You are on page 1of 35

JULI

KABANATA (XXX)
MGA TAUHAN
• Juliana o Juli

• Hermana Penchang

• Hermana Bali

• Tandang Selo o Tata Selo

• Padre Camorra

• Kawani at Hukom-tagapamayapa
JULI
-Anak ni Kabesang Tales

-Pinakamagandang dalaga sa Tiani

-Madasalin

-Matiisin

-Masunurin

-Madiskarte sa buhay
HERMANA PENCHANG

-Pinagsilbihan ni Juli

-Masimbahing Ginang

-Mapanghusga sa mga taong may suliranin

-Takot sa mga prayle


HERMANA BALI

-Isang batiking panggigera

-Nangunguna sa pagbibigay-
payo sa mga may suliranin
TANDANG SELO

-Maunawaing tatay ni Kabesang Tales

-Mapagmahal na lolo kay Juli


(ingkong ni Juli)
PADRE CAMORRA
-Isang batang paring Pransiskano

-Kura ng Tiani

-Walang galang sa mga babae lalo na sa


mga magagandang dilag
KAWANI AT HUKOM-TAGAPAMAYAPA

- Dalawang tao na hiningan ng tulong ni Juli bago kay Padre Camorra


MGA KASTILANG SALITA
• Santo Dios – Banal na Diyos
• Santo fuerte - Malakas na santo
• Santo immortal - Banal na walang kamatayan
• Libranaos Señor de la peste – Iligtas mo kami sa salot Panginoon
• Y de todo mal- at ng lahat ng kasamaan
BUOD…
Ang pagkamatay ni Kapitan Tiago at ang
pagkabilanggo ni Basilio ay madaling
napabalita sa kanilang lalawigan. Iba’t ibang
salaysay ang unti-unting kumakalat.
Malulungkot at kakila-kilabot na pangyayari
ang napadagdag. Pinupunan ng mga haka-haka
ang kuwento. At ang mga itoý pinalagay na
tunay na nangyari , kaya nasisindak sila sa
multong sila rin naman ang lumikha.

Sa bayan ng Tiani ay napabalita na ang


pinakamagaan na hatol para kay Basilio ay ang
ipatapon at marahil ipapatay sa paglalakbay
kaya ang mga matatakutin at mapag-alala sa
mga mangyayari ay hindi nasiyahan sa balita.
Nabanggit rin ng mga tao ang nangyari sa
Kabite at napaisip sila na kahit nga na ang mga
sangkot no’n ay mga pari ay binigti parin sa
bibitayan, si Basilio pa kaya na mahirap lang at
walang kaibigan at tagapangalaga?
“Sinabi ko na sa kanya” and sambit ng hukom-
tagapamayapa na para bang napayuhan niya si Basilio.
Sinang-ayunan naman ito ni Hermana Penchang at
sinabing parusa iyon ng Diyos sa kaniya sapagkat raw
ay kapag pumasok ito sa simbahan at nakitang medyo
marumi ang agua bendita ay hindi na ito sasawsaw
upang magkurus at nagsasabi rin ito ng kung ano-anong
maliliit na hayop at mga sakit. “Mabuti nga sa kanya!”
ang wika ni Hermana Penchang.
Ngunit marami ring mga lalaki ang hindi naniniwala na
parusa ito ng Diyos. Pinaniniwalaan nilang walang
katotohanan ang mga paratang kay Basilio sapagkat
siya ay kilalang tahimik at maingat na mag-aaral.
Pinalalagay nila na ang kanyang pagkabilanggo ay
bunga ng paghihiganti ng mga prayle dahil sa
pagkakatubos ni Juli na anak ng tulisang mahigpit na
kaaway ng isang malakas na korporasyon na kilalang
may masamang kaasalan.
“Hindi ako nagkamali sa pagpapalayas sa kanya sa
bahay ko! Ayokong maging kaaway ng mga prayle,
kaya pinilit ko siyang humanap ng salaping pambayad
ng utang niya sakin.” ang wika ni Hermana Penchang
ngunit ang totoo ay ikinagalit niya talaga ang paglaya
ni Juli sapagkat ipinagdarasal at ipinagaayuno siya nito.
Si Hermana Bali ang nagpaabot ng balita kay Juli at sa
kanyang ingkong. Litong-lito ang dalaga at tila hindi niya
nauunawaan ang mga sinasabi sa kanya ni Hermana Bali.
Bumibigat na ang kanyang dibdib ngunit hindi siya
nawalan ng pag-asa, ngumiti siya kay Hermana Bali at
sinabing alam niyang biro lamang iyon kaya sabihin
lamang ni Hermana Bali ay patatawarin niya ito. Ngunit
nagkurus ng kanyang hintuturo’t hinlalaki si Hermana Bali
at hinagkan si Juli, upang patunayan na nagsasabi siya ng
totoo. Nawala ang ngiti ng dalaga, namutla siya, nawalan
ng lakas at unti-unting nawalan ng malay.
Nang bumalik ang malay ni Juli matapos siyang sampalin,
kurutin, wisikan ng malamig na tubig, gamitan ng kurus at
palaspas na bendita noong Linggo de Pascua, napagkuro
niya ang kanyang kalagayan. Naisip niya rin si Basilio at
ang kalagayan nito. Napaiyak siya ng tahimik, Si Kapitan
Tiago lamang ang tagapagtangkilik ni Basilio at ngayong
wala na ito ay wala ring kalaban-laban sa bilangguan si
Basilio sapagkat sa Pilipinas kailangang magkaroon ng
padrino o tagapagtangkilik sa lahat ng bagay.
Sinasabi rin na ang pagkabilanggo ni Basilio ay para
maghiganti sa kanya at sa kanyang ama kaya ang
kalungkutan ni Juli ay umabot na sa kawalang pag-asa.
Ngayon ay tutubusin niya ang kaniyang katipan
gaya ng pagtubos nito sa kanya sa pagpapaalila.
Isang tinig ang nag-udyok sa kanya, at nilarawan
nya sa kanyang isip ang isang kakila-kilabot na
paraan, Si Padre Camorra, ang kura paroko!
Noong nadakip ang kanyang ingkong na si
Tandang Selo dahil sa pagkakasala ng kanyang
ama ay si Padre Camorra lamang ang nakatulong
upang makalaya si Tandang Selo ngunit hindi ito
nasisiyahan sa pasasalamat lamang, humingi siya
ng kapalit kay Juli na pagpapakasakit. Mula
noon, iniiwasan na siya ni Juli. At tuwing
magkikita sila ay pinapahalik ni Padre Camorra
