You are on page 1of 20

AKADEMIKONG

PAGSULAT
■PAGSULAT
Ayon kay Mabilin (2012)

■ Isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman


ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa
at babasa sapagkat ito’y maaaring magpasalin
– salin sa bawat panahaon. Maaaring mawala
ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang
kanyang ibinahagi ay mananatili kailanman.
■ LAYUNIN AT
KAHALAGAHAN
NG PAGSULAT
Ayon kay Royo (2001), sa aklat ni Dr. Eriberto
Astorga na (Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik)

■ Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa


paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa
pamamagitan nito, naipahahayag niya ang
kanyang damdamin, mithiin, pangarap,
agam – agam, bungang – isip, at mga
pagdaramdam.
Ayon naman kay Mabilin (2012) – Transpormatibong
Komunikasyon sa Akademikong Filipino

■ Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang


bahagi.
■ Una: Maaaring Personal o Ekspresibo – layunin ng pagsulat ay nakabatay sa
pansariling pananaw, karanasan, iniisip o nararamddaman ng manunulat.
Maaaring magdulot sa mambabasa ng Kasiyahan, Kalungkutan, pagkatakot o
pagkainis depende sa layunin ng sumulat. (Sanaysay, Maikling Kuwento, Tula,
Dula, Awit at atbp akdang pampanitikan).
■ Ikalawa: Panlipunan o Sosyal – layunin ng pagsulat ay makipag – ugnayan sa
ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang iba ng tawag sa layuning ito ay
Transaksiyonal. (Pagsulat ng liham, balita, korespondensiya, pananaliksik,
sulating panteknikal, tesis, disertasyon atbp).
Kahalagahan ng Pagsulat
■ Masasanay ang kakayahang mag – organisa ng mga kaisipan at
maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan.
■ Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.
■ Mahuhubog ang isipan ng mga mag – aaral sa mapanuring
pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng
mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
■ Mahihikayat at mapaunlad ang kakayahan sa matalinong
paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at
mahalagang datos na kailanganin sa pagsulat.
Kahalagahan ng Pagsulat
■ Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong
kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag –
ambag ng kaalaman sa lipunan.
■ Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala
sa mga gawa at akda ng kanilang pag – aaral at
akademikong pagsisikap.
■ Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga
impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa
akademikong pagsusulat.
Mga Gamit o Pangangailangan sa
Pagsulat
■ Wika - behikulo upang ■ Paksa – mahalagang
maisatitik ang mga magkaroon ng isang
kaisipan, kaalaman at tiyak na paksa o tema
damdamin, karanasan, ng isusulat.
impormasyon at iba Pangkalahatang iikutan
pang nais ilahad ng isang ng mga ideyang dapat
taong nais sumulat. mapaloob sa akda.
Mga Gamit o Pangangailangan sa
Pagsulat
■ Layunin – layunin ■ Pamamaraan ng Pagsulat – may
limang pangunahing paraan sa
ang magsisilbing pagsulat

giya (guide) ng 1. Paraang impormatibo


2. Paraang ekspresibo
mga datos o 3. Paraang naratibo
nilalaman ng 4. Paraang deskriptibo
iyong isusulat. 5. Paraang argumentatibo
Mga Gamit o Pangangailangan sa
Pagsulat
■ Kasanayang Pampag – iisip ■ Kaalaman sa wastong
– dapat taglayin ng pamamaraan ng pagsulat –
manunulat ang kakayahang may sapat na kaalaman sa
mag – analisa o magsuri ng wika at retorika particular sa
mga datos na mahalaga o di wastong paggamit ng maliit at
– gaanong mahalaga, o malaking titik, wasatong
maging ng mga baybay, gamit ng bantas,
pagbuo ng makabuluhang
impormasyong dapat isama
pangungusap, pagbuo ng
sa akdang isusulat. talata, masining at obhetibong
ng kaisipan.
Mga Gamit o Pangangailangan sa
Pagsulat
■ Kasanayan sa paghabi ng Buong sulatin –
tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang
mga kaisipan at impormasyon sa isang
maayos, organisado, obhetibo, at masining
na pamamaraan mula sa panimula ng akda o
komposisyon hanggang sa wakas nito.
Mga Uri ng Pagsulat

