You are on page 1of 33

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Floramie Jimenez- Ebalang


PunDaSan National High School

PAMATAYANG PANGNILALAMAN

Panitikan: Nobela ni Jose P. Riⱬal


Tema: EL FILIBUSTERISMO sa Nagbabagong Daigdig

PUKOS NA TANONG SA ARALIN:

Kailangan bang magkaroon ng kamalayan ang isang kabataan sa mga nangyari sa kaniyang
bayan? Ipaliwanag.

PRODUKTO:

Paggawa ng sariling komiks na nagpapakita ng sariling kabayanihang ginawa para


sa wika at bayan.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: F10 PN-IVd-e-85

 Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang


namayani sa akda.

MARKAHAN: Ikaapat LINGGO: Ikalima ARAW: Una

I- LAYUNIN:

 Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang


namayani sa akda.

II- NILALAMAN:

a. Paksa: SI ISAGANI

b. Pamagat: - Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta


- Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Estudyante

c. Pagsama-sama: (ESP) Anong katangian ng tao na dapat taglayin


1. upang magtagumpay sa kanyang mithiin?

d. Estratehiya: Tahasang Pagtuturo

e. Kagamitan: babasahin buod ng kabanata; rubriks bilang pamantayan sa


pagtataya
f. Sanggunian: https://pinoycollection.com/el-filibustero-buod/
Aklat; El Filibusterismo. Aviva Publishing

III- PAMAMARAAN:
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. BAGO ANG TALAKAYAN
1. Panalangin Manalangin tayo….
2. Pagtatala ng mga lumiban
3. Pagbabalik-aral
4. Pagganyak Score board:
Pangkatin sa dalawa ang klase. Bawat pangkat Pangkat I- Pangkat II-
ay bigyan ng ginulong titik mula sa pamagat (puntos) (puntos)
ng kabanata.

- YERATBUK -GANIASI - KUBYERTA ISAGANI


NATAABAK KABANATA
- GAM-LAARA - MILAIL MAG-AARAL ILALIM

Paunahan sa pagdikit sa pisara.


Ang unang makabuo ay makakuha ng limang
puntos. Hal.
Pabuuin ang mga mag-aaral ng pangungusap Sa ilalim ng Kubyerta ay isa sa
mula sa nabuong mga salita kabanata ng El Filibusterismo.

B. PANAHON NG TALAKAYAN

1. Pagpapalawak ng Talasalitaan

Sa kaparehong pangkat , maaaring gawin


paring paligsahan ang pagsagot
Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salitang
may salungguhit.

Hanay A. Hanay B.
1. katabing tampipi a. makisali
2. paghitit ng apyan b. sipol Mga Sagot:
3. paswit ng bapor c. sisidlan ng damit
4. aambag ng singkapat d. bawal na gamot 1. C
5. nahihiyang makisalamuha e. kwalta sa panahon ng 1. D
espanyol 2. B
3. E
4. A
2. Paglalahad

Sa buong linggong ito ang buong paksa natin


ay “SI ISAGANI”.

May pitong kabanata na hahatiin natin sa


limang araw, kung saan nasangkot ang buhay
ni Isagani sa nobelang ito.

Sa araw na ito ang ating tatalakayin ay;


Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta
Kabanata14:Sa Bahay ng mga Estudyante

3. Pagtalakay

Sa kaparehong pangkat, bigyan ng tig-iisang


kabanatang tatalakayin

Ibigay ang babasahin sa bawat pangkat


sasagutin ang gabay na mga katanungan.

I-Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta

 Ilarawan ang sumusunod;


-Basilio, Isagani, Kapitan Tiyago, Padre
Florentino, Paulita Gomeⱬ

II- Kabanata14:Sa Bahay ng mga Estudyante


Maaaring Sagot:
 Sino si Macaraeg at bakit sa tahanan niya
idinaos ang pulong sa Wikang Basilio ay mag-aaral ng medisina.
Akademya ng Wikang Kastila? Isigani ay mas bata na nag-aral sa
Ateneo.
Si Paulita Gomeⱬ ay kasintahan ni
Isagani.
Padre Florentino ay klerigong Indiyo
at tiyo ni Isagani.
Bigyan ng 15 minuto ang mag-aaral para
basahin at sagutan.
Si Macaraeg ay isang mayamang mag-
aaral ng abogasya at ang pinuno ng
kabataang nagsulong ng Wikang
Kastila sa Akademya.
Maluwag at may malaking bahay kaya
doon idinaos ang pulong.

Pag-uulat sa klase
- Hayaan ang guro na magdesisyon sa paraan
ng pag-uulat.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:
KRAYTERY Pinakamahusay Mahusay Katamtaman ang Walang
A 5-4 4-3 Husay (2) Partisipasyon
(1-0)
Presentasyo Napakaganda Magandang Hindi Walang
n ang ang masyadong naipakitang
isinagawang pinakitang maganda ang presentasyon
presentasyon presentasyon ginawang
presentasyon
Nilalaman Ang lahat ng Ang Hindi lahat na Walang
miyembro ay miyembro ay miyembro ang ideya ang
nagbigay ng nagbigay ng nagbigay naibigay
ideya ideya
Kooperasyo Ang lahat ng Ang Hindi lahat ay Walang
n miyembro ay miyembro ay tumulong naiambag
nagtutulungan nagtulungan ang
miyembro
KABANATA 2: (Buod)
Sa Ilalim ng Kubyerta

Pumunta si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Palibhasa’t lahat ng


gamit at mga kargamento ay doon din matatagpuan kaya naman
masikip sa lugar na iyon para sa mga pasahero.

Naroon sa ilalim ng kubyerta ang dalawang estudyate na sina


https://pinoycollection.com/el-
Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay nang manggamot, at filibustero-buod/
si Isagani na isang makata at katatapos pa lamang sa Ateneo.

Kausap ng dalawa si Kapitan Basilio kung saan nadaanan ng


kanilang pag-uusap si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw siya, ani Padre
Irene na naging tagapayo ng kapitan nitong nga huling araw.

Napunta naman ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante


tungkol sa pagtuturo ng mga Kastila. Ayon kay Kapitan Basilio ay
hindi raw ito magtatagumpay. Tutol naman dito ang dalawang
binata. Maya-maya pa’y lumayo na si Kapitan Basilio.

Noo’y napag-usapan nila si Paulita Gomez, ang kasintahan ni


Isagani na maganda, mayaman at may pinag-aralan na pamangkin
ni Donya Victorina. Ipinahahanap ng Donya kay Isagani ang
kanyang asawa na si Don Tiburcio de Espadaña. Ito ay nasa bahay
pa ni Padre Florentino na amain ng binata, nagtatago. Pag-babasa ng mga mag-aaral

Ilang sandali pa’y dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan.


Agad na ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani.

Ani Simoun, hindi niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio


dahil ang kanilang lalawigan ay mahirap at di makabibili ng
alahas.

