You are on page 1of 13

Alcadesma National High School

Alcadesma, Bansud, Oriental Mindoro

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Inihanda ni:

ibang Teksto Tungo sa G. Arnold A. Antonio


Teacher 1
Pananaliksik 09454866948

IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO

ARALIN 6- PANGANGALAP NG DATOS

Bilang isang manlalakbay, ikaw ay may mga pagdaraanang pagsubok na huhubog sa iyong
kakayahan upang iyong matamo ang sumusunod na kasanayan pagkatapos ng aralin.
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat. F11 EP
IIId-36
Layunin:
A. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pangangalap ng datos;
B. Nasusuri ang iba’t ibang paraan ng panangalap ng datos;
C. Naiisa-isa ang pinaghanguan ng datos at;
D. Nakakukuha ng angkop na datos para sa pagsulat.

SUBUKIN 1

PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay uri ng datos na tuwiran o di tuwiran na nagmula sa isipan ng isang indibidwal.
A. panayam B. paper trail C. people trail D. sarbey
2. Ito ay isang panayam kung saan malaya ang estilo ng pagtatanong nang walang kopya o
listahan nang mga itatanong.
A. binalangkas B. di binalangkas C. di-malaya D. malaya
3. Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na mahalaga kaysa sa
nakahandang katanungan.
A. follow-up B.observation C. open-ended D. stuructured
4. Tumutukoy sa impormasyong nakukuha mula sa digital storage, media at mobile
platforms.
A. e-trail B.paper trail C.people trail D.text-trail
5. Ito ay isang uri ng pagtatanong na maaaring sagutin ng oo at hindi o isang ispesipikong
sagot.
A. follow-up B.open-ended C.structured D.unstructured
1
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO
6. Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at nilalaman ng
buong saliksik.
A. datos B. interbyu C.sanggunian D. sarbey
7. Ang nag-iinterbyu ay nagtatanong ng walang labis at walang kulang ayon sa
pagkakasunod-sunod nito sa kanyang listahan.
A. di-tuwiran B. tuwiran C.structured D. unstructured
8. Ito ang tawag kung ang impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na dokumentong
pampubliko man o pampribado.
A. e-trail B. paper trail C. people trail D.text trail
9. Ito ay inilalagay sa baba ng teksto sa pahinang kinasusulatan ng lagom o sipi.
A. awtor B. bibliograpi C. paksa D. talaan ng nilalaman
10. Ang mga sumusunod ay makikita sa sanggunian maliban sa?
A. larawan ng may-akda B. pamagat ng aklat C.pangalan ng may-akda D.taon ng paglathala
11. Ito ay isa sa kinakailangan sa pananaliksik sa aklatan.
A. kard ng awtor B.kard katalog C.kard ng paksa D.kard ng pamagat
12. Ano ang kagamitang kailangang ihanda ng tagapanayam?
A. cellphone B.papel at ballpen C.recorder D.lahat ng nabanggit
13. Ito ang pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos.
A.pag-iinterbyu B.pagsasarbey C. pagtatanong D. pananaliksik
14. Ito ay pakikipanayam sa sikat na tao na may malaking karanasan tungkol sa paksa ng
iyong pananaliksik.
A. feature interview B.non-feature interview C.formal interview D.structured interview
15.Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng panayam maliban
sa;
A. ipakilala ang sarili nang may paggalang
B. ihanda na ang mga katanungan sa papel
C.magtakda lamang ng oras ng panayam
D.hayaang maunang dumating ang kakapanayamin

TUKLASIN

Basahin ang bahagi ng panayam sa ibaba:

(Bahagi ng isang panayam)

2
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO
Si Thea ay nakatakdang magsagawa ng isang panayam sa kanilang Barangay Chairman
tungkol sa kanilang pagkapanalo bilang “Pinakamahusay na Gulayan sa buong Distrito ng
Masipag.

(Isang umaga, humahangos na dumating sa barangay hall si Thea dahil siya ay huli sa oras
na pinag-usapan para sa isang panayam) Gusot ang kaniyang damit, hindi man lang
nakuhang magsuklay ng buhok at tila doon pa lamang magbabalangkas ng kaniyang mga
itatanong. Hindi nakahanda subalit pinilit niyang humarap upang makakuha ng datos na
kaniyang kinakailangan.