Malikhaing Pagsulat
Teknikal na Pagsulat
■ Layunin nitong maghatid ng aliw, ■ Layuning pag – aralan ang
makapukaw ng damdamin at isang proyekto o kaya naman
makaantig ng imahinasyon at isipan
ng mambabasa. (e.g. maikling
ay bumuo ng isang pag – aaral
kuwento, malikhaing sanaysay, na kailangan para lutasin ang
dula, tula. Komiks, iskrip ng isang problema o suliranin.
teleserye, kalyeserye, musika, (e.g. Feasibility Study)
pelikula.
Mga Uri ng Pagsulat

Propesyonal na Pagsulat Dyornalistik na Pagsulat


■ Sulating may kinalaman sa ■ Sulating may
isang tiyak na larangang
natutuhan sa akademiya o kinalaman sa
paaralan. (e.g. Lesson Plan, pamamahayag. (e.g.
pagsusuri sa Kurikulum, balita, ediitoryal,
medical report, narrative report
tungkol sa physical lathalain, artikulo atbp)
examination)
Mga Uri ng Pagsulat
■ Reperensiyal na Pagsulat

■ Layunin ng sulating ito na biyang pagkilala ang mga


pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa
ng konseptong papel, tesis at disertasyon. (e.g. RRL at
RRS).
Mga Uri ng Pagsulat
■ Akademikong Pagsulat

■ Isang intelektuwal na pagsulat, gawaing nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng


isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.
■ Ayon kay Carmelita Alejo et. al, (2005), sa aklat na Pagbasa at Pagsulat tungo sa
Pananaliksik, ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na particular na
kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa ideyang pinangangatwiranan. Layunin
nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginawang pananaliksik.
■ Ayon naman kay Edwin Mabilin et.al (2012), ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o
bunga lamang ng akademikong pagsulat.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
■ Pormal – Hindi ginagamitan ng impormal na pananalita. Maliban na
lamang kung ang naturang pananalita ay bahagi ng isng pag – aaral.
■ Obhetibo – ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang
antas ng kaalaman ng mga mag – aaral sa pagbasa at pagsulat sa
iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang
impormasyong gusting ibigay at ang argumento sa mga ideya na
sumusuporta sa paksa (Alejo et.al, 2005).
■ May Paninindigan – ang akademikong pagsulat ay kailangang may
paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag – aaral o
mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinedepensahan,
ipinapaliwanag at binibigyang-katwiran ang mahalagang layunin, at
inilalahad ang kahalagahan ng pag – aaral.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
■ May pananagutan – mahalagang matutuhan ang pagkilala sa
mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang
plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa
ilalim ng ating batas.
■ Mat kalinawan – ang sulating akademiko ay may
paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat
na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang
pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.
Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong
Pagsulat
■ Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng
ulat.
■ Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto na
magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.
■ Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag – aaral ayon sa pananaw ng may – akda kasabay
rin ang pag – unawa ng mga mag – aaral bilang mambabasa.
■ Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga
naisagawang pag – aaral.
■ Malinang ang kasanayan ng mga mag – aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng
akademikong sulatin.
■ Matukoy na ang akademikong pagsulat ay isang kurso na lumilinanag sa pagiging inobatibo ng
mga mag – aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
■ Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng
portfolio.
Uri ng Akademikong Sulatin

■ Abstrak ■ Katitikan ng Pulong


■ Sintesis/Buod ■ Posisyong Papel
■ Bionote ■ Replektibong
■ Panukalang Proyekto Sanaysay
■ Talumpati ■ Pictorial – essay
■ Adyenda ■ Lakbay - sanaysay

You might also like