You are on page 1of 30

Ano Tekstong Prosidyural?

ang
Ang tekstong prosidyural ay tumutukoy sa
isang uri ng teksto na kung saan dito
nakalagay ang mga detalye o
impormasyon. Kung paano gawin ang
isang bagay sa magkakasunod-sunod na
paraan.
Ang mga tekstong prosidyural ay katulad
ng isang manwal. Naglalaman ito ng mga
gabay at hakbang na kailangang sundin na
makakatulong sa pagkamit ng ninanais na
resulta.
Layunin ng tekstong prosidyural na
makapagbigay ng direksyon at impormasyon
sa mga tao upang matagumpay na
maisagawa ang kanilang mga gawain ng
maayos, ligtas, episyente, mabilis, at angkop
sa paraan.
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
Narito ang mga halimbawa ng tekstong
prosidyural:

Manwal
Pamamaraan sa pagluluto
Pagsasagawa ng
eksperimento Pagbibigay ng
panuto
Pagbibigay ng mga panuntunan sa
laro at ang pagbibigay ng direksyon.
Hal. Ng
Manwal
PAMAMARAAN SA
PAGLULUTO
Pagsasagawa ng
eksperimento
Pagbibigay ng
panuto
Mga alituntunin at
pamamaraan ng
paglalaro ng
badminton
Halimbawa: Pagluluto ng spaghetti
Narito ang mga hakbang sa pagluluto ng spaghetti at ang pagkakasunod-
sunod nito:

Magpakulo ng tubig sa kaserola, lagyan ito ng asin at kaunting


mantika. Kapag kumulo na ang tubig sa kaserola, ilagay na ang pasta.
Hayaang maluto at lumambot ang pasta.
Kapag malambot na ang pasta, hanguin ito at ilagay sa salaan at banlawan
ang pasta.
Pagkatapos mabanlawan ang pasta, hayaan muna ito sa tabi.
Ang susunod mong gagawin ay magluluto ng sauce ng iyong spaghetti.
Kailangan mo namang ihanda ang mga sangkap para sa iyong spaghetti sauce.

Mga sangkap na kailangan:


1lb. ground pork
3
tablespoons cooking oil
2 lbs. Spaghetti noodles
6 ounces luncheon meat
minced Salt and pepper to taste
4 pieces hotdogs or beef franks
35 ounces Filipino Style
Spaghetti Sauce
1/2 cup shredded cheddar
cheese
1 1/2 cups beef broth
1 medium onion minced
1 teaspoon minced
garlic
Narito ang mga hakbang sa pagluluto ng spaghetti sauce:

1.Igisa ang sibuyas at bawang at ipagpatuloy ang pagluluto hanggang sa lumambot ang sibuyas.
2. Pagkatapos na maluto ng bawang at sibuyas ilagay, ang giniling na baboy. Lutuin hanggang sa
maging magkulay brown ang giniling.
3. Kasunod, ilagay ang hotdog. Lutuin ito hangang sa (2) dalawang minuto.
4. Ibuhos ang tomato sauce at tubig. Haluin at pakuluan ito.
5. Magdagdag ng Knorr beef cube. Takpan at lutuin sa mahina hanggang katamtamang apoy sa
loob ng 30 minuto.
6. Haluin ang sauce at ilagay ang asukal. Lutuin sa 5 hanggang 8 minuto.
7. Timplahan ng asin at ground black pepper. Tikman at kapag may kulang dagdagan lamang at
kapag okay na ang lasa ay hanguin na ito.
8. Ayusin ang serving ng spaghetti o kumuha ng pasta na iyong itinaba. Lagyan ng
katamtamang spaghetti sauce. Budburan ng cheese sa ibabaw upang mas lalong maging
malasa.
Uri ng Tekstong Prosidyural
Ang mga sumusunod ay ang (3) tatlong uri ng
tekstong prosidyural.

❶ Paraan ng pagluluto o Recipes – ito ang


uri ng prosidyural na pinakakaraniwan
sapagkat nagbibigay ito ng mga gabay at
panuto kung magluto.
❷ Panuto o Instructions – ito naman ang

uri ng prosidyural na nagbibigay gabay sa


mga mambabasa o tagapakinig kung paano
gawin o maisagawa ang isang bagay.
❸ Panuntunan sa mga laro o Rules for
games – ito naman ang uri ng
prosidyural na nagbibigay gabay sa mga
manlalaro kung ano ang dapat nilang
sundin at gawin.
Katangian ng Tekstong Prosidyural
Heto ang mga katangian na tinataglay ng isang tekstong
prodyural:

1. Ito ay nakasulat sa kasalukuyang panahon


sa paraang masining at mapanghikayat.
2. Nakasulat ito ng maayos at organisado.
3. Nakapokus at nakatugon sa
pangkalahatan pamamaraan.
4. Detalyado at gumagamit ng tiyak na
deskripsyon at ng ilang presentasyon tulad ng
laki, hugis, kulay, dami at iba pa. Upang ang
intruksiyon ay madaling maunawaan.

5. Ito ay gumagamit ng wastong pandiwa


upang maging mas malinaw na maipahayag
ang instruksiyon.
6. Ginagamitan ito ng mga heading, sub-
heading, numero, at dayagram upang madaling
maunawaan at maintindihan ng mga
mambabasa kung ano ang dapat gawin.

7. Ito rin ay ginagamitan ng malinaw na


panuto upang maipakita ang mga hakbang
at pagkakasunod sunod ng bawat bahagi sa
paggawa ng isang bagay.
Kahalagahan ng Tekstong Prosidyural sa
sarili
Ang tekstong prosidyural ay mahalaga sa ating

mga buhay kaya tunghayan ang mga


sumusunod na kahalagahan nito:

1. Tumutulong ito sa mga gawain na


nahihirapang tayong ayusin at gawin.
2. Nakakatuklas tayo ng mga bagay na hindi
natin alam kung paano gawin.

3. Nabibibigay ito ng direksyon kung ano ang


mga dapat gawin at uunahin.
4. Napapadali ang ating gawain na walang
nasasayang na oras dahil sa wasto at maayos
na gabay.

5. Sa pamamagitan ng tekstong prosidyural ay


mas nagiging madali ang paggawa ng isang
bagay.

6. Nagbibigay ito ng mga proseso at tamang


pagkakasunod na tumutulong sa pagpapabilis ng
trabaho.
7. Ito ang nagsisilbing gabay sa pagresolba
ng problema habang ginagawa ang isang
gawain.
8. Nagiging gabay o basehan ng mga
susunod pang panuntunan sa paggawa.

9. Tumutulong upang maging maayos at


madali ang trabaho.
10. Ito ang pinagkukuhanan ng impormasyon
upang makumpleto ang anumang
kinakailangan para maisakatuparan ang
isang gawain.

11. Nagbibigay ng impormasyon at


instruksyon kung paanong isasagawa ang
tiyak na bagay.

You might also like