You are on page 1of 12

Anumang materyales ang gagamitin para sa pagsulat ng reaksyong

papel ay kailanagng makaulit itong binasa o pinanood upang


malaman nang husto ang nilala ng sususriin.
Ang reaksyong papel ay hindi isang buod lamang spagkat ito ay
naglalaman ng balanseng opinyon ng nagsuri.
Mahalagang masuri kung ano ang layunin para sa mga mambabasa
o manonood ng materyales na susuriin.
Kailangang detalyadong mailahad ang mga bahaging pagtutuunang
pansin o bibigyang reaksyon.
Mahalagang mayroong batayan sa mga reaksyon o opinyong
ilalahad, lalo pa kung ang opinyong ibibigay ay hindi positibo para
sa sinusuri.
Maaaring magbigay ng mga suhestyong maktutulong upang higit
pang gumanda ang materyales sa sinuri.
Mahalaga ring makapaglahad ng mga natutunang kaalaman o aral
buhat sa materyales na sinuri at kung ang materyales ay nararapat
• Malinaw
- Maituturing na malinaw ang pagsusuri
kung ito ay agad na mauunawaan ng
mambabasa.
- Mahalagang gumamit ng mga salitang
tiyak at tuwirang maaghahatid ng mensahe at
nakaayos sa pamamaraang madaling
masusundan ng mambabasa.

• Tiyak
- Nararapat na ang nagsuri ay
magagawang mapanindigan ang kaniyang mga
inilahad. Ituon lamang ang pagsususri sa
atensyong paksang tinatalakay at iwasan ang
Ang pagsulat ay isang paraang ng
pagpapahayag ng isip at damdamin
ng tao. Ang mga bagay na hindi
kayang sabihin nang pasalita ay
ipinapahayag sa pamamagitan ng
pagsulat. Sa pagsulat ng reaksyong
papel, hindi lamang inilalahad ang
nilalaman ng isang akda o palabas
na sinusuri, nalalaman din ito ng
kahalagahan ng nasasabing
pagsususri sa buhay ng mambabasa.
Nakikita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinuri
Halimbawa:
Nasusuri ang mga positibo at negatibong nilalaman ng isang akda
o likhang sinuri.
Nabibigyang katuwiran ang sarili reaksyon
Halimbawa:
Naipaliliwanang ang mga dahilan ng “bakit” at “paano” na inilahad
sa isinulay na reaksyong papel
Nakikilala ang sariling pagkatao at sariling kakayahan sa pagbuo
ng mga kaisipan
Halimbawa:
Nakikilala ang sariling estilo at ang lawak ng kaalaman sa
pagsusuri ng iba’t ibang genre
Namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa lipunan
Halimbawa:
Nabubuksan angh isipan sa mga panlipunan at naiuugnay ito sa
ginagawang pagsususri
• Sa pagsusulat ng reaksyong papel ay mahalagang
isaalang-alang ang sarili at ang mga maaaring
makabasa ng isinulat.
• Maaaring ang mismong pamilya, komunidad,
bansa, at maging ang daigdig ay maabot ng iyong
isinulat, lalo pa sa panahon ngayon na napakabilis
ng teknolohiya.
• Laging tandaan na ang bawat isa ay mayroong
responsibilidad sa sarili at sa kapwa, kung kaya sa
anumang pagsulat na maaaring Mabasa ng iba ay
mahalagang taglay nito ang nararapat na
katangian at kahalagahan para sa mga
mambabasa at maging sa sarili nang sa gayon ay
makapag-ambag ito ng kaalaman at kamulatan sa
karamihan.
MGA PAALALA
 Sa pagsulat ng reaksyong papel ay siguraduhing alam na alam
ang nilalaman ng materyales na sususriin.
 Bagaman naglalaman ng sariling opinyon ang reaksyong papel,
siguraduhing ang mga opinyon ay balanseng mailahad
sapagkat mayroon kang responsibilidad sa mga mambabasa.

MAHALAGANG KAALAMAN
 Kailangan maging maingat at mabusisi sa paggawa ng
reaksyong papel.
 Ang pagiging makatotohanan at matapat ay nakatutulong sa
paggawa ng reaksyong papel.
 Siguraduhing makabuluhan at malaman ang mga ideyang
inilalahad sa pagsulat ng reaksyong papel.

You might also like