ang dalaga sa kanyang kamay, kumukindat ito sa
dalaga at hinihipo niya rin ang ilong at pingsi
nito.
Si Juli rin ang sanhi ng pagbugbog ng kura sa
ilang mga binatang naglilibot at nananapatan sa
dalaga.
Nang mabilanggo si Basilio ay ipinangako ng
kanyang maaawaing mga kamag-anak na gagawin
ang lahat upang mailigtas ang binata ngunit bahagya
na silang makalikom ng piso.
Kaya gaya ng dati ay si Hermana Bali ang nakaisip
ng pinakamagandang paraan. Sinabi niya na ang
dapat nilang gawin ay humingi ng payo sa kawani.
“Bigyan mo ng sikapat at isang tabako at sasabihin
niya sayo ang lahat ng batas hanggang lumaki ang
ulo mo sa pakikinig. Ang kawani rin daw ang
nakapalabas sa kapitbahay ni Hermana Bali na si
Simon sa halagang kalahati’t sikolo at sa isang
bungkos na bawang.
Sinunod ni Juli ang payo ni Hermana Bali,
pinapunta niya si Hermana Bali sa kawani at
pinadalhan ng sansalapi at ilang piraso ng tapang
usang napangaso ng ingkong niya. Ngunit walang
magagawa ang kawani dahil ang bilanggo ay nasa
Maynila at hindi iyon saklaw ng kanyang
kapangyarihan.
Ngunit para hindi masira ang pananalig sa kanya at
para rin makuha niya ang tapang usa ay binigyan
niya ng payo si Hermana Bali, “Pumunta kayo sa
hukom-tagapamayapa, ngunit kailangan kasama
ninyo si Juli.
May kagaspangan ang pag-uugali ng
hukom tagapamayapa, ngunit maaring
makiharap ito ng mabuti kapag nakita
si Juli. Pumunta nga sila sa hukom at
matamang pinakinggan nito si Hermana
Bali ngunit paminsan-minsan ay
sumusulyap kay Juli.
Ngunit sa huli ay sinabi ng hukom kay
Juli na si Padre Camorra lang
makakapagligtas kay Basilio, kung
iibigin niya.At tumingin siya ng
makahulugan kay Juli. Pinagpayuhan
niya ang dalaga na makipagkita kay
Padre Camorra.
Sumang-ayon si Hermana Bali sa payo ng
hukom, handa siyang samahan si Juli sa
kumbento ngunit tumanggi si Juli. Batid ni
Hermana Bali ang pag-aatubili ni Juli, si
Padre Camorra ay tinaguriang isang kabayong
lubhang likot.
Nagmakaawa si Juli na si Hermana Bali na
lamang ang magpunta sa kumbento ngunit
sabi ng hukom na masaganang idinidilig ng
langit ang kanyang hamog sa mga sariwang
bulaklak kaysa sa mga tuyot.Ang talinghagay
naging isang kahalayan.
Habang nasa daan na sila ay nagmatigas na
tumanggi si Juli kaya umuwi nalang sila.
Sumama ang loob ni Hermana Bali dahil sa
kawalan ng tiwala ng dalaga sa kanya. Bilang
pagganti ay binigyan ni Hermana Bali ng
mahabang sermon si Juli.
Matapos iyon ay palaging binabangungot
si Juli sa kanyang tulog, nakikita niya ang
kanyang ama na tinutulis na para bang
isang hayop sa kagubatan, nakikita niya
ring napapalitan ng imahe ni Basilio ang
kanyang ama. At nagdaan ang maraming
araw ng kawalang pag-asa.
Isang araw ay dumating ang isang
manlalakbay mula Maynila at ibinalita
niya na lahat ng bilanggo ay nakalaya na
maliban kay Basilio na walang
tagapagtanggol, ang dagdag pa niya,
ipapatapon ang binata sa Carolinas.
Ang balitang iyon ang nagwakas sa
pagaatubili ni Juli at namumutla na tila
wala nang nakikita na hinanap niya si
Hermana Bali..
Nasiyahan si Hermana Bali sa pasya ng dalaga.
Pinayapa niya ang kalooban ni Juli ngunit hidi
ito nakikinig at nagmamadali lang upang
makarating sa kumbento. Nag-ayos ng mabuti
si Juli, tila ay masiglang-masigla siya ngunit
tuwing magsasalita siya ay hindi
nagkakaugnay-ugnay ang kanyang mga
sinasabi.
Nang malapit na sila sa bayan ay pinanghinaan
ng loob si Juli, bumagal ang kanyang
paglalakad. “Gagabihin na tayo” ang wika ni
Hermana Bali kaya sumunod si Juli sa kanya