Thea: Magandang umaga po Brgy.Chairman!

Brgy.Chairman: Magandang umaga rin naman sa iyo Bb. Thea Alonzo.Kanina pa po kami
nag-aantay sa inyo. Ang akala po namin ay hindi na kayo makararating sa sinabing oras.
Kung maaari po sana ay bukas na tayo magsagawa nitong panayam.

Thea: Paumanhin po Kapitan!

Brgy. Chairman: Ikinalulungkot ko po ngunit nahuli po kasi kayo sa oras na ating napag-
usapan.

Nakaalis si Thea sa lugar nang malungkot at naghihinayang sa nasayang na oras at


pagkakataon.
Sagutin ang mga tanong:
1.Ano ang nangyari sa isinagawang panayam?
2.Bakit hindi nagawang makakuha ng tagapanayam ng kinakailangang datos?

KAHULUGAN NG REAKSYONG PAPEL


Alam mo ba na ang reaksyong papel ay maituturing na isang uri ng sulatin kung saan ang
may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinion patungkol sa binasang teksto.
https://www.bestessays.com/glossary/reaction_paper.php

3
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO
Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang isang
reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng isang manunulat
patungo sa isang teksto o pangyayari. https://kingessays.com/reaction- paper.php

At mula rin sa coursehero.com sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring isaalang-alang


ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang mismong pamilya,
komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong isinulat, lalo pa sa panahon
ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan na ang bawat isa ay mayroong
responsibilidad sa sarili at sa kapwa.

APAT NA BAHAGI NG REAKSYONG PAPEL

1. Introduksiyon- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa parteng ito, kailangang
ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan. Kailangang maglagay ng mga tatlo
hanggang apat na mga pangungusap mula sa orihinal na papel na iyong pinag-aaralan.
Kailangan ding maglagay ng iyong maikling thesis statement ukol sa papel.
2. Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa
mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan. Dito sinusuri ang orihinal na papel.
3. Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng impormasyon
ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa reaksyong papel.
4. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung saan nakalagay
ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon na iyong
nailahad. https://kingessays.com/reaction-paper.php

TAYAHIN 1

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay isa sa kinakailangan sa pananaliksik sa aklatan.
4
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO
A. kard ng awtor B.kard katalog C.kard ng paksa D.kard ng pamagat
2. Ano ang kagamitang kailangang ihanda ng tagapanayam?
A. cellphone B.papel at ballpen C.recorder D.lahat ng
nabanggit
3.Ito ang pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos.
A.pag-iinterbyu B.pagsasarbey C. pagtatanong D. pananaliksik
4 Ito ay pakikipanayam sa sikat na tao na may malaking karanasan tungkol sa paksa ng
iyong pananaliksik.
A. feature interview B.non-feature interview C.formal interview D.structured
interview
5.Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng panayam maliban sa;
A. ipakilala ang sarili nang may paggalang B. ihanda na ang mga katanungan sa papel
C.magtakda lamang ng oras ng panayam D.hayaang maunang dumating ang kakapanayamin
6. Ito ay uri ng datos na tuwiran o di tuwiran na nagmula sa isipan ng isang indibidwal
A. panayam B. paper trail C. people trail D.sarbey
7. Ito ay isang panayam kung saan malaya ang estilo ng pagtatanong nang walang kopya o
listahan ng mga itatanong
A. binalangkas B. di binalangkas C. di-malaya D.malaya
8. Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na mahalaga kaysa sa
inihandang katanungan
A. follow-up B.observation C. open-ended D.stuructured
9. Tumutukoy sa impormasyong nakukuha mula sa digital storage, media at mobile
platforms.
A. e-trail B.paper trail C.people trail D.text-trail
10.Ito ay isang uri ng pagtatanong na maaaring sagutin ng oo at hindi o isang espisikpikong
sagot.
A. follow-up B.open-ended C.structured D.unstructured

ARALIN 7 – PAG-UUGNAY NG
KAISIPANG NAKAPALOOB SA
BINASANG
Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakayTEKSTO
sa mga kaisipang nakapaloob sa binasang
teksto na nag-uugnay sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig. Ito rin ay magdadala

5
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO
sa iyo upang maiugnay ang iyong napag-aralan sa mga naunang modyul, na makakatulong
upang lumawak at mapalalim ang iyong kaalaman sa kaisipang nakapaloob sa isang teksto.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig F11PB – IIId – 99

LAYUNIN:
 Natatalakay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig at
 Naibabahagi ang sariling ideya batay sa kaisipang nakapaloob sa binasang teksto.

