You are on page 1of 34

NEGATIBONG EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA KINAGISNANG

KULTURA NG MGA MAG-AARAL NG PHINMA UPANG COLLEGE URDANETA NA


NASA IKA-LABING ISANG BAITANG

___________________________________________________________

Isang Pananaliksik na Iniharap kay:

BB.HANNAH JOY B. LABISTE

Asignaturang Guro sa Filipino

PHINMA Upang Collge Urdaneta

___________________________________________________________

Bahagi ng mga Kakailanganin sa Asignaturang Filipino

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

________________________________________________________

Mga Mananaliksik:

Ragel, Megan B.

Natividad, Joshwel V.

Marquez, Christian Bong M.

Cruz, Mark Lawrence J.

Dela Pena, Joerelle C.

Soriben, Rhenzel B.

Gamayo, Crezelle Ann Q.

Bacani, Ticia Mae V.

Gozon, Renzel D

Mifa, Dennmarc

Laroza, Blessy Joy


Marso,2023

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan ng


Asignatura sa Filipino. Ang Pananaliksik na ito at
pinamagatang “Negatibong Epekto Ng Makabagong Teknolohiya sa
Kinagisnang Kultura Ng Mga Mag Aaral Ng Phinma-Upang College
Urdaneta Na Nasa Ika-Labing Isang Baitang”

Mga Mananaliksik:

______________ ____________________ ________________

Ragel, Megan B Natividad, Joshwel V. Soriben, Rhenzel B.

_____________________ ___________________________

Cruz, Mark Lawrence J. Dela Cruz, Vince Erickson S.

______________ __________________________

Bustos, Gerald Marquez, Christian Bong M.

_____________________ _________________________

Dela Pena, Joerelle C. Gamayo, Crezelle Ann Q.

_____________________ ___________________

Bacani, Tricia Mae V. Gozon, Renzel D.

_______________ _______________________

Mifa, Dennmarc Laroza, Blessy Joy

Ipinagtibay Ni: Ipinagtibay noong:

_______________________ __________________
BB. Hannah Joy Labiste Petsa

Tinanggap bilang bahagi ng isang gawaing kailangan sa


Pagkumpleto ng mga kailangan para sa Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay nagpapasalamat sa kadakilaang


nagging bahagi kami ng isang paggawa ng isang pananaliksik
para mailabas namin an gaming talnto at sana magustuhan ng
aming guro ang aming gawa.

Sa aming guro sa pananaliksik sa wika at kulturang Filipino


na si BB. Hannah Joy Labiste, nagpapasalamat po kami dahil
sa mga pag gabay at pagtuturo saamin ng tama at hindi nyo
kami pinabayaan sa aming paggawa ng pananaliksik.

Sa mga kagrupo kong sumali at tumulong maraming salamat


dahil kayo ay nakisama at para matagumpayan natin na matapos
itong pananalisik natin.

Nagpapasalamat kaming lahat kasama ang grupo ko mag-aaral


dahil dito natagumpayan naming na matapos itong pananaliksik
at sana magustuhan ng aming guro an gaming pananaliksik at
nagpapasalamat din kami sa aming pamilya dahil pinayagan
kaming mag pananaliksik sa bahay ng aming kaklase na
malayo.
PAGHAHANDOG

Inihahandog naming itong ginagawa naming pananaliksik


sainyo, lalong lalo na sa mga sumusunod na baitang at sana
marami kayo matutunanan saaming ginagawang pananaliksik
tungkol ito sa negatibong epekto ng makabagong teknolohiya
sa kinagisnang kultura ng mag aaral ng UPang.

Gabayan din sana kami ng paaralang PHINMA UPANG COLLEGE


URDANETA na mas palawakin an gaming pag kakalam ditto at
sana maipabasa itong ginawa naming sa susunod na gagawa ng
pananaliksik.

Ang mga grupo ko mananaliksik ay inihahandog na ito ay hindi


lang sa PHINMA UPANG COLLEGE URANETA, at saiba pang
eskwelahan at sa halip kailangan din papanaliksik naming ay
patungkol sa makabagong teknolohiya at kinagisnan ng mga
mag-aaral at sila ay natutok sa mga makabagong teknolohiya
nakalimutan na nila ang mga ginawa nila.

Inihahandog naming itong pananaliksik na ito sa lahat ng


sakop ng mundo sa pananaliksik na ito ay mabibigyan g
solusyon ang isyung nilalaman ng pananaliksik na ito
patungkol sa makabagong teknolohiya.
TALAAN NG NILALAMAN

Pamagatang Pahina

Dahon ng Pagpapatibay

Pasasalamat

Paghahandog

Kabanata I:

Rasyonal at Kaligiran sa Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

Kahalagahan ng Pananaliksik

Batayang Konseptwal

Batayang Teortikal

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita

Kabanata II:

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Dayuhang Literatura

Lokal na Literatura
Kabanata III

Metodolohiya at Pamamaraan

Pamamaraan ng Pananaliksik
KABANATA 1

Ang Suliranin at Sanligan ng Pananaliksik

Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

Negatibong Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa


Kinagisang Kultura ng mga Mag-aaral ng PHINMA-UPANG COLLEGE
URDANETA na nasa Ika-Labing Isang Baitang. Ito ang aming
napiling paksa at gawan ng pananaliksik dahil gusto naming
magkaroon ng kaalaman kung gaano nakakaapekto ang Makabagong
Teknolohiya sa mga mag-aaral ng UPang sa ika-labing isang
baitang. Para aming matalakay ang kabuluhan at halaga ng
aming paksa. At mabigyan kami ng kabuang pananaw at
pagpapaliwanag ukol sap ag-aaral ng paksa.

Ang Makabagong Teknolohiya ay isang bahagi ng pang araw-


araw na buhay ng isang tao. Ginagamit natin ang teknolohiya
sa halos lahat ng dako. Cellphone, Computer, Laptop, Smart
boards, mga sistemang GPS, at iba pa. Lahat ng iyan ay
nagmula sa teknolohiya. Ito ay tumutulong sa atin araw-araw,
sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng impormasyon at
maginhawang pamumuhay.

Ang Teknolohiya ay mabilis at ito ay tumutulong sa ating


ekonomiya. Ang pagsulong ng makabagong teknolohiya ay
maraming benepisyong naidudulot sa tao. Ito ay
nangangahulugan din ng kaunlaran pero kaakibat nito ay ang
responsibilidad sa ating kapaligiran dapat sa pag-unlad ng
tao ay ang pag-unlad din ng kalikasan. Huwag natin itong
hayaang masira o ipagsasawalang-bahala dahil sa kagustuhan
natin na mapagaan ang ating buhay.

Ito ang napili naming paksa dahil gusto naming magkataon


ng kaalaman kung ano ang negatibong epekto ng makabagong
teknolohiya sa mga mag-aaral ng UPang sa ika-labing isang
baitang. Para din matalakay ang kabuluhan at halaga ng aming
paksa, upang mabigyan ng kabuuang pananaw at pagpapaliwanag
ukol sap ag-aaral ng paksa.
Paglalahad ng Sulranin

Ang layunin ng mananaliksik na ito ay malaman ang


Negatibong Makabagong Teknolohiya sa Kulturang Kinagisnan ng
mga Mag-Aaral sa UPang at masagot ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga kinagisnang kultura ng mga mag-aaral ng


UPang na nasa ika-labing isang baitang.