Tinutulan naman ito ni Isagani at sinabing hindi sila namimili ng


alahas dahil hindi naman nila kailangan. Napangiti si Simoun sa
sinabi ng binata. Paliwanag niya, dukha daw ang lalawigang https://pinoycollection.com/el-
filibustero-buod/
nabanggit niya dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.

Inanyayahan ni Simoun ang magkaibigan sa pag-inom ng serbesa


ngunit ito’y tinanggihan ng dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi
umano ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil
pala-inom ng tubig at hindi ng serbesa.

Tinugon siya ni Basilio at sinabing, “sabihin ninyo kay Padre


Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa,
marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan.”

Dagdag pa ni Isagani, “lumuluhod sa alak at sa serbesa na


pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging
malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan.”

Tinananong naman ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling


itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak
na karagatan ang tubig.

Sinagot siya ni Isagani ng “kapag pinainit ng apoy; sa sandaling


ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa
kailalimang hinuhukay ng tao.”
Pag-babasa ng mga mag-aaral
Binigkas din ni Basilio ang isang tula ni Isagani tungkol sa
pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam
engine). Ngunit ayon kay Simoun ay pangarap daw iyon dahil ang
makina ay hahanapin pa.

Nang umalis na si Simoun ay saka lamang nakilala nang lubusan


ni Isagani ang mag-aalahas na tinatawag ding Kardinal Moreno.

Pamaya-maya pa’y may dumating na utusan upang ipatawag ang


pamangkin ni Padre Florentino. Ngunit nakita ng kapitan ang pari
kaya ito ay inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.

Buod ng El Filibusterismo
Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaral
Ang tinitirahang bahay ni Makaraig ay malaki. Maluwag ito at https://pinoycollection.com/el-
filibustero-buod/
puro binata ang mga nakatira na pawang nangangasera.

Mayaman si Makaraig at kumukuha ng kursong abogasya. Siya


ang pinuno ng kilusan para sa Akademya ng wikang Kastila.
Inimbitahan ni Makaraig ang mga pangunahing mag-aaral na sina
Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez upang pag-usapan ang
kanilang pakay. Pag-babasa ng mga mag-aaral

Si Isagani at Sandoval ay naniniwala na maaaprubahan ang


pagbukas ng paaralang samantalang si Pecson ay nag-aalinlangan.
Nagkaroon sila ng debate sa maaring maging aksiyon sa kanilang
paaralan. Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit
at pagpapahalaga sa mga Pilipino.
https://pinoycollection.com/el-
filibustero-buod/
Isang magandang balita ang ibinahagi ni Makaraig. Si Padre Irene
umano ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa
kanilang adhikain.

Dagdag pa niya, kailangan ng kanilang grupo ang pagpanig ni Don


Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang
panig.

Dalawang tao ang maari umano nilang lapitan upang kumbinsihin


si Don Custodio na pumanig sa kanila. Ito raw ay si Ginoong Pasta
na isang manananggol at ang mananayaw na si Pepay.

Napagkasunduan nila na kay Ginoong Pasta lumapit upang maging


marangal ang kapamaraanan.

4.Pagpapalalim

a. Pagkakaroon malayang talakayan

 Ano ang palatandaan ni Simoun sa -Kapag ang isang bayan ay hawak ng


pagiging dukha ng isang bayan noon? isang Klerigong Indiyo.

 Paano inuuri ng Pilipino ang kalagayan -Nasa ilalalim ng Kubyerta ang mga
ng tao sa lipunan sa pamamagitan ng taong walang paelna ginagampanan sa
kubyerta? lipunan.
 Paano naiiba ang kabataang estudyante
noon at ngayon sa pangkalahatang pag- -Noon malaking respeto sa mga guro o
uugali bilang mag-aaral? namumuno sa paaralan kahit may
labag sa kanilang kalooban.Ngayon
masyadong Malaya sila saa kanilang
gusto.
 Anong klaseng mag-aaral ang mga ka-
grupo ni Makaraig? -May sobrang palaaral, may bulakbol,
may maramdamin, may mainitin ang
uloat ang iba naman ay hindi matapos-
tapos ang kaharutan sa iba pang kapwa
mag-aaral.

b. Pagsama-sama (ESP) – Anu-anong


katangian ng tao na dapat taglayin upang -may sipag at tiyaga
magtagumpay sa kanyang -mapagpakumbaba at may pananalig
mithiin sa buhay? sa Diyos.

C. PAGKATAPOS NG TALAKAYAN
1. Pagtataya

Maikling pasulit hinggil sa paksa.

A. Anu-ano ang ginawa ng pamahalaan upang Mga maaaring sagot:


mapabuti ang kapalaran ng mga mag-aaral ngayon? -nagpapatayo ng mga paaralan
1. -nagbibigay ng mga materyales na
2. mgagamit sa pag-aaral gaya ng aklat at
3. iba pa.
4. -Dagdag guro sa pampublikong
5. paaralan
-libre at walang bayad
B. Pagpapaliwanag( 5puntos)

Kailan mo masasabing isang tunay na kaibigan ang


isang tao?
Kapag dumamay sa oras ng kagipitan
2. Takdang Aralin at hindi ka iiwanan sa panahon ng
Isulat sa kuwaderno ang sagot kalungkutan.
Basahin ang Kabanata 15?

-Sino si G. Pasta?
-Ano ang pakay ni Isagani kay G. Pasta?

Kabanata 22

-Bakit bakit matagal nagsimula ang palabas?


- Paano ipinakita ng mga tao ang pagkainip?
D. REPLEKSIYON
Pagninilay sa iyong mga estratehiya sa pagtuturo. Tayain
ang paghubog ng iyong mga mag-aaralsa bawat lingo. Paano mo
ito maisasakatuparan? Ano pang tulong maaaring mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad
sa iyong superbisor sa anumang tulong na maari nilang maibigay
sa iyo sa inyong pagkikita.

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang


gawain para sa remediation.

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na


nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mag-aaral na nagpapatuloy sa remediation.

E. Bilang ng mag-aaral na na nakakuha o nkaintindi sa


aralin.

F. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng


lubos? Paano ito nakatulong?

G. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa


tulong ng aking punung guro at superbisor?

H. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais


kong ibahagi sa kapwa ko guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10


Floramie Jimenez- Ebalang
PunDaSan National High School

PAMATAYANG PANGNILALAMAN
Panitikan: Nobela ni Jose P. Rizal
Tema: EL FILIBUSTERISMO sa Nagbabagong Daigdig

PUKOS NA TANONG SA ARALIN:


Kailangan bang magkaroon ng kamalayan ang isang kabataan sa mga
nangyari?