SUBUKIN 2

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik ng wastong sagot at isulat
sa sagutang papel.
1. Ang sumusunod ay mga uri ng tekstong impormatibo maliban sa isa?
A. Paglalahad ng totoong pangyayari B. Pagpapakilala C. Pagpapaliwanag D. Pag-uulat
Pang-impormasyon
2. Ano ang tekstong naglalayong magbigay ng impormasyong malinaw at walang halong
pagkiling sa iba’t ibang paksa?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Prosidyural
3. Alin sa sumusunod na elemento ng tekstong impormatibo ang nagsasabing, mapalawak pa
ang kaalaman ukol sa isang paksa at maunawaan ang mga pangyayaring mahirap
ipaliwanag?
A. Layunin ng may akda B. Pangunahing Ideya C. Pantulong ng kaisipan D. Pagsulat ng
mga talasanggunian
4. Nabasa mo sa isang pahayagan na lumolobo na ang bilang ng mga tinamaan ng sakit na
COVID 19 sa Pilipinas. Anong uri ng teksto nakapaloob ang iyong nabasa?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib
5. Isa sa kailangan sa iyong pananaliksik ay ang pag lalagay ng mga larawan, dayagram at
tsart. Anong elemento ng tekstong impormatibo ito?
A. Layunin ng may akda B. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
C. Paggamit ng mga nakalarawang representasyon D. Pagsulat ng mga talasanggunian
6. Tinanong ka ng iyong guro kung ano ang tekstong maihahalintulad sa isang larawang
ipininta o iginuhit.
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib
7. Ito ay katangian ng tekstong impormatibo na may pinagbabatayang katotohanan?
A. Kathang-isip B. Obhetibo C. Prosidyural D. Subhetibo
8. Bilang isang manunulat naglarawan ka sa isang akda ng nakabatay lamang sa iyong
mayamang imahinasyon. Anong uri ng paglalarawan ito?
6
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO
A. Kathang-isip B. Obhetibo C. Pagsulat ng mga talasanggunian D. Subhetibo
9. Anong uri ng teksto kung ang isang tao ay may mga pangyayaring naibabahagi o
naikukuwento sa kapwa? A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib
10. Anong elemento ng tekstong naratibo ang nagsasaad sa maayos na daloy o pagkasunod-
sunod ng mga pangyayari?
A. Banghay B. Paksa o tema C Tagpuan at panahon D. Tauhan
11. Sa bahaging ito nakapaloob ang sentral ng ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari
sa tekstong naratibo?
A. Banghay B. Paksa o tema C. Tagpuan at panahon D. Tauhan
12. Anong uri ng teksto ang naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain
upang matamo ang inaasahan?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Persuweysib D. Prosidural
13. Ang sumusonod ay mga halimbawa ng tekstong prosidyural maliban sa isa?
A. Hakbang sa paggawa ng parol B. Pagbabasa C. Pag-aaplay ng Lisensiya sa
pagmamaneho D. Resipi ng Kare-Kare
14. Ito ay tekstong nanghihikayat o nangungumbinsi sa mga mambabasa?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Persuweysib D. Prosidural
15. Alin sa sumusunod ang pahayag na naiiba?
A. Gumamit nang sabong brand Y. Para sa linis-kinis na walang katulad.
B. Mapapanood ang Rated K tuwing Linggo ng gabi.
C. Patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
D. Si Catriona Grey ang itinanghal na Miss Universe 2018.

TUKLASIN
Halina’t basahin ang teksto at alamin ang kaisipang hatid nito.

“Ako ay Laking Lungsod ng Angeles, Pampanga”


By RESIDENTPATRIOT

Lokasyon ng Angeles sa Pampanga


Sinasabi ng iba na ang aming lalawigan ang pinakamalayong i-byahe sa buong Pilipinas
dahil ang itlog na dala mo mula sa iyong bayan ay magiging “ebun” pagdating sa amin. Ang
kapampangan kasi ng itlog ay “ebun” na katunog ng “ibon”. Ang korni ano? Hindi ko
inimbento ‘yan ha?

