You are on page 1of 3

Ano ang kakayahang Lingguwistiko?

Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos
ng makabuluhang pangungusap. Sa pananaw ni Noam Chomsky, ang kakayahang lingguwistiko ay isang
ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kanya ng
kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika.
Kakayahang komunikatibo- abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng
isang interaksiyong sosyal.
Lingguwistikong Pagtatanghal (linguistic performance)- aplikasyon ng Sistema ng kaalaman sa
pagsusulat o pagsasalita.
Kakayahang Sosyolingguwistiko: Paglikha ng Angkop na Pahayag sa Tiyak na Sitwasyon
Tinutukoy ng kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na
panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.
Nilinaw ng sosyolingguwistang si Dell Hymes ang mahahalagang salik ng lingguwistikong interaksyon
gamit ang kanyang modelong SPEAKING:
S – Setting and Scene: Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan? Kailan ito nangyari?
P – Participants: Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap?
E – Ends: Ano ang pakay, layunin at inaasahang bunga ng pag-uusap?
A – Act Sequence: Paano ang takbo o daloy ng pag-uusap?
K – Key: Ano ang tono ng pag-uusap? Seryoso pa o pabiro?
I – Instrumentalities: Ano ang anyo at estilo ng pananalita? Kumbersasyonal ba o may mahigpit na
pagsunod sa pamantayang panggramatika?
N – Norms: Ano ang umiiral na panuntunan sa pag-uusap at ano ang reaksiyon ditto ng mga kalahok?
Malaya bang nakapagsasalita ang mga kalahok o nalilimitahan ba ang pagkakataon ayon sa uri, lahi,
kasarian, edad, at iba pang salik?
G – Genre: ano ang uri ng sitwasyon o material na ginagamit (halimbawa: interbyu, panitikan, liham)
Kakayahang Pragmatiko: Pahiwatig at Pag-unawa sa mga Salita at Kilos
Ayon kina Lightbown at Spada, ang Pragmatiko ay tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa
isang particular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o may paggalang. Ibig sabihin,
ang isang taong may kakayahang pragmatiko ay mabisang nagagamit ang yaman ng wika upang
makapagpahayag ng mga intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at gayundin,
natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di-sinasabi at kinikilos ng kausap.
Speech Act- para sa pilosopo sa wika na si J.L.Austin, ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng
mga salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi “paggawa ng mga bagay gamit ang mga
salita”. Halimbawa nito ay pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako at iba pa.
May tatlong sangkap ang Speech Act