PRODUKTO:
Paggawa ng sariling komiks na nagpapakita ng sariling kabayanihang ginawa
para sa wika at bayan.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Nasusuri ang mga kaisipang luting sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao,


magulang)

MARKAHAN: Ikaapat LINGGO: Ikalima ARAW: Ikalawa

I- NLAYUNIN:

Nasusuri ang mga kaisipang luting sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao,


magulang)

II- NILALAMAN:

a. Paksa: SI ISAGANI
b. Pamagat: Kabanata 15: Si Ginoong Pasta
Kabanata 22: Ang Pagtatanghal
c. Pagsama-sama: (ARTS) Anu-anong palabas ang kadalasang
pinanonood sa kasalukyan?
d. Estratehiya: Tahasang Pagtuturo
e. Kagamitan: Manila paper, panulat, scotch tape, mga larawan
f. Sanggunian: https://pinoycollection.com/el-filibustero-buod/
Aklat:El Filibusterismo.Aviva Publishing Inc.
III- PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-


AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN

1.Panalangin Manalangin tayo……

2. Pagtala ng lumiban Maaaring tagatala ng lumiban ang


magsalita
3. Pagganyak

 Ipakita sa pisara.
1. RODRIGO ROA DUTERTE 1. RODRIGO ROA DUTERTE
2. SHOWTIME O EAT BULAGA 2.SHOWTIME O EAT BULAGA

 Hayaan ang mag-aaral na magbigay ng Hal.


kanilang opinyon hinggil sa nakita. 1.Pangulo, malakas, abogado,
nagpapatupad ng batas
 Magbigay hinuha sa mga salitang nabasa sa Hal.
pisara. 2.palabas, masaya, maraming tao,
B. PANAHON NG TALAKAYAN

1. Paglalahad
 Ang mga nabasa sa pisara ay may kinalaman
sa paksang tatalakayin natin ngayon;

-Kabanata 15:Si Ginoong Pasta


-Kabanata 22: Ang Pagtatanghal

 Ang dalawang kabanatang ito ay may


malaking papel na ginampanan ni Isagani.

2. Pagpapalawak ng Talasalitaan
(board work)

 Hatiin sa dalawang pangkat ang klase


 Paunahan sa pagsagot sa pisara

Piliin sa dakong ibaba ang wastong sagot na tumutugon sa


diwa ng pangungusap at kahulugan ng salitang nasa loob ng
panaklong.
MGA SAGOT:
1. Walang pag-atubiling (nagsadya) sa tanggapan ang
binata.
2. Malawak ang kanyang kaalaman sa(umiiral) na 1. Nagtungo
batas.
3. Hindi lihim sa kanyang kasamahan ang (pakay) niya. 2. Ipinapatupad
4. Tila hindi (matitigatig) ang kausap sa sinasabi niya
5. Hinipo niya ang (uban) na halos laganap na. 3. Hangarin
a. Mababahala e. hangarin 4. mababahala
b. nagsulong f. umaasa
c. nagtungo g. puting buhok 5. Putting buhok
d. panukala h. ipinapatupad

3. Pagtatalakay
 Hatiin sa dalawang pangkat ang
pagbabasa at bibigyan ng mga
gabay na tanong;

 Pangkat I- Kabanata 15:


Mga Gabay na tanong sa pagbasa:

a. Sino si G. Pasta?

b. Ano ang tunay na sadya ni Isagani kay


Ginoong Pasta? -Isa sa pinakabantog na abogado sa
Maynila
c. Ano ang dahilan Ginoong Pasta sa hindi -Mamagitan sa panig nila ng mga
pagpanig sa mga mag-aaral. Ipaliwanag. kabataan na magkaroon ng wikang
Kastila sa Akademya.

 Pangkat II Kabanata 22: -Ayaw niyang masangkot sa usapin


Mga Gabay na Tanong sa Pagbasa: dahil ayaw niyang magalit sa kanya ang
a. Isalaysay ang mga pangyayaring mga prayle.
naganap sa loob ng tanghalan

-Matagal nagsimula ng palabas kaya


b. Makatuwiran bang magalit si nagkaroon ng kaguluhan dahil naiinip
Isagani kay Pulita Gomeⱬ? na ang mga tao na mapanood ang
palabas.

-Oo,dahil sila ay magkasintahan at


 Bigyan ng sampung minuto para nagkausap na sila na hindi siya pupunta
sa gawain at pagkatapos at sumama pa siya sa iba para manood.
pagbabahaginan ito sa klase.

 Ang guro ang magbibigay ng


puntos.

Buod ng El Filibusterismo
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta
Sinadya ni Isagani ang opisina ng manananggol na si Senyor
Pasta, isa sa mga may pinakamatalas na pag-iisip sa Maynila
na sinasangguni ng mga pari kung ang mga ito’y nasa gipit
na kalagayan.

Pinakiusapan niya ang Senyor na kung maari ay mamagitan


upang kanilang mapasang-ayon kung sakaling sumangguni
na sila kay Don Custodio. https://pinoycollection.com/el-
filibustero-buod/

Ikinuwento ni Isagani kay Senyor Pasta ang tungkol sa


balaking kilusan. Nakinig ng mabuti ang Senyor na tila
walang alam at kunwari’y wala siyang pakialam sa gawain
ng mga kabataan. Pinakikiramdaman naman ni Isagani ang
naging bisa ng kanyang mga salita sa abogado.

Nais sana ni Isagani na maaprubahan ng manananggol ang


nais nilang akademya ng Wikang Kastila ngunit nabigo siya
dahil nagpasiya ng abogado na huwag makialam dahil
maselan ang usapan at mas mabuting hayaan daw na ang
gobyerno ang kumilos.

Buod ng El Filibusterismo
Kabanata 22: Ang Palabas
Punong-puno ng tao sa dulaan ngunit lampas na sa oras ay
‘di pa rin nagsisimula ang palabas dahil hinihintay pa ang
Kapitan Heneral. Marami nang naiinip, nagsisipadyak at
sumisigaw na buksan na ang tabing. https://pinoycollection.com/el-
filibustero-buod/

Ang lugar na tinatawag na palko na may pulang kurtina ay


uupuan ng Kapitan Heneral. Isang ginoo ang umupo sa
butaka at ayaw tumindig. Si Don Primitivo kasi ang may-ari
ng upuan kinauupuan nito.

Dahil dito’y tinawag ni Don Primitivo ang tagapaghatid sa


upuan nang makita niya na ayaw tumindig ng ginoo. Ang
pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdulot ng kaguluhan at
kasiyahan sa mga taong naiinip.

Samantala, habang nagaganap ang kaguluhan ay biglang


tumugtog ang marchareal dahil dumating na ang Kapitan
Heneral. Sinasabing manonood ang Kapitan Heneral ng
palabas dahil sa dalawang dahilan. Ang una ay hinahamon
diumano ito ng simbahan at ang pangalawa ay dahil ito ay
may pagnanasa lamang na makita ang pagtatanghal.

