Professional Documents
Culture Documents
TALASALITAAN:
Tanyag- kilala
Mamamahayag- namamahagi ng balita
Tinagurian- binasagan
Makahalubilo- makasama
Sinusuri- inaalam
Kawani- kasapi
Pag-aalinlangan- pagdadalawang-isip
BUOD
Ang pagdedesisyon sa akademya ng wikang Kastila
ay nasa mga kamay ni Don Custodio de Salazar y Sanchez de
Monteredondo ay tanyag sa lipunan ng Maynila. Bawat kilos
niya ay namamansin ng mga mamahayag. Tinagurian siyang
Buena Tinta. Bata palang siya nang dumating siya sa
Maynila. Siya ay nakapag-asawa ng isang maganda at
mayamang mestisa. Aktibo siya at nahirang sa maraming
posisyon sa pamahalaan.
Kabaliktaran naman ang sinapit nito nang bumalik
siya sa Espanya. Walang pumapansin dito ni hindi siya
makahalubilo sa mga mayayaman dahil sa kakulangan a pag-
aral. Wala pang isang taon ay napagpasyahan nitong bumalik
sa Pilipinas. Mahigit labinlimang araw na niyang sinusuri ang
kasulatan. Nang usisain ng mataas na kawani ang lagay ng
mga balak ng mag-aaral, sumagot si Don Custodio ng may
kasamang pag-aalinlangan, bagama’t ibig ipakilalang natapos
na niya.