You are on page 1of 21

MAGANDANG

UMAGA :)
Ang
Tekstong
Naratibo
Tekstong Naratibo
• Pagsasalaysay o pagkukwento ng
mga pangyayari sa isang tao o mga
tauhan,pangyayari sa isang lugar
at panahon o isang tagpuan nang
may maayos na pagkasunod-
sunod mula simula hanggang
katapusan.
Pangunahing Layunin ng
Tekstong Naratibo
• Makapagsalaysay ng mga
pangyayaring nakapanlilibang
o nakapagbibigay-aliw o saya.
• Makapagturo ng kabutihang-
asal at mahahalagang aral.
Uri ng Tekstong Naratibo
maikling Kwento dula
nobela anekdota
kwentong-bayan
mitolohiya pabula
alamat parabula
epiko science fiction
Mga Katangian ng
Tekstong Naratibo
• May Iba't ibang Pananaw o Punta de Vista
sa Tekstong Naratibo
• May Mga Paraan ng Pagpapahayag ng
Diyalogo,Saloobin,o Damdamin sa Tekstong
Naratibo
• May mga Elemento ang mga Tekstong
Naratibo
Mga Pananaw o
Punto de Vista
Unang Panauhan
Sa pananaw na ito,isa sa mga tauhan
ang nagsasalaysay ng mga bagay na
kanyang nararanasan,naalala,o naririnig
kaya gumagamit ng panghalip na ako.
Ikalawang Panauhan
Dito mistulang kinakausap ng
manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya't
gumagamit siya ng mga panghalip
na ka o ikaw subalit hindi ito
gaanong ginagamit ng mga
manunulat sa kanilang
pagsasalaysay.
Ikatlong Panauhan
Ang mga pangyayari sa pananaw na
ito ay isinasalaysay ng isang taong
walang relasyon sa tauhan kaya ang
panghalip na ginagamit niya
pagsasalaysay ay siya. Ang
tagapagsalaysay ay tagapag-obserba
lang at nasa siya ng mga pangyayari.
Kombinasyong
Pananaw o Paningin

Dito ay hindi lang iisa ang


tagapagsalaysay kaya't iba't
ibang pananaw o paningin
ang nagagamit sa
pagsasalaysay.
Mga Paraan ng
Pagpapahayag ng
Diyalogo,Saloobin,o
Damdamin sa
Tekstong Naratibo
Direkta o Tuwirang
Pagpapahayag
• Ang tauhan ang direktang nagsasaad o
nagsasabi ng kanyang
diyalogo,saloobin,o damdamin. Ito ay
ginagamitan ng panipi.
Halimbawa:
“Donny,kakain na,Anak,” tawag ni Aling
Guada sa anak.
Di direkta o Di
Tuwirang Pagpapahayag
• Ang tagapagsalaysay ang
naglalahad sa sinasabi,iniisip, o
nararamdaman ng tauhan sa
ganitong uri ng
pagpapahayag. Hindi na rin ito
ginagamitan ng panipi.
Mga Elemento ng
Tekstong Naratibo
1.Tauhan
• Ang tauhan ang nagbibigay buhay at
aksiyon sa kwento.
Mga Karaniwang Tauhan
• Pangunahing Tauhan
• Katunggaling Tauhan
• Kasamang Tauhan
• Ang May-Akda
Dalawang Uri ng Tauhan
ayon kay E.M Forsters
Tauhang Bilog

Isang tauhang may multidimensiyonal


na personalidad. Tulad ng isang tunay
na katauhan,nagbabago ang kanyang
pananaw,katangian,at damdamin ayon
sa pangangailangan.
Tauhang Lapad

Ito ang tauhang nagtataglay ng


iisa o dadalawang katangiang
madaling matukoy o predictable.
Karaniwang hindi nagbabago o
nag-iiba ang katangian ng
tauhang lapad sa kabuuan ng
kuwento.
2.Tagpuan at Panahon

• Ito ay tumutukoy sa lugar


kung saan naganap ang
mga pangyayari sa akda
gayundin sa panahon
(oras,petsa,taon)
3.Banghay
• Ito ang tawag sa maayos na
daloy o pagkakasunod-sunod
ng mga pangayayari sa mga
tekstong naratibo upang
mabigyang-linaw ang temang
taglay ng akda.
Banghay ng Tekstong
Naratibo
• Panimula
• Saglit na Kasiglahan
• Suliranin
• Kasukdulan
• Kakalasan
• Wakas
3 uri ng Anachrony o Pagsasalaysay
na hindi nakaayos sa tamang
pagkakasunod-sunod
a. Analepsis
Mga pangyayaring naganap sa nakalipas
b. Prolepsis
Mga pangyayaring magaganap pa lang sa
hinaharap
c. Ellipsis
May mga puwang o patlang sa pagkasunod-sunod
ng mga pangyayari na nagpapakitang mag bahagi
ng pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama
4.Paksa o Tema
• Ito ang Sentral na ideya kung saan
umiikot ang mga pangyayari sa
tekstong naratibo

• Dito rin mahuhugot ang


pagpapahalaga at mahahalagang aral

You might also like