You are on page 1of 2

el filibusterismo kabanata: 21 – iba’t ibang anyo ng maynila

tagpuan : gabi na at maraming nakapila sa “teatro de variedades” para mapanood ang isang
dulang itatanghal ni ginoong jouy. Ito ay naging usap usapan at mabilis na naubos ang mga
tiket. Isang kastilang nagngangalang camaroncocido ang kinakahiya ng kapwa kastila dahil ito ay
alintana hindi man lng nag ayos at hitsura ang pumasok sa dulaan.

Tiyo kiko : binigyan nila ako ng mataas na pabuya dahil Maganda ang aking pagkakadikit ng mga
paksil dahilan para dumami ang manood ng dula

“kung anim na piso ang ibinayad sa iyo, magkano kaya ang ibibigay nila sa mga prayle na
nagpapabawal ng palabas? Alam mo bang ang kikitain ng palabas na ito ay iaabuloy nila sa
kumbento?”

Nahati ang maynila sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa palabas. Sina don custodio at mga
prayle ay tumututol sa kadahilanang ito daw ay masagwa at imoral

Camaroncocido : Nakita mo na kung sino ang humahakot ng mga manonod? Hindi ang kartil
kundi ang pastoral”- wika ni camaroncocido kay tiyo kiko “ang kalahati ng mga nanonood sa
teatro ay dahil ayaw sumunod sa kautusan ng mga prayle at ang kalahati ay inaalam ang dahilan
kung bakit ipinagbabawal ng mga prayle ang isang palabas. Dumagsa ang mga tao dahil dito, tila
higit na mabisang pang-akit sa mga tao ang pagbabawal ng mga prayle .” nagtatakang
napatingin na lamang si tiyo kiko kay camaroncocido.

Muling naglakad si camaroncido nang makaalis si tiyo kiko. Napansin niya ang isang taong
nakasuot ng amerikana subalit halatang may iniiwasan. “ano kaya ang mayroon? Magnanakaw?
O maniniktik? Ah bahala na sila sa buhay nila!”

Isa namang kawal ang Nakita niyang kinakausap ang mga hindi kilalang tao, pagkuwa’y umalis
ito at pinuntahan ang isang karwahe kung saan nakasakay si simoun

“isang putok ang hudyat. Ito ang utos ng heneral,” wika ng kahina-hinalang lalaki
Umalis ang karwahe
Camaroncocido : may binabalak sila” – subalit pagkaraan niyon ay ipinagsawalang bahala rin ni
camaroncocido kung anuman ang narinig at nasaksihan

Muling naglakad si camaroncocido at may narinig na naman siyang dalawang taong nag uusap.
Ang isa ay may hawak na rosary “ang mga prayle ay malakas sa kapitan heneral. Ang kapitan
heneral ay umaalis samantalang ang mga prayle ay naiiwan. Yayaman tayo, basta’t isang putok
ang hudyat!” naulingan din ni camaroncacido ang pinaguusapan ng mga taong may kahina-
hinalang kilos

You might also like