You are on page 1of 8

EL FILIBUSTERISMO KABANATA 37-39

(SCRIPT)

Kabanata 37:
“ Ang Hiwagaan ”

Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita, ang mga pagbabangon at mga
supot ng pulbura. Ito ang naging paksa ng usapan ng lahat - palihim nga lamang.
Si Chikoy, payat na platero. Ay nagdala ng hikaw para kay Paulita nang
tinatanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at
nakita niya mismo ang suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa
bubungan, sa likod ng mga upuan.

Ayon kay Ginoong Pasta, isa lamang sa mga kaaway ni Don Timoteo o isa sa mga
karibal ni Juanito ang makakagawa nito.

Si Isagani ay nasa bahay ng platero. Naroon sa bahay ng mga platero si Isagani.


Anang may-aring si Kapitan Loleng ay magtago si Isagani.

Ngumiti lamang si Isagani.

Nagpatuloy si Chikoy. Dumating na raw ang mga sibil. Walang dapat sisihin. Sina
Don Timoteo at Simon lamang ang sinasabing namamahala sa pagpapanumbalik
ng bahay na ito. Pinaalis ang sinumang hindi kailangan para sa imbestigasyon.

Sa kasamaang palad, kung kahit isa sa mga empleyado ay naninigarilyo, ang buong
Anlogue ay sasabog. Kung pumutok ang mga pulbura noong gabi.
Nangatakot ang mga babae. Naghulaan kung sino ang pinaghihinalaan. Mga
prayle. Si Quiroga. Isang estudyante. Si Makaraig. At tumingin si Kapitan
Toringgoy kay Isagani. Ani Chikoy: “Ayon sa ilang kawani, si Simoun.”
Nagtaka ang lahat.
Naalala ni Momoy, isang dumalo sa piging, ang pagalis ni Simoun sa bahay bago
magsimula ang hapunan.

Nawawala si Simoun, patuloy ni Chikoy. Kasalukuyang isinasagawa ang isang


pribadong paghahanap. Parami nang parami, ang katotohanan na si Simoon ay ang
diyablo na nagkatawang-tao ay pumasok sa isipan ng mga babae.

Naalala uli ni Momoy ang pagkakaagaw sa ilawan ni Simoun na nuo’y


namamatayan ng ningas. Nagpayo’t dito sa silid ni Isagani. Nagpatuloy si
Chikoy. Tinataya raw ng mga maykapangyarihan na ang ilawan ay siyang
magpapasiklab sa pulbura.

Nahintakutang gayon na lamang si Momoy. Ngunit nang makita ni Siensa ang


nakatingin sa kanya ay nagtapang-tapangang nagsabi: Masama ang ginawa ng
magnanakaw. Mamamatay sanang lahat! Nag-antanda lahat sa takot ng matanda at
babae. Lumapit si Momoy kay Isagani.

“Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya”. Ani Isagani na mahiwang nakangiti.


“Kung nalaman lamang ng magnanakaw na iyon kung ano ang nilalayon.
Kung siya sana ay nakapag-isip-isip tiyak na di niya gagawin ang gayon.
Pantayan man ng kahit ano. Hindi ako tatayo sa kanyang kalagayan!”

Saka nagpaalam si Isagani. Ngunit upang hindi na bumalik pa sa kanyang amain.


Kabanata 38:
“ Kasawiang-palad ”

Buong Luzon halos ang nilaganapan ni Matanglawin sa kanyang panunulisan.


Siya’y pumatay sa hukom pamayapa sa Tiyani, nanunog, nangulimbat. Ngayo’y
sa Batangas, bukas ay sa Kabite, di maglilipat-araw ay sa Tayabas, pagkatapos ay
sa Panggasinan o sa Albay. Laging naliligtasan ni Matanglawin ang mga habol sa
kanya. At sa kawalangkaya ng mga Sibil sa dumakip sa mga tulisan ay mga
magsasakang walang sala ang kanilang dinarakip.

Anim o pitong magsasaka ang dinakip ng mga sibil matapos ang pag-salakay ni
Kabesang Tales. Ang kanilang mga gapos ay Abut-siko at kabit-kabit, at sila ay
nakayapak na walang sombrero sa mainit na tanghali ng Mayo, ang kanilang mga
mukha ay napupuno ng pawis at alikabok na may halong poot at kawalan ng pag-
asa.

Hindi mapahid ang mahapding pawis na sumisigid sa kanilang mga mata. Kung
may isang nabubuwal sa hapo at gutom ay hinahagupit silang lahat at ang nabuwal
ay makakaladkad sa kanilang pagtakbo. Sumigaw ang nabuwal na patayin siya.
umiiyak na parang bata at isinusumpa ang oras ng kanyang pagsilang.