Nasa loob din ng dulaan si Pepay at katapat ng mga


estudyante ang kinauupuang palko nito. Kinuntsaba siya ng
mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio upang
palambutin ang puso nito. Noong hapong iyon ay sumulat si
Pepay sa kagalang-galang na tagapayo at naghihintay ng
kasagutan.
Naroroon din si Don Manuel na panay ang pasaring kay Don
Custodio. Si Makaraig ay makahulugang tumitingin kay
Pepay na parang ibig ipahiwatig na mayroon siyang
sasabihin.

Masaya ang mga estudyante, si Pepay pati na si Pecson. Si


https://pinoycollection.com/el-
Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita filibustero-buod/
na kasama ni Pelaez na kanyang karibal.

Maya-maya’y umawit si Gertude, isang Pransesa. Sige sa


pagsalin si Tadeo sa wikang Kastila ng mga salitang Pranses
na naririnig. Gayon din ang ginawa ni Juanito Pelaez kina
Paulita Gomez at Donya Victorina. Lamang ay madalas mali
ang pagsalin ni Juanito. Dito rin nagsimula ang paghanga ng
Donya sa kanya at hinangad na pakasalan ang binatang kuba
pag namatay ang mister na si Don Tiburcio.

Umawit din si Serpolette. Mayroong pumalakpak na nakilala


ni Tadeo na si Padre Irene. Pinapag-espiya pala ito ni Padre
Salvi kung sadyang masama nga ang palabas ng mga
Pranses. Namukhaan ng mananayaw si Padre Irene at
kakilala pala siya ni Serpolette doon pa sa Europa.

Pagkaraan ay may isang bababeng dumating na may https://pinoycollection.com/el-


kasamang asawa. Ipinagmamalaki pa niya ang pagkahuli ng filibustero-buod/

dating. Nang makitang wala pang laman sa may palko ay


inaway ng ginang ang asawa.

Sinutsutan siya ng mga tao at sa inis ay tinawag niya ang


mga ito na mga “ungas” at akala mo daw ay marurunong
mag-pranses.

Si Ben Zayb naman ay panay ang panunuligsa sa pinapanood


at sinabing ang mga nagsiganap ay hindi mga artista at ‘di
marunong umawit.
https://pinoycollection.com/el-
Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa filibustero-buod/
kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don Custodio,
Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat
hindi itinanghal ang hinihintay nilang cancan.

Napag-usapan din ang ”di pagsipot ni Simoun sa dulaan.


Pinagtalunan naman ng mga estudyante ang kagandahan at
kapangitan ng wikang Pranses.

Galing si Makaraig kay Pepay, malungkot ang hitsura kaya


naman pagbalik niya ay nag-usisa ang mga kapwa mag-aaral.
Dala niya ang balita na may pasya na daw tungkol sa
paaralan ayon kay Padre Irene.

Mga maaaring Sagot:


Sinang-ayunan daw ang paaralan ngunit ito’y ipaiilalim sa
Unibersidad ng Sto. Tomas sa pamamahala ng mga Si Isagani dahil……….
Dominikano. Si G.Pasta dahil……………

4. Pagpapalalim
Oo, dahil maging sa kasalukuyan ito ay
nangyayari sa paligid.
a. Paunawa sa Binasa

 Sino kina Isagani at


Wala, dahil maging sa kasalukuyan
Ginoong Pasta ang higit na
ganoon din ang mga pangyayaring
may makatuwiran?
makikita natin kapag matagal ito
Ipaliwanag ang sagot.
nagsimula sa oras ang palabas.
 Makatotohanan ang mga
pangyayaring inilahad ng Makatulong ako sa aking kapwa sa
akda? pamamagitan ng mapagbigay lalo na
oras ng pangangailangan.
 May pagkakaiba ba ang
palabas na tinalakay sa
kabanata sa pagtatanghal sa
kasalukuyan?
 Online na mga laro
b. Pagpapahalaga (ESP) Buoin…..  social media
 Manood ng makabago at
Makatutulong ako sa aking kapwa sa
napapanahong palabas
pamamagitan ng…..

c. Paglalapat
Sa kasalukuyan, ano-ano ang
kadalasang kinahuhumalingan ng
mga kabataan?

C. PAGTATAPOS NG TALAKAYAN
1.Pagtataya

A. Panuto: Kilalanin kung sino ang nagsasabi sa


sumusunod na pahayag; MGA SAGOT:
(Si G. Pasta o si Isagani)
1. G. PASTA
1.”Kung ang lahat nama’y nag-iisip at
gumagawa ng tulad niya hindi sana ako
tumanggi”
2.ISAGANI
2.”Kung akoy magkaroon ng ubang katulad
niyan , at sa paglingon ko sa nakaraan ay 3.ISAGANI
makita kong pawing pansarili lamang
ang aking napag-ukulan at
walang nagawa para sa aking bayang 4.ISAGANI
nagbibigay sa akin ng lahat, bawat uban
ay itinuturing kong tinik sa akin at sagisag
ng kahihiyan” 5.G.PASTA

3.’Totoong maraming sundalo at doctor


subalit hindi naman napakarami sa
dahilang may mga bayan tayong wala ni
isa at kung marami man sa bilang ay
kulang naman sa kaalaman”

4.”Ako’y nagpaalila sa mga prayle para


lamang makapag-aral” Oo, dahil bilang Pilipino isa ito sa
nagkapagbibigay sa atin ng kasiyahan.
5.”Pabayaan ninyo sa kanyang Nagsisilbing pampalipas oras at pagod.
pamamahala ang pamahalaan”

B. Pagpapaliwanag (5 puntos)

- Sa inyong palagay, may mataas bang


panlasa ang mga Pilipino sa pagpili
ng mga palabas na panonoorin?

2. Takdang –Aralin

Basahin ang Kabanata 27:


“Ang Prayle at mga Pilipino”

Mga Gabay na Tanong sa Pagbasa:


 Ano ang pananaw ni Padre
Fernandeⱬ sa talumpati ni
Isagani?
 Ano ang puntong nais iparating
ni Isagani sa pari?
E. REPLEKSIYON
Pagninilay sa iyong mga estratehiya sa pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong
mga mag-aaralsa bawat lingo. Paano mo ito maisasakatuparan? Ano pang tulong maaaring
mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong
superbisor sa anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

i. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba


pang Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na nagpapatuloy sa
remediation.
E. Bilang ng mag-aaral na na nakakuha o nkaintindi sa
aralin.
F. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito nakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking punung guro at superbisor?
H. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa kapwa ko guro?
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10
Floramie Jimenez- Ebalang
PunDaSan National High School

PAMATAYANG PANGNILALAMAN
Panitikan: Nobela ni Jose P. Riⱬal
Tema: EL FILIBUSTERISMO sa Nagbabagong Daigdig

PUKOS NA TANONG SA ARALIN:

Kailangan bang magkaroon ng kamalayan ang isang kabataan sa mga


Nangyari sa isang bayan?

PRODUKTO:

Paggawa ng sariling komiks na nagpapakita ng sariling kabayanihang ginawa para sa


wika at bayan.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: F10PS-IVd-e-87

Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga tungkol sa


kaisipang namayani sa akda.
MARKAHAN: Ikaapat LINGGO: Ikalima ARAW: Ikatlo

I- LAYUNIN:

Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga tungkol sa


kaisipang namayani sa akda.

II- NILALAMAN:

a. Paksa: SI ISAGANI
b. Pamagat: - Kabanata 27: ANG PRAYLE AT ANG PILIPINO
c. Pagsama-sama: (ESP) Anong katangian ng tao na dapat taglayin
upang magtagumpay sa kanyang mithiin?
d. Estratehiya: Differentiated Instruction
e. Kagamitan: Graphic Oraganizer, Babasahin na buod ng kabanata
f. Sanggunian: https://pinoycollection.com/el-filibustero-buod/
Aklat:El Filibusterismo.Aviva Publishing Inc.

I- PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin Manalangin tayo……
2. Pagtala sa mga liban sa klase Klas monitor

3. Pagbabalik-aral

 Mula sa ating tinalakay kahapon anong Matapang at ipanaglaban ang kanyang


klaseng pag-uugali si Isagani bilang karapatan
kabataan? Matuwid at may sariling paninindigan

4. Pagganyak (Joogle Word)


Pangkat I, II, III
 Hatiin sa tatlo ang klase

 Paunahang buoin ang mga ginulong


salita na nakapaskin sa pisara. At
magkaroon ng puntos.
Pilipino at ang
PIPINOLI TA NGA
Prayle
LEPRAY
 Buohin ang mga salita na may diwa. “Ang Pilipino at ang Prayle”
 Pagkatapos mabuo, magbigay ng Ang Pilipino sa panahon ng pananakop ng
hinuha ang mga mag-aaral sa pamagat. mga prayle.

 Sino ang tinutukoy na prayle at Pilipino at mga Espanyol na pari.


Pilipino? Naninirahan sa Pilipinas.
B. PANAHON NG TALAKAYAN
1. Paglalahad

 Ang paksa natin sa araw na ito ay


“Ang Prayle at ang Pilipino”
- Kabanata 27

 Bago natin tatalakayin bigyan muna


natin ng kahulugan ang mga salitang
hindi madaling maiintindihan.

2. Paghawan ng Balakid

 Ang tawag sa palighasang ito ay


“Baybayin Mo Ako”

 Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.


Pumili ng limang representante na
kakatawan sa bawat pangkat.

 Salitan ang bawat isa sa pagbigkas ng


titik hanggang mabuo ang tamang
salita.

 Ang hindi magkamali ang siyang


maagkaroon ng puntos.

 Simulan na ang laro;


1-ITINATANGI
2- NAULINIG
3-SALUNGAT I T I N A T A N G I
4-PUMUPULA
5-SUMISIIL N A U L I N I G

 Pagkatapos na mabaybay ang mga S A L U N G A T


salita; bigyan kasingkahulugan at
maaaring ipagamit sa pangungusap P U M U P U L A

S U M I S I I L

1. Pinupuri
2. narinig
3. sang-ayon
4. pumupuna
5. kumukulong

Hal.
3. Pagtalakay Itinatangi ng mga guro ang mga batang mabait.
 Pagpapabasa sa buod sa kabanata
 Bigyan ang mag-aaral ng kopya sa
buod ng akda.

Buod ng El Filibusterismo
Kabanata 27: Ang Prayle at ang Estudyante
Ipinatawag ng isang katedratikong si Padre Fernandez
si Isagani. Ito’y labis na iginagalang ng binata.

Narinig daw umano ng pari ang pagtatalumpati ni


Isagani. Itinanong din nito kung kasama ba siya sa
hapunan. Pinuri ng pari ang pagkakaroon ni Isagani ng
paninindigan.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang pari at sinabing may


https://pinoycollection.com/el-filibustero-
mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan buod/

niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamihan


doon ay pumupula at lumalalos sa mga prayle ngunit
walang makapagsalita nang tapatan o harapan.

Ayon naman kay Isagani ay ‘di kasalanan ng kabataan


na magsalita laban sa may kapangyarihan na agad
naman nilang pararatangan ng pilibustero dahil alam ng
pari ang ibinubunga ng gayong paratang.

Sinabi ng pari na ‘di niya inuusig si Isagani at malaya


itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa
halip ay paborito pa nga daw niya si Isagani.

Pangiti namang nagpasalamat ang binata at sinabing


itinatangi rin niya ang katedratiko. ‘Di raw gaya ni
Padre Fernandez ang ibang prayleng Dominikong
katedratiko. Saka nisa-isa ang mga sakit sa pagtuturo
ng mga prayle.

Napakagat-labi lamang si Padre Fernandez at sinabi


nitong lampas na sa guhit ng pag-uusap ang mga
paratang ni Isagani.

Giit naman ni Isagani na ang mga prayle sa lahat ng


orden ay naging mga kontratista ng karunungan at sila
umano ang nagsasabi mismo sa mga mag-aaral na hindi
raw sila nararapat matuto dahil balang araw ay
magpapahayag ang mga ito ng paglaya.

Dagdag pa ni Isagani, ang kalayaan ay katambal ng tao


at gayundin ng talino at katarungan. Ang pagtanggi ng https://pinoycollection.com/el-filibustero-
mga prayle na matuto sila at lumaya ang dahilan ng buod/

kawalan ng kanilang kasiyahan.

Anang pari, ang karunungan daw ay hindi


ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang.
Ipagkaloob daw iyon sa mga walang tibay ng loob at
kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin.

Ngunit tinutulan ito ni Isagani. Aniya, kung ano daw


sila ngayon ay ang mga pari ang may gawa. Ang bayan
daw na inaalipin ay natutong magkunwari; ang
paghaharian ay lumikha ng mga alipin.

Ipagpalagay daw nila, kahit di totoo, na ang mga


estudyante ay mga walang dakilang asal at katibayan
ng loob. Sino daw ang may kasalanan? Sila daw ba o
ang mga nagturo sa kanila sa loob ng may tatlong
siglo? Kung pagkatapos ng panahong iyon ay walang
nayari ang manggagawa ng palayok kundi mga sira,
siya’y napakatanga na raw marahil. O baka daw
marumi ang putik na ginamit?