ng namumutla. Noong tanaw na nila ang
kumbento ay napahinto at nangatal si Juli.
Ayaw na ni Juli na tumuloy sa kumbento kaya
hinatak nalang ni Hermana Bali ang dalaga.
“Sige! Pabayaan mong ipatapon at barilin si
Basilio. Saka ka na magsisi kapag patay na
siya, sa ganang akin, wala akong utang na loob
sa kanya. Wala siyang maisusumbat sa akin.”
wika ni Hermana Bali. Naniniwala si Hermana
Bali na kahit may masamang pag-uugali si
Padre Camorra ay hindi ito mangangahas sa
harap niya.
Wala na ngang nagawa si Juli at pumasok nalamang sa kumbento. Sinundan
siya ni Hermana Bali at binigyan ng mga paalala…
Nang gabing iyon, maraming bulong-bulungan
tungkol sa mga pangyayaring naganap nang
hapon na iyon ang naganap. Isang dalaga ang
tumalon sa bintana ng kumbento, bumagsak siya
sa bato at namatay. Kasabay noon, isang babae
ang lumabas sa lansangan na nagsisigaw at
nagtitili na parang baliw. Mga maingat ang
naroon, walang nangahas bumanggit sa pangalan
ng dalawang babae. Pagkatapos noon ay merong
matandang lalaki na galing sa nayon ang
sumugod sa kumbento at tinuktok ang pinto ng
kumbento na nakapinid at natatanuran ng mga
katulong ng kura. Umiyak siya at nanangis na
parang isang pipi.
Pagkatapos ay pinuntahan ng matanda ang
gobernadorsilyo, hukom-tagapamayapa, tenyente
mayor, mga guardia civil ngunit lahat ng mga ito
ay sinasabing nasa loob ng kumbento.
Bumalik ang matanda sa nayon na parang isang bata. Ang kanyang pananaghoy
ay naririnig sa katahimikan ng gabi. Napakagat-labi ang mga lalaki. Napadaop-
kamay ang mga babae.
“O Diyos ko, Sa harap mo po’y walang mayaman, walang mahirap, walang
puti o itim. Bigyan mo po kami ng katarungan” ang wika ng babaeng
namamayat.
“Oo. Kung ang kanilang Diyos na ipinangangaral ay hindi gawa-gawa lamang,
isang panlilinlang. Sila ang unang-unang hindi naniniwala sa Kanya!” sagot ng
asawa.
Nang mag-iikawalo ng gabi, pitong prayle mula sa mga karatig na bayan ang
nagpupulong daw sa kumbento. Kinabukasan, si Tandang Selo ay tuluyan nang
lumisan sa kanilang nayon dala ang kanyang sibat sa pangangaso.
ARAL
• Ipinakita sa kabanatang ito na ginagawang basehan ang estado ng tao sa kung paano siya tatratuhin.
Ipinakita na kapag mahirap ka lang ay madali ka lang imaltrato kagaya ng pagkakakulong ni Basilio
ng walang basehan at di makalaya dahil walang padrino na malakas sa pamahalaan. Pinapaalala nito
sa atin na kung meron tayong nakikitang hindi makatarungan ay dapat tayong lumaban rito para
makatulong na maging mas pantay ang pagtrato ng mga tao sa isa’t isa dahil iyon ang dapat.
• Ipinakita rin sa kabanatang ito ang pananamantala ni Padre Camorra kay Juli. Ginamit niya ang
pangangailangan ni Juli para “masatisfy” ang kanyang pagnanasa sa dalaga. Nagdulot ito sa
pagpapatiwakal ni Juli. Ipinapaintindi nito sa atin kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ng mga
binabastos, babae man o lalaki. Kaya nagsilbi itong aral na hindi tayo dapat gumawa ng isang bagay
na makakapahirap ng isang tao kagaya ng pambabastos dahil nagdudulot ito ng matinding “trauma”
sa isang tao at minsay umaabot rin sa pagpapatiwakal kagaya ng nangyari kay Juli.
• Ang panghuli naman ay ipinakita ang intensidad ng isang wagas na pagmamahal. Ipinakita ito noong
nagawa ni Juli na isakripisyo ang kanyang sarili para mapalaya si Basilio. Kapag tunay ang iyong
pag-ibig ay makakaya mong gawin ang mga bagay na hindi mo inaasahang kakayanin mo.
ANG MATAAS NA
KAWANI
KABANATA (XXXI)
MGA TAUHAN
• Mataas na Kawani

• Kapitan Heneral

• Ben Zayb
MATAAS NA KAWANI

-Kagalang-galang

-May paninindigan

-May mabuting kalooban

-Mapanuri

-Makatarungan
KAPITAN HENERAL

-Nais magpakita ng kasipagan at


pagpapahalaga sa oras kaya ginagawa
niya ang importanteng pagpapasiya
habang naglilibang at nagmamadali

-Pinunong pabigla-bigla

-Makapritsong humatol

-Hindi alintana ang kapakanan ng


kanyang pinamumunuan
BEN ZAYB

-Mamahayag na malayang mag-isip

-Utak sa lumalabas na magaganda at


mabubuting balita tungkol sa Kapitan
Heneral
MGA KASTILANG SALITA
• estado de sitio – hustisya ng kapayapaan

• Medicina Legal y Toxicologia – Legal na Medisina at Toxicology

• Ministerio – Ministeryo
Sa tulong ng mamamahayag na si Ben Zayb, hindi lumabas
sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Juli. Tanging lumabas
sa mga sirkulasyon ay ang kabutihan ng Heneral na gawa-
gawa lamang nila.
Nakalaya na sa piitan sina Isagani at Makaraig. Si Basilio na
lamang ang nasa loob ng bilangguan.
May nakapagpayo sa Kapitan Heneral na dapat ay may
maiwang isang bilanggo upang mapanatili ang karangalan
ng mga namumuno. At kung hindi, maaring masabi na
gumawa sila ng katakot-takot na ingay gayong wala namang
anumang nangyari. Kapangyarihan muna bago ang lahat
kaya dapat may maiwan.
Sinang-ayunan ito agad nga Kapitan Heneral ngunit pinuna
siya ng mataas na kawani at ipinaglaban nito si Basilio.
Sinabi ng mataas na kawani na si Basilio ay isang mag-aaral
ng medisina at nasa huling taon na siya ng pag-aaral, at saka
si Basilio rin daw ang pinaka walang kasalanan sa lahat
kaya dapat siyang palayain. Nainis ang heneral sa
pagsalungat ng mataas na kawani sa kanyang pasiya dahil
matagal narin silang may iringan.Sinabi ng heneral ay mas
makakabuti nga na ipaiwan si Basilio para makapag-aral pa
ulit ito ng isang taon para na rin sa kanyang mga
paglilingkuran at sinabi rin niyang dapat may maiwan dahil
sasabihin ng mga di nasisiyahang repormista na di natin
pinangangalagaan ang bansa. Pinilit man ng mataas na
kawani ang iba’t ibang rason kung bakit hindi dapat
panatilihin si Basilio sa bilangguan ay hindi talaga
pumapayag ang Kapitan Heneral.
Tinanong ng mataas na kawani ang heneral kung hindi ba ito
natatakot sa kanyang mga ginagawa ngunit kampante ang
heneral sa kanyang taglay na kapangyarihan at sinabi niyang
sigurado siyang walang magagawa ang isang hamak na alila
para patumbahin siya.
Umabot na sa puntong nasagad na ang pasensiya ng mataas
na kawani at inilahad nito ang kanyang saloobin sa
pamumuno ng heneral. Sinabi niyang ang Espanya ay hindi
kailangang mapaniil upang maging dakila. Sinabi rin nito na
sa ibabaw ng lahat, bago ang kanyang pagka-kastila ay isa
siyang tao at hindi nila nauunawaan ang kadakilaan ng
pangalang Kastila. “Inuugnay niyo ito sa mga tao, sa mga
pag-aari. Sa ganang inyo ay maaring ang Kastila ay maging
pirata, mamamatay-tao, mapagbalatkayo, taksil o kahit ano
pa wag lang mawala ang kanyang pag-aari. Para sa akin
dapat handang iwaksi ng Kastila ang lahat wag lang ang
karangalan.” Dinagdag niya pa na kabihasnan, liwanag,
kaunlaran at karunungan ang ipinangako ng Espanya sa
Pilipinas ngunit ang mga ginagawa ng heneral ay ang mga
kabaliktaran nito. At kapag hindi mabago ang pamamalakad
ay maghihimagsik ang mga Pilipino balang araw. “Tinitiyak
ko sa inyo na papanigan ko ang mga Pilipino kapag sila’y
naaapi, sapagkat pipiliin ko pa ang mamatay para sa
niyuyurakang karapatan ng sangkatauhan, kaysa
magtagumpay kapanig ng isang bansa, na ang hangarin ay
ikagagaling lamang ng kanyang sarili, kahit na ang bansang
iyon ay ang bansang Espanya.” wika ng mataas na kawani..
At hindi iyon ikinatuwa ng heneral, “Alam ba
ninyo kung kalian aalis ang susunod na
barkong pang-koreo? malamig na sambit ng
kamahalan.

Tahimik na lumisan ng palasyo ang mataas na


kawani. Naghihintay na sa kanya ang karwahe.

“Kung balang araw ay nakapagsarili na


kayo….alalahanin ninyo na sa Espanya ay may
mga pusong tumibok nang dahil sa inyo at
nagtanggol sa inyong mga karapatan” sambit
ng mataas na kawani sa isang Indiong lacay na
nagbukas ng pintuan ng karwahe.

Nagbitiw sa katungkulan ang mataas na kawani


at ipinabatid ang kanyang pagbabalik sa
Espanya sa susunod na pag-alis ng barkong
pang-koreo.
ARAL
Ang sinumang taong hindi kumampi sa
pinaslang ay kasabwat at dinudungisan ang
sariling budhi.
- Patricia De Los Angeles

You might also like