2. Sa paanong paraan nakakaapekto ang teknolohiya sa


kinagisnang kultura ng mga mag-aaral ng Upang na nasa ika-
labing isang baitang.

3. Ano-ano ang mga negatibong epekto ng teknolohiya sa


kulturang kinagisnan ng mga mag-aaral ng UPang na nasa ika-
labing isang baitang.

Kahalagahan Ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa lipunan


sapagkat ito ay nakakatulong sa mga estudyante upang
maintindihan na may sariling kulturang kinagisnan at
isinasabuhay. Ito rin ay makatutulong sa mga magulang upang
malaman nila ang negatibong epekto ng makabagong
teknolohiya.

Mahalaga rin ang pananaliksik na ito dahil sa


pamamagitan nito ay malalaman ang mga negatibong epekto ng
makabagong teknolohiya at sa tulong ng kaalaman na ito,
maaaring mapagtibay pa ang mga hakbang upang maagapan at
masolusyonan ang mga negatibong epekto ng teknolohiya sa mga
Mag-aaral sa pamamagitan nito.

Maari ring makalap ng mga mahahalagang impormasyon


dito ang mga sumusunod:

Sa mga susunod na mananaliksik- Maari ring magamit ng mga


sumusunod na mananaliksik ang mga datos na nakuha upang
magin karagdagang impormasyon sa kanilang pag-aaral.
Mga mag-aaral- ang mga impormasyon na nakalap sa
pananaliksik na ito ay magbibigay ng ideya sa mga mag-aaral
ukol sa negatibong epekto ng makabagong teknolohiya sa
kanila. Mahalaga rin na mabigyang-pansin ng mga mag-aaral
ang pananaliksik na ito dahil sila ang nag-aaral tungkol sa
kultura ng kanilang kinagisnang lugar at sila rin ang mga
bihasa sa paggamit ng makabagong teknolohiya.

Mga guro- ang mga guro ay mahalagang magkakaroon ng kaalaman


sa pananaliksik na ito dahil sila ang nagsisilbing gabay at
pangalawang magulang ng mga estudyante sa paaralan.

Mga magulang- mahalaga ang pananaliksik na ito para sa mga


magulang upang magabayan nila ang kanilang mga anak lalo na
sa paggamit ng wasto ng makabagong tekolohiya.
Batayang Konseptwal

Nais ng mga mananaliksik


na mabatid ang Negatibong
Epekto ng Makabagong Ang mga mananaliksik ay Inaasahan ng mga
Teknolohiya sa Kinagisnang mamamahagi ng mga mananaliksik sa pag-aaral
Kultura ng mga Mag-aaral nasabing kwestyuner sa na ito malaman kung ano-
ng Phinma Upang College mga mag-aaral ng Phinma ano ang mga Negatibong
Urdaneta na nasa Ika- Upang College Urdaneta na Epekto ng Makabagong
labing isang baitang kung nasa ika-labing isang Teknolohiya sa Kinagisnang
kaya't magsasagawa ang baitang upang makakalap Kultura ng mga Mag-aaral
mga mananaliksik ng ng impormasyon tungkol ng Phinma Upang College
paglilimbag ng kwestyuner sa paksang pinag aaralan o Urdaneta na nasa isa ika-
o survey na naglalaman ng tinatalakay. labing isang baitang.
mga katanungan hinggil sa
paksang pin-aralan.
Batayang Teoretikal

Nais ihatid ng mga mananaliksik ang karagdagang


kaalaman ukol sa Negatibong Epekto ng Makabagong Teknolohiya
sa mga Mag-aaral ng UPang na nasa ika-labing isang baitang
at matukoy o maipahatid ang mga negatibong epekto ng
paggamit ng mga makabagong teknolohiya tulad ng Cellphone,
Computer, Laptop, Smart Boards, mga Sistema ng GPS, at iba
pa.

Para na rin mas lalo pang maintindihan ng mga


estudyante kung ano ang Makabagong Teknolohiya kung paano
ito makakaapekto saating pang araw-araw na pamumuhay. Ano ng
ba ang masamang epekto nito sa ating mga mag-aaral sa UPang
na nasa ika-labing isang baitang.

Saklaw At Limitasyon Ng Pag-Aaral

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga suliranin


na lumalaganap sa mga estudyante particular na sa paggamit o
pagkahumaling sa makabagong teknolohiya na kinagisnang
kultura ng mga mag-aaral. Masasaklaw din sa pag-aaral na ito
ang mga naging batayan, reaksyon at kasagutan ng aming
pananaliksik sa Negatibong Epekto ng Makabagong Teknolohiya
sa Kinagisnang Kultura. An gaming pinagkuhanan ng mga ideya
ay ang mga Estudyanr ng Phinma-Upang College Urdaneta na
nasa Ika-labing Isang Baitang sa taong 2022, dahil sa
paggamit ng Makabagong Teknolohiya at sa magiging negatibong
nito sa mga mag-aaral.
Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita

Teknolohiya- Ang isang makabagong makina o gadget na


tinatawag ng maraming tao na automatikong proseso ay hindi
manu-mano.

Makabagong Teknolohiya- ay nangunguhulagan ng makinarya,


kagamitan o pamamaraan na makabuluhang binago na may
kaugnayan sa pagpapakilala ng bagong tknolohiya at naiiba sa
kalikasan.

Internet- “a worldwide system of computer networks”.

Kompyuter- isang elektronikong aparato para sa pag-iimbak at


pagproseso ng data.

Gadyets- isang maliit na mekanikal o elektronikong kagamitan


o kasangkapan.
Kabanata 2

Kaugnay na Literatura at pag-aaral

Ilalahad sa kabanatang ito ang mga literatura at


mahalagang pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang
pananaliksik,gayundin ang lagom ng sining,gap,balangkas
teoritikal,konseptal at katuturan ng talakay.

Kaugnay na literatura

Ayon sa Diksyunaryo ng Wikang Filipino (1989), Ang


teknolohiya ay nangunguhulugang agham nauukol sa mga sining
na pang-industriya. Sa larangan ng negosyo, Teknolohiya 2
ang gumaganap ng isa sa buong mahalagang papel. Halos lahat
ng mga negosyo at industriya mundo ay gumagamit ng
teknolohiya. Sa panahon ngayon, maraming gadyet na ang
nagsisilabasan. Iba pa ang patuloy na humuhuli sa interes ng
mga tao.

Nakapagdudulot ang mga mga ito ng Kasiyahan. Napapadali


at nagiging organisado ang mga gawaing akademiko at
propesyonal. Mas napapadali ang komunikasyon at marami na
ring mga paraan upang makakuha at mapagbigay ng impormasyon.
Nangangahulugan lamang ito na ang mga Pilipino ay
nakakasabay sa modernisasyon at isa sa naaambagan nito ang
paaralan.

