You are on page 1of 14

GABAY SA PAGBASA NG

TEKSTONG DESKRIPTIBO

Group 3
Layunin Ng May Akda
 Ano ang hangarin ng may akda sa pagsulat?
 Malinaw bang naipakita ang layunin ng may akda
na makapagpaliwanag o magbigay ng
impormasyon?
Mga Pangunahin At Suportang Ideya

 Tungkol saan ang teksto?


 Ano ang pangunahing ideya sa paksa?
 Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa ideya?
 Paano inilahad ang suportang ideya?
 Nagsimula ba ang talakay sa maliliit na detalye
tungo sa malawak o pangkalahatang ideya?
Paraan Ng Paglalarawan
 Ano ang paksang inilalarawan sa teksto?
 Paano ito inilalarawan?
 Ano ang uri ng paglalarawan ang ginamit? Payak o
masining na paglalarawan?
 Ano ang katangian ng paksa na binigyang diin sa
paglalarawan?
 Kung payak ang paglalarawan, ano-ano ang salitang
ginamit sa paglalarawan nito?
 Kung masining ang paglalarawan, ano-anong tayutay ang
ginamit sa paglalarawan?
Impresyong Nabuo Sa Isip
 Ano ang impresyon ang nabuo sa iyong isip batay sa
paglalarawan?
 Malinaw o konkreto ba ang imahing nilikha sa
paglalarawan?
 Paano nabuo ang imaheng ito gamit ang payak at masining
na paglalarawan?
 Anong damdamin ang pinupukaw ng paglalarawan?
 Ano ang nais ipaabot ng may akda sa pagbuo ng gayong
impresyon sa iyong isip?
 Ano ang halaga ng paglalarawang ito sa kabuuan ng teksto?
PAALALA SA PAGSULAT NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO

 Mas madalas na sumusulat ng tekstong deskriptibo


kay sa sa deskriptibong sanaysay bilang supotang
ideya. Mahalagang malaman muna ang layunin ng
isinusul at pagisipan kung paano makatutulong ang
paglalarawan.
 Mahalagang matukoy kung aling bahagi ang
maaaring gamitan ng payak na paglalarawan at alin
ang dapat gamitan ng masining na paglalarawan
 Kung kailangan na bigyang diin ang detalyeng iyon
ay dapat lamang na masining na paglalarawan ang
gamitin dito.
 Kung payak na paglalarawa lamang ang kailangan,
nararapat na eksaktong pang-uri o pang-abay ang
gamitin.
Mga Uri ng Tayutay
Simili o pagtutulad- Paghahambing ng dalawang
bagay na di tiyak. Ginagamitan ito ng mga salitang:
Paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-,
magkasing-, tulad ng, at iba pa.
Halimbawa:
Ang bandilang sa hangin ay kawangis ng malaking
ibon na nakaladlad ang pakpak.
Ang puso mo ay gaya ng bato.
Mga Uri ng Tayutay
 Metapora o pagwawangis- Isang tuwirang
paghahambing ng dalawang bagay na pinagtutulad
ay ipinapalagay na nagkakaisa at ipinahahayag ito
sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag
at katangian.
Halimbawa:
Si Elena ay isang magandang bulaklak.
Si Miguel ay hulog ng langit.
Mga Uri ng Tayutay
 Personipikasyon o pagtatao- Ginagamit ito upang
bigyang-buhay, pagtaglayin ang mga katangiang
pantao- talino, gawi, kilos ng mga bagay na walang
buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang
nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwari at
pangngalang-diwa.
Halimbawa:
Hinalikan ako ng malamig na hangin.
Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
Mga Uri ng Tayutay
 Apostrope o pagtawag- Isang panawagan o
pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
O tukso! Layuan mo ako!
Kamatayan nasaan kana? Wakasan mo na ang aking
kapighatian.
Mga Uri ng Tayutay
 Pag-uyam o Ironiya – Isang uri ng ironya na
ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas
itong nakakasakit ng damdamin.
 Halimbawa:

Napakalinis sa ilog na yon walang isdang


nabubuhay.
Napakataas monaman kaya hindi mo naabot ang
nakalagay sa misa.
Mga Uri ng Tayutay
 Hayperbole o pagmamalabis- Ito ay lagpa-
lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan
ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin
at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
Luluha ng dugo, maglabas ng pako, hihiga sa pera.
Masunugan ng palayan, bumaha ng pera, paabog ang
araw.
Mga Uri ng Tayutay
Onomatopeya o panghihimig- Paggamit ng mga
salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
Halimbawa:
Ang mabungad ng pagsalamuha, galang na pagbati ay
nakagagaan ng loob.
Ang halimuyak na bulaklak, mayamang halaman ay
nakapagdulot ng katiwasayan.

You might also like