You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN


Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin Pagtuturo ng
Kabanata 27
Ang Fraile at Ang Filipino

Inihanda ni:

JUDY-ANN P. PADUA

Petsa ng Pagpasa:
25 Hulyo 2016

I. Mga Layunin

A. Nakapagbibigay ng reaksyon sa pinakitang larawan.


B. Naiuugnay ang tekstong binasa hinggil sa pansariling realisasyon patungkol sa pag-aaral;
at
C. Nakaguguhit ng simbulo hinggil sa kalayaan.

II. Paksa

Paksa: Katapangan
Tatalakaying Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: KABANATA 27 ANG FRAILE AT ANG FILIPINO
Mga Kagamitan: envelope, marker, at papel
Sanggunian: EL FILIBUSTERISMO
pahina 229-238
Kasanayang Pampanitikan:
- Dugtungang pagkukuwento
- Pagtukoy sa damdaming namumutawi sa pahayag
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:

- Tapang na isiwalat ang iyong hangarin.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. Papangkatin sa lima ang klase. Sa pamamagitan ng tableau ay isasagawa
ng bawat pangkat ang sumusunod na sitwasyon:
1. Estudyanteng nagtatalumpati
2. klase sa siyensiya
3. mga batang nakikinig sa kanilang guro
4. malayang ibon
5. kalayaan

2. Paglinang ng Talasalitaan
a.Panuto: Hanapin sa Secret Code ang katumbas na letra o titik ng mga
numero upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga salita.

1. 4. 3. 10. 5. 15. 8. 11. 23. 13. 21. 18. 22. 19.


B O H T C S X I R U E P Z K
2. 26. 7. 25. 6. 9. 17. 12. 16. 14. 24. 20.
A M G Y L D W N J V Q F

1. Lehislador - Tagapagbatas
2. Inaalipusta - Dustain
3. Liberal - Maunawain
4. Fraile - Pari
5. Salag - Pagtatanggol

B. Paglalahad
1. Pagpapakita ng larawan ng isang lalaking nagtatalumpati at isang guro.
a. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa nakitang larawan.
b. ANAGRAM. Bubuo ang mga mag-aaral ng panibagong mga salita na
mahahango mula sa salitang KATAPANGAN.

2. Ang katapangan ay umuusbong sa puso ng isang tao upang mapanghawakan


ang kaniyang saloobin ukol sa isang bagay na nagbubunsod sa kaniya ng
paninindigan na di matitinag ninuman. Ngayon ay masasaksihan natin ang
isang tao na magbibigay sa atin ng inspirasyon na kung paano kