You are on page 1of 7

Alcadesma National High School

Alcadesma, Bansud, Oriental Mindoro


Inihanda ni:
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t G. Arnold A. Antonio
ibang Teksto Tungo sa Teacher 1
09454866948
Pananaliksik
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKATLONG LINGGO

ARALIN 5 – PAGSULAT: COHESIVE


DEVICES
ALAMIN
Ang modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral ng SHS upang malinang ang makrong kasanayan sa
pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto gamit ang mga cohesive devices at paghahanda rin sa pagsulat ng
pananaliksik hinggil sa mga isyung panlipunan sa kasalukuyang panahon. Magagamit din ito bilang
instrumento sa mabisang komunikasyon, pasalita at pasulat man, na nagpapamalas ng kahusayan sa
pagpoproseso ng iba’t ibang impormasyon at pagbabagong teknolohikal na nagaganap sa bagong
henerasyon.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
• Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
• Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO
• Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto F11WG-IIIc-90
LAYUNIN:
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. natutukoy ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat:
2. nagagamit sa pagbuo ng sariling teksto: at
3. nakasusulat ng tekstong deskriptibo gamit ang mga cohesive devices.

SUBUKIN
Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ang mga panghalip ay inihahalili maliban sa __________.


A. pangngalan B. bagay C. hayop D. lugar
2. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang maging malinaw at maayos ang kaisipan ng isang
teksto?
A. cohesive devices B. talasalitaan C. istruktura D. talata
3. Sa paggamit ng reperensiyang anapora, saan ito makikita sa pangungusap?
A. gitna B. hulihan C. unahan D. kabilaan
4. Ito ay isang uri ng kohesyong gramatikal na ang paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling
ulitin ang salita.
A. Leksikal B. Reperensiya C. Pang-ugnay D. Substitusyon
5. Sa kohesyong gramatikal, may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang magiging
malinaw pa rin sa mambabasa ang nais ipahiwatig sa nawawalang salita.

1
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKATLONG LINGGO
A. Substitusyon B. Pang-ugnay C. Leksikal D. Elipsis
6. Ito ay inihahalili sa ngalan ng tao, pook, bagay o hayop. Anong bahagi ng pananalita ang tinutukoy nito?
A. Pandiwa B. Pangatnig C. Panghalip D. Pangngalan
7. Alin sa mga pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat?
A. Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng isinusulat.
B. Nagiging maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat.
C. Nagiging malawak ang paglalahad sa paksa.
D. Nakaaakit basahin ang isang teksto.
8. Sa paggamit ng reperensiyang katapora, saan ito makikita sa pangungusap?
A. gitna B. hulihan C. unahan D. kabilaan
9. Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-uulit ng:
A. pangungusap B. parirala C. mensahe D. salita
10. Anong bahagi ng pananalita nabibilang ang anapora at katapora?
A. Pangngalan B. Pang-abay C. Panghalip D. Pandiwa
11. Si Teodoro ay isang binata na may edad labingwalo. Siya ay payat, mahilig mag-basketball at nais
niyang may aksiyon sa lahat ng kaniyang ginagawa.
A. Katapora B. Leksikal C. Anapora D. Elipsis
12. Ang “at” sa tambalang pangungusap ay nagsisilbing:
A. Pang-ugnay B. Pangatnig C. Panghalip D. Pandiwa
13. Sa panahon ng ECQ lahat ng mamayang Pilipino ay abala sa paghahanda ng pagkain, gamot, alchohol,
sanitizer, at mapanatili ang kalinisan ng loob at labas ng bahay.
A. Pag-uulit B. Kolokasyon C. Pag-iisa-isa D. Pagbibigay kahulugan
14. Ipaglaban mo ang karapatan mo, sumulat ka ng kuwento, at yakapin mo ang iyong mga magulang.
Napagod silang lahat para makatapos kayo.
A. Anapora B. Katapora C. Kahulugan D. Pag-iisa-isa
15. Sa gitna ng pandemya, dapat lamang na pag-ingatan ang kalusugan sa lahat ng oras dahil ito ay walang
pinipili, mayaman man o mahirap, may pinag-aralan o wala, at bata man o matanda.
A. Elipsis B. Kolokasyon C. Pang-ugnay D. Substitusyon

TUKLASIN
Basahin at suriin ang konteksto. Sagutan sa hiwalay na papel ang mga katanungang
nasa ibaba ng konteksto.

Pumunta ako sa Maynila na kung saan ang Maynila ang kabisera ng


Pilipinas. Nadatnan ko si Diego sa Quiapo Church. Pagkatapos magdasal si
Diego ay nakita na ako sa labas ni Diego.Nilibot namin ang Luneta. Ang
Luneta ay lugar na kung saan naganap ang pagkamartir ni Rizal. Nilibot
namin ang Intramuros gamit ang kabayo. Pero ang kabayo ay napagod kaya
pinainom muna ang kabayo. Higit sa lahat, nakita na namin ang Fort
Santiago. Ang Fort Santigo ay isang makasaysayang pook sa Maynila.
2
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKATLONG LINGGO
Analisis:
1. Malinaw at maayos ba ang daloy ng konteksto? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__
__________________________________________________________________________
_____
2. Ano ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng konteksto?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__
__________________________________________________________________________
_____
3. Kung ikaw ang sumulat ng kontekstong ito, paano mo ito isusulat ng malinaw at maayos
ang kaisipan?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_______
Pag-usapan natin ang kinalabasan ng iyong pag-aanalisa at rebisyon sa nasabing konteksto.
Unti-unti ng hinahasa ka sa kasanayang pagsulat at mas lalong malilinang ito sa kaalamang
matutunghayan mo sa susunod na bahagi ng modyul na ito.
Ang ginawa mo kanina ay may kaugnayan sa pagsulat ng mga pangugusap na bumubuo sa
mga talata kaya kailangan ng mga salitang mag-uugnay sa mga ito. Dito makikita ang halaga
ng cohesive devices. Upang higit na maging malinaw sa iyo ang gamit ng cohesive devices
sa anumang gawaing pagsulat, basahin mo na ang konseptong ito!
3
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKATLONG LINGGO
GAMIT NG COHESIVE
Kung ang mga pangungusap, idea, DEVICES
at detalye ay malinaw na nagkakaugnay sa isang
konteksto, madali na itong maunawaan ng mambabasa. Malaking tulong ang tamang
paggamit ng mga cohesive devices para makabuo ng makabuluhang teksto. Kung ang
isinulat ng awtor ay malinaw na naunawaan at naisabuhay ng mambabasa,
nangangahulugang nagtagumpay ang awtor sa kaniyang isinulat.

1. REPERENSIYA (REFERENCE) Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy


o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.Tinutukoy nito ang
anapora at katapora.
 Anapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda
sa pinalitang pangalan na binanggit sa pangungusap o talata.
 Katapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda
sa pinalitang pangalan na binanggit sa hulihan ng pangungusap o talata.

Halimbawa:
Kagaya ng karangalang itong ibinibigay n’yo sa akin. Di ko alam kung anong
nagawa kong kabutihan sa PUP para maibigay ninyo sa akin ito.
Halaw mula sa talumpati ni Ricky Lee Sa PUP nang gawaran siya ng Doctorate in Humanities Honoris Causa noong
ika-8 ng Mayo, 2019

2. SUBSTITUSYON- Paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa halip na muling ulitin ang


salita.

Halimbawa:
Bumigay na ang aking laptop kaya bumili ako ng bago.
Ang salitang laptop ay napalitan ng bago.

4
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKATLONG LINGGO
3. ELIPSIS- May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o
magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang
pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.

Halimbawa:
Nagpunta si Nadine sa mall at namili si Nadine sa mall.
Nagpunta si Nadine sa mall at namili.

4. PANG-UGNAY- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at” sa pag-uugnay ng


sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan
nito, higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga
pinag-uugnay.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak
naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.

5. KOHESYONG LEKSIKAL- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon


ito ng kohesyon. May dalawang uri ito.
 1. Reiterasyon kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses.

a. Pag-uulit o repetisyon

Halimbawa:
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lamang.

b. Pag-iisa-isa

Halimbawa:
Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay
talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.

c. Pagbibigay Kahulugan
Halimbawa: 5
Marami sa mga batang mangagawa ay nagmula sa mga pamilyang
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKATLONG LINGGO
 2. KOLOKASYON- mga salitang magkapareha o magkasalungat.

Halimbawa:

nanay-tatay guro-mag-aaral doktor-pasyente


hilaga-timog
puti-itim maliit-malaki
mayaman-mahirap

TAYAHIN

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang ginamit na cohesive device (Panghalip) sa bawat
pangungusap at tukuyin kung ito ay anapora o katapora. Dalawa (2) ang sagot sa bawat
bilang.
1. Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay ang mabilis na pagbabago sa larangan ng paggawa
ng pelikula.
2. Tayo ngayon ay nasa panahon ng impormasyon, kaalinsabay ang paggamit ng bagong
teknolohiya sa paggawa ng pelikula.
3. Hindi nag-shooting ang mga artista, bagkus dumalo sila sa isang rally.
4. At kahit mabigo ka, huwag kang mag-aalala. Hindi iyan ang sukatan ng worth mo bilang
tao.
5. Ipaglaban mo ang karapatan mo, write a story, hug your parents. Napagod silang lahat
para mapa-graduate kayo.

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
6. Sa bahagi ng pananalita, ang siya, tayo, iyan, ito, doon, at sila ay mga halimbawa ng
___________.
A. Pandiwa B. Pangatnig C. Panghalip D. Pangngalan
7. Alin sa mga pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat?
A. Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng isinusulat.

6
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKATLONG LINGGO
B. Nagiging maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat.
C. Nagiging malawak ang paglalahad sa paksa.
D. Nakaaakit basahin ang isang teksto.
8. Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-uulit ng:
A. salita B. parirala C. mensahe D. pangungusap
9. Sa mga cohesive devices, saan nabibilang ang anapora at katapora?
A. Substitusyon B. Pang-ugnay C. Reperensya D. Elipsis
10. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang maging malinaw at maayos ang
kaisipan ng isang teksto?
A. talata C. talasalitaan
B. estruktura D. cohesive

SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.
11. 12. 13. 14. 15.

7
IKALAWANG SEMESTRE-----UNANG KWARTER---IKATLONG LINGGO

You might also like