You are on page 1of 4

I.

Panimula

PAMAGAT- Ang pamagat ng unang kabanata ng El Filibusterismo ay “Sa Ibabaw ng


Kubyerta. (ipaliwanag kung bakit iyon ang pamagat. Ano ang
sinisimbolo nito sa lipunan?)

MAY-AKDA
 Si Dr. Jose Rizal ay ang pinakadakilang anak ng Pilipinas. Siya ay isinilang noong
ika- 19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Nag-aral siya sa Biñan, Laguna at
nagpatuloy sa Maynila. Tumungo siya sa Europa upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa
medisina.
Dahil sa kaniyang pagmamahal sa sariling bayan ay nag-aral siyang mabuti.
Inihandog niya sa bayan ang kaniyang buhay. Ika-30 ng Disyembre, 1896 nang
siya’y barilin sa Bagumbayan (Luneta) na ngayon ay Roxas Boulevard.

URI NG PANITIKAN
 Ang El Filibusterismo ay isang halimbawa ng nobela sapagkat ito ay binubuo
ng maraming kabanata.

BANSANG PINAGMULAN

 (Ipaliwanag kung saan isinulat at inilimbag ang nobela)

LAYUNIN NG AKDA
 Ipaliwanag kung ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng nobela.

II. Pagsusuring Pangnilalaman

TEMA O PAKSA NG AKDA


 (Ipaliwanag ang paksa ng kabuuan ng nobela)

 (ipaliwanag kung ano ang paksa ng kabanata)

MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA


 (isa-isahin ang mga tauhan sa kabanatang binasa. Ipaliwanag ang kanilang
mga katangian at ano ang kanilang sinisimbolo sa lipunan?)

TAGPUAN/ PANAHON
 Isa-isahin ang tagpuan sa kabanata.
BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

 Nangibabaw sa El Filibusterismo ang temang paghihiganti. Si Crisostomo


Ibarra na nagbalatkayo na kilala bilang si Simoun ay bumalik ng bansa upang
ipaghiganti ang kaniyang kasintahan na si Maria Clara at upang ipaglaban ang
Pilipinas laban sa mga mapang-abusong Kastila na patuloy na lumapastangan
sa mga Pilipino sa panahong iyon. Nagplano si Simoun ng iba’t ibang paraan
kung paano niya pababagsakin ang mga taong may kaugnayan sa kaniyang
paghihiganti. Ang mga pangyayari ay nailahad nang maayos kahit ito’y
karugtong ng Noli Me Tangere.

KULTURANG MASASALAMIN SA AKDA


 Sa nobelang ito, masasalamin ang ilan sa mga kulturang Pilipino tulad ng
pagpapahalaga sa bayan, sa Diyos at maging sa kapwa na hango sa tunay na
pangyayari sa buhay ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga
Kastila.

III. Pagsusuring Pangkaisipan

MGA KAISIPAN/ IDEYANG TAGLAY NG KABANATA


 Hindi natin dapat sisishin ang Diyos kung di man tayo nagtagumpay sa ating
nais gawin o ating ginawa dahil ito ay may dahilan kung bakit niya
pinahintulutang mangyari ang bagay na ganoon at hindi rin natin dapat
gamitin ang pangalan ng Diyos para sa ating sariling kapakanan at kasiyahan
bagkus atin itong igalang at isabuhay at gawin natin ang aral ng Diyos na
“huwag gawan ng masama ang masama” tulad ng ginawa ni Simoun dahil
walang maidudulot na kabutihan ang paghihiganti, matuto tayong
magpatawad dahil nandyan ang Diyos na makatarungan.

ESTILO NG PAGKASULAT NG AKDA


 Ang nobelang El Filibusterismo ay nasa anyong tuluyan. Masining ang
pagkagawa ng akda kung kaya’t nakapukaw ito sa atensyon ng mga
mambabasa lalo na sa panahong ito’y inilathala.

BISA SA ISIP

BISA SA DAMDAMIN
IV. Buod
 Nagsimula ang nobela sa isang paglalakbay ng isang bapor, ang Bapor Tabo.
Doon ipinakilala ang ilan sa mga tauhan tulad nina Simoun, Isagani, Basilio at
marami pang iba. Si Crisostomo Ibarra, ang bida sa Noli Me Tangere, ay
nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na nagngangalang Simoun.
Taglay ang poot at layong makapaghiganti at iligtas si Maria Clara sa
kumbento, naglunsad si Simoun ng mga plano upang bulukin at pahinain ang
pamahalaan para maging sanhi ng himagsikan. Lihim at masinop siyang
nagbalak at nakipagkuntsaba sa iba’t ibang tauhan sa nobela. Una, binalak
niyang manghimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang
magbubukas sa kumbento ng Santa Clara upang agawin si Maria Clara,
Pangalawa, nagkaroon ng pagkakataon si Simoun sa kasal ni Paulita Gomez at
Juanito Pelaez kung saan dadalo ang lahat ng makapangyarihan sa
pamahalaan. Niregaluhan niya ang ikinasal ng isang magarang lampara na
lingid sa kaalaman ng lahat, ito’y nagtataglay ng granada na kapag itataas ang
mitsa upang paliwanagin ay sasabog ito. Sa kasawiang palad, hindi natuloy
ang balak ni Simoun sapagkat nalaman ni Isagani ang maitim na balak na ito
at mabilis na inihagis ang lampara sa ilog. Matapos ang pangyayari,
namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas at nakipagkita kay Padre
Florentino. Nangumpisal si Simoun ng lason upang hindi mahuli ng mga
guwardiya sibil na buhay. Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang
kayamanan ni Simoun sa dagat at umasang matatagpuan iyon at magagamit
para sa kabutihan ng taumbayan.

V. Mga Teoryang Ginamit

 Klasismo- layunin nitong maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa


pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy
ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at lagging
nagtatapos nang may kaayusan.

 Naturalismo- ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang walang malayang


kagustuhan ang isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng
kaniyang herediti at kapaligiran.

 Romantisismo- layunin ng teoryang ito na ipamalas ang iba’t ibang paraan ng


tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kaniyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakihan. Ipinapakita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang
nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kaniyang pag-ibig sa tao o
bayang napupusuan.
 Humanismo- layunin nitong ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng
talino, talent atbp.

You might also like