliksik ng 20 respondente na

makakasagot sa mga katanungan. Hindi magiging saklaw ang mga guro at iba pang

sibilyan sapagkat sa naobserbahan ng mga mananaliksik ay mas nakikita ang kaugaliang

ito sa mga estudyante dahil sa modernong panahon. Ilalahad lamang ng pag-aaral na ito

ang persepsyon ng mga estudyante ng MNCHS. Hindi dito saklaw ang persepsyong ng

buong populasyon ng MNCHS at higit na hindi rin ng Masabate.

(sampling to be used)

Teoritikal na Balangkas
Konseptwal na Balangkas

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Persepsyon ng mga Estudyante ng

Senior High ng Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate (MNCHS)

sa Kaugalian ng mga Pilipino na Mañana Habit” ay binigyan ng konseptuwal na

balangkas upang mas lubos na maintindihan.

Batayang Konseptuwal
Depinisyon ng mga Salita

Kaugalian - mga gawing nakasanayan ng isang grupo na maaring naipasa mula sa mga

unang henerasyon

Mañana Habit - ang ugali ng mga Pilipino na pagpapabukas ng mga gawain kahit kaya

namang gawin sa mismong oras.

Persepsyon - kamalayan ng isang tao sa isang bagay.

Produktibo – kakayahan ng isang tao na makagawa ng mga bagay na may kabuluhan.


Sanggunian

Nasrullah S. & Khan S. (2014). The Impact of Time Management on Student’s Academic
Achievement. Halaw mula sa https://www.researchgate.net/publication/
313768789_The_Impact_of_Time_Management_on_the_Students'_Academic_Achieve
ments
KABANATA II
Rebyu ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Inilalahad ng kabanatang ito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa loob at

labas ng bansa tungkol sa “Pananaw ng mga Estudyante ng Senior High ng Pambansang

Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate (MNCHS) sa Konseptong Mañana

Habit” na may kinalaman sa kasalukuyang isinasakatuparan ng saliksik.

Kaugnay na Literatura

Ang Mañana Habit o pagpapaliban ay isang uri ng pag- uugali ng mga pilipno na

kung saan pinagpapaliban ang mga nakatakdang gawain sa pamamagitan ng paggawa ng

ibang bagay at gagawin lamang ang mga tungkuling pinagpaliban sa ibang panahon.

Namana ng mga Pilipino ang ganitong pag- uugali sa mga kastilang sumakop sa ating

bansa. Ang Mañana ay salitang espanyol na ibig sabihin ay “mamaya” sa ating wika.

“Mamaya na “sa Pilipino at “procrastination” naman sa wikang ingles. Itinuturing ng

maraming tao ang konseptong ningas kugon bilang isang katulad na konsepto sa paksang

Mañana Habit dahil sa relatibong kahulugan na meron ito. Ang isa pang konseptong

katulad sa Mañana Habit ay ang katamaran ng mga pilipino. Hindi na ito maiaalis sa ating

mga Pilipino dahil sa ito ay nakatatak na sa atin kahit noong panahon pa ng mga

kastila (Arylle,n.d).

Sa paglaan ng oras sa pag-aaral, pagdalo sa mga review o classes na isinasagawa

sa mga tutorial centers, motivation, at study habits ay walang makabuluhang epekto. Sa


karagdagang pag-aanalisa ng high at low performers, study habits ay nagpapakitang may

magandang epekto. Sa partikular, ang mag estudyanteng gumanap ng mas mahusay ay

ang mga estudyanteng nagbabasa ng mas maaga, paggawa ng kanilang mga takdang-

aralin, pakikiisa sa klase, at amg mga naghahapit sa mga pagsusulit. (Yu, Darwin D.,

2011)
Ang Mañana habit ay maituturing din bilang “procastination virus” dulot nito ay

madaming negatibong epekto sa atin. Sa ugaling ito, tayo ay mas nagiging tamad at

nababawasan ang ating kakayahang makapagtapos ng gawain. Ito din ay isa sa mga higit

na dahilan kung bakit tayo ay hindi gaanong umaasenso at bakit nahuhuli tayo sa

pagbibigay ng ating gawa, kung saan ito ang sanhi ng pagpigil ng ating pag-unlad bilang

tao. Bunga ng ating katamaran, nagging dahilan ito sa atin na hindi gaanong ninanais na

magtamo kaysa magtamo ng mas mataas na hangarin, sa makatuwid nawawalan tayo ng

mga oportunidad. (Biala, Christine Joyce,2014)

Sa isang tao na nasasanay sa Mañana habit, kahit may oras pa upang gawin ang

isang bagay ay sadyang ipinagpapabukas pa. Habang patuloy na hinahayaan ang ganitong

kaugalian, lahat ng plano ay hanggang plano na lamang o di kaya’y hanggang umpisa

lang at di natatapos. Ang masaklap pa nito, habang lumilipas ang panahon dumadami din

ang mga plano at mga gawaing di matapos-tapos na siyang dahilan ng pagiging mainitin

ang ulo at pagkawala ng konsentrasyon. Ito rin ay magdadala ng pagkakaroon ng

pagkabigo at depresyon. Bumababa din ang tiwala sa sarili at madalas na kadahilanan ng

pagkasira ng kaniyang karera. (Salazar, Melito Jr.,2016)

Ayon naman kay Vince Sabroso (2013) kailangan ng wastong study habits na

babagay sa isang estudyante. Una, ito ay ang pagpaplano at tamang paglaan ng oras, kung

ano ba ang dapat na unahin at kung ano ang hindi dapat. Unahin ang mga asignatura kung

saan ka mahina at ihuli kung saan ka magaling. Bigyan ng mas malaking panahon ang

mga may mababang grado sa asignatura at mga exams at ihuli ang mga madaling aralin.