Ayon kay Kristine Mae Ledda Baguio, Sa kasalaukuyang


panahon, sino pa ba ang hindi nakakaalam ng isa pa sa mga
sikat na imbesyon, ang computer. Bagay na nagpadali ng buhay
ng mga mag-aaral na. Ayon pa nga sa mga nakakatanda, kung
dati raw ay aabutin ka ng mag-hapon sa library, Isang mag-
aaral ng university of the Philippines ry ng paaralan upang
hanapin ang kahulugan ng mga leksyon, Dahil sa teknolohiya,
nagiging maayos at napapadali ang mga Gawain sa paaralan
lalo na ng mga mag-aaral na nangangailangan ng kalidad na
edukasyon. Sinisikap ng paaralan na napapadali ang pagkatuto
ng mga mag-aaral at mapaunlad pang lalo ang kakayahan at
intelektwal na kapasidad ng mga ito.Sa tulong ng mga
notebook, projector at higit sa lath ng internet, mas
napapabilis ang paglikom ng impormasyon para sa kanilang
takdang-aralin, research work at pag-uulat. Nagkakaroon
sila ng bagong kaalaman at repleksyon dahil sa pagsisiyasat
sa internet. Sa kabila ng mga pakinabang na ito, may mga
bagay na hindi maiiwasan at nakakaabala sa pag-aaral. Ang
popularidad ng Facebook at iba pang social networking sites
ay nagiging bahagi na ng buhay ng isang estudyante. Ang oras
sa pag-aaral kung gabi ay nauubos sa pagfe-facebook.
Nagiging dahilan din ito upang mawala sa pokus sap ag-aaral.
Umaasa na lamang sila sa mga impormasyon sa internet
kadalasan ay “Copy-paste” na lamang ang kakayahang
intelektwal ng mga mag-aaral sa ganitong paraan. Sa oras ng
klase ay hindi na nakikinig sa guro dahil mas inuuna ang
pagtext. Minsan, nauubos ang pera sa paglalaro ng online
games sa internet café. Minsan nama’y inuumaga sa pagtulog
ng dahil sa panonod ng movies.

Oo, Malaki ang naitutulong ng makabagong teknolohiya sa


estado ng pag-aaral ng kabataan. Ngunit dapat ding isaalang
alang ang maaaring maging abala nito sa panahong inilalaan
sa mas mahalagang bagay o Gawain. Kabalikat bg pagkakaroon
ng makabagong kagamitan o gadyet ang mga maayos na
pamamahala ditto. Ang pangangailangan, buhay at Gawain ng
isang mag-aaral ay hindi lamang ditto nakasalalay o
nakabatay. Hindi lamang teknolohiya ang nagpapatakbo sa
buhay. Ang pagbibigay ng atensiyon sa mas mahalagang bagay
ay isang kagalakan at responsableng pamamahala sa buhay at
sa mga bagay na nagpapagaan at nagpapabilis sa Gawain. Ang
makabagong teknolohiya ay sadyang Malaki ang naiaambag at
naitutulong. Isang paalala lamang ang paggamit nito sa
mabuti, produktibo at responsableng pamamaraan. Huwag natin
itong abusuin. Malaking bahagi ang teknolohiya upang mas
maayos ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami
nang naiimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas
na mga taon. Ito ay nagsilbing mahalang instrumento sa mga
mag-aaral ng astronoiya. Sunod dito ay ang makinilya na
nagbibigay daan para sa hustong pagbabago ng Sistema ng
pagtuturo kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng
mga basahin. Sa loob lamang ng ilang dekada , ang kompyuter
naman ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa
ika-21 na siglo. Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang
ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong
asignaturang o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling
kalahati ng ika-20 na siglo,ang simpleng prodyektor na ang
ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga
pagpupulong. Ito ay may klasrum ng mga estudyante at mga
pagbubulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe
upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga
tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, ang
pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa
edukasyon ay ang mga kompyuter na maaaring maka-access ng
internet.

Ayon kay Jenny Rose D. Navarro 2019,tunay ang Sistema ng


edukason sa ngayon ay sumasalamin sa ika dalawamput-isang
siglo ang pangunahing kagamitan ng mga mag aaral ay
kompyuter at mga makabagong teknolohiya na nagpapabilis at
nagpapadali ng paraan ng pag-aaral.

“Sa edukasyon, ang paggamit ng teknolohiya, ay mas


napapadabilis at nagiging organisado ang mga gawaing
akademiko. Katulad ng paglikom ng mga impormasyon para sa
kanilang takdang-aralin, research work, proyekto, pag-uulat
at iba pa ito’y nakakatulong lalo na sa mga mag-aaral na
nangangailangan ng kalidad na edukasyon” (Lannao, Mich
Ysabel,2019) sinabi rin niya na may maganda at hindi
magandang naidudulot ang makabagong teknolohiya sa pag-aaral
ngunit kailangan lang kontrolin ng mag-aaral ang kanyang
sarili sa paggamit ng mga ito. Ang pampublikong edukasyon at
teknolohiya ay mahihirap ibigay, lalo na kung saan ang
karamihan ng mga tao ay nabubuhay nang higit sa pang araw-
araw na paraan. (Jem Sagcal,Offcrowd 2018)
Tayo ay nasa panahon ng teknolohiya at digital, I-maximize
natin ang lahat ng ito at pagtuloy na tumulong sa isa’t isa
at humanap ng solusyon sa mga hamon na kinakaharap ng sector
ng edukasyon (Dr.Ethel Agnes P. Valenzuela,2020)

Ang mga bagong paraan ng paggamit ng teknolohiya ay


nakakatulong na gawing mas epektibo ang paghahatid ng
edukasyon kahit na matapos ang pandemya (Abanil,2021)

Ayon sa artikulong isinulat ni Krista Garcia sa Rappier


noong 2018, Ang teknolohiya ay palaging gumaganap ng isang
papel sa pagbibigay ng mga mag-aaral ng napapanahong mga
kasanayan at napapanaahong mga ideya at pagtuklas. Ngunit
ngayon, nakikita natin ang mga inobasyon na hinahamon maging
ang mismong pagkakaroon ng apat na pader na silid-aralan at
mga ratio ng guro mag-aaral Dagdag pa niya na ang lahat ng
ito ay mapapakinabangan ng mga mag-aaral ngan bukas dahil
ang pag-aaral ay nagiging mas mura, mas mabilis at mas
madaling ma-access. Sa isa pang artikulong sinulat ni Krista
Garcia sa Rappier noong 2016, Maari ding makinabang ang mga
guro mula sa mga tool pag-aaral na hindi nangangailangn ng
tradisyunal na logistic at Maraming materyales. Halimbawa,
inilunsad ng DepEd ang Learning Resources Management and
Development System o LRMDS, isang portal para sa online na
nagpapaturo at mga materyales sa pagkatao na nalikha ng mga
guro at katuwang sa edukasyon.

Ayon kay Lyka P. Fumar ang kabataan ngayon ay nalululong


sa mga makabagong teknolohiya kagaya ng social media
maraming naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang
epekto sa ating lipunan pero maraming naniniwala na ang
teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan pero
marami rin ang pabor sa pag unlad ng teknolohiya dahil ito
ay nag bibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga
Pilipino. Ang lahat na pananaw na ito ay tama ngunit
kailangan nating pag-aralan kung ano ng aba ang teknolohiya
ito ba ay nakatutulong o nagdudulot ng masamang epekto
satin.

May dalawang uri ng epekto ng paggamit ng teknolohiya ito ay


ang Mabuting epekto at Masamang epekto at masamang epekto.

Ang mabuting epekto nito ay marami tayong nakukuhang


mahahalagang impormasyon at nabibigyan ng sapat na kakayahan
ang mga mag aaral na mapalawak ang kanilang kaalaman hindi
lamang sa pag-aaral pati na rin sa lipunan. Nagiging madali
na ring makahanap ng kasagutan sa mga asignatura hindi tulad
noon ang basehan ng mga kasagutan at mapag kukuhanan lamang
ng impormasyon ay sa silid aklatan lamang.

Ang masamang epekto naman ng teknolohiya ay nagiging ugat


ito ng hindi pagkakaunawaan ng mga mamamayan ang paggamit ng
teknolohiya sapagkat dito ay may kanya kanyang pananaw ang
ibang Tao kung kayat dito ay malakas ang loob nilang makipag
sagutan sa isa’t isa lalo na at ito ay magagawa sa
pamamagitan ng pag pindot lamang kaya ang mga kabataan ay
nawawalan ng respeto sa social media.

Dayuhang Literatura
Ang pag-unlad sa pag-aaral ngayon ay mabilis dahil sa
makabagong teknolohiya at gadyets. Nakatulong ang gadyets sa
lipunan sa lahat ng antas kabilang ang mga institusyon, mga
interpersonal na pakikipag-ugnayan at maging ang indibidwal.
Ito ay patuloy na umusbong linggid sa control at kaalaman ng
tao at nagbabago sa ilalim ng sarili nitong momentum at
walang taros ba humuhubog sa lipunan (D. Chandler, 2000)

Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay may


pakinabang para sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral.
Malaki ang naidudulot nito para sa pagpapadali ng pag-aaral
at maging isang epektibong mamamayan at sa mga estudyante
(M. Underwood, 2009).

Posible ng aba para sa isang kabataan at mag-aaral ang


buhay na walang computer, mobile phones (para sa pakikipag
text), at iba pang makabagong gadyets? Ang kabataan at mag
aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri ng pamumuhay gamit
ang makabagong gadyets. Ang bagong henerasyon ng estudyante
ngayon ay gusto ng oagbabago, Gaya ng pagbabago sa paraan ng
pag-aaral nila sa panahon ngayon, mas gusto nila ang madali
at komportable na walang anumang iniisip na problema. Para
sa kanila ang pinaka magandang pagbabago ngayon ay ang
makabagong teknolohiya at gadyets. (S. Kumar, S. Raghav,
2007)

Ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa


soyalidad. Sinasabi niya na ang pakikipag komunikasyon gamit
ang teknolohiya ay isa sa makabagong paraan upang mapadali
ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay nakakapagpababa din
sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang kanyang
personal na pakikipag komunikason sa kapwa (Chandler, 2000)

Isa sa malapit na sinabi ni Chandler (2000) at B. Winston


(1998) kanyang inalisa sa kanyang artikulo na How are Media
Born and Development ang mga mabubuti at masama na
naidudulot ng makabagong teknolohiya at gadyets sa lipunan.

Naniniwala sya sa deteminasyon ng teknolohiya tungo sa


pagunlad ng ating mundo. Ngayon tayo ay nasa ika-21 sigo
marami na ang nababago sa pamamaraan ng ating pamumuhay
gayun na din sa ating mga pribadong buhay.

Ang internet ay patuloy na lumalaki at umaabot sa mas


maraming mga tao. Nakikita natin ang pagbuti patungkol sa
karunungang bumasa’t sumulat dahil sa paglago ng internet
(K. Croxton 2000)

Ayon kay A. Graham Bell (1876) ang Telepono ay nagtuturo


sa mga taong bingi kaya’t siya ay interesado sa mga pagyanig
ng tunog o kung paanong ang tunog ay tumatalbog at
naglalakbay. Napag-isipan ni Bell na ang mga pagyanig na ito
ay maaaring gawing sunod-sunod na mga takbo ng kuryente na
maaaring maipadala sa pamamagitan mga kable mula sa isang
lugar patungo sa is iba. Mula dito ay naimbenti niya ito.
Ang kanyang imbensyon ay Hindi lamang ginawang possible ang
pakikipag- usap sa mga kaibigan na milya ang layo kundi
nagbukas ng pintuan para sa mga intercoms, radio, fax
transmission at pati na rin sa Internet. Ito ay nagpalapit
sa mga tao sa isa’t isa (A. Graham Bell 1876)

Ang mga kompyuter sa ngayon ay gumagawa ng maraming bagay.


Sa mga tahanan, ang mga maliliit na kompyuter na nakabaon sa
mga kagamitang dekuryente ang nakapagpapabukas at
nakapagsasara sa telebisyon at nakapapapalit nga mga
estasyon, o kumukontrol sa temperature ng iyong
refrigerator. Ang mga kompyuter sa mga kotse at iba pang mga
sasakyan ay nag-aayos ng daloy ng langis. Ang mga kompyuter
ay ginagamit din sa mga makina sa ospital tulad ng x-rays.
Alam mo ba na ang mga kompyuter ay pangunahing ginawa upang
magamit sa masalimuot na kalkulasyon matematika? Ang mga
makinang ginagamit upang gumawa ng mga masasalimuot na
kalkulasyong matematika ay nag-ugat libong taon na ang
nakalipas sa mga abacus ng intsik. Ang abacus ay isang grupo
ng mga butil na nakahanay at ginagamit sa pagbibilang. Noong
1945, ang ENIAC o ang Electronic Numerical Integrator and
Calculator ay isinilang. Ito ang kauna-unahang kompyuter.
Subalit, di gaya ng karamihan sa mga kompyuter sa ngayon,
nangailangan ito ng isang napakalaking silid at mayroong
sariling air-conditioner. Ngayon salamat sa makabagong
pagpapaunlad gaya sa mga kompyuter chips, ang isang
kompyuter na may parehong kakayahan ay maaaring magkasya sa
palad ng iyon kamay. Sa ngayon naman ang mga kompyuter ay
ginagamit din sap ag-aaral at paglalaro.

Lokal na Literatura

Sa pag-aaral ni S. Wilson sa kanyang artikulo na The


Influence of Technology on College Students sinasabi niya na
ang kailangan ng tao sa pagganit ng teknolohiya ay ang
disiplina. Ang bawat henerasyon ay may ibat-ibang disiplina
batay na rin sa kanilang kinagisnan na komunidad.

Ayon kina Coomes at debard 2004 ay nagsabi na ang


kasaysayan at kultura ay mga malaking bahagi sa pagbuo ng
paniniwala at kaugalian ng isang katauhan. Sa paglipas ng
panahon, nagiging iba na ang pag-uugali ng tao kaysa noon na
wala pang impluwensya ng gadyets.

Ayon kina Coomes and Debard 2004, at Howe at Stauss 2003,


sinasabi nila na ang disiplina ng tao ay ang pinaghalong
environmental factor at social factor kagaya ng impluwensya
ng pamilya, ng Media, ng relihiyon, ng mga kaibigan, ng pag-
aaral at ng politika. Ang disiplina ay mahalaga para sa mga
mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo kung paano sila makitungo
sa kanilang kapaligiran. Ngayon, ang mga mag-aaral ng
kolehiyo ay mayroon ng makabagong teknolohiya gaya ng
cellphones, Ipod, Mp3 players, at online social networks
gaya ng facebook, twitter, Instagram. Ang mga napapanood
nanaman nila sa telebisyon at mga laro sa kompyuter ay
maaring makapag pabago sa uri ng kanilang pag-iisip. Ang mga
ito ay may malaking impluwensya sa academic performance nila
sa loo ng klase. (Howe, Markiewicz at strauss,2008)

Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na isa sa paniniwala


ng mga estudyante na ang pag-aaral ay isang pag-aaksaya
lamang ng kanilang oras, kung kaya’t ang iba sa kanila ay
mas pinili nalanag na gumamit ng gadyets atubusin ang oras
sa mga walang kwentang bagay.

Ayon sa pag-aaral ni SADLER 2009 kadalasan maririnig


natin sa mag-aaral ngayon na sinasabi kung gaano sila
nagpuyat sa paggawa ng mga aralin at kung gaano sila kaaga
gumusing para pumasok. Sinasabi nila ito upang maipagmalaki
sa iba kung ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral
ngayon ay kayang pagsabayin ang pag tetext at pag aaral, iba
na talaga ang mga kaugalian ng mga estudyante ngayon. Wala
na silang sapat na disiplina sa paggamit ng kanilang oras at
kung paano ito mawawaldas nang may katuturan.

GEMELLIN AT PETRSON 2006, sila ay nagtanong sa mga mag-


aaral kung gaano kalaki ang nagagamit nilang oras para sa
paggamit ng makabagong teknolohiya at kung malaki baa ng
naidudulot nitong stress. Base sa kanilang nagawang pag-
aaral, halos 29% na kanilang oras ay nagagamit sa
teknolohiya at may malaking parte din ito sa stress na
nararanasan ng mga estudyante.

Lloyd, Dean at Copper (2007) ay nagsagawa ng pag-aaral


ukol sa parte ng media sap ag-aaral ng mga mag-aaral. Napag
alaman nila na mayroon itong malaking impluwensya sa
pamamaraan ng pakikitungo ng mga mag aaral sa kanilang
kaibigan, kamag aral at guro.

Sa paglakad ng panahon ay nagkakaroon na tayo ng


tinatawag na globalisasyon, at patuloy na umaangat at
umuunlad an gating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong
ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa
kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa.
Sa kasalukuyang panahon ay sinasabing computer age na
tayo dahil lahat ng larangan ay halos computer na ang
ginagamit. Sa mga opisinang gobyerno, pribadong opisina, sa
mga eskwelahan at maging sa pamamahay man ay gumagamit ng
computer sa kanilang pakikipag transaksyon. Kung walang
personal computer ay may mga makabagong cellphone na
nagsisilbing gamit sa ibat ibang uri ng pakikipag
transaksyon. Sinasabi pa nga sa mga datos na ang Pilipinas
ang siyang cellphone capital of the world, dahil ultimong
mahihirap na pamilyang Pilipino ay nakagagamit nang
cellphone.

Ang mabilis ba na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay


nakakatulong ba o hindi, lalo na sa larangan ng edukasyon sa
ating bansa? Lahat ng uri ng pag-unlad maging sa teknolohiya
ay may kaakibat na positibo at negatibong dulot sa ating
pamumuhay, maging sa larangan ng edukasyon, ang mabilis na
pag-unlad ng teknolohiya ay malaking tulong ang naibibigay
hindi lamang sa mga guro kundi lalo’t higit sa mga mag-
aaral.

Bago pa man ipatupad ng mga kinauukulan o ng gobyerno ang


pagunlad ng teknolohiya ay binusisi at pinagaralan munag
mabuti kung ito ba ay makakatulong o hindi. Kanilang
hinimayin ang mga positibo at negatibong dulot nito at kung
nakakalamang ang positibo ay kanilang aaprubahan at
ipapatupad nang naayon sa umiiral na batas ng ating
bansa,partikular sa edukasyon.
Sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya, ang mga hilaw
na materyales ay nagiging mga bagay na maaaring magamit ng
lipunan. Bukod sa mga di-materyal na aspeto ng kultura, na
kinabibilangan ng wika, pamantayan, halaga, at paniniwala,
may ilang materyal na pamamaraan at produkto na ginagamit ng
mga lipunan. Ang teknolohiya ay tumutukoy sa mga pamamaraan
at kaalaman sa pagproseso ng mga hilaw na materyales upang
makagawa ng pagkain, kasangkapan, tirahan, damit, paraan ng
transportasyon, at mga armas. Inilalapat ng teknolohiya ang
mga prinsipyo ng agham at mekanika sa paglutas ng mga
problema o upang magawa ang isang partikular na gawain.

Ang mga materyal na bagay na ginawa ng teknolohiya ay


tinatawag na artifact. Ang lawak ng paggamit ng mga artifact
ay nakasalalay sa antas ng pag-unlad ng teknolohiya ng
lipunan. Ang mga simpleng lipunan ay may mga kagamitang bato,
mortar at halo, mga kubo ng nipa, mga damit na hinabi ng
kamay, o mga kariton bilang kanilang mga artifact. Sa mga
lipunang pang-agrikultura, ang mga hayop at simpleng makina ay
ginagamit upang magawa ang trabaho. Habang umuusad ang mga
lipunan patungo sa industriyalisasyon, mas sopistikadong mga
kasangkapan at makina ang ginagamit. Sa post-
industrialization, ang teknolohiya ay lumilipat patungo sa
cybernation kung saan ang mga makina ay gumagawa ng mga
desisyon at kung saan ang mga robot ay maaaring i-program
upang subaybayan ang mga linya ng pagpupulong (Mooney, Knox,
at Schacht 2000:367).

Ang mga bagong teknolohiya ay sumulong nang mabilis mula


noong 1960s. Nagkaroon ng outerspace exploration, automation,
pagsulong sa medisina, bagong transportasyon, at mga pasilidad
ng komunikasyon. Sa pagsisimula ng ikadalawampu't isang siglo,
nagkaroon ng malaking pag-unlad sa teknolohiya ng impormasyon.

Ang teknolohiya ng impormasyon ay tumutukoy sa alinman


teknolohiya na naghahatid ng impormasyon tulad ng photography,
telegraphy, rotary power printing, telepono, wireless
telegraph, motion pictures, magnetic tape recording, radyo,
telebisyon, at internet (Mooney, Knox, at Schacht 2000:373).

Ang media ay ang sentral na arena kung saan ang pahintulot


ay napanalunan at pinananatili (Shaughnessy 1999:17).

Malaki ang epekto ng teknolohiya at media sa lipunan. Ang


ilang mga tao ay umalis mula sa mga grupo o organisasyon
patungo sa mas pribadong lugar ng tahanan at pamilya.
Nagkaroon ng pagbaba sa pagbisita at pakikisalamuha sa mga
kapitbahay, gayundin sa pagiging kasapi ng mga club at
organisasyon. Sinasabing ang telebisyon ay nagbibigay ng sapat
na libangan kaya hindi na kailangan pang lumabas ng bahay. Sa
mga sambahayan na may maraming telebisyon, ang mga miyembro ng
pamilya ay hindi na kailangan pang makipag-ugnayan sa isa't
isa. Ang mga tao ay maaari na ngayong makipag-ugnayan sa
pamamagitan ng mga cell phone o internet na kung saan ay
nagsasangkot ng mas kaunting presensya sa lipunan. Marami sa
mga social cue na gumagabay sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng
mga tao, tulad ng mga ekspresyon ng mukha, vocal intonation, o
body gestures, ay nawawala (Sullivan 2001:143-144).

