You are on page 1of 6

PABULA

KUWENTONG PANGBATA
PABULA
• Ang pabula ay nagmula sa salitang griyego na “MUZOS”
na ang ibig sabihin ay mito o myth.
• Ang pabula ay nagsimula sa tradisyong pasalita at
nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon
PABULA
• Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung
saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay
ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga,
pagong at matsing, lobo at kambing, kuneho at leon. May
natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula,
sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga
batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang
kuwentong nagbibigay-aral.
Ang Pabula ay nagbibigay aral sa bawat isa.
Ang mga tauhang hayop ay masasalamin ang
mga katangiang taglay ng mga tao tulad ng
pagiging malupit, makasarili, mayabang,
madaya, at iba pa. Kasama rin dito ang mga
positibong pag-uugali gaya ng pagiging mabait,
masunurin at mapagmahal.
Sino si Aesop?
Si Aesop ay isang Griego (Greek) na namuhay nuong panahong 620-
560 BC at itinuturing na ama ng mga sinaunang pabula (ancient fables)
Si Aesop ay isinilang na kuba at may kapansanan sa pandinig. Siya ay
unang lumaki na isang alipin subalit sa kanyang ipinakitang sipag,
katapatan, at talino ay pinagkalooban siya ng kalayaan ng kanyang amo
at hinayaang maglakbay at makilahok sa mga kilos pambayan. Dito
lumabas
at nakilala ang kanyang talino at pagiging makatarungan. Siya ay lumikha
ng mga pabula upang turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at
pakikitungo sa kapwa. Tinataya na siya ay lumikha ng mahigit sa 200
pabula nang siya ay nabubuhay pa.
PANGKATANG GAWAIN

MAGKAKAROON NG READERS

THEATER NA ANG PAKSA AY PABULA.

You might also like