7
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO
Naging kilala dati ang aking lungsod bilang bagsakan ng mga PX goods, kuta ng mga
sundalong Amerkano at pugad ng mga panggabing bahay aliwan.

Malaki na ang ipinagbago ng aking lungsod mula ng pumutok ang bulkang Pinatubo at
tuluyang lisanin ng mga sundalong Amerkano ang kanilang base militar sa aming bayan.
Dahil sa pangyayaring ito, natagpuan ng aming bayan ang mga bagong oportunidad para sa
ibang uri ng hanapbuhay na hindi umaasa sa mga banyagang sundalo.

Ang aking lungsod ngayon ay mas marami ng maihahandog sa mga nais bumisita rito.
Dayuhan man o kababayan ay pawang matatagpuan ang mga bagong karanasan na
maihahandog ng aming bayan.

Nayong Pilipino Clark


Ilang mga sikat na pasyalang maaaring puntahan sa aming bayan ay matatagpuan sa loob ng
Clark (ang dating base militar ng Amerika sa Pampanga) gaya ng: Nayong Pilipino,
sanktuwaryo ng mga ibon, paligsahan ng mga makukulay na lobo (hot air balloon) na
ginaganap taun-taon, ang mga resort, palaruan ng golf, piknikan, at kung mahilig ka sa sugal,
meron ding Casino na matatagpuan sa loob ng Clark. Siyempre, meron ding mga
mapapasyalan na wala sa loob ng Clark.

Lumang Mansyon ng mga Pamintuan


Ang iba pang mga matatandang gusali ay ang Bale Herencia (ginawa: 1860), Camalig
(ginawa: 1840), Bale Matua (ginawa: 1824) at ang isa mga pinakamatandang simbahang
Katoliko sa Pilipinas, ang Simbahan ng Santo Rosario na ginawa mula nuong 1877
hanggang 1896.

Meron din kaming museo, ang Museo ng Angeles kung saan makikita ang mga lumang
larawan, mga dayorama na naglalahad ng sinaunang buhay sa Pampanga at iba pang mga
pagpapamalas (exhibit) tungkol sa kasaysayan ng Angeles.

Hindi tinaguriang Kapital ng Pagluluto sa Pilipinas ang aming lalawigan ng walang dahilan.
Kaya nga maraming matatagpuang masasarap na kainan sa aming lungsod. Gusto mo ba ng
8
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO
inihaw, pagkaing dagat o katutubong lutong Pilipino at Kapampangan? O ‘di naman kaya ay
mga pagkaing Intsik, Koreyano, Mongolyan, Hapon, Amerkano, Italyano at iba pang
putaheng banyaga? Kahit ano pa ang trip mong pagkain (basta totoong “pagkain” ha?),
malamang meron kami n’yan.

Mga nagpipinetensya tuwing Mahal na Araw


Makikita din sa aming bayan at sa kalakhan ng Pampanga yaong mga nagpapahirap sa
kanilang mga sarili tuwing sumasapit ang Mahal na Araw. Kung tawagin sila ay mga
nagpipinetensya.
Madalas dayuin ‘di lang ng mga karatig-bayan kundi pati ng mga dayuhan mula sa ibang
bansa ang taunang pagpapahirap sa sarili na ito, ngunit sana nga ay mahinto na ang
tradisyong ito balang araw dahil nagiging idolo sila ng ilang mga kabataan.

Halimbawa ng isang Koreyano


Dumami na rin ang mga Koreyanong naninirahan sa aming bayan. May mga ilan na
panandalian lamang ang pananatili at meron din namang mga pangmatagalan.
Sa dami ng mga Koreyano ay nakagawa na sila ng sarili nilang komunidad sa aming bayan.
Nakapagtayo na sila ng mga pamilihan, kainan, paaralan at pook sambahan sa napakaliit
naming bayan. Marami sa mga kabataang Koreyano sa amin ay mga estudyanteng nag-aaral
ng Inggles.

Daan papuntang Clark


Ang pagpapabuti sa Paliparan ng Diosdado Macapagal ay maghahatid ng ibayong interes sa
komersyo sa aming bayan na maghahatid ng bagong mga oportunidad sa negosyo at lilikha
ng mga bagong trabaho na mag-aangat naman sa kaledad ng buhay ng mga mamamayan sa
aming bayan. Plano pa lang lahat ‘yan subalit marami ang naghahangad na ang mga ito ay
matupad.