Nilalait pa sila ng mga Guwardiya Sibil. Nguni’t may isang Sibil na tutol sa
gayong pagmamalupit. Nang di makatiis ay sumisigaw na rin ito sa mapagparusa:
“Hoy, Mautang, bayaan mo silang magsilakad nang payapa! Nagpakikilalang
bago ka nga lamang Carolino patuya pang tugon ni Mautang. Ano ba ang
ginagawa ninyo sa mga bihag ng digma? Pinakukundanganan namin.” Tugon
ni Carolino: “Mangyari’y kaaway na nagsilaban ang mga iyon ang mga ito’y
mga kababayan natin! Ganti ng mapagpahirap.” At bumubulong kay Carolina:
“Ginaganyan natin iyan upang lumaban o tumakas at nang barilin na lamang
natin.”

Isang bilanggo ang sinumpong ng pagdumi o pag-ihi marahil at nakiusap na


payagan muna siyang makatigil nang sandali ngunit hindi siya pinayagan. Ang
lugar raw na ito ay mapanganib. Napapaligiran sila ng mga bundok.

Higit kang malupit pa kaysa mga Kastila, anang bihag.

Isang putok nang narinig. Gumulong-gulong si Mautan at puno ng dugo ang


kanyang dibdib mula sa kanyang bibig

“Alto!” Sigaw ng kabong putlang-putla (matatapang lamang sa walang laban).


Isang putok pa at ang kabo naman ang tinamaan sa bisig at namaluktot sa sakit.

Itinuro ng kabo ang mga bilanggo. Fuego! sigaw niya at ang mga bihay ay
pinagbabaril. Noon lamang lumaban ng putukan sa mga nasa batuhan ng bundok.
Tinatayang tatlong riple lamang ang nasa ibabaw ng batuhan. lumusob ang mga
sibil. Ang unang umakyat patungo sa pinangungublihan ng mga di kilalang
kalaban ay gumulong-gulong na pababa.

“Hala, Carolino! Nahan ang mabuti mong pagpapatama!” pasigaw na wika ng


kabo.

Isang lalaki ang biglang lumitaw sa ibabaw ng isang talampas. Nagwawasiwas ito
ng baril.

“Paputukan!” sigaw ng kabo kasabay sa pagmumura.


Tatlong kawal ang nangagputok. Patuloy na may isinisigaw ang lalaki. Hindi siya
mauunawaan.

Natigilan si Carolino. Parang nakilala niya iyon. Tinutukan siya ng baril ng kabo.
Ipinagbabaril sa kanya ang lalaki. Tumalima si Carolino. Gumulong at nawala sa
talampas ang lalaki. May isinigaw ito. Natulig si Carolino.

Ang mga nagtatago sa itaas ay tila nagsitalilis. lumusob ang mga sibil. Isa pang
lalaki ang lumitaw sa talampas. Itinaas ng lalaki ang kanyang sibat. Binaril siya ng
mga kawal. Nabulid ang lalaki.

Ang unang nakarating sa tuktok ay isang naghihingalong matandang lalaki,


binayoneta ito. Hindi man lang kumurap ang matanda. tanaw ni Carolino. Ang
daliri ay nakaturo sa likod ng talampas.

Gulilat at putlang-putla si Carolino. Nakilala niyang ang matanda’y ang ingkong


niyang si Tandang Selo. Nakita niyang ang mga nanlalalim na mata ng matanda ay
mga salamin ng matinding hinanakit. At nang mamatay ito ay patuloy na may
itinuturo sa likod ng talampas.
Kabanata 39:
“ Katapusang Kabanata ”

Malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si Padre Florentino. Si Don


Tiburcio de Espadana ay nag-akala na siya ang Kastila na binanggit sa telegrama at
siya ay dinakip noong gabing iyon. Pinaniniwalaang natunton siya ni Doña
Victorina.

Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng Guwardiya Sibil sa bayan kay Padre


Florentino sa ngalan ng pagkakaibigan. Anang telegrama: “Espanyol escondido
casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte.”

Ang totoo ay ang Kastila na tinutukoy ng telegrama ay si Simon. Dumating doon si


Simoun na sugatan dalawang araw bago nito. Tinanggap siya ng pari nang hindi
nagtatanong. Hindi nabalitaan ng pari ang nangyari sa Maynila. Inakala ng pari na
may nagtangkang maghiganti kay Simon dahil wala na ang Kapitan Heneral. Ayon
sa mag-aalahas, ang kanyang mga galos ay sanhi ng kawalang-ingat. Nagkasiya
ang pari sa palagay. At iyon ang nagpatunay ng hinala ng pari na si Simon ay
tumakas mula sa mga humahabol na kawal nang matanggap niya ang telegrama.

Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera. Pumayag siyang


paalaga kay Dr. de Espadana lamang. Malubha ang mga sugat ni Simoun.

Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng Pari ang kahulugan ng


pakutyang ngiti ni Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa
ikawalo ng gabi ang dating ng mga darakip. Naisip ni Padre Florentino na si Simon
ay isang palalo na tao. Dati makapangyarihan, ngayon ay kahabag-habag.
“Nguni’t bakit sa kanya pinili ni Simoun na makituloy?” At darakpin na lamang
nang patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti nang pakutya. Pinag-isipan ni Padre
Florentino kung paano nailigtas ng isang paring Pilipino si Simoun nang hindi niya
iginagalang ang kanyang pagkapari at pagiging Indiyano.
Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang buwan ang
nakalilipas upang tulungang makalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun ang gumawa
ng mga kaparaanan upang mapadali ang pag-aasawa ni Paulita kay Juanito na
lubos na ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga kapwa tao. Nilimot
ni Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang pagliligtas kay
Simoun. Nguni’t parang walang pagnanasang mailigtas ni Simoun ang sarili.

Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Wala nang mapanuksong


ekspresyon sa mukha ni Simoun. Parang may lihim na sakit ang mag-aalahas.

Napagtanto ng pari na uminom ng lason si Simoun. Nabaghan ang pari.

Sinubukan ni Padre Forentino na humanap ng lunas para kay Simoun. Bulalas ng


mag-aalahas na hindi na siya dapat mag-aksaya pa ng oras dahil mamamatay
siyang dala niya ang kaniyang sikreto. Nakaluhod sa isang reclinatorio, ang pari ay
nanalangin sa paanan ng rebulto ni Hesukristo, buong kabanalang kanyang inilapit
ang isang silyon sa maysakit, at tumalagang makinig.

Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Halos nasindak ang Pari.
Malungkot na ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng Pari ng panyo ang mukha at
tumungo upang makinig. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay. Labintatlong
taon siya sa Europa. Nagbalik siyang puno ng pangarap at pag-asa. Pinatawad ang
mga nagkasala sa kanyang ama pabayaan lamang siyang mabuhay nang payapa.
Ngunit mahiwagang mga kamay ang nagtulak sa kanya sa isang kaguluhang gawa-
gawa at ang lahat ay nawala sa kanya: pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan,
kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng isang kaibigan. Tinika
niyang maghiganti. Nangibang bansa siya dala ang bahagi ng kayamanan ng
kanyang magulang at siya’y nangangalakal. Nakilahok siya sa himagsikan sa
Kuba. Nakilala niya roon ang Kapitan Heneral na noon ay kumandante pa lamang.
Pinautang siya. Naging kaibigan matalik dahil sa kawalanghiyaan ng Kapitan na si
Simoun ang nakaalam. Sa tulong ng salapi ay nakuha niyang maging Kapitan
Heneral ang kaibigan at naging sunud-sunuran sa kanya dahil sa katakawan sa
salapi. Inupatan niya ang Kapitan sa paggawa ng maraming kabuktutan.
Ang pagtatapat ni Simoun ay mahaba, na tumagal hanggang hating-gabi. Inihingi
ng tawad ng Pari ang mga pagkukulang ni Simoun at hiniling niya kay Simoun na
igalang ang kalooban ng Diyos. Mahinahong tinanong ni Simoun kung bakit hindi
siya tinulungan ng Diyos na makamit sa kanyang layunin. Ang sagot ng pari ay
dahil masama ang kaniyang paraan. Ang kasalanan at kasamaan ay hindi
makapagliligtas sa mga nadungisan ng kasalanan at kasamaan. Ang poot ay
lumilikha lamang ng mga banta. Ang krimen ay mga salarin ang nililikha. Ang
pag-ibig lamang ang makakagawa ng mga dakilang bagay. Ang katubusan ay
kabutihan; ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig.

Tinanggap ni Simon ang lahat ng sinabi ng pari. Inaamin niyang nagkamali siya.
Ngunit itinanong niya kung, dahil sa mga maling ito, ipagkakait ng Diyos sa mga
tao ang kanilang kalayaan at ililigtas ang napakaraming higit pang salarin kaysa sa
kanya. Ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis nang ang mga adhika
nila ay makilala at lumaganap. Ang nararapat na gawin ay magtiis at gumawa ang
tugon ng Pari.

Napailing si Simoun. “Ang magtiis at gumawa ay madaling sabihin sa mga


hindi pa nakaranas ng pagtitiis at paggawa. Anong klaseng Diyos ang humingi
ng ganoon kalaking pagpapasakit. Sinabi ng Pari ay ito raw ang isang Diyos na
makatarungan. Diyos na nagpaparusa sa kakulangan natin ng pananalig at sa
mga gawa nating masama. Pinabayaan natin ang kasamaan kaya’t katulong
tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay di natin dapat tuklasin sa tulong ng
patalim. Tuklasin natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at
karangalan ng tao... Gumawa tayo ng mabuti, tapat at marangal hanggang
mamatay tayo dahil sa kalayaan.”

Pinisil ni Simoun ang kamay ng Pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil
pa. Nagbuntunghininga si Simoun. Higit na mahabang katahimikan.

You might also like