You are on page 1of 2

KABANATA 18: ANG PANDARAYA

(Binati ni Mr. Leeds ang mga manonood na pinahihintuluutan niyang lumibot sa kanyang
tanghalan.)

Narrator: Lumubog na ang araw, at lumabas na ang buwan. Gabi na. Maraming tao ang dumayo
sa perya, lalo na sa tanghalan ni Mr. Leeds. Si Mr. Leeds ay isang Yankeeng magaling magsalita
ng Kastila dahil sa matagal na paninirahan sa Timog Amerika.

(Siniyasat ni Ben Zayb ang Mesa, kung may dayang salamin sa ilalim nito.)

Mr. Leeds: May hinahanap po ba kayo, Ginoo?

Ben Zayb: Hinahanap ko ang mga salamin. Nasaan?

Mr. Leeds: Po? Salamin? Wala naming salamin dito ah. Huwag kang mangbintang.

(Pinagtawanan siya ng mga manonood, bumalik siya sa kanyang upuan.)

Ben Zayb: (Bumulong) Alam kong may pandaraya dito.

(Pumasok si Mr. Leeds mula sa isang pinto.)

Mr. Leeds: Ang kahong ito ay kinuha ko mula sa isang silid ng piramide ni Khufu, kinikilalang
ikaapat na lipi ng mga faraon.

(Kinuha ni Mr. Leeds ang itim na tela mula sa kahon, hinahanap parin ni Ben Zayb ang salamin.)

Binibini: Ahh, amoy bangkay, kasing-amoy ng apat na libong taon!

Ben Zayb: (Lumingon kay Padre Camorra) Amoy simbahan!

Mr. Leeds: Ang laman ng kahong ito ay isang dakot ng abo at isang putol na pirasong papyrus na
may dalawang salitang nakasulat. Kapag bibigkasin ang unang salita, ang dakot ng abo ay
magiging ulo, at ang ikalawang salita naman ang makapagbabalik nito sa unang anyo. Bubuhayin
ko na ang abo, at makakausap ninyo ang isang ulo. (Pinaglakbay ni Mr. Leeds ang mga mata niya
sa mga manonood.) DEMEREF!

(Dumilim ang lampara, napasigaw ang mga manonood, umuga ang mesa. Napakapit si Padre
Salvi sa isang binibini.)

(Bumukas ang kahon. Sumulpot ang ulo.)

(Luminga-linga ang ulo, at napatitig kay Padre Salvi.)

Mr. Leeds: Sino ka?

Imuthis (ang ulo): Ako si Imuthis. Ipinanganak ako noong panahon ni Amasis at pinatay noong
pananakop ng Persya nang papauwi si Cambises mula sa sinaunang paglusob ng Libya. Nang
matapos ako sa pag-aaral ay naglakbay ako sa Gresya, Asirya, at Persya. Papauwi na ako sa
aking bayan nang mapadaan sa Babylonia. Nakatukals ako ng lihim doon. Ito ay isang lihim ng
pantas na si Gautama. Tinangka nila akong paslangin dahil sa takot na isiwalat ko ang pandaraya
ng mga saserdote.
Mr. Leeds: At paano ito isinagawa ng mga saserdote?

Imuthis: May kasintahan ako noon. Anak sa ligaw ng isa ring saserdote. Napakaganda niya,
animo’y isang bulaklak na kabubukadkad lamang. Hindi nakapagtatakang mahaling din sa kanya
ang isang batang saserdote. Malapit na kaming ikasal noon,kaya gumawa ng paraan ang aking
karibal na ako’y makulong. Pinaratangan niya akong rebelled at ginawa pang ebidensya ang mga
papyrus na nasa pag-iingat ng aking mahal.

Imuthis: Nang ako’y nakapiit na, hinalay ng saserdote ang babaeng pinakamamahal ko.
Nasaksihan koi to, subalit wala akong magawa dahil ako’y isang ispiritu na lamang noon.
Mangyari’y napatay ako ng aking mga bantay nang magtangka akong tumakas. (Humarap kay
Padre Salvi) Naririto ako ngayon upang isalaysay ang karumal-dumal na krimen ng saserdoteng
iyan! Walang kapatawaran ang ginawa mo sa aking mahal! Demonyo! Demonyo!

Padre Salvi: Maawa ka! Tumahimik ka! Tumahimik kaaa! Maawa kaaa!

(Nagkukunwaring naiinitan na si Padre Salvi sa loob ng bulwagan.)

Imuthis: Kriminal! Mapagbintang! Ipapakulong kita! (humalakhak)

(Hinimatay si Padre Salvi, at maraming babaeng nagpanggap na nahihilo. Nawala ang ulo. Naging
maayos na ang lahat.)

Ben Zayb: Hindi ako makapaniwala. Nasaan ang salamin?

(Umalis na ang lahat.)

Narrator: Kinabukasan, naglathala si Ben Zayb ng isang artikulo tungkol sa isang lihim na
karunungan. Dahil doon ay iniutos ng Kapitan Heneral na huwag palabasin ng bansa si Mr. Leeds.
Ngunit, nakatakas rin si Mr. Leeds. Sa pamamagitan ng mga espiya, napag-alaman ng Kapitan
Heneral na nasa Hong Kong si Mr. Leeds. Iniutos niya sa mga sundalo na pumunta sa Hong Kong
at di kalaunan, nadakip si Mr. Leeds. Ipinapunta ng Kapitan Heneral si Mr. Leeds sa Perya at
ipinaharap sa mga tao, kasali na ang mga padre at si Ben Zayb na nanonood ng pagtatanghal.

Mr. Leeds: Inaamin ko, na ang ulong si Imuthis ay isang panlilinlang at isang pandaraya lamang.
Subalit, ang laman ng kanyang mga kuwento ay may halong katotohanan at may
pinagbabasehan, ang palabas ko ay isang katotohanang nakatago sa isang pandaraya. (Tinignan
si Padre Salvi ng makahulugang tingin).

Characters:
Mr. Leeds- Daniel Padre Camorra/Irene-

Imuthis- Jusfer Padre Salvi-

Ben Zayb- Kapitan Heneral-

Sundalo- Narrator-

You might also like