Dagdag muli ni Isagani, “Kung gayo’y higit pang


napakahangal gayong alam na palang masama at
marumi ang putik ay bakit nagpapatuloy pa sa
pagsasayang ng panahon, at ‘di lamang hangal, kundi
manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang
walang ibubunga ang ginagawa niya’y patuloy pa sa
pagtangap kabayaran at ‘di lamang hangal, mandaraya
at magnanakaw kundi isa pang talipandas dahil ayaw
nilang subukin ang kakayahan ng iba sa paggawa ng
magiging kapaki-pakinabang.” https://pinoycollection.com/el-filibustero-
buod/
Nakilala ng pari ang kanyang kagipitan at noon lamang
siya nakaranas ng pagkatalo sa isang estudyanteng
Pilipino lamang. Nabanggit ng pari na ang utos na
sinusunod nila ay galing lamang sa pamahalaan.

Ngunit pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre


Fernandez sa likod ng pamahalaan.

Muling nangatwiran ang pari at sinabing ang ibig daw


niyang sabihin ay may mga batas na mabuti ang layon
nguni’t masama ang ibinubunga. Ang masamang ugali
ng mga mag-aaral ay ‘di daw dapat isisi sa kanila o
kahit sa Pamahalaan kundi sa masamang pagkakatatag
umano ng kanilang kapisanan.

Ani Isagani, “Opo, may pumipilit na sila’y mag-aral.


Katungkulan ng bawat tao na hanapin ang kanilang
kaganapan ng pagkatao.

Katutubo sa tao na linangin ang kanyang talino at


lalong matindi ang nais na ito dahil ito’y
hinahadlangan. Ang bumubuhay sa pamahalaan ay
humihingi sa pamahalaan ng liwanag upang lalong
makatulong sa bansa.

Pamahalaan na rin at ang mga prayle na rin ang


pumipilit na kaming mga indiyo ay maghanap ng
karunungan dahil sa inyong pag-aglahi sa amin sa
kawalang pinag-aralan at kamangmangan. Kami’y
inyong hinuhubaran at pagkarapos ay pinagtatawanan
ninyo ang aming kahihiyan.” https://pinoycollection.com/el-filibustero-
buod/

4. Pagpapalalim
Mga maaaring Sagot:
1. Pag-unawa sa binasa
Gusto siyang kausapin dahil isa siya sa mga
 Bakit ipinasundo ni Padre Fernandez si mag-aaral na may paninindigan.
Isagani?

 Ano-anong kamalian ng mga prayle -Pagiging sunod-sunuran sa namamahalang


ang ipinamukha ni Isagani kay Padre Espanyol.
Fernandeⱬ?

 Paano naman nilait ni Padre -Na gampanan ang tungkulin bilang prayle.
Fernandeⱬ -Na ang karunungan ay para sa karapatdapat
lamang at hindi sa walang wastong asal.

 Ano ang gusto ni Isagani na -Na pumanig si Padre Fernandeⱬ sa


mangyari? kagustuhan nila na magkaroon ng Wikang
Kastila sa Akademya.
2. Paglalapat

 Kung ikaw si Isagani, isusuko mo ba Hindi, dahil mayroon akong sariling


ang iyong sarili sa mga paninindigan at kung alam kong ito ay tama at
makapangyarihan? Pangangatuwiran. nakakabuti sa lahat ipaglalaban koi to.

3. Paglalahat
-Na marami sa atin ngayon nagtatago sa likod
 Bakit kaya ninais ni Riⱬal sa paglikha ng mga mascara. Na hindi makagalaw sa
ni Padre Fernandeⱬ sariling desisyon at sunod-sunuran sa mga
nasaitaas.

4. Pagsamsa-sama (ARAL PAN)

 Sa kasalukuyang pangyayari at isyu ng Para sa akin, hindi dahil ang bawat suliranin
pamahalaan, nararapat bang lutasin ang ay may solusyon.Naniniwala akong madadaan
isang suliranin sa pamamagitan ng ito sa mahinahon at mapayapang paraaan
dahas?

C. PAGKATAPOS NG
TALAKAYAN
1. Pagtataya (Pagkatang Gawain)
 Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. (10
minuto).
I- Bumuo ng islogan hinggil sa diwa
ng kabataan

II- Bumuo ng isang minutong rap


hingil sa kabataan

III- Gumuhit ng paglalarawan hinggil


sa mga prayle at Pilipino.

Pamantayan sa Pagmamarka:
KRAYT Pinakama Mahusay Katamta Wala
ERYA husay 4-3 man ang Partisipasyon
5-4 Husay (1-0)
(2)
Presenta Napakag Magandang Hindi Walang
syon anda ang ang masyado naipakitang
isinagaw pinakitang ng presentasyon
ang presentasyo maganda
presentas n ang
yon ginawang
3. Takdang –Aralin presentas
 Ipabasa ang kabanata 35 at 37 yon
Ng El Filibusterismo Nilalama Ang lahat Ang Hindi Walang ideya
n ng miyembro lahat na ang naibigay
miyembr ay miyembr
Mga Gabay na Tanong sa Pagbasa: o ay nagbigay o ang
nagbigay ng ideya nagbigay
-Bakit tinawag na maliit na diyus-diyusan ang ng ideya
ilang bisita? Kooperas Ang lahat Ang Hindi Walang
-Bakit ipinagtapat ni Isagani ang mgaganap yon ng miyembro lahat ay naiambag ang
miyembr ay tumulong miyembro
na pagsabog? o ay nagtulunga
-Sino ang salarin sa pagkaudlot na pagsabog? nagtutulu n
ngan

I- REPLEKSIYON
Pagninilay sa iyong mga estratehiya sa pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga
mag-aaralsa bawat lingo. Paano mo ito maisasakatuparan? Ano pang tulong maaaring mong
gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba


pang gawain para sa remediation.

D. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-


aaral na nakaunawa sa aralin.

E. Bilang ng mag-aaral na nagpapatuloy sa


remediation.

F. Bilang ng mag-aaral na na nakakuha o


nkaintindi sa aralin.

G. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang


nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

H. Anong suliranin ang aking naranasan na


solusyunan sa tulong ng aking punung guro at
superbisor?

I. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho


na nais kong ibahagi sa kapwa ko guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10


Floramie Jimenez- Ebalang
PunDaSan National High School
PAMATAYANG PANGNILALAMAN
Panitikan: Nobela ni Jose P. Riⱬal
Tema: EL FILIBUSTERISMO sa Nagbabagong Daigdig

PUKOS NA TANONG SA ARALIN:

Kailangan bang magkaroon ng kamalayan ang isang kabataan sa mga


nangyari?

PRODUKTO:
Paggawa ng sariling komiks na nagpapakita ng sariling kabayanihang ginawa
para sa wika at bayan.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: F10PB-IVd-e-89

Natatalakay ang mga kaisipang ito: kabuluhan ng edukaasyon;pamamalakad


ng pamahalaan;pagmamahal sa; Diyos, bayan, pamilya,at kapwa tao;
kapangyarihan ng salpi, kahirapan, karapatang pantao, at paninindigan at
prinsipyo

MARKAHAN: Ikaapat LINGGO: Ikalima ARAW: Ikaapat

I- LAYUNIN:

Natatalakay ang mga kaisipang ito: kabuluhan ng edukaasyon; pamamalakad ng


pamahalaan;pagmamahal sa; Diyos, bayan, pamilya,at kapwa tao; kapangyarihan ng
salpi; kahirapan; karapatang pantao, at paninindigan at prinsipyo.