Malaki ang naiambag ng modernong teknolohiya sa dumaraming


materyal na kultura, tulad ng paggamit ng automation at
elektronikong komunikasyon na may napakalaking epekto sa lugar
ng trabaho. Sa iba't ibang anyo nito, pinataas ng teknolohiya
ang bilis kung saan ang mga aspeto ng kultura ay naipapasa at
naibahagi. Ang paggamit ng bagong teknolohiya, tulad ng mga
computer, ay nabawasan ang pangangailangan para sa mga
superbisor at pinadali ang kontrol ng mga empleyado. Ginagawa
nilang mas responsable ang mga manggagawa sa pamamagitan ng
pangangalap ng impormasyon tungkol sa kanilang pagganap.
Kasabay nito, ang mga empleyado ay nakakapagtrabaho na kahit
sa kanilang mga tahanan (Mooney, Knox, at Schacht 2000:373).
Ayon kay Cortes (2002:2), sa pagiging mas abot-kaya ng mga
kompyuter kahit sa mga atrasadong bansa, ang computer
networking ay maaaring magkonekta sa mga paaralan,
laboratoryo, at iba pang mapagkukunan para sa mga iskolar o
mananaliksik, kaya nagiging posible ang madaliang pagbabahagi
ng impormasyon Sa pagtaas ng pananaliksik at pag-unlad. mga
aktibidad, ang pag-aaral ay magiging isang panghabambuhay na
proseso para sa lahat.

Ang teknolohiya ng komunikasyon ay maaaring magpakilos ng


mga tao nang mas madali para sa popular na pagtutol. Ginamit
ito sa panawagan sa mga tao na magtipun-tipon sa EDSA Shrine
noong Enero 20, 2001, matapos bumoto ang labing-isang senador
laban sa pagbubukas ng ikalawang sobre sa impeachment trial
kay Estrada.

Binago ng mga bagong teknolohiya ang konsepto ng lipunan.


Ang paglalakbay sa pagitan ng mga komunidad o bansa ay lubos
na lumuwag. Tumatagal ng ilang oras sa halip na mga araw o
buwan upang maglakbay sa pagitan ng mga kontinente. Ang
paggamit ng e-mail, text messaging, fax, at video conference
ay nagpabago sa karaniwang paraan ng komunikasyon. Ang mga
ugnayan sa pagitan ng mga lipunan ay pinalakas, na humahantong
sa pag-unlad ng isang pandaigdigang lipunan.

Gayunpaman, ang post-modernism, isang umuusbong na pananaw


sa mundo, ay nagpapanatili na ang mga maka-agham at
teknolohikal na pagbabago ay hindi kinakailangang magbigay ng
"mga katotohanan." Ipinapalagay na sila ay nagdudulot ng isang
mas mabuti, mas ligtas, at mas makataong mundo. Ngunit ang mga
tanong ay itinaas ng mga post-modernist tungkol sa bisa ng
pang-agham na negosyo at ang mga negatibong kahihinatnan ng
mga nagresultang teknolohiya. Itinuturo nila ang mga resulta
ng teknolohiya tulad ng polusyon at pinsala sa ekolohiya ng
mundo, mga dislokasyon sa trabaho at panlipunan, mga banta sa
privacy ng indibidwal, at kahinaan sa lipunan at sikolohikal
(Money, Knox, Schacht 2000: 367-369).
May mga isyung itinaas vis-a-vis sa mga layunin at
kahihinatnan ng mataas na antas ng teknolohiya. Ano ang mga
epekto nito sa kaligayahan at buhay pamilya? Ang mataas ba na
antas ng teknolohiya ay kinakailangang magdulot ng isang
malusog at malinis na kapaligiran? Tinitiyak ba nito ang
pangangalaga ng likas na yaman o trabaho at seguridad?

Ayon kay Paciencia O. Roque (2015) sumusulong ang


teknolohiya dahilmay mga taong magaling sa pag-iimbento ng
mga makabagong kagamitan naginagamit ng tao sa pang-araw
araw niyang pamumuhay maging ito man ay sa bahay, trabaho at
iba pa. Ang pagsulong ng teknolohiya ay nangangahulugang
pagpapadali sa gawain ng tao at ito rin ay pag-unlad sa
isang bansa. Isa sa mgamahalagang kagamitang pangteknolohiya
na naimbento ay ang kompyuter.Karamihan ng mga tao ay
gumagamit nito sa buong mundo mula sa mga batahanggang sa
mga matatanda at ano mang estado sa buhay maging mayaman man
o'mahirap ay gumagamit nito, Ang kompyuter ay isang
mahalagang produkto ng teknolohiya. Pinapadali nito ang
ating mga gawain kaya mabilis umunlad. Mahalaga ang
kompyuter sa pag-aaral dahil mas napapalawak nito ang ating
kaalaman. Ang kompyuter ay pinapadali ang gawain sa paaralan
lalo na sa mga gawain ng guro tulad ng paggawa ng mga
reports, pagkompyut ng mga grades ngmga estudyante at mga
panturong kagamitan na makukuha sa internet. Sa pagtuturo
malaking tulong ang kompyuter lalo na sa paglalahad ng mga
aralin sa pamamagitan ng power point presentation at iba
pang gadgets. Mapapabilis ang komunikasyon. Ipinahiwatig ng
mananaliksik kung gaano ba nakakatulong angkompyuter sa
buhay ng isang indibidwal. Lalo na sa mga estudyante at guro
kagayanya. Lalo na sa mga estudyante at guro kagayanya.
Binigyang linaw nya na ang kompyuter ay maraming benepisyo
upang mapadali ang tinutugunan na pangangailangan nating
gumagamit nito Binigyang linaw nya na ang kompyuter ay
maraming benepisyo upangmapadali ang tinutugunan na
pangangailangan nating gumagamit nito.

Ayon sa pag aaral nina Jhonriel Aranas (2017), sa panahon


ngayon ay namulat na ang mga kabataan sa makabagong
teknolohiya tulad ng smartphone, laptop, ipod at iba pa.
Kaya lingid na sa ating kaalaman na bawat estudyante na
pumapasok sa paaralan ay may kanya-kanyang smartphone.
Maraming estudyante ang bumabagsak sa klase dahil ginagamit
lang ito sa pagpapahayag ng saloobin ng mga indibidwal sa
pang komunikasyon sa mundo dahil ito na ang pinakasikat na
paraan ng pakikipag kumunikasyon sa ating henerasyon.

Marami sa mga kabataan ngayon ang may mga mabababang


marka, ayon sa uro.net. Hindi ito dahil sa hindi nila
maintindihan ang mga itinuturo sa kanila sa klase. Ito
marahil ay sa dahilang marami na silang ibang
pinagkakaabalahan bukod sa kanilang pag-aaral. Ang mga
makabagong gadyet ay ang mga kinalolokohan na ngayon ng
maraming mag-aaral sa ating bansa.

Mahalaga na malaman ang epekto ng makabagong teknolohiya


at mga gadyet sa personalidad ng mga kabataan, sapagkat
marami sa kanila ngayon ay may mga mabababang marka at
paiba-iba ng gawain at ugali. Isa sa mga kapansin-pansin na
dahilan ay nababaling ang kanilang atensyon at oras sa
paglalaro o paggamit ng makabagong kagamitan imbes sa mga
gawaing bahay.

Sa pag-aaral ni S. Wilson, sa kanyang artikulo na The


Influence of Technology on College Students sinasabi niya na
ang kailangan ng tao sa paggamit ng teknolohiya ay ang
disiplina. Ang bawat henerasyon ay may ibat-ibang disiplina
batay na rin sa kanilang kinagisnan na komunidad.

Ayon kina Coomes at Debard (2004) ay nagsabi na Ang


kasaysayan at kultura ay may malaking bahagi sa pagbuo ng
paniniwala at kaugalian ng isang katauhan. Sa paglipas ng
panahon, nagiging iba na ang pag-uugali ng tao kaysa noon na
wala pang impluwensya ng gadyets.

Ayon kina Coomes and Debard (2004), at Howe at Strauss


(2003), sinasabi nila na ang disiplina ng tao ay ang
pinaghalong environmental factor at social factor kagaya ng
impluwensya ng pamilya, ng Media, ng relihiyon, ng mga
kaibigan, ng pag-aaral at ng politika. Ang disiplina ay
mahalaga para sa mga mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo kung
paano sila makitungo sa kanilang kapaligiran. Ngayon, ang
mga mag-aaral ng kolehiyo ay mayroon ng makabagong
teknolohiya gaya ng cellphones, ipad ,Ml players, at online
social networks gaya ng facebook, twitter, instagram.

Ang mga napapanood naman nila sa telebisyon at mga laro


sa kompyuter ay maaaring makapag pabago sa uri ng kanilang
pag-iisip. Ang mga ito ay may malaking impluwensya sa
academic performance nila sa loob ng klase. (Howe,
Markiewicz at Strauss, 2008)

Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na isa sa paniniwala


mga estudyante na ang pag-aaral ay isang pag- aaksaya lamang
ng kanilang oras, kung kaya’t ang iba sa kanila ay mas
pinipili nalang na gumamit ng gadyets at ubusin ang oras sa
mga walang kwenta bagay.

Ayon sa pag-aaral ni Sadler (2007) kadalasan maririnig


natin sa mga mag-aaral ngayon na sinasabi kung gaano sila
nagpuyat sa paggawa ng mga aralin at kung gaano sila kaaga
gumising para pumasok. Sinasabi nila ito upang maipagmalaki
sa iba kung ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral
ngayon ay kayang pagsabayin ang pagtetext at pag-aaral, iba
na talaga ang mga kaugalian ng mga estudyante ngayon. Wala
na silang sapat na disiplina sa paggamit ng kanilang oras at
kung paano ito mawawaldas nang may katuturan.

Ayon kay (Cruz, 2008), Ang teknolohiya ay ginagamit sa


pagbuo ng mga kagamitan, makina, kasangkapan na makakatulong
sa paglutas ng mga suliranin na nagaganap sa panahong ito.
Sinasabi din na ang teknolohiya ay nagiging high tech na rin
sapagkat kilala na ang teknolohiya sa buong mundo na
nakagagawa ng mga imbensyon na kalimitang iniuugnay ito sa
mga gadgets.
Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, kung saan
nakadepende na sa teknolohiya ang mga gawain ng tao.
Maraming pabor sa pag-angat ng teknolohiya sa kadahilanang
nagbibigay ito ng magandang dulot sa pag-aaral ng mga mag-
aaral. Ngunit minsan ay nasosobrahan na sa paggamit ang mga
tao at wala na sa lugar gaya kapag nasa hapag-kainan ang
buong pamilya at ang bawat isa ay gumagamit ng cellphone
kaya kailangan nating malaman ang iilang mabuti at di-
mabuting epekto ng teknolohiya. May mga epekto ang
teknolohiya maaaring makasira sa pag-aaral ng mga mag-aaral
dahil sa online games. Nagiging tamad ang mga tao,
pagkalulong sa gadgets ay nagiging addiction, nakakasira ng
kalusugan ang madalas na paggamit ng teknolohiya, dahil sa
radiation, maaaring sumakit ang ulo sa matagal na pagkababad
sa kompyuter.

Kasaysayan ng Teknolohiya
Ang kasaysayan ng pag-imbento ng mga kasangkapan at
pamamaraan para sa paggawa ng mga praktikal na bagay ay ang
kasaysayan ng teknolohiya. Ang modernong kasaysayan nito ay
may malapit na kaugnayan sa kasaysayan ng agham, dahil ang
pagtuklas ng bagong background na kaalaman ay nagbigay-daan
sa atin na lumikha ng mga bagong bagay, at sa kabaligtaran,
maraming siyentipikong pagsisikap ang naging posible sa
pamamagitan ng mga teknolohiya na tumutulong sa mga tao na
maglakbay sa mga lugar na hindi natin mapupuntahan. , at
suriin ang kalikasan ng uniberso nang mas detalyado kaysa
pinapayagan ng ating natural na mga pandama.

Ang mga produkto ng isang ekonomiya, isang puwersa para sa


paglago ng ekonomiya, at isang malaking bahagi ng pang-araw-
araw na buhay ay ang mga teknolohikal na artifact. Ang mga
makabagong teknolohiya ay nakakaapekto, at apektado ng,
kultural na mga tradisyon ng isang lipunan. Ang mga ito ay
isang paraan din upang bumuo at mag-proyekto ng
kapangyarihang militar.

Sa pangkalahatan, ang teknolohiya ay ang ugnayan ng


lipunan sa mga kasangkapan at likha nito, at hanggang saan
makokontrol ng lipunan ang kapaligiran nito. Ito ay ang
praktikal na aplikasyon ng kaalaman lalo na sa isang
partikular na lugar at isang kakayahan na ibinigay ng
praktikal na aplikasyon ng kaalaman (Merriam-Webster
dictionary). Sa kanyang panayam sa Real World Technology
noong 1989, si Ursula Franklin, ay nagbigay ng isa pang
kawili-wiling kahulugan ng konsepto. Ayon sa kanya, ang
teknolohiya ay "practice. the way we do things around here".
Ang termino ay kadalasang ginagamit upang magpahiwatig ng
isang partikular na larangan ng teknolohiya, o upang
sumangguni sa mataas na teknolohiya, sa halip na teknolohiya
sa kabuuan. Katulad nito, ang termino ay kadalasang
ginagamit sa tatlong magkakaibang konteksto: kapag tumutukoy
sa isang kasangkapan (o makina): isang pamamaraan: ang
puwersang pangkultura; o kumbinasyon ng tatlo.

Ang teknolohiya ay maaaring mas malawak na tinukoy bilang


ang mga entidad, parehong materyal at hindi materyal, na
nilikha sa pamamagitan ng paggamit ng mental at pisikal na
pagsisikap upang makamit ang ilang halaga. Sa paggamit na
ito, ang teknolohiya ay tumutukoy sa mga hangal at makina na
maaaring gamitin upang malutas ang mga problema sa totoong
mundo. Ito ay isang malawak na termino na maaaring may
kasamang mga simpleng tool, gaya ng crowbar o kahoy na
kutsara, o mas kumplikadong mga makina, gaya ng space
station o particle accelerator. Ang mga tool at makina ay
hindi kailangang materyal: ang virtual na teknolohiya, tulad
ng software ng computer at mga pamamaraan ng negosyo ay nasa
ilalim ng kahulugang ito ng teknolohiya.

