You are on page 1of 10

Alcadesma National High School

Alcadesma, Bansud, Oriental Mindoro


Inihanda nina:

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t G. Arnold A. Antonio


ibang Teksto Tungo sa Teacher 1
09454866948
Pananaliksik
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKALAWANG LINGGO

ARALIN 3 - KATANGIAN AT KALIKASAN NG IBA’T


ALAMIN IBANG URI NG TEKSTO
Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong iyong napag-aralan na sa
mga naunang modyul. Makatutulong ito sa iyo upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa (F11PS-IIIb-91)
LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto,
2. Nakasusuri ng iba’t ibang teksto batay sa katangian at kalikasan nito, at
3. Naibabahagi ang sariling pananaw batay sa napag-aralan sa pamamagitan ng isang graphic organizer

SUBUKIN 1

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Anong katangian ng tekstong impormatibo ang pagkuha ng makatotohanang datos o impormasyon mula sa
mapagkakatiwalaang batayan?
A. Obhetibo B. Subhetibo
2. Anong uri ng paglalarawan ang nakabatay sa mayamang imahinasyon ng manunulat at hindi sa katotohanan?
A. Obhetibo B. Subhetibo
3. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng elemento, ano ang tawag sa elemento kung saan may
maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto upang mabigyang- linaw ang temang taglay ng
akda?
A. Tagpuan B. Banghay
4. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng iba’t ibang pananaw, saan nabibilang ang
pagsasalaysay ng pangunahing tauhan sa mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig sa kuwento?
A. Unang Panauhan B. Ikalawang Panauhan
5. Anong uri ng tauhan ang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy?
A. Tauhang Bilog B. Tauhang Lapad
6. Anong katangian ng tekstong persuweysib ang nagpapakita ng personal na opinyon at paniniwala ng may akda?
A. Obhetibo B. Subhetibo
7. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang pangungumbinsi batay sa datos o impormasyong nakalap.
A. Argumentatibo B. Persuweysib
8. Anong uri ng teksto ang may katangiang kagaya ng larawang ipininta kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang
nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan?
A. Impormatibo B. Deskriptibo
9. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang makatotohanang pagpapaliwanag sa mga paksang tulad ng
isports, kasaysayan, siyensiya, panahon, heograpiya, at iba pa.
A. Impormatibo B. Deskriptibo
10. Anong uri ng teksto ang maaaring maging subhetibo at obhetibong paglalarawan?
A. Naratibo B. Deskriptibo

TUKLASIN
1
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKALAWANG LINGGO
PAGKILALA SA IBA’T IBANG URI NG TEKSTO
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwentong “Mabangis na Lungsod”.
Ilista sa papel ang mahahalagang detalye na iyong mababasa upang makatulong sa pagsagot
sa mga katanungan.
MABANGIS NA LUNGSOD
(ni Efren R. Abueg)

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa
mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi
ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag
ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan
ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng
pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging
naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang
kabuluhan sa kaniya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon,
alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng
gabi’y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na
hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung
ano-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan,
naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan
kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming
palad.
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na
ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa
na ang kaniyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng
babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kaniyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring
higad na gumagapang sa kaniyang katawan.
“Mama... Ale, palimos na po.”
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng
pagwawalang-bahala, ang hakbang ay pagpapahalata ng pagmamadali - pag-iwas.
“Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!” Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong,
ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam.