Halimbawa ng sikat na Kapampangan

9
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO
Hindi rin kami nagpapahuli sa mga sikat kagaya nina Lea Salonga, Apl d Ap, Efren Bata
Reyes, Donita Rose at Baron Geisler (sikat pa ba si Baron?). Marami pang ibang mga sikat
na Angelenyo subalit tinatamad na akong mag-saliksik ng iba pa.
Malapit lang ang Angeles sa mga lalawigang may dagat at iba pang pook pasyalan gaya ng
Bundok Arayat, mga dagat ng Zambales at Pangasinan, Baguio, Olongapo, Maynila at ang
bulkang Pinatubo.

Nang sumabog ang bulkan


Isang ‘di ‘ko makakalimutang karanasan sa aking buhay sa Angeles ay ang pagputok ng
bulkang Pinatubo. Pininsala nito ang napakaraming buhay, bahay, ari-arian at lupain. Subalit
tinuruan ako nito kung paano lumaban para mabuhay (survival). Kung paanong mabuhay sa
isang kalagayan na walang mabibiling pagkain, walang agarang maiinom na tubig at walang
kuryenteng magagamit.

Ito ang aking lungsod, ito ang tahanan ng aking mga magulang at ng aking mag-ina. Dito
ako ipinanganak, dito ako nagtapos ng pag-aaral, dito ako nakahanap ng trabaho at
malamang ay dito na rin ako sasapitin ng katandaan.
https://thepinoysite.com/2012/09/19/ako-ay-laking-lungsod-ng-angeles- pampanga/
Matapos mong mabasa ang tekstong may pamagat na “Ako laking Lungsod ng Angeles,
Pampanga ay masasagot mo ba ang mga katanungan inihanda?

1. Ano-anong kaisipan ang natalakay sa tekstong binasa?


2. Maliwanag ba ang pagkakaulat ng bawat kaisipan nais ihatid ng nagpapahayag?
3. Paano kaya maiuugnay ang mga kaisipan hatid ng teksto sa sarili? pamilya?
komunidad? bansa? daigdig?

IBA’T IBANG URI NG TEKSTO


1. TEKSTONG IMPORMATIBO – ito naglalayong magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon. Halimbawa: “Mamamayan pinayuhan ng Kagawaran ng Kalusugan na
manatili sa bahay upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na COVID-19”.

10
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO
2. TEKSTONG DESKRIPTIBO – naglalarawan ito sa bagay, tao, lugar, karanasan,
sitwasyon at iba pa. Halimbawa: “Magandang puntahan ang bayan ng Angeles, Pampanga
dahil sa magagandang pasyalan”
3. TEKSTONG PERSUWEYSIB - isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin
ang mga mambabasa na aumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. Halimbawa:
“Mainam na gamitin ang Brand Y Plus dahil mas nakapagpapaputi ito ng mga damit kaysa
sa Brand X. Kaya’t gamitin ang Brand Y Plus. Para sa puting walang katulad”
4. TEKSTONG NARATIBO - layunin nito ang magsalaysay o magkwento batay sa isang
tiyak na pangyayari totoo man o kathang-isip. Halimbawa: “Ipinalabas noong Hulyo 31,
2019 ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Alden Richard at
Kathryn Bernardo. Ito rin ang itinanghal na pinakapinanood na pelikulang Pilipino sa
kasaysayan”.
5. TEKSTONG ARGUMENTATIBO – ito ay ang tekstong nangngailangang ipagtangol
ng manunulat ang posisyon sa isang paksa o uspin gamitn ang mga ebidensya mula sa
pesonal na karanasan, kaugnay na literatura at pag-aaral, ebidensyang kasaysayan at resulta
ng empirikal na pananaliksik. Ito ay my dalawang elemento.
1. Proposisyon - pahayag na inilalan upang pagtalunan
2. Argumento - paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging
katwiran Halimbawa: “Hindi totoo ang mga nanghuhula sa Quiapo dahil lumabas sa
pag-aaral ng mga eksperto na raket o modus lamang ito ng mga manloloko”
6. TEKSTONG PROSIDYURAL - isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng
impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay
Halibawa: Upang mapabilang ang establisyemento at mga empleyado sa programang CAMP
(COVID-19 ADJUSTMENT MEASURES PROGRAM (CAMP) at TUPAD (Tulong
Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/ Displaced Workers, sundin ang mga sumusunod
na hakbang:
1. Pumunta sa website ng Department of Labor and Employment (DOLE)
2. Hanapin ang downloadable forms.
3. I-click ito at i-download
4. Punan ang mga patlang at ipadala sa e-mail ng DOLE