II- NILALAMAN:
a. Paksa: SI ISAGANI
b. Pamagat: Kabanata 35: Ang Piging
Kabanata 37: Ang Hiwaga
c. Pagsama-sama: (ESP) Anong katangian ng tao na dapat taglayin
upang magtagumpay sa kanyang mithiin?
d. Estratehiya: Tahasang Pagtuturo
e. Kagamitan: Graphic Oraganiⱬer, babasahin
f. Sanggunian: https://pinoycollection.com/el-filibustero-buod/
Aklat:El Filibusterismo.Aviva Publishing Inc.
III-PAMAMARAAN
MGA GAWAIN GURO MGA GAWAIN NG MAG-
AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN

1. Pagdadasal Manalangin tayo…….

2. Paglista sa liban

3. Pagganyak
pagdiriwa
ng

 Pagbibigay hinuha sa salita


PIGING pasas
pagtiti
alam
pon
at

HIWAGA PIGING
kasiyahan

milagro

nama

 Hayaan ang mga-aaral na magsalita ngha HIWAGA kaba


balag
han

B. PANAHON NG TALAKAYAN

1.Paglalahad

 Sa araw na ito ating tatalakayin ang


Kabanata 35: Ang Piging at;
Kabanata 37: Ang Hiwaga

2. Pagpapalawak ng Talasalitaan

 Pagbibigay kahulugan sa mga parirala upang mas


lalong maintindihan

 Maaaring gawing paligsahan o


Board work;
 Paunahan sa pagsagot

Hanay A HANAY B
1. mababang diyoses a. maligayang araw
2. matataas na diyoses b. ibinunton ang sisi
3. matatamis na sandal c. kawani ng pamahalaan
4. bagsakan ng sisi d. mga prayle
5. diwang maitim e. kapitan Heneral

3. Pagtalakay

 Hatiin sa dalawang pangkat ang pagbabasa

I- Kabanata 35: Ang Piging


Mga gabay na Tanong sa Pagbabasa:

1. Bakit nagkaroon ng piging sa bahay ni Don Timoteo?


2. Sinu-sino ang dumalo sa piging?
3. Ilarawan ang pagsalubong ni Don Timoteo sa mga
panauhin.
4. Ano ang pinaplano ni Simoun sa Piging?
5. Sino ang nakakaalam sa plano ni Simoun?

II- Kabanata 37: Ang Hiwaga


II- Mga gabay na tanong:
1. Sinu-sino ang nasa bahay ng mga Orenda?
2. Anu-ano mga impormasyong dala ni Chichuy tungkol sa
pangyayari?
3. Ano ang reaksiyon ni Isagani ng marinig niya ang balita?
4. Bakit kaya ninakaaw ni Isagani ang lampara bago ito
sumabog?
5. Ano ang damdamin ni Isagani ang nangingibabaw sa
kanyang ginawa?

6. Anong Hiwaga ang tinutukoy sa kabanata?

 Bigyan ang mag-aaral ng 15 minuto para sa


gawain.
 Pumili ng isa bawat pangkat, para mag-uulat sa
klase.
 Ang guro na ang bahala sa pagbibigay ng puntos
gamit ang pamantayan.

Pamantayan sa Pagmamarka:
KRAYTERYA Pinakamah Mahusay Katamtaman Wala
usay 4-3 ang Husay (2) Partisipasy
5-4 on
(1-0)
Presentasyon Napakagan Magandang Hindi Walang
da ang ang masyadong naipakitang
isinagawan pinakitang maganda ang presentasyo
g presentasyo ginawang n
presentasyo n presentasyon
n
Nilalaman Ang lahat Ang Hindi lahat na Walang
ng miyembro miyembro ang ideya ang
miyembro ay nagbigay naibigay
ay nagbigay
nagbigay ng ideya
ng ideya
Kooperasyon Ang lahat Ang Hindi lahat ay Walang
ng miyembro tumulong naiambag
miyembro ay ang
ay nagtulunga miyembro
nagtutulung n
an

Buod ng El Filibusterismo

Kabanata 35: Ang Piging

Ikapito ng gabi nang simulang dumating ang mga bisita sa bahay ni


Kapitan Tiyago kung saan naroon ang piging para sa ikinasal.

Unang dumating ang maliliit na tao hanggang sa may malaking


katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ng mga bisita ay
pinagpupugayan ni Don Timoteo. Dumating na rin ang bagong kasal
kasama si Donya Victorina. Si Padre Salvi ay naroon na ngunit wala
pa ang Heneral.

Pupunta sana sa palikuran si Don Timoteo ngunit ‘di siya makaalis


dahil wala pa ang Heneral.

Mayroong pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit ang Don at https://pinoycollection.com/el-


sinabing iyon daw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila. filibustero-buod/

Kinabukasa’y sisingilin daw niya ang utang ng pumintas.

Dumating na rin ang Heneral. Nawala ang mga dinaramdam ni Don


Timoteo. Si Basilio naman ay nasa harap ng bahay at pinapanood
ang mga nagdaratingan.

Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na


mamamatay roon kaya naisip niyang bigyan sila ng babala.

Ngunit ng makita niya sina Padre Salvi at Padre Irene ay nagbago


ang kanyang isip.

Nakita rin ni Basilio si Simoun na dala ang ilawan. Kakila-kilabot


ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy at parang nag-aalinlangan
din ito sa pagpanhik.

Ngunit nang magtuloy ay sandali niyang kinausap ang Heneral at iba


pang mga bisita. Saka siya nawala sa paningin ni Basilio.

Nalimot na naman ni Basilio ang kapighatiang dinanas ng kanyang


ina, kapatid, at ni Juli.

Namayani ang kanyang kabutihang loob at ninais na iligtas ang mga


nasa bahay ngunit siya’y hinadlangan ng mga tanod dahil sa
marusing niyang anyo.
Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto
upang magpugay sa kanya.

Ang mukha niya’y tila nagsasabi na tumuloy sa sasakyan at nag-utos


na, “Sa Eskolta. Matulin!”

Mabilis na lumayo si Basilio ngunit may nakita siyang lalaki na https://pinoycollection.com/el-


filibustero-buod/
nakatanaw sa bahay.

Si Isagani pala iyon kaya niyaya niya itong lumayo. Ipinaliwanag


niya ang tungkol sa ilawan saka hinila si Isagani.

Ngunit mabilis na nagpasya ang binata ng makitang nagpupuntahan


na sa kainan ang mga bisita. Naisip niya na kasamang sasabog sa
bahay si Paulita.

Sa loob ng bahay ay may nakita ang mga nagpipiging na isang


kaputol na papel na ganito ang nakasulat.

