You are on page 1of 27

TEKSTONG

IMPORMATIBO
ALAMIN NATIN!
Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat sa inilaang
patlang ang salitang TUMPAK kung tama ang pahayag at salitang
WASAK kung mali.

__________ 1. . Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng


impormasyon.
__________ 2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ay
nakabatay sa sariling opinyon ng may-akda.
__________ 3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong
impormatibo.
__________ 4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o
sulating pangkasaysayan.
__________ 5. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga
mahahalagang impormasyon patungkol sa tao, hayop at iba pang mga
nabubuhay at mga pangyayari sa paligid.
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng b
abasahing
di-piksyon. Ito ay naglalayong
magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw
at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang p
aksa.
Kadalasang sinasagot nito ang mga
batayang tanong na ano, kailan, saan, sino at
paano.
Uri ng Tekstong
Impormatibo
ayon sa
estruktura
• SANHI AT BUNGA
• PAGKUKUMPARA AT
PAGKOKONTRAST
• PAGBIBIGAY-DEPINISYON
• PAGLILISTA NG
KLASIPIKASYON
• SANHI AT BUNGA

Hindi iningatan ni Totoy ang kanyang


cellphone (sanhi) kaya nasira ito agad
(bunga).
Dahil nag aral siyang mabuti (sanhi) kaya
mataas ang nakuha niya sa pagsusulit
(bunga).
• PAGKUKUMPARA AT
PAGKOKONTRAST

Maayos ang katayuan ni Linda sa Japan


samantalang ang kaniyang kapataid naman sa
Pilipinas ay naghihikaos.

Maganda ang dalawang babaeng anak ni Linda.


• PAGBIBIGAY DEPINISIYON

PAGMAMAHAL - Ang pagmamahal o
pag-ibig ang mag-uudyok sa atin  na
gumawa ng mabuti sa iba. Ang
pagmamahal ang umpisa ng mabubuting
mga katangian. Kung mahal natin ang iba
magiging mas matulungin tayo. Kung mahal
natin ang ating sarili aalagaan natin ito.
• PAGLILISTA NG
KLASIPIKASYON

PAGMAMAHAL SA KAIBIGAN
PAGMAMAHAL SA MAGULANG
PAGMAMAHAL SA KAKLASE
TEKSTONG
DESKRIPTI
BO
ANG MAKULAY NA
PAGLALARAWAN
PANUTO: Tama o Mali. Batay sa sariling paghihinuha, tukuyin kung ang pahayag
ay tama o mali. Isulat sa inilaang patlang ang salitang MATA kung ito ay tama, at
LIMA naman kung ang pahayag ay mali.

__________ 1. Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang


ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila
ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
__________ 2. Gumagamit ang manunulat ng mga salita upang mabuo sa isipan ng
mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
__________ 3. Ang pangunahing layunin ng tekstong deskriptibo ay ipakita at
iparamdam sa mambabasa ang bagay o anumang paksa na inilalarawan.
__________ 4. Mga pang-uri ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang
mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na nais na bigyang-
buhay.
__________ 5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring karaniwan o malikhain.
Ang tekstong deskriptibo ay isang
pagpapahayag ng mga impresyon at
kakintalang likha ng pandama. Sa
pamamagitan ng pang-amoy, panlasa,
pandinig, paningin, at panlasa, itinatala ng
sumusulat ang paglalarawan ng mga
detalye na kanyang nararanasan.
DESKRIPTIBO ANG ISANG TEKSTO
KUNG ITO AY NAGTATAGLAY NG
MGA IMPORMASYONG MAY
KINALAMAN SA PISIKAL NA
KATANGIAN NG ISANG BAGAY,
LUGAR AT MAGING NG MGA
KATANGIAN NG ISANG PANGKAT AT
KALIMITANG SUMASAGOT SA
TANONG NA ANO?
DALAWANG
ELEMENTO NG
PAGLALARAWAN
• KARANIWANG PAGLALARAWAN -
Inilalarawan sa pamamagitan ng simpleng
paglalarawan.

• MASINING NA PAGLALARAWAN
Ito ang malikhaing paggamit ng wika upang
makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa
inilalarawan.
Namatay na pala ang ina ni Jackie kaya naman iyak
ito nang iyak kagabi.

Sumakabilang buhay na ang ilaw ng tahanan sa


pamilyang Foster kaya ang bawat isa ay
nagdadalamhati at naghihinagpis sa subrang
kalungkutan.
1.Matangkad at balingkinitan ang
kaibigan kong si Bia.

2.Mataba at maganang kumain ang


alaga kong aso.
3. Ayon kay dating pangulong Fidel V.
Ramos, tila isang hindi maaasahang president
si Pangulong Benigno Aquino III kapag
nagsasalita. Dagdag niya pa, maaaring
makasama sa imahen ng Pilipinas ang mga
pahayag ng kasalukuyang pangulo tungkol sa
insidente sa Mamasapano.
4. Ang mga anak-dalita sa
lansangan ay kumukulo ang tiyan
dahil sa kawalan ng makakakain.
5. Magaling magturo ang guro
naming sa Araling Panlipunan.
Malakas ang boses niya at
mahusay rin magpaliwanag ng
aralin.
6. Dahil sa giyera, lalong naging
mahirap ang buhay para sa mga
mamamayan ng Mamasapano. Nagdulot
ito ng pagtigil ng mga bata sa pagpasok
sa paaralan at pagkawala ng kabuhayan
ng mg tao.
PAGLIKHA NG PHOTO ESSAY

Ang bawat pangkat ay gagawa ng PHOTO ESSAY.


Maghanap ng mga halimbawang photo essay sa
internet. Pagkatapos, pagdesisyunan kung anong uri
at paksa ng photo essay ang gagawin. Siguraduhing
orihinal ang mga litratong gagamitin dito. May
dagdag puntos din kung itatampok ang sarili sa mga
larawan. Kapag natapos na ay i-post ang photo essay
sa Facebook.
BATAYAN SA GRADO KAUKULAN
G PUNTOS
ANGKOP ANG PAGPILI NG LARAWAN SA NAIS 20
IPARATING NA MENSAHE NG PHOTO ESSAY

MALINAW AT ANGKOP ANG PAGLALAGAY NG 20


MGA CAPTION SA LARAWAN

NAPAPANAHON AT KAPAKI-PAKINABANG ANG 20


NAPILING PAKSA

MALIKHAIN AT NAKAPUPUKAW NG 20
IMAHINASYON ANG KABUUANG PHOTO ESSAY

ANGKOP ANG MGA SALITA/GRAMATIKANG 20


GINAMIT SA PHOTO ESSAY

KABUUAN 100

You might also like