TAYAHIN 2

11
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang letra ng wastong sagot at isulat
sa sagutang papel.
1. Isa sa kailangan sa iyong pananaliksik ay ang pag lalagay ng mga larawan, dayagram at
tsart. Anong elemento ng tekstong impormatibo ito?
A. Layunin ng may akda B. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
C. Paggamit ng mga nakalarawang representasyon D. Pagsulat ng mga talasanggunian
2. Nabasa mo sa isang pahayagan na lumolobo na ang bilang ng mga tinamaan ng sakit na
COVID 19 sa Pilipinas. Anong uri ng teksto nakapaloob ang iyong nabasa?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib
3. Ano ang tekstong naglalayong magbigay ng impormasyong malinaw at walang halong
pagkiling sa iba’t ibang paksa?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Prosidyural
4. Tinanong ka ng iyong guro kung ano ang tekstong maihahalintulad sa isang larawang
ipininta o iginuhit?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib
5. Ito ay katangian ng tekstong impormatibo na may pinagbabatayang katotohanan?
A. Kathang-isip B. Obhetibo C. Prosidyural D. Subhetibo
6. Ang sumusunod ay mga uri ng tekstong impormatibo maliban sa isa?
A. Paglalahad ng totoong pangyayari B. Pagpapakilala
C. Pagpapaliwanag D. Pag-uulat Pang-impormasyon
7. Alin sa sumusunod na elemento ng tekstong impormatibo ang nagsasabing, mapalawak pa
ang kaalaman ukol sa isang paksa at maunawaan ang mga pangyayaring mahirap
ipaliwanag?
A. Layunin ng may akda B. Pangunahing Ideya
C. Pantulong ng kaisipan D. Pagsulat ng mga talasanggunian
8. Anong uri ng teksto kung ang isang tao ay may mga pangyayaring naibabahagi o
naikukuwento sa kapwa?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D.
Persuweysib
9. Bilang isang manunulat naglarawan ka sa isang akda ng nakabatay lamang sa iyong
mayamang imahinasyon. Anong uri ng paglalarawan ito?
A. Kathang-isip B. Obhetibo C. Pagsulat ng mga talasanggunian D.
Subhetibo
10. Sa bahaging ito nakapaloob ang sentral ng ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari
sa tekstong naratibo?
A. Banghay B. Paksa o tema C. Tagpuan at panahon D. Tauhan
11. Anong elemento ng tekstong naratibo ang nagsasaad sa maayos na daloy o pagkasunod-
sunod ng mga pangyayari?
A. Banghay B. Paksa o tema C. Tagpuan at panahon D. Tauhan
12. Ang sumusonod ay mga halimbawa ng tekstong prosidyural maliban sa isa?
12
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO
A. Hakbang sa paggawa ng parol B. Pagbabasa C. Pag-aaplay ng Lisensiya sa
pagmamaneho D. Resipi ng Kare-Kare
13. Anong uri ng teksto ang naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain
upang matamo ang inaasahan? A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Persuweysib D.
Prosidural
14. Alin sa sumusunod ang pahayag na naiiba?
A. Gumamit nang sabong brand Y. Para sa linis-kinis na walang katulad.
B. Mapapanood ang Rated K tuwing Linggo ng gabi.
C. Patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
D. Si Catriona Grey ang itinanghal na Miss Universe 2018.
15. Ito ay tekstong nanghihikayat o nangungumbinsi sa mga mambabasa?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Persuweysib D. Prosidural

SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN 1
1. A 2. B 3. A 4. A 5. B 6. A 7. C 8. B 9. B 10. A
11. B 12.D 13. B 14.A 15. D

SUBUKIN 2
1. B 2. B 3. A 4. B 5. C 6. C 7. B 8. D 9. D 10. A
11. B 12. D 13. B 14. C 15. A

13
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKAAPAT NA LINGGO

You might also like