2
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKALAWANG LINGGO
“Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya,
sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kaniya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na
kaniyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang
niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi
maiiwasan ang paghindi sa kaniya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.
“May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-
tumpik siya sa pagbibigay. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa
masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kaniyang bulsa, ngunit
kailanman ay hindi nakarating sa kaniyang bituka.
“Maawa na po kayo, Mama... Ale... gutom na gutom na ako!” Ang mga daing ay walang halaga, waring mga
patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na
ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang
pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa
simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong.
Pinagbuti niya ang paglalahad ng kaniyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kaniyang
kinaroroonan.
“Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para
sa lahat na maaaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kaniyang bituka
ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kaniyang mga laman at
nagpapantindig sa kaniyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang
kamay.
Habang nagdaraan sa kaniyang harap ang mga taong malamig, walang awa, walang pakiramdam-
nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kaniyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang
nararamdaman niya matapos mapawi ang kaniyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang
nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kaniya na gumawa ng isang
marahas na bagay. Ilang barya ang nalaglag sa kaniyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang
mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang
na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kaniyang lukbutan. Ilan pang
barya ang nalaglag sa kaniyang palad. At sa kaabalahan niya’y hindi na napansing kakaunti na ang mga
taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng
mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas.
“Adong... ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni Adong ang ininguso sa
kaniya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit
na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kaniyang bulsa. Dinama niya ang mga barya
roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kaniyang mga ugat. Ngunit ang
lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamamatay.
3
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKALAWANG LINGGO
Mahigpit niyang kinulong sa kaniyang palad ang mga baryang napagpalimusan. “Diyan na kayo, Aling
Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.
“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka na ni Bruno!”
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglalakad, sa simula’y marahan, ngunit
nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng
mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad.
At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kaniyang likod. At
sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo
kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na
simbahan, sa kabangisang sa mula’t pa’y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga
barya sa kaniyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
“Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid
sa kaniya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kaniyang paglayo. Ngunit ang mga
kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kaniyang bisig, niluluray ang munting lakas na
nagkakaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.
“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang
basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At
pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong
sa kaniya.
Sanggunian: Khadija L. Sarael, “Mabangis na Lungsod ni Efren R. Abueg,” G7Fil Ira & Khads, Pebrero
2013, http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/

TAYAHIN 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung ito ay Tama o Mali. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
____________1. Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang balita kung saan naglalaman ito ng mga
makatotohanang impormasyon na maingat na sinaliksik at tinaya.
____________2. Nais ng tekstong persuweysib na mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at tanggapin ang
posisyon ng may-akda.
____________3. Ang tekstong naratibo ay may katangiang manghikayat o mangumbinsi ng mambabasa.
____________4. Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan.
____________5. Ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo ay maaaring subhetibo at obhetibo.
____________6. Obhetibo ang paglalarawan kung ito ay nakabatay sa mayamang imahinasyon ng manunulat at
hindi sa katotohanan.
____________7. Isa sa mga katangian ng tekstong impormatibo ang makatotohanang pagpapaliwanag sa mga paksang
tulad ng isports, kasaysayan, siyensiya, panahon, heograpiya, at iba pa.
____________8. Isa sa katangian ng tekstong persuweysib ang pagiging subhetibo kung saan nagpapakita ng personal
na opinyon at paniniwala ang may akda.
____________9. Ang tauhang lapad ay tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.
____________10. Impormatibo ang isang teksto kung ito ay di-piksiyon.

ARALIN 4 - ANG PAGSULAT NG ILANG


HALIMBAWA NG IBA’T IBANG URI NG TEKSTO 4
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKALAWANG LINGGO
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto. (F11PU – IIIb – 89)
LAYUNIN NG MODYUL NA ITO NA MATAMO MO ANG MGA SUMUSUNOD NA KASANAYAN:
1. natutukoy ang mga elemento sa pagsulat ng tekstong impormatib, deskriptib, at prosidyural
2. nagagamit ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong impormatib, deskriptib, at prosidyural
3. nakasusulat ng halimbawang tekstong impormatib, deskriptib, at prosidyural

SUBUKIN 2

Piliin ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa isang sagutang papel.
1. Ito ay paraan ng pagpapahayag na may layuning magpalutang ng mga katangian ng isang tao, bagay,
hayop, o lugar.
A. tekstong deskriptib B. tekstong impormatib C. tekstong persweysib D. tekstong
prosidyural
2. May layunin itong magbigay ng impormasyon, magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol
sa iba’t ibang paksa.
A. tekstong deskriptib B. tekstong impormatib C. tekstong persweysib D. tekstong
prosidyural
3. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paano
isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
A. tekstong deskriptib B. tekstong impormatib C. tekstong persweysib D. tekstong
prosidyural
4. Kailangan ito dahil hindi mauunawaan ng bumabasa ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang
paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan nito sa pagsulat ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.
A. diin B. kalinawan C. katiyakan D. kaugnayan
5. Ang ______________ ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa
pagpapaliwanag.
A. diin B. kalinawan C. katiyakan D. kaugnayan
6. May __________ ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang
pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.
A. diin B. kalinawan C. katiyakan D. kaugnayan
7. Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda
upang maging mabisa ang pagpapahayag.
A. diin B. kalinawan C. katiyakan D. kaugnayan
8. Higit na dapat bigyang-pansin ang _____________ sapagkat ito ang magpapasya kung ipagpapatuloy ng
bumabasa ang pagbasa sa isang sulatin. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng bumabasa.
A. katawan o pinakagitna B. kongklusyon C. simula D. wakas
9. Sa bahaging ito natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng paglalahad. Dapat magkaroon ng
kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.
A. katawan o pinakagitna B. kongklusyon C. simula D. wakas
10. Ito ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng bumabasa. Katulad ng simula,
ito ay maaaring isang parirala, isang pangungusap, o isang talata.
A. katawan o pinakagitna B. kongklusyon C. simula D. wakas
TUKLASIN
TEKSTONG IMPORMATIB
Sa pagbuo ng tekstong impormatib, mahalagang isaalang-alang ang katumpakan ng
nilalaman. Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksa,
kung kaya’t dapat sila ay may mga sangguniang pinagbabasehan. Dagdag pa, ang
sanggunian o pinagkukunan nila ng datos ay kailangang mapapagkatiwalaan at may

5
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKALAWANG LINGGO
kredibilidad. Makabubuti rin kung ang paksa ay napapanahon sapagkat ito ay maaaring
makatulong upang maunawaan ng mambabasa ang mga isyu sa lipunan.
Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatib ay diksyunaryo, ensayklopedya,
almanac, pamanahong papel o pananaliksik, siyentipikong ulat, at mga balita sa pahayagan.

NARITO NAMAN ANG MGA KATANGIAN NG ISANG


MAHUSAY NA PAGSULAT NG TEKSTONG IMPORMATIB:
KALINAWAN: Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag kung
hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan ng kalinawan ay maaaring
magbunga ng di pagkakaunawaan.
KATIYAKAN: Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang
kaniyang layunin sa pagpapaliwanag.
DIIN: May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na
ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.
KAUGNAYAN: Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at
talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag.

MGA BAHAGI NG TEKSTONG IMPORMATIB


Ang SIMULA ang higit na dapat bigyang pansin sapagkat ito ang magpapasya kung
ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa isang katha. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng
bumabasa.
Sa bahaging KATAWAN O PINAKAGITNA naman ay natitipon ang lahat ng ibig sabihin
ng sumusulat ng paglalahad. Dapat magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang
ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.
Ang WAKAS ay ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng
bumabasa. Katulad ng simula, ang wakas ay maaaring isang parirala, isang pangungusap, o
isang talata.

TEKSTONG DESKRIPTIB
Ang paglalarawan o ang tekstong deskriptib ay ang pagpapahayag ng ating nakikita,
naririnig, at nadarama.
Pangunahing layunin ng paglalarawan ay ang pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng
mga mambabasa o tagapakinig.
Ang sumusulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na gumuguhit ng
mga tanawin at mga larawan; kung ang pintor ay pinsel at pintura ang ginagamit, ang isang
manunulat ng tekstong deskriptib naman na nagpapahayag ng pasulat o pasalitang paraan ay
salita ang ginagamit upang ilarawan ang kaniyang paksa na maaaring masining o karaniwan.

6
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKALAWANG LINGGO
UPANG MAGING MABISA ANG PAGLALARAWAN, ANG MGA SUMUSUNOD
AY DAPAT ISAALANG- ALANG
MAINGAT NA PAGPILI NG PAKSA: Piliin ang paksang may lubos na kaalaman ang
mga mag-aaral sapagkat ito’y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang
karanasan.
PAGPILI NG SARILING PANANAW: tinutukoy nito ang pagtingin ng isang
naglalarawan sa paksang kaniyang inilalarawan.
PAGBUO NG ISANG PANGUNAHING LARAWAN: Ito’y nangangailangan nang
maingat at masusing pagmamasid. Ito ang unang kakintalan ng paksang inilalarawan.
Ang tao at bagay, kakayahan, at ang naturang kakayahang ikinaiiba nito ay dapat na
bigyang-diin na batay sa pagmamasid ng naglalarawan.
WASTONG PAGPILI NG MGA SANGKAP: Ang mga sangkap na isasama ay tiyaking
makatutulong sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama
ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan.
Maingat na pagsasaayos ng mga sangkap: Ang pangunahing larawan ay dapat mapalitaw sa
pamamagitan nang maingat na pagsasama-sama ng mga sangkap.
Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang sunod-sunod ang pangyayari kaya
ang isang naglalarawan ay malayang pumili ng paraang sa palagay nya’y magiging mabisa
sa pagbuo ng kakintalang nais niyang mapalitaw sa kaisipan ng bumabasa o nakikinig.
Piliin lamang ang mga sangkap na magiging kapansin-pansin at makapagbibigay nang
malinaw na larawan.

ANG PAGSULAT NG PAGLALARAWAN AY NAUURI SA DALAWA;


Unang uri ay maaaring maging pangkaraniwan - ang uring ito’y nagbibigay lamang ng
kabatiran sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro- kuro ng naglalarawan.
Ang ibinibigay lamang nito ay ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas na
panlahat.
Sa halimbawang ito pansinin ang mga salitang matitingkad at may salungguhit:
“Noong huli akong dumalaw sa tahanan ni Tiya Pilar sa lalawigan ay ganito rin ang ayos ng
bakuran nila. Sariwa at malago ang mga halaman, naghuhunihan ang mga ibon sa sanga ng
punong kahoy at nalalanghap sa hangin ang mabangong halimuyak ng bulaklak. Ang
kanilang bahay sa loob ng bakod na mga alambreng may tinik ay halos wala pa ring
ipinagbago. Naroon din ang mga hawla ng kanaryo na nagsabit sa bintana. Naroon din ang
mga puno na may malalagong halamang nakahalayhay sa may pagpanhik ng hagdanan.
Kaytulin ng mga araw! Isang buong taon na ang nakalipas ay parang hindi ko napansin.”
Mula sa: Amado V. Hernandez, Panata ni Pilar Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1969.
Hindi ba’t ang mga salitang sariwa, malago, mabango, may tinik, halos wala, malalago ay
kay dali mong naunawaan? Dahil ang mga ito ay may mababaw lamang na pakahulugan at
tiyak ko na madalas mo din itong ginagamit sa iyong pakikipagtalastasan.
Ang ikalawang uri naman ng paglalarawan ay ang masining na paglalarawan: dito ang
guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay na larawan.
7
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKALAWANG LINGGO
Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat. Ibinibigay niya ang isang buhay na
larawan ayon sa kaniyang namalas at nadama.
Sa halimbawang ito:
“Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaeng bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya
ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung magkakaganyon ay maikli ang
kaniyang pananalita: Lumigpit ka!... at kailangang di na niya ako makita. Kailangang di ko
na masaksihan ang kikislap na poot sa kaniyang mga mata. Kailangang di ko na mamalas
ang pagkagat niya sa kaniyang labi. Kailangang di ko na makita ang panginginig ng
kaniyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kaniyang mariing huwag kung mayroon siyang
ipinagbabawal.
Mula sa: Liwayway Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba Pang Katha. Manila: Pioneer Press,1968.

“Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na
lupang uhaw na uhaw…”
Sa halimbawang ito mauunawaan sa kaisipang nakapaloob sa teksto na ang ina ay inilarawan
bilang isang tahimik at hindi palakibo na kung magalit ay tiyak na nakatatakot ang kaniyang
nagiging itsura. Masasalamin sa teksto ang pananabik ng bata sa pagmamahal ng kaniyang
ina. Mapapansin na ang mga salitang matingkad at may salungguhit ay may higit na malalim
na kahulugan kaysa sa karaniwang kahulugan nito.

TEKSTONG PROSIDYURAL
Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng
impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
May layunin itong makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao
upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain nang ligtas, episyente at angkop sa
paraan.
ANG PAGSULAT NG TEKSTONG ITO AY BINUBUO NG APAT
NA BAHAGI, TULAD NG MGA SUMUSUNOD:
1. INAASAHAN O TARGET NA AWTPUT – tumutukoy sa kung ano ang kalalabasan o
kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
2. MGA KAGAMITAN - Maaaring ilarawan sa bahaging ito ang mga tiyak na katangian ng
isang bagay o kaya ay ang katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang
mag-aaral kung susundin ang gabay. Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkasunod-sunod
kung alin ang gagamitin. Maaaring hindi Makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong
prosidyural na hindi gagamit ng anomang kagamitan.
3. METODO – ito ay nagsasaad ng serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang
proyekto.
4. EBALWASYON - Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang
tagumpay ng prosidyur na isinagawa.

8
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKALAWANG LINGGO
Ito ay sa pamamagitan nang mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o makina o di
kaya ay mga pagtataya kung nakamit ang kaayusan ng layunin ng prosidyur.
Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading, numero, dayagram, at mga larawan upang
maging mas malinaw ang pagpapahayag ng instruksiyon. Mahalagang alamin at unawain
kung sino ang nakikinig o nagbabasa ng teksto upang mapagdesisyunan kung anong uri at
antas ng wika ang gagamitin.
May mga tiyak na katangian ng wikang madalas gamitin sa tekstong prosidyural.
1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.
2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
3. Gumamit nang tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.
4. Gumamit nang malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang
pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon tulad ng hugis, laki, kulay, dami, atbp.
Pag-aralan ang teksto sa ibaba na naglalaman ng isang plano para sa pagpapaunlad ng isang
negosyo.

Hakbang sa Pagpaplano:
Una, isipin mo kung paano mo ito sisimulan, pababa o pataas? O gusto mong simulan ito sa
itaas kaagad.
Ikalawa, ano ba ang layunin mo sa itatayo mong negosyo? Layun mo ba agad na kumita at
mabawi ang iyong ipinuhunan o nais mo munang mapalago ito hanggang sa tuluyan na itong
makilala.
Ikatlo, sino ang makakatuwang mo sa iyong planong negosyo? Napagpasyahan mo ba kung
ikaw lang ang mamamahala o may iba ka pang nais makasama sa iyong plano. Kaya mo
bang mag-isa o kinakailangan mo ang tulong ng iyong kamag- anak bilang sekretarya,
manananggol, at iba pang sasalo sa ibang tungkulin sa negosyo mo? Sa iyong palagay,
kakayanin mo bang magtagumpay mag-isa sa negosyo o talagang kakailanganin mo ang
tulong nila?
Ikaapat, napagpasyahan mo na rin ba kung ano ang iyong nais unahin o dapat pagtuunan ng
pokus sa iyong negosyo. Ang pangangailangan ng kostumer, ang lokasyon ng iyong
negosyo, ang iyong kasanayan o kahusayan, ang iyong kapital.
Ikalima, isipin mo ang paghahanap ng mga taong puwede mong pagkatiwalaan, may
kakayahan at karunungan, at may responsibilidad habang ikaw ay namamahala ng ibang
trabaho? Iayos mo ang mga patakarang dapat sundin ng iyong tauhan upang maging
matagumpay ang operasyon ng iyong negosyo.

PAGSASAAYOS NG MGA TALATAKDAAN SA PLANONG


NEGOSYO
1. Magsagawa ng iskedyul maikling panahon (6-10 buwan) at mahabang panahon (1-2 taon).
2. Maging tiyak at detalyado.

9
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKALAWANG LINGGO
3. Ipakita mo ang iyong produkto sa mga napili mong pahayagan, radyo, telebisyon, at
midya.
4. Magbigay ng araw at oras kahit na ito’y pansamantala lamang
5. Magbigay rin ng mga calling cards o mga taong dapat lapitan kasama na rito ang mga
numero ng telepono, pagers, cellphones, value message at e-mail.
6. Magkaroon ng mga promo para makaiwas sa mga hindi inaasahang pagkakataon. 7.
Isaayos ang perang nakalaang gugugulin. Magpasya ka kung magkano ang gugugulin sa
mga promosyon. Kung ikaw ay nababahala sa pag-aanunsiyo, mabuti pang itigil ang iyong
negosyo. Sabi nga nila “no gain no risk.”
8. Iwasan mo ang manggaya sa iba. Pag-aralan ang mga istratehiya ng iyong
kakumpetensiya.
9. Upang makatipid sa badyet, palitan ang mga istratehiyang hindi nagpapakita ng
magandang resulta.
10. Simulan mo na ang iyong plano.
TAYAHIN 2
I. Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang kaisapan sa talata. Pumili ng sagot sa ibaba.
Titik lamang ang isulat.
Sa pagsulat ng tekstong ____(1)______ mahalagang isaalang-alang ang katumpakan ng_____(2)______ nito. Ang
mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa _____(3)______, kung kaya’t dapat sila ay may mga
____(4)____ pinagbabasehan. Dagdag pa, ang sanggunian o pinagkukunan nila ng _____(5)_____ ay kailangang
mapapagkatiwalaan at may kredibilidad.
A. Datos B. Impormatib C. Nilalaman D. Paksa E. Sanggunian

SUSI SA PAGWAWASTO
SUBUKIN 1
1. A 2. B 3. B 4. A 5. B 6. B 7. A 8. B 9. A 10. B

SUBUKIN 2
1. A 2. B 3. D 4. B 5. C 6. A 7. D 8. C 9. A 10. D

10
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKALAWANG LINGGO

You might also like