SANGKAP KAHULUGAN HALIMBAWA


Illocutionary force Sadya o intensiyonal na papel Pakiusap, utos, pangako
Locution Anyong lingguwistiko Patanong, pasalaysay
Perlocution Epekto sa tagapakinig Pagtugon sa hiling, pagbibigay
-atensyon
Interlanguage pragmatics- ang pag-aaral sa kung paano ang mga hindi taal na tagapagsalita ng
particular na wika at nagsisimulang matuto nito ay umuunlad ang kakayahan sa pagpapahayag ng
kaniolang intensiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang speech act.
Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon
Sa paglilinang ng kakayahang pragmatiko, mahalagang isaisip ang pag-iral ng dalawang uri ng
komunikasyon – ang berbal at di-berbal na komunikasyon.
Berbal- ay uri ng komunikasyong gumagamit ng salita sa anyong pasalita at pasulat man. Nagagawa ang
paraang oral sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaanak, kaibigan at kakilala, pakikipagtalakayan sa
klase at paglahok sa mga usapan kumprensya at seminar. Pasulat nman itong napadadaloy sa mga sulatin
sa klase, paglikha ng blogpost, pagbuo ng manifesto at bukas na liham.
Di – berbal- uri ng komunikasyon na ayon sa pag-aaral ay lubhang napakalaking element sa pakikipag-
usap sa mga taong napapaloob sa sariling kultura. Tinatayang 70 porsiyento ng isang karaniwang
kumbersasyon ang binubuo ng di-berbal na element.
Ang iba’t ibang anyo ng Di-berbal na komunikasyon ay ang sumusunod:
1. Kinesika (Kinesics) – tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan. Bahagi nito ang ekspresyon ng mukha,
galaw ng mata, kumpas ng mga kamay at tindig ng katawan.
2. Proksemika (Proxemics) – tumutukoy sa oras at distansya sa pakikipag-usap. Ang oras ay maaaring
pormal gaya ng isinasaad ng relo at impormal na karaniwang nakadikit sa kultura ng mga terminong
“ngayon na,” “sa lalong madaling panahon,” at “mamaya na.” ang distansya naman ay nagbabago rin
depende sa natamong ugnayan sa kausap. Kapansin-pansing ang mga bagong magkakilala ay may mas
malaking distansya kumpara sa mga taong matalik na magkakaibigan.
3. Pandama o Paghawak (Haptics) – itinuturing na pinakaunang anyo ng komunikasyon. Kadalasang
nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang karanasan. Halimbawa nito
ay pagtapik sa balikat o pagyakap sa kausap.
4. Paralanguage – tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita.
5. Katahimikan o Kawalang-Kibo – lubhang makahulugan na karaniwang ginagawa upang mag-isip at
paghandaan ang sasabihin o dili kaya ay magparating ng tampo o sama ng loob.
6. Kapaligiran – tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng kaayusan nito. Mahihinuha ang
intensiyon ng kausap batay sa kung saang lugar niya nais makipag-usap.
Ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino
Nakapaloob sa kakayahang pragmatiko ang pagkilala sa kagawiang pangkomunikasyon ng mga
tagapagsalita ng wikang pinag-aralan. Sa pamamagitan nito, natatantiya ng isang mag-aaral ng wika kung
ang kaniyang sasabihin ay maaaring maging lubhang tuwiran o napapalooban ng tamang pagkilala at
paggalang sa kausap.
Sa pag-aaral sa kultura at komunikasyon na isinagawa ni Maggay (2002), kanyang binigyang-diin
ang pagiging high context ng kulturang Pilipino. Ibig sabihin, mataas ang ating pagbabahaginan ng mga
kahulugan kahit sa pamamagitan ng pahiwatig. Mapapansin ito kung paano nating itinuturing ang
katahimikan o kawalang-kibo bilang malalim na pag-iisip at kung gayon ay lubhang makahulugan.
Kakayahang Diskorsal
Diskurso- ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino ito ay nangangahulugang pag-uusap at palitan ng kuro.
Kakayahang Diskorsal – kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.
Dalawa sa karaniwang uri ng kakayahang Diskorsal:
1. Kakayahang Tekstuwal – kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang
teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal, transkripsiyon at iba pang pasulat na
komunikasyon.
2. Kakayahang Retorikal – tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa
kumbersasyon. Kasama rito ang kakayahang unawain ang iba’t ibang tagapagsalita at makapagbigay ng
mga pananaw o opinion.
Ayon kay Grice may dalawang batayang panuntunan sa pakikipagtalastasan:
1. pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag
2. Pakikiisa, na kinapapalooban ng mga panuntunan hinggil sa kantidad, kalidad, relasyon at paraan
ng kumbersasyon:

Panuntunan sa Kumbersasyon (ni Grice)


Kantidad Gawing impormatibo ang ibinibigay na impormasyon ayon sa hinihingi ng
pag-uusap – hindi lubhang kaunti o lubhang daming impormasyon.
Kalidad Sikaping maging tapat sa mga pahayag; iwasang magsabi ng
kasinungalingan o ng anomang walang sapat na batayan.
Relasyon Tiyaking angkop at mahalaga ang sasabihin.
Paraan Tiyaking maayos, malinaw at hindi lubhang mahaba ang sasabihin.

You might also like