You are on page 1of 2

STO.

DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


Baloc Sto. Domingo Nueva Ecija
Pangalan: Mark Allen C. Labasan Petsa: 02/24/2021
Baitang at Pangkat: 11-STEM-1 Iskor:______________________

SHEET NG PAMPAGKATUTONG GAWAIN SA FILIPINO BAITANG-11


Unang Semestre - Ikalawang Markahan
Linggo 6
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Mga Kasanayang Pampagkatuto
1. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita.
(F11 WG-IIf-88)
2. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t
ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas. (F11EP-IIf-34)

Pangkalahatang Panuto: Gumamit ng bond paper (long) para sa inyong mga kasagutan. Lagyan ng
pamagat, panuto at mga sagot lamang sa bawat Gawain. Maari lagyan ng mga disenyo ayon sa iyong
kagustuhan (optional).
Gawain 1 (11 pts.)
Panuto: Basahin at ayusin ang mga pahayag sa ibaba batay sa wastong pagkakasunod-sunod nito upang
makabuo ng isang kuwento. Lagyan ng titik A hanggang K. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
____C___1. Simula’t sapul, ang ama na ang nagbibigay ng tulong sa kanyang mga anak.
____E___2. Pero, isang araw, nagpasiya ang bunsong anak na kunin na lamang raw niya ang mana ay napag-
isipang mag-isa lamang.
____G___3. Ngunit pagkalipas ng panahon, ginastos lamang ng bunsong anak ang kanyang manang pera.
____B___4. Ang mag-asawa sa pamilyang ito ay nagkaroon ng dalawang lalaking anak.
____A___5. May isang pamilyang maykaya sa buhay.
___D___6. Sila rin ay magkasama sa matagal na panahon.
___K___7. Pagkatapos nito, nagbago ang kanyang saloobin sa nakakabatang kapatid at pinatawad niya ito.
___H____8. Bukod nito, nabaon pa siya sa utang,
____F___9. Binigay ito ng kanyang ama at nagsimula nang umalis ang kanyang bunsong anak.
____J___10. Matapos ito, bumalik naman ang bunsong anak sa kanyang ama at siya rin ay tinanggap.
____I___ 11. Dahil rito, naghirap ang bunsong anak.

Gawain 2 (9 pts.)
Panuto: Isulat ang salita o mga salita na tumutukoy sa mga sumusunod na pahayag.
Paglalahad 1. Tekstong nagpapahayag na may tunguhin – ang ipaliwanag ang pangyayari opinion, kabatiran
at mga opinion, kabatiran at mga kaisipan
Pasalaysay 2. Ito ay pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod na isang pangyayari, mga
tauhan at may tagpuan. Nagpapakita ng mga pangyayari habang nagpapakita ng mga impormasyon tungkol
sa mga tiyak na sitwasyon, tagpo, panahon, at mga tauhan.
Pangangatuwiran 3. Pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala o kuro-kuro na naglalayong mapaniwala
ang kausap o bumabasa sa opinion, palagay at paniniwala ng nagsasalita o ng sumusulat
Paglalarawan 4. Ito ay teksto kung saan inilalarawan ang isang biswal na konsepto tungkol sa isang tao,
bagay, pook, o pangyayari. Maaaring nagbibigay rin ito ng mas malalim na paglalarawan sa kabuuan ng
bagay o ng isang pangyayari.
upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe dahil
maaaring maging iba ang pagka-unawa ng tatanggap nito 5. Sa pasulat na uri ng diskurso bakit mas
nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika?
Diskurso 6. Ito ay tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpapahatid ng mensahe, ito rin ay berbal
na komunikasyon tulad ng kumbersasyon.
imahe 7. Sa paraang ito, kadalasang nagbibigay ng malinaw na larawan upang makalikha ng isang impresyon
o kakintalan.
pasalaysay 8. Ano ang tawag sa impormasyon na madalas ang mga mag-aaral ang siyang makikinabang?
Pasalaysay 9. alamat, pabula, mito, epiko, parabula, kuwentong bayan, maikling kuwento, dula , anekdota at
nobela. Anong uri ng diskurso ang mga ito nabibilang?
PERFORMANCE TASK ( Maaaring magbigay ng ibang Gawain ang guro batay sa kakayanan ng mga
mag-aaral.)

Panuto sa paggawa ng awtput.

1. Bumuo ng isang pangkat na binubuo ng limang miyembro.


2. Batay sa inyong karanasan at kakayahan, pumili lamang ng isa sa mga sumusunod na pangkatang
gawain.
3. I-upload sa Facebook page o isend sa guro ang video ng inyong output. Maari ding ipasa ang awtput
sa pamamagitan ng pagbibigay ng koya ng video sa inyong guro gamit ang Bluetooth, share it, usb at
iba pa.
4. Maaring gumamit ng video call messenger o iba pang online platform upang maiwasan ang paglabas
at pagpunta ng bawat miyembro sa bahay ng kaklase.

Pangkat 1 – Bumuo ng isang talata tungkol sa tagumpay ng pamilya at isagawa sa paraang


pagsasalaysay ( Pagbabalita ) maaring gamitin ang video call messenger sa pagbabalita.
Pangkat 2 – Paglalahad ng mga mag-aaral ng sampung katangian ng isang buo at matatag na
pamilya. (character profile). Irecord ang mga sarili at pagsama-samahin sa isang video presentation.
Pangkat 3 – Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng pagmamahal ng masayang pamilya sa
pamamagitan ng paglalarawan at ipaliwanag. (Still life drawing) Mag-iisip ng konsepto ang bawat
miyembro at ito ay iguguhit ng isang miyembro, irere-cord ang paliwanag ng bawat isa sa larawan at
pagsama-samahin ang sa isang video presentation.
Pangkat 4 – Dapat ba o hindi dapat mangibang bansa ang isang ama sa pamilya. Ipakita ito sa
pamamagitan ng pangangatwiran (Debate). Mag debate gamit ang fb/messenger video conferencing o
iba pang online platform at irecord ang debate na may haba na 4-5 minuto.

Ang bawat isa ay mamrkahan patay sa sumusunod na pamantayan.

Repleksyon

Dugtungan ang pahayag mula sa iyong natutuhan sa aralin.

Mula sa modyul 6, natutuhan ko na ang Kakayahang Diskorsal ay isang komunikatibong kakayahan ng


isang indibidwal. Pumapaloob sa kakayahang ito ang abilidad na maunawaan at makalikha ng mga
anyo ng wika ma mas malawig kaysa sa mga pangungusap.
Mula sa modyul 6, nais ko pang matutuhan ang pagbuo ng mas maraming kritikal na sanaysay ukol sa
iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.

You might also like