Sabi pa nga “Remember, good study habits includes how you plan and manage your time

efficiently.
Marami sa kabataan agn may sakit na “Mañana Habit” o ang hindi pagsimula

kaagad ng dapat gawin. Mas gustong laging naghahabol. Ayon sa iba, may mga kabataan

na lumalabas daw ang kanilang galing kapag may “pressure” o kaya kapag maghahapit na

ngunit kakaunti lang sila. Kung di mo rin matatapos ang mga mo gaawin kaagad sana ay

siguraduhin na ang kalidad ng iyong gawa ay hindi mababa at bara-bara. Hindi na

maibabalik ang oras. Kapag sinabi ng guro o propesor mo natapusin agn isang “term

paper” o proyekto, isipin kaagad at i-panahon ang iyong paggawa ng mga dapat gawin. Sa

gayon, walang magaganap na paghahabol sa oras. (Martinez, Fernando, Ramones, n.d)

May ilang bagay na kailangang isaisip kung ayaw maging biktima ng

“procrastination”. Kalimitan, hindi ang bigat at hirap ng proyekto ang problema kung hindi

ang attityud sa trabaho. Una, hikayatin ang sarili na gawin kaagad ang gawain at isaisip na

dapat kaagad ito masimulan at matapos. Hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari

bukas, gawin na ngayon ang trabaho at piliting tapusin iyon ngayon. Wala nang pabukas-

bukas pa. Pangalawa, ilista at unahin ang mga pinaka-importanteng gawain. Iwasin ang

sobrang gala kapag may takda. Tigilan ang masyadong panonood ng TV o paglalaro ng

“video games”. Sabi nga nila, “pressure first before pleasure”. Mas magandang mag-mall

at gumimik kasama ang mga kaibigan kapag wala ka nang iniisip na trabaho o “deadline”.

(Cobbarubias, 2010)
Ang pagpapaliban o Mañana Habit ay hindi na karaniwan sa mga tao lalo na sa mga

pinoy. Maaaring ito ay isa na sa mga malalaking problema na kinakaharap ng tao. Marami

silang oras at oportunidad na masasayang; ang mahinang pagganap sa bawat gawain; ang

pag-tutol sa sarili at pagiging stress ang mga resulta sa pagkakaroon ng Mañana Habit. Para

sa karamihan, ang Mañana Habit ay talagang maituturing na negatibong pag- uugali subalit

may mga dalubhasa na naghahanap na iba pang anggulo ng konseptong ito, ang mga uri,at

malalim na dahilan kung bakit ang mga mga tao ay mahilig sa pagpapaliban. (Mary

Catherine Gayo Dela Cruz, Romel A. Morales)


KABANATA III
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaklliksik

Ang pag-aaral na ito ay kuwalitatibong uri ng pananaliksik kasi layon nitong

mangalap ng mga di-numerong datos at layon din nitong bigyang kahulugan ang

persepsyon ng mga estudyante ng Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng

Masbate (MNCHS). Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya

dahil layon nitong mangolekta, ilarawan, at suriin ang iba-ibang inpormasyon sa

pamamagitan ng personal na nterbyu bilang datos.

Prosidyur ng Pagkalap ng Datos

Tukuyin ang Problema

Pagkalap ng mga Review of Related Literature at Study

Linawin ang Problema


Tukuyin ang Population at Sample

Alamin ang mga hakbang na gagamitin

Pagbuo ng Instrumento ng Pananaliksik

Pagkalap ng datos at paginterprita

Respondente

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante ng

Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate (MNCHS). Gagamit ang

pag-aaral na ito ng Purposive Sampling na pamamaraan upang masmapabilis ang

pagkalap ng mga datos at mas matitiyak ng mga mananaliksik na makakasagot ang mga

respondenteng mapipili. Pipili ng mga mananaliksik ng 20 respondente na pagkukunan

ng datos para makumpleto ang pag-aaral na ito.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang Data Collection ay isang proseso ng paglikom ng mga impormasyon na

isinasagawa sa isang masistemang paraan na nagbibigay daan upang masagot ang mga

katanungan ng pag-aaral na ito (Sapsford & Juff 2006).


Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng mga hakbang upang masigurado na ang

mga datos ay makukuha ng maayos at naaayon sa pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay

gagamit ng interbyu bilang instrumento sa pagkalap ng datos. Ang pananaliksik na ito ay

isasagawa sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga napiling respondente. Ang mga

mananaliksik ay hihingi muna ng pahintulot sa mga respondente upang masigurong hindi

labag sa kanilang kalooban ang makilahok sa pag-aaral na ito. Ang mananaliksik ay

personal na makakapanayam ang 30 napiling respondente upang matugon ang mga datos

na kailangan sa pag-aaral na ito. Ang bawat respondente ay bibigyan ng sapat na oras

upang masagutan ang mga katanungan. Ang mga nakalap na datos ay lilikumin ng mga

mananaliksik at iaanalisa.

You might also like