You are on page 1of 11

Kabanata 12:

“SiPlacido
Penitente
..Tauhan..:
Placido Penitente – pinakamatalino sa kanilang bayan, tinanghal na
pilibustero ng kura ngunit gustong tumigil sa pag-aaral
Juanito Pelaez – mapapel na estudyante at kinagigiliwan ng mga
propesor
Isagani – napatigil sa pagsasalita nang makita si Paulita
Paulita Gomez – bumaba sa karwahe na kasama si Donya Victorina
Tadeo – pumasok lamang sa paaralan upang magtanong kung may-
aral at saka magdadahilan na siya’y maysakit, ngunit nakakapasa
parin sa mga pagsusulit at kinatutuwaan ng mga propesor
Buod
Masama ang loob ni Placido Penitente habang patungo sa Unibersidad ng
Santo Tomas sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral kahit wala pang isang
linggo nang siya’y lumuwas mula sa kanilang bayan. Dalawang beses na siyang
sumulat sa ina na kung pwede ay magtatrabaho nalang siya sa halip na mag-aral .
Pinakiusapan na lamang siya ng kanyang ina na magtiis-tiis nang kaunti dahil
sayang ang apat na taon nilang paghihirap upang makapagtapos lamang siya ng
Batsilyer sa Artes.

Siya ang bantog na pinakamatalino sa paaralan ni Padre Valerio sa Tanawan,


pinakamagaling sa Latin, mahusay makipagtalo at mahusay umiwas sa magusot na
suliranin. Tinanghal rin siya nang kanilang kura bilang pilibustero dahil sa kanyang
katanyagan kaya naging palaisipan sa kanyang mga kaibigan kung bakit gusto niyang
tumigil sa pag-aaral. Maliban sa siya’y masalapi, wala naman siyang bisyo at di
mapagpaniwala sa mga kura.
Sa tulay ng Espanya ay makikita ang mga
binatang patungo sa loob ng Maynila upang pumasok
sa kani-kanilang paaralan:

Taga-Ateneo – nakadamit Europeo, matuling lumakad, kilik ang mga aklat at iniisip
ang kanilang mga leksyon
Taga-San Juan de Letran – nakadamit Pilipino at kaunti ang dalang aklat ngunit marami
ang kanilang bilang
Taga-Pamantasan – maayos manamit at baston ang dala-dala sa halip na libro
Mga Kababaihang Estudyante – bitbit ang mga aklat kasunod ang kanilang mga alila
patungo sa “Escuela Municipal”
Nang papasok na si Placido sa pintuan ng Sto. Domingo tinapik siya ni Juanito
Pelaez. Si Pelaez ay mapapel at kinagigiliwan ng mga guro. Siya’y may kayabangan,
kakulitan, mapagbirong tingin at mapanuksong ngiti. Siya’y anak ng mayamang
mangangalakal na mistisong Kastila sa Maynila.
Kinamusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang
pagbabakasyon niya sa Tiyani. Nakilala niya doon si Padre Camorra at sinabing
siya’y masaya at matapat tulad ni Padre Paco. Nangharana sila ng mga babae at
halos lahat raw ng bahay ay kanilang napanhik dahil sa maraming magagandang
dalaga. May ibinulong si Juanito na ikinagulat ni Placido at idinagdag pa niya:

“…maisusumpa ko sa iyo… na wala siyang magagawa, dahil sa isang utos


lamang ng pamahalaan ay maaaring mawala ang ama, asawa o kapatid… at yari
ang usapan. At may nakilala kaming isang mangmang, na tila katipan ni Basilio.
Napakaulol ng taong iyan. Pumili ba naman ng katipang hindi marunong ng
wikang Kastila, walang yaman at alila pa. Napakasuplada nga ngunit maganda.
Isang gabi’y binaston ni Padre Camorra ang nangharana sa kanya, sayang at hindi
sila napatay. Ang babae ay may kasupladahan pa rin, ngunit may araw din siya.”
Nagtanong ng leksyon si Juanito kay Placido sapagkat noon lamang
siya nakapasok. Noong nakaraang araw wala silang pasok. Noong
Miyerkules ay umambon, noong Martes naman ay kaarawan ng kanilang
propesor. Dinalhan nina Placido ang kanilang gurong may kaarawan ng
orkestra at binigyan ng regalo. Noong Lunes, ang leksyon nila ay tungkol
sa mga salamin.
Niyaya ni Juanito si Placido na maglakwatsa. Tumutol si Placido
sapagkat alam niya na magpapatuloy parin ang kanilang leksyon kapag
dalawa lang ang kulang sa kanilang klase (ang kanilang silid ay mayroong
150 mag-aaral) at naalala din niya ang paghihirap ng kanyang ina upang
siya’y mapag-aral sa Maynila.
Papasok na sana sila sa liwasan ng Sto. Domingo nang may naalala si
Juanito. Nanghingi siya kay Placido ng abuloy para sa bantayog ng isang
Paring Dominiko na si Pari Baltazar. Nagbigay si Placido ng apat na piso
bilang ambag.
Nakarating na sila sa Unibersidad at nakita nila si Isagani
kasama ang ibang mag-aaral. Bigla na lamang napansin ang
kakaibang kilusan sa mga pulutong. Natigilan sa pagsasalita si
Isagani at namutla nang makita ang bagong dating na
karuwahe.
Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na
kasama si Donya Victorina. Si Donya Victorina ay binati ng
buong giliw si Juanito Pelaez. Si Tadeo na kaya lamang
pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at
kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit sa
anong himala ay nakakapasa parin siya sa mga pagsusulit at
kinatutuwaan pa ng mga propesor.
Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Nguni’t may tumawag kay Placido. Pinalagda si
Placido sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Macaraig at sinasabing nilagdaan na ito ng 2
carabineros celestiales , isang samahan ng mga banal na tumutulong sa Diyos upang sugpuin ang
kasamaan. Hindi lumagda si Placido. Nalaala niya ang isang cabezang nabilanggo nang lumagda sa
isang kasulatang di binasa. Nguni’t sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si Placido.

Nang makarating na siya sa kanilang klase nagdadalawang isip siya kung siya ba ay papasok dahil
may lagda na ang kanyang pangalan. Paalis na sana siya nang naalala niya na malapit na ang kanilang
pagsusulit at inakala niya na ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala
ng kanyang guro at magiging daan para siya’y makapasa.

Pumasok si Placido ngunit pakaladkad niyang hinila ang kanyang sapatos tulad nang sa bakya . At
siya nga’y napuna ng guro na lihim na nagbanta,

“walang galang, lagot ka sa akin.”


Pagtalakay sa Nilalaman...
1. Anu-ano ang mga katangian ni Placido? Bakit ibig na niyang itigil ang pag-aaral?
2. Maganda ba ang payo ng ina kay Placido? Bakit?
3. Anu-ano ang ibig palitawin ng may-akda sa pagkakalarawan ng mga estudyanteng
naglalakad?
4. Anong uri ng estudiyante si Juanito? Bakit? Anu-ano ang simulain niya sa pag-aaral?
5. Anong uri ng propesor ang ibig ipakilala ni Rizal sa kabanatang ito? Patunayan ang
kasagutan.
6. Sino si Tadeo? Mayroon ba tayong mga Tadeo sa paaralan ngayon bakit?
7. Bakit ayaw lumagda ni Placido sa kasulatan? Anu-ano ang dahilan?
8. Bakit pumasok pa rin si Placido gayong alam niyang nalagyan na ng tanda ang pangalan
niya?
9. Papaano pinuna ng may-akda ang pag-aaral ng mga kabataan noon? Ano ang ikinaiiba
nito sa mga pag-aaral ngayon?
10.Dumating na ba sa inyo ang mawalan ng gana sa pag-aaral? Ibigay ang mga dahilan.

You might also like