Ayon kay D. Chandler (2000) ang teknolohiya ay may


positibo at negatibong epekto sa sosyalidad. Sinasabi niya
na ang pakikipagkomunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa
makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa.
Ngunit, ito ay nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang
katauhan upang malinang ang kanyang personal na
pakikipagkomunikasyon sa kapwa.

Bilang isang estudyante ay kailangan nating pangalagaan


ang ating kalusugan at dapat ay may limitasyon tayo sa
paggamit ng mga teknolohiya. Dapat ay mas pangalagaan natin
ang ating kalusugan at huwag natin itong pabayaan. Kailangan
magbigay tayo ng oras sa ating pamilya at huwag parating
nakatutok sa ating mga teknolohiya.

Ito ay ginawa upang mas malaman natin kung ano ang


naidudulot ng teknolohiya sa ating kalusugan at upang
maipahatid sa mga kabataan ngayon na pwedeng makasama ang
teknolohiya sa ating kalusugan kung tayo ay mapapasobra sa
paggamit nito.

Ayon sa isinagawang pag-aaral nila Eshrat Zamani,PhD ,


Maliheh Chashmi,MSc , at Nasim Hedayati,DDS (2009),
lumalabas na may masamang epekto ang mga computer games sa
pisikal at pangkaisipang kalusugan ng isang tao.
Depression at  Anxiety ang mga posibleng epekto ng labis na
paglalaro sa kompyuter. Ito rin ay pagkukumpara sa mga
normal na estudyante at sa mga nalulong sa mga computer
games. Isinasaad sa pag aaral na ito, na mas mataas ang
kasanayang panlipunan o social skills ng mga normal na
estudyante kaysa sa mga nalulong sa mga computer games.

Ayon sa ginawang pag-aaral ni Naira Shivangi Joshi ng


king Saud University (2005). Ang paggamit ng kompyuter ng
mga estudyante ay may direktang epekto sa pagiging epektibo
na magaaral.sa kaniyang isinagawa ng pag aaral ay gumawa
siya ng pre test at post test kung saan may dalawang grupo
ng mga estudyante ang mag sasagot nito ang unang grupo ay
ang mga tinuruan gamitang multimedia at ang pangalawa naman
ay ang grupo ng mga estudyante na tinuruan gamit ang
makalumang pamamaraan. Ang resulta sa pagsusulit ay mas
mataas ang nakuha ng mga grupi na tinuruan gamit ang
makabagong pamamaraan gamit ang multimedia. Kaya masasabing
may direktang epekto ng  paggamit ng kompyuter ng mag aaral
sa pagiging epektibo nito.

Ang mga kabataan ngayon ay lumalaki sa panahon kung saan


ang teknolohiya ay patuloy na nasa kanilang mga kamay. Ang
lumalagong mundo ng mga social media application at mga
internet site ay nagpapataas ng interes sa mga bata. Bukod
pa rito, ang mga cell phone, computer, tablet, libreng Wi-
Fi, gaming system, at mga laruan na nakabatay sa elektronik
ay ang lahat ng galit sa lipunan ngayon. Lumalaki ang mga
mag-aaral sa panahon na ang teknolohiya ay isang
mapagkumpitensyang uso.

Ayon kay Klopfer, et al. (2009), "Araw-araw, maraming mag-


aaral ang gumugugol ng hindi mabilang na oras sa paglubog sa
mga sikat na teknolohiya-gaya ng Facebook, MySpace, World of
Warcraft, o Sim City" (p. 1).

Sa silid-aralan ngayon, ang teknolohiya ay nagiging isang


mas mas kilalang anyo ng pag-aaral. Sa pabago-bagong mundo
ng teknolohiya, nagsisikap ang mga guro na isama ang
teknolohiya sa kanilang pang-araw-araw na pagtuturo upang
maiugnay ang hilig ng mag-aaral sa pag-aaral. Ayon kay
Harris (2016).

Hindi maikakaila ng lipunan ang mga pakinabang ng


teknolohiya, dahil may ilang paraan na ang lahat ay
nakikinabang dito, ngunit ang teknolohiya ay mayroon ding
mga negatibong panig. Hindi maaaring maging mabuti ang
lahat. Sa modernong mundo, ang teknolohiya ay kinakailangan
halos lahat ng dako. Hindi pinapansin ng maraming tao ang
mga epekto ng teknolohiya sa kanilang buhay dahil mahirap
gawin ang maraming bagay nang walang teknolohiya. Ayon sa
pananaliksik, maraming tao ang naapektuhan ng teknolohiya
dahil sa patuloy nilang paggamit ng teknolohiya tulad ng
pagkagumon dito na nagpapataas ng kanilang depression at
stress rate. Ang labis na katabaan ay maaari ding mangyari
dahil sa teknolohiya dahil sa katotohanan na gumugugol sila
ng mas maraming oras sa mga laro, video, internet, telepono,
atbp, kaysa sa pagiging aktibo o pag-eehersisyo. Ang pag-upo
at patuloy na pagtingin sa mga device ay maaaring magdulot
ng matinding pananakit sa buong katawan lalo na sa leeg at
ulo. Maaaring ihiwalay ng teknolohiya ang isang tao sa
maraming bagay dahil hindi nila alam ang kanilang paligid.
Magsisimula ang kakulangan ng maraming mga lugar tulad ng
kanilang mga kasanayan sa pagsulat, mga kasanayan sa lipunan,
mga social bond at tagal ng atensyon, dahil ginagawa nila
ang lahat online at hindi nakikipag-ugnayan sa mga tao nang
harapan. Ang teknolohiya ay maaaring maging lubhang
nakakagambala dahil nagbibigay ito sa mga tao ng maraming
iba't ibang interes. Ang kawalan ng privacy ay isa pang
negatibong epekto ng teknolohiya dahil ang online, lalo na
ang mga social media site ay may kaunting privacy, at ang
isang tao ay maaaring makakuha ng impormasyon ng iba at
gawin ang anumang bagay dito. Ang teknolohiya ay maaari ding
sisihin sa pagtaas ng karahasan, dahil ang mga tao ay
patuloy na nakakakita ng mga marahas na eksena sa mga video
game, internet, T.V, atbp, at sa tingin nila ay OKAY lang na
maging marahas na nagiging sanhi ng pagkawala ng empatiya ng
mga tao para sa lipunan.
KABANATA III

“Negatibong Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa Kinagisnang


Kultura ng mga mag-aaral ng PHINMA UPANG COLLAGE OF URDANETA
na nasa Ika-labing isang baitang”

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Ang Pananaliksik na ito ay naka-tuon sa pagkalap ng mga


negatibong epekto ng makabagong teknolohiya sa kinagisnang
kultura ng mga mag-aaral. Layunin ng pananaliksik na ito na
matuklasan kung ano ang mga negatibong epekto ng teknolohiya
sa pamumuhay ng mga Mag-aaral at upang mabigyan naman ng
solusyon o maagapan ang mga negatibong kinahinatnan.

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay matiyangang na ngalap ng


impormasyon sa pamamagitan ng mga libro at iba pang
babasahin na tungkol sa kultura at makabagong teknolohiya
upang makalikom ng mga datos. Bukod pa dito, ang
mananaliksik ay sumangguni sa internet kung saan
napakaraming mga kaugnay na artikulo at riserts sa paksa bg
pananaliksik ang matatagpuan.

You might also like