You are on page 1of 43

Pagsusuri ng

Nobela
Yunit6 Aralin 1
Bakit hindi dapat
husgahan ang tao batay sa
panlabas na kaanyuan,
kasarian at kalagayan sa
buhay?
Ang Kuba ng Notre Dame
• Quasimodo - Hinatulan siya ng mga tao na walang kapantay ang
kapangitan, idagdag pa na siya ay isang kuba.
• Ikinasasaya ng mga tao taon-taon sa Notre Dame ang Pagdiriwang
ng Kahangalan. Ito ay pagpuprusisyon sa isang tao na nahatulan
nila. Kukutyain at ipaparada siya sa mga piling lugar sa Paris.
Ang Kuba ng Notre Dame
• Taong 1482, ang kubang si Quasimodo ang napili bilang “Papa ng
kahangalan ng Notre Dame.”
• Pierre Gringoire - isang makata at pilosopo na nagnanais ng
atensyon ng mga tao.
• Habang isinasagawa ang panunuya kay Quasimodo, dumating ang
isang pari na si Claude Frollo, ang umampon kay Quasimodo, at
ipinatigil ang itigil kahangalang nagyayari.
Ang Kuba ng Notre Dame
• Noong naghahanap ng makakain si Gringoire, nasilayan niya ang kagandahan ni
La Esmeralda, isang dalagang mananayaw. Nabighain siya rito kaya naman
nagpasiya si Gringoire na sundan ang dalaga sa pag-uwi.
• Sinunggaban ng dalawang lalaki na sina Quasimodo at Frollo si La Esmeralda.
• Tumulong si Gringoire ngunit hindi kinaya ang lakas ni Quasimodo kaya’t
nawalan siya ng malay.
• Dumating si Phoebus, ang kapitan ng mga tagapagtanggol ng kaharian.
• Nahuli nila si Quasimodo.
Ang Kuba ng Notre Dame
• Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga
pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire dahil sa pagaakalang
kasabwat ito ni Quasimodo.
• Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa
tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan.
Ang Kuba ng Notre Dame
• Lumipas ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw
sa tapat ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao,
napagawi ang mga mata ni Phoebus sa mapang-akit na kagandahan
ng dalaga gayundin si La Esmeralda sa kaniya. Sumikdo ang
kaniyang puso dahil inanyayahan siya ng binata na magkita sila
pagsapit ng gabi upang lubos na magkakilala.
Ang Kuba ng Notre Dame
• Sumapit na ang hatinggabi, oras na upang magkita sina La
Esmeralda at Phoebus.
• Iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame
upang kutyain bago siya bitayin. Ilang sandali pa ay dumating si
Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame patungo kay La
Esmeralda gamit ang tali upag iligtas ang babae.
Ang Kuba ng Notre Dame
• Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy
at magnanakaw na kinikilalang pamilya ni La Esmeralda.
Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig
nila na nagbaba ng kautusan ang parlamento na paaalisin
si La Esmeralda sa katedral.
Ang Kuba ng Notre Dame
• Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda,
tinunton niya ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga.
Nanghina siya sa nakita dahil wala na itong buhay nang makita niya
ang dalaga. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na
noon pa man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga.
Ang Kuba ng Notre Dame
• Habang nakatitig sa walang buhay na katawan ng minamahal na
babae, napasigaw si Quasimodo, “Walang ibang babae akong
minahal.” Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo.
• Maraming taon na ang nakalipas, natagpuan ng isang lalaki ang
puntod ni La Esmeralda at hindi niya akalain ang nasaksihan. Ang
kalansay ng isang kuba ay nakayakap sa katawan ng isang babae.
Gabay na tanong:
1. Kung ikaw ang nasa kalalagayan ni Quasimodo, gagawin
mo rin ba ang mga ginawa niya para kay La Esmeralda?
2. Anong uri ng pag-ibig ang ipinakita ni Quasimodo?
3. Kung bibigyan ka ng pagkakataong bigyan ng sariling
wakas ang akda, ano ang magiging wakas nito?
NOBE
LA
Nobela
 Ang nobela ay isang mahabang akda at salaysay ng kawil-
kawil na mga pangyayari at nagtataglay ng maraming
tauhan.
 Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad
ng mga pangyayari na hinabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas kaya nahahati ito sa iba’t ibang kabanata.
Batayang Konsepto tungkol sa
Nobela
 Ayon sa aklat ni Jose A. Arrogante, ang nobela ay isang
kathambuhay.
 Katha, sapagkat likha ito ng panulat.
 Buhay, sapagkat ang mga pangyayaring isinasalaysay
ay hinago sa mga pangyayaring tunay na naganap sa
buhay.
Batayang Konsepto tungkol sa
Nobela
 Ruth Elynia S. Mabanglo - ang nobela ay isang personal at
tuwirang impresyon ng buhay.
 Ayon kay Rufino Alejandro, isang manunulat at kritiko, ang
nobela ay isang pag-aaral upang maging makatotohanan ang
paglalarawan ng buhay.
 Ang mga pangyayari sa isang nobela ay sumasalamin sa
lipunan at kapaligirang ginagalawan ng may-akda.
ELEMENTO
NG NOBELA
Elemento ng Nobela
1. Tagpuan- sumasaklaw sa panahon at pook na
pinangyayarihan ng kuwento.
2. Banghay- balangkas ng buong kuwento at ang nagbibigay
ng hugis sa nobela.
3. Tauhan- Sila ang gumagalaw o nagpapakilos sa mga
pangyayari sa nobela. Dapat magkaroon ng sariling tatak ng
pagkatao.
Iba pang Elemento ng Nobela
1. Paksang-Diwa- Dapat Makita ang paksang binibigyang-diin sa
nobela. Tungkol saan ang isang akda?
2. Paningin- Ang ginamit na pananaw ng nobelista.
• Unang paningin kung kasali ang may-akda sa kuwento
• Ikalawang paningin kung ang may-akda ay nakikipag-usap sa
ibang tao
• Ikatlong paningin kung ito ay batay sa obserbasyon o nakikita ng
may-akda
Iba pang Elemento ng Nobela
3. Simbolismo at Pahiwatig
 Nagbibigay ng higit na malalim na kahulugan ang paggamit
ng simbolismo sa isang nobela.
 Binibigyang katimpian ng nobelista ang kilos at pananalita
ng mga tauhan sa nobela sa pamamagitan ng pahiwatig.
Mga Layunin ng Nobela
1. Gisingin ang natutulog na diwa at damdamin.
2. Mapukaw ang damdamin ng mambabasa.
3. Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.
4. Magbigay daan tungo sa pagbabago ng buhay at lipunan.
5. Magbigay-aral sa mga mambabasa
Balangkas
ng
Pagsusuri
sa Nobela
Pagsusuri ng Nobela
1. Suriin ang pamagat ng nobela.
Bilang manunuri, kailangang bigyang kahulugan ang
pamagat ng nobela at ang kaugnayan nito sa mga
pangyayari, tauhan at tagpuan, o sa kabuoang nilalaman
ng nobela.
 Ang Kuba ng Notre Dame
Pagsusuri ng Nobela
2. Kilalanin ang may-akda
 Victor Hugo (26 Pebrero, 1802 – 22 Mayo, 1885) Siya ay isang
Pranses na makata, mandudula, nobelista, manunulat ng sanaysay,
artistang pangbiswal, politiko, aktibistang pangkarapatang pantao,
at tagapagtaguyod ng kilusang Romantiko (tagapagtangkilik ng
Romantisismo) sa Pransiya. Kinilala si Hugo bilang
“pinakadakilang makatang Pranses.”
Pagsusuri ng Nobela
2. Kilalanin ang may-akda
 Willita Enrijo - Siya ang nagsalin sa wikang Filipino ng “Ang Kuba ng
Notre Dame.” Siya isang guro kaya malaki ang interes niya sa
pananaliksik sa edukasyon, lingguwistika, pag-aaral sa kultura, mas
mataas na edukasyon, midya, at komunikasyon. Isinalin niya rin sa
wikang Filipino sa “Alegorya ng Yungib” na orihinal na akda ni Plato
tungkol sa taong mangmang na inihalintulad sa isang taong bilanggo sa
kuweba na nakakadena at hindi makagalaw.
Pagsusuri ng Nobela
3. Ilarawan ng mga tauhan.
 Quasimodo – protagonista; ang kuba ng Notre Dame;
tinaguriang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang
labis na kapangitan
 La Esmeralda – protagonista; ang dalagang mananayaw na
nakaaakit ng kalalakihan dahil sa angking ganda; ang
babaeng minamahal ni Quasimodo
Pagsusuri ng Nobela
4. Ilarawan ng mga tagpuan.
 Ang mga pangyayari sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” ay
umiikot sa katedral na tinatawag na Notre Dame. Sa unang bahagi,
dito naganap ang pagdiriwang ng kahangalan kung saan dito
tinawag na “papa ng kahangalan” si Quasimodo. Habang
isinasalaysay ang mga pangyayari, mapapansing hindi mawawala
ag katedral hanggang sa huling bahagi na nagsama sina Quasimodo
at La Esmeralda.
Pagsusuri ng Nobela
5. Ibuod ang nobela.
 Hindi mawawala sa pagsusuri ng isang akdang
pampanitikan ang paglalagom o pagbubuod nito
upang matiyak kung lubos na naunawaan ng
manunuri ang kabuoan ng akda.
Pagsusuri ng Nobela
6. Kilalanin ang ng kabisaan ng akda sa
mambabasa.
a. Bisa sa Isip
b. Bisa sa Damdamin
c. Bisa sa Kaasalan
6. Kilalanin ang ng kabisaan ng akda sa mambabasa.
a. Bisa sa Isip
Ito ay tumutukoy sa mga bagong kaalaman o konseptong
natutuhan matapos mabasa ang nobela.
 Matapos mabasa ang nobelang ito, nalaman kong napakayaman sa mga
akdang pampanitikan ang France. Hindi nawawala sa kanilang mga akda
ang paniniwala at ideolohiya ng kanilang bansa. Nalaman ko rin na
napakamakapangyarihan ng mga pari mula noon hanggang ngayon,
subalit may masamang katangian ang pari sa nobela.
6. Kilalanin ang ng kabisaan ng akda sa mambabasa.
b. Bisa sa Damdamin
Naglalarawan ito sa mga damdamin na napukaw sa iyo at epekto nito
sa sarili mong pagkatao
 Ipinakikita sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” na pagdating sa pagmamahal,
walang anuman o sinumang makahahadlang dito, na pinatunayan nina Quasimodo
at La Esmeralda. Kahit na hindi maganda ang katangiang pisikal ni Quasimodo,
tinanggap pa rin siya ni La Esmeralda. Napukaw at nalungkot ang aking puso sa
ginawang pagpapahiya ng mga tao. Mali na ipinahihiya sa harap ng maraming tao at
inaapakan ang karapatang pantao tulad nina Quasimodo at La Esmeralda.
6. Kilalanin ang ng kabisaan ng akda sa mambabasa.
c. Bisa sa Kaasalan
Sumasalamin ito sa mga pag-uugali at pagpapahalaga na sa tingin mo
ay dapat na palakasin o paunlarin batay sa mga pangyayari sa nobela.
 Ang iniwang aral sa atin ng nobelang ito ay kahit anong pisikal na katangian
mayroon ang isang tao ay tao pa rin siya, humihinga, tumatawa, umiibig, at
nakararamdam ng sakit. Kaya naman kung maaari ay tigilan na ang pagpapasakit o
di kaya ay panghuhusga sa kanila. Hindi man tayo pare-parehas na biniyayaan sa
katangiang pisikal, pare-parehas naman tayo sa paningin ng Diyos.
Pagsusuri ng Nobela
7. Tukuyin ang teoryang pampanitikan na kaugnay ng
akda.
 Teoryang Humanismo - Nangibabaw ang teoryang ito dahil
pinagtuunan ng pansin ang tao o tauhan sa nobela. Ipinakikita ng
teoryang ito ang pagkamarangal ng isang tao na ipinakita ng
tauhang si Quasimodo. Binigyang diin sa nobela ang katangiang
pisikal, damdamin, at pananaw ng pangunahing tauhan.
Pagsusuri ng Nobela
7. Tukuyin ang teoryang pampanitikan na kaugnay ng akda.
 Teoryang Romantisismo - Gumamit din ang may-akda ng teoryang
Romantisismo na nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda. Naniniwala
ang teoryang ito na ang inspirasyon ang pangunahing kasangkapan upang
mabatid ng tao ang katotohanan, kabutihan, at kagandahan na ipinakita ng
pangunahing tauhan na si Quasimodo. Lumilikha ng sariling daigdig at
nagtataglay ng pagkamakasariling karakter ng tauhan. Kaya naman, si
Quasimodo ay sumama hanggang sa kamatayan kay La Esmeralda upang sila ay
gumawa ng sariling daigdig na magkasama.
Pagsusuri ng Nobela
8. Bumuo ng kongklusyon mula sa pagsusuring ginawa.
 Sa kuwentong “Ang Kuba ng Notre Dame,” gusto ni Victor Hugo na sa pamamagitan ng
kaniyang isinulat na kuwento ay maramdaman ng bawat isa na kahit anong pisikal na
katangian ay hindi nababawasan ang “pagkatao.” Dapat mabatid ng bawat indibidwal na
walang puwang ang panghuhusga sa sibilisadong mundo. Mahirap mabuhay tulad ni
Quasimodo na laging hinuhusgahan kahit napakabait niya. Sa kabila nito, naging matatag
at bumangon si Quasimodo mula sa pagkakadapa. Napakagaling ng obrang isinulat ni
Victor Hugo. Ipinakita niya ang realidad na nararanasan ng mga kubang tulad ni
Quasimodo na pinagkakaitan ng karapatan at hinuhusgahan dahil sa katangiang pisikal.
Gabay na tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit pinili ng may-akda na maging
trahedya ang wakas ng nobelang Ang Kuba ng Notre
Dame?
2. Paano makatutulong ang pagkilala sa kalakasan at kahinaan
ng mga tauhan sa isang akda ang kabuoang pagsusuri dito?
3. Bakit mahalagang nasusuri ang mga akdang pampanitikan
gaya ng nobela?
 Mayroong mabubuti at masasamang tauhan ang nabubuo sa
isang akdang pampanitikan. Bawat isa ay may kalakasan at
kahinaang tinataglay.
 Nakatutulong ang mga pangyayari sa akda sa pagpapakita
ng pag-unlad at pagbabago ng aksiyon at katangian ng mga
tauhan sa bawat sitwasyong nagaganap sa kabuoan ng akda.
 Mahalagang nasusuri ang mga elemento ng isang akdang
pampanitikan sapagkat dito makikita ang mga
simbolismo, aral, katuturan, at layunin ng pagkakabuo ng
akda.
Paglalagom

 Ang nobela ay isang akdang pampanitikang nagsasalaysay ng mga


pangyayari sa tunay na buhay. Binubuo ito ng maraming tauhan at
tagpuan na pinakikilos sa iba’t ibang kabanata.
 Mayroong mga teoryang pampanitikan na ginagamit sa pagsipat o
pag-unawa sa mga akda, gaya ng teoryang Humanismo. Ito ay
nakatuon sa pagkilala sa kalakasan at kahinaan ng mga tauhan sa
isang akda.
Paglalagom

 Ang pagsusuri ng mga elemento ng isang nobela ay


mahalagang gampanin ng isang mambabasa upang
makuha ang mensahe at layunin ng akda.
“Ang pinakamahalagang bagay ay hindi
nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na
halaga, puso lamang ang nakadarama”
—Ang Munting Prinsipe
Magandang
Araw

You might also like