MANE THACEL PHARES

JUAN CRISOSTOMO IBARRA

Ani Don Custodio ay isang biro lamang iyon dahil matagal nang
patay si Crisostomo Ibarra.

Ngunit ng Makita ni Padre Salvi ang papel at ang nakasulat doon ay


https://pinoycollection.com/el-
namutla ito. filibustero-buod/

Lagda daw iyon ni Ibarra kaya napahilig siya sa sandigan ng silya


saka nanlambot sa takot.

Magpapatawag sana ng mga kawal ang Kapitan Heneral ngunit ng


walang makita kundi mga utusan na hindi niya naman kilala ay
sinabi na lamang nito na magpatuloy sa pagkain at ‘wag intindihin
ang ganoong klaseng pagbibiro.
https://pinoycollection.com/el-
filibustero-buod/
Ngunit ang Heneral ay nagkunwari lamang na hindi takot kahit pa
ang lahat sa loob ng bahay ay takot na takot sa nasaksihan.

Maya-maya’y nagsalita si Don Custodio. Sa wari daw niya’y ang


kahulugan ng sulat ay papatayin silang lahat noong gabing iyon.

Hindi sila lahat nakakibo. May nagsabi na baka lasunin sila kaya
binitawan ang mga hawak na kubyertos. Siya namang paglabo ng
ilawan.

Anang Kapitan Heneral kay Padre Irene ay itaas nito ang mitsa ng
ilawan.

Bigla namang may mabilis na pumasok, tinabig ang utusang


humadlang dito, saka kinuha ang ilawan, itinakbo sa asotea, at
itinapon sa ilog.

May nagsabing magnanakaw daw iyon at may nanghingi pa ng


rebolber. Ang anino naman na kumuha sa ilawan ay tumalon rin sa
ilog.

Buod ng El Filibusterismo
Kabanata 37: Ang Hiwaga
Sa kabila ng pagpipigil sa balita sa mga kaganapan noong gabi sa
piging ay nalaman pa rin ito ng madla. Naging usap-usapan ito ng
lahat ngunit palihim nga lamang.
https://pinoycollection.com/el-
filibustero-buod/
Ang payat na platerong si Chikoy ay nagdala kasi ng hikaw kay
Paulita. Tinatanggal na noon ang mga palamuti at sa mga hapag sa
bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mismo ang maraming supot
na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, at sa likod ng
mga upuan. Ayon daw kay Ginoong Pasta ay iisa ang maaring
gumawa ng gayon. Maaring isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw
ni Juanito kay Paulita.

Binalaan agad ng may-ari ng bahay na si Kapitan Loleng kung saan


nanunuluyan si Isagani na magtago ito.

Ngunit ngumiti lamang ang binata. Ipinagpatuloy ni Chikoy ang


pagbabalita. Aniya, dumating daw ang mga sibil ngunit wala namang
mapagbintangan. Si Don Timoteo lamang daw at si Simoun ang
nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na pinagdausan ng piging. Pinaalis
daw ang lahat ng mga ‘di kailangan sa imbestigasyon.

Natakot ang mga babaeng nakikinig sa ibinalita ni Chikoy. Hinulaan


nila kung sino ang may kagagawan ng lahat.

May nagsabing ang mga prayle daw. Ang iba ay si Quiroga daw, o
kaya ay ang mga mag-aaral. Baka daw si Makaraig. At tumingin si
Kapitan Toringgoy kay Isagani. Ang sabi ni Chikoy, ayon daw sa
ilang kawani ay si Simoun ang may kagagawan noon. Kaya naman
nagtaka ang lahat.

Biglang naalala ni Momoy, isa sa mga dumalo sa piging, ang pag-alis


ni Simoun bago magsimula ang hapunan. Ang sabi naman ni Chikoy
ay nawawala daw si Simoun at kasalukukang pinaghahahanap ng
mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging
demonyo ni Simoun na nagkatawan umanong tao.

Dagdag pa ni Chikoy, iniisip umano ng mga may kapangyarihan na


ang ilawan ang siyang magpapasiklab sa pulbura na nasa buong
kabahayan. Biglang natakot si Momoy ngunit nang makita ang
kasintahan na si Siensa na nakatingin sa kanya ay nagtapang-
tapangan ito. Makaraan ng ilang sandali ay nagpaalam na si Isagani
at umalis. Hindi na ito kaylan man bumalik pa sa kanyang amain.
Maaaring Sagot:
4. Pagpapalalim
-Na maya pag-aalinlangan si Basilio sa
1. Pagsusuri sa binasa posibleng mangyari, at labag sa
kanyang puso at isip na marami ang
 Pagbabahaginan sa klase ang mamatay, ngunit hindi siya makatanggi
ginawang talakayan. kay Simoun dahil sa utang na loob.

a. Ano ang damdamin at hinuha mo


nang ipinagtapat ni Basilio kay
Isagani ang balak ni Simoun? Bakit? -Oo, dahil maraming madadamay sa
plano niyang pagsabog.

b. Sinang-ayunan mo ba ang ginawa ni


Isagani?

2. Paglalapat
-Titiyakin kung nakapaglingkod ako ng
 Kung ikaw ay isang pinuno ano ang maayos sa aking mamamayan.
gagawain mo habang ikaw ay nasa Nagampanan ng tama at walang
katungkulan? kinikilingan sa katungkulang inatas sa
akin.

3. Paglalahat
Maay paninindigang tao
 Isa-isahin ang katangian ni Isagani Matalino
batay sa kabuuan ng Nobela. May paniniwaa sa sarili
Nag-iisip ng kabutihan sa kapwa.

4. Pagsama-sama (ESP) - Hindi nakakabuti kalianma’y


ang kumuha ng hindi sa iyo ma
 Patunayan o Pasinungalingan ang gamit man o hindi labag ito sa
palagay na; batas o sa batasng panginoon.
- Masama ang manglamang sa
“ Kailanma’y hindi mabuti ang kapwa.
kumuha ng hindi sa kanya”

C. PAGKATAPOS NG TALAKAYAN
1. Pagtataya
Pagpapaliwanag 10 puntos (100 salita)

Paano dapat tanggapin ang isang kabiguan?

Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman- 15
Presentasyon- 5
Malikhain- 5
Total - 20

2. Takdang Aralin

Magsaliksik tungkol sa mga diyoses o bathala na nasa


alamat, mito, at kwentong bayan.

IV-REPLEKSIYON
Pagninilay sa iyong mga estratehiya sa pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga
mag-aaralsa bawat lingo. Paano mo ito maisasakatuparan? Ano pang tulong maaaring
mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong
superbisor sa anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%


sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na nagpapatuloy sa
remediation.
E. Bilang ng mag-aaral na na nakakuha o
nkaintindi sa aralin.
F. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punung
guro at superbisor?
H. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa
ko guro?

You might also like