You are on page 1of 36

MAGANDA

NG
HAPON !
Pagsusuri ng
Mitolohiya
Mga Layunin sa Pagkatuto

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


nakapagsusuri ng mitolohiya, na may tuon sa sumusunod:
● Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mitolohiya;
● Naiisa-isa ang elemento ng mitolohiya;
● Naipahahayag ang mahalagang kaisipan ng nabasang
mitolohiya; at
● Naiuugnay ang nabasang mitolohiya sa sarili, pamilya, at
pamayanan.
Lista Tayo!

Bahagi na ng ating pagkabata ang hilig sa panonood, mapa-


cartoons, anime, o pelikula man ito. Kaya naman halos lahat
tayo ay namulat na rin sa iba’t ibang uri ng mga palabas
tampok ang iba’t ibang diyos at diyosa ng Greek mythology. Sa
gawaing ito, ating alalahanin at alamin kung sino-sino ang
iba’t ibang diyos at diyosa na atin noong kinalakihan.
PAGBABAHAGINAN
Sagutin:

1. Anong palabas sa telebisyon ang dati mo nang


napanood tungkol sa mga diyos/diyosa?
2. Anong tagpo ang hindi mo malilimutan sa iyong
napanood?
3. Ano ang iyong natutuhan mula rito?
Pagganyak

Tanong, Sagot!

Panuto: Sagutin lamang ang sumusunod na tanong.

1. Maaari bang makita ang ating sarili sa mga karakter


ng mitolohiya? Paano?
Pagganyak

2. Kung ikaw ay isa sa mga


karakter ng mitolohiya, sino
ka at bakit?

3. Paano mo nakikita ang


iyong sarili kung ikaw ay
isang diyos o diyosa, gaya
ng mga karakter ng
mitolohiya?
MITOLOHIYA
Gawain

Mitolohiya
Nagmula ang salitang mito sa salitang Latin na mythos at
mula sa Greek na muthos na ang kahulugan ay kuwento.
Tinatawag na mulamat ang mitolohiya na tumutukoy sa
matatandang kuwentong bayan tungkol sa mga bathala,
pakikibaka ng daigdig, at kalikasan, at iba pang may
kinalaman sa pagsamba ng tao sa kanilang mga anito o
diyos o diyosa.
Ang mitolohiya ay mga kuwentong-
bayan tungkol sa mga bathala,
pakikibaka ng daigdig at kalikasan, at
iba pang may kinalaman sa pagsamba
ng tao sa kanilang mga anito o diyos-
diyosan.
Gawain

Katangian ng Mitolohiya
1. Kadalasang tungkol sa paglikha ng mga diyos at diyosa sa
daigdig at sa ibang nilalang na nabubuhay.
2. Naglalahad ng pakikipagsapalaran o pakikidigma ng isang tao
para ipagtatanggol ang kanilang pamayanan.
3. Kalimitang patungkol sa ugnayan ng mga diyos at diyosa sa
mga tao.
4.May mga kuwentong nakakabit sa kasaysayan ng isang bansa.
Gawain

Katangian ng Mitolohiya
5. Nagpapaliwanag sa kalagayan at pagpapahalaga ng isang tao.
6. Nagpapakita ng pananampalataya at paniniwala ng mga
sinaunang tao.
Gawain

Elemento ng Mitolohiya

Tauhan
Tagpuan
Banghay
Gawain

• TAUHAN
Ang tauhan ay representasyon ng taong kumikilos
sa kuwento. Gayundin maaari itong maging
representasyon ng sarili sapagkat ang bawat
tauhan ay nagtataglay ng iba’t ibang emosyon at
suliranin.
Gawain

Sa mitolohiya, nagiging tauhan ang mga


diyos at diyosa, sila ay kumikilos ng nag-aasal
ng gaya lamang ng sa ordinaryong tao, ang
kaibahan lamang ay gumagamit sila ng mga
di pangkaraniwang kapangyarihan.
Gawain

• TAGPUAN

Ang tagpuan ay tumutukoy sa


makasaysayang representasyon at simbolo
ng isang lugar na pinagmulan ng kuwento.
Gawain

• BANGHAY

Pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari na nagaganap sa
kuwento.
Pagsusuri

Ang Diwata ng Karagatan


Pagsusuri

SAGUTIN!

1. Sino ang pangunahing


tauhan sa mitolohiyang
napanood?
Pagsusuri

2. Anong suliranin ang kanilang


kinaharap?
Pagsusuri

3. Ano ang kanilang napala sa


pagiging sakim?
Ano ang
kahalagahan ng
isang mitolohiya?

Mayroon bang
magandang dulot
ang pagiging sakim
o mapanlamang?
Ipaliwanag.
Pagpapahalaga

Bakit mahalaga ang pagsusuri


ng isang mitolohiya?
Pagpapahalaga

Bilang isang kabataan, paano


mo hinaharap ang mga
dumarating na tukso o
pagsubok sa iyong buhay?
Kasunduan

Kilalanin ang mga diyos at diyosa ng mitolohiyang Griyego sa


pamamagitan ng pagsasaliksik sa Internet o mga aklat.
Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong, isulat ang
mga sagot sa isang malinis na papel.
1. Ilang diyos at diyosa mayroon ang mitolohiyang
Griyego?
2. Saan nabibilang na uri ng diyos/diyosa sina: Zeus,
Apollo, Aphrodite, Hermes, at Athena?
Dapat Tandaan

Maraming Salamat
at
Paalam!
Inaasahang Pag-unawa

● Ang mitolohiya ay kadalasang tungkol sa paglikha ng mga


diyos at diyosa sa daigdig at sa iba pang nabubuhay na
nilalang, naglalahad ng pakikipagsapalaran o pakikidigma ng
isang tao para ipagtanggol ang kaniyang pamayanan, at
itinatampok ang ugnayan ng mga diyos at diyosa sa mga tao,
kakabit ang kasaysayan ng isang bansa.
Inaasahang Pag-unawa

● Mahalaga ang pagsusuri upang lubos na maunawaan ang


nilalaman ng isang akda. Makahulugan ang bawat elemento
ng isang mitolohiya na maaaring makatulong sa mas mabilis
na pag-unawa ng kuwento.
Inaasahang Pag-unawa

● Makatutulong ang pagsusuri upang malaman ang mga


nakapaloob na aral sa isang mitolohiya, na maaaring magamit
sa kasalukuyang sitwasyon. Gayundin higit na
napahahalagahan ang kasaysayan at kultura ng bansang
pinagmulan ng mga kuwentong ito.
Dapat Tandaan

● Ang mitolohiya ay mga kuwentong-bayan tungkol sa mga


bathala, pakikibaka ng daigdig at kalikasan, at iba pang may
kinalaman sa pagsamba ng tao sa kanilang mga anito o
diyos-diyosan.

● Binubuo ng tatlong elementong tauhan, tagpuan, at


banghay ang isang kuwentong mitolohiya.
Dapat Tandaan

● Mahalaga ang mga elemento sa pagsusuri ng mitolohiya


dahil tumatalakay ang mga ito sa mga kaisipang maaaring
representasyon ng sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, at
daigdig.
Paglalagom

● Ang akdang “Ang Kahon ni Pandora” ay isang mitolohiyang


Griyego.

● Hindi sa lahat ng pagkakataon ay naghahatid ng mabuting


bunga ang pagiging mausisa lalo na kung hindi ito
binibigyang pag-iingat.
Paglalagom

● Mahalagang maging matatag sa mga tuksong dumarating


sa ating buhay.

● Kailangang pangibabawin ang pananampalataya, pag-ibig,


at pagasa sa gitna ng mga negatibong nagaganap sa ating
bansa at maging sa buong daigdig.
Sanggunian

Antonio, Lilia D., et. al. 2008. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lungsod Quezon: C & E Publishing,
Inc.

Cayao, Erlinda A. at Evelyn L. Sebastian. 2006. Readings in World Literature. Lungsod Quezon: C & E
Publishing, Inc.

Eugenio, Damiana. 2001. Philippine Folk Literature: Myths. Lungsod Quezon: University of the Philippines
Press.
Sanggunian

Pena, Estrella C., Jessie S. Setubal, at Patrocinio V. Villafuerte. 2013. Sikhay 10. Lungsod Quezon:
Ephefians Publishing Inc.

Resuma, Vilma M. 2002. Gramatikang Pedagohial ng Wikang Filipino Komunikatibong Modelo. Lungsod
Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.

You might also like