You are on page 1of 12

INTRODUKSIYON

SA
PANANALIKSIK
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING
PANANALIKSIK:
Pagpili ng Mabuting Paksa
Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang
masusing pag-unawa sa paksa at mga kaugnay na gawaing ibibigay
ng guro.

Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging


matagumpay ang isang sulting pananaliksik.
Mga tanong na maari mong itanong sa iyong sarili bago
tuluyang magpasya sa paksang susuriin:
 Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang pananaliksik at
pagsulat ng ukol dito?
 Angkop,makabuluhan,at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging kapaki-
pakinabang ba ang magiging bunga nito sa akin o sa ibang magbabasa partikular sa
mga kaklase ko?
 Masyado bang malawak o masuklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado?
 Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin?
 Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng impormasyon
upang mapalawak ang aksang napili ko?
Kung Oo ang sagot mo sa mga tanong, maaaring ito na nga ang pinakaangkop na
paksa para sa iyo . Maaari ka nang magpatuloy sa ikalawang hakbang ng pananaliksik
Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)
 Kapag napagpasiyahan na ang paska bumuo ka ng iyong pahayag ng tesis. Ito
ang pahayag ng magsasaad ng posisyong sasagutin o papatunayan ng iyong
bubuoing pananaliksik.
Naririto ang ilang tanong na maaaring gumabay o
magbibigay direksiyon sa pagbuo mo ng pahayag ng
tesis:
 Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong maglahad ng
impormasyong magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon?
 Sino ang aking mga mambabasa? Ang guro lang ba ang makakabasa
ng sinulat ko? Sino pa kaya ang makababasa? Ano kaya ang inaasahan
at karanasan ng aking mga mambabasa?
 Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat
bang kagamitan o sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa
aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang mga ito?
Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
 Kakailanganin mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng iyong mga
sanggunian. Maari ding makakuha ng mga impormasyon mula sa internet.
 Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba’t-ibang sanggunian katulad ng mga aklat,
artikulo, report, peryodiko, magasin, web site, at iba pang nalathalang materya
na ginamit. Makatutulong ang paghahanda ng card ng bibliyograpiya para sa
bawat sanggunian .
Ito’y maaaring isang 3” x 5” na index card na kakikitaan ng mga
sumusunod na mga impormasyon:
 Pangalan ng awtor
 Pamagat ng kanyang isinulat
 Impormasyon ukol sa pagkakalathala
 mga naglimbag
 lugar at taon ng pagkakalimbag
 Pamagat ng aklat
 Ilang mahalagang tala ukol sa nilalaman

Paghahanda ng Tentatibong Balangkas


 Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang magbigay ng
direksiyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy kung ano-anong
materyal pa ang kailangang hanapin.
Pangangalap ng Tala o Note Taking
 Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at card ng bibliyograpiya at
tukuyin kung alin-alin sa mga ito ang kakailanganin sa iyong susulatin.
 Iminumungkahing isulat ng maayos ang iyong mga tala.
Tiyak ng paksang hango Pangalan ng awtor
Sa iyong balangkas Pamagat ng aklat
Pahina

Isulat dito ang iyong tala

TATLONG URI NG TALA:


 Tuwirang sinipi kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sangunian. Gumamit
ng panipi sa simula at dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan ganun din ang
pahina kung saan ito mababasa.
 Boud kung ito’y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto. Ito’y maikli
subalit nagtataglay ng lahat ng mahahalagang kaisipan ng orihinal na teksto. Ito
ang pinaka madalas gamitan sa pagkalap ng tala.
 Hawig kung binago lamang ang mga pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa
orihinal.
Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline
 Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung
may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin. Maaari nang ayusin upang ang
pangwakas na balangkas ay maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong burador.
Pagsulat ng Borador o Rough Draft
 Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card ng tala ay maaari ka nang
magsimulang sumulat ng burador. Tandaan ang isang sulating pananaliksik ay
dapat magkaroon ng intoduksiyon na kababasahan ng mga ideyang
matatagpuan sa kabuoan ng sulatin,ang katawan na kababasahan ng pinalawig
o nalamnam ng bahagi ng iyong balangkas, at ang iyong konklusyon ng siyang
nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik.
Pagwawasto at pagrebisa ng Borador
 I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto
sa iyong borador. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga
pangungusap, ang baybay, bantas, wastong gamit, pamaraan ng pagsulat, at
angkop na talababa o footnote.
Sa pagsulat ng Bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang
sumusunod:
 Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian. Pagsama-samahin ang
mga aklat, pahayagan, websites, at iba pa.
 Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit ang
apelyido bilang basehan.
 Isulat ang Bibliyograpiya gamit ang isa sa ibat ibang estilo ng pagsulat nito.
Kung napiling estilo ay American Psychological Association (APA) maaring
sundan ang sumusunod na pattern para maisulat ang mga ginamit na
sanggunian.
Para sa mga Aklat
 Apelyido ng awtor, pangalan ng awtor. (Taon ng paglilimbag) Pamagat.
Lungsod ng Tagapaglimbag: Tagapaglimbag.

Para sa mga Artikulo sa Payanagan o Magasin


 Apelyido ng awtor. Pangalan ng awtor. Taon ng paglilimbag. Pamagat ng
artikulo. Pamagat ng panayagan o magasin. Paglilimbag = isyu = pahina =
Para sa mga Kagamitang Mula sa Internet
 Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng Artikulo o
Dokumento.”Pamagat ng Publikasyon. Petsa kung kalian sinipi o ginamit
muna sa buong web address simula sa http://.
Pagsulat ng pinal na Sulating Pananaliksik
 Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong
hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na sulatang
pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro.

Sanggunian:
Baker, Jack Raymond at Allen Brizee. (Pebrero 21, 2013) “Writing
A Research Paper.”Online Writing Lab. Accessed August 7, 2015 https://owl.
English.purdu e.edu/owl/resource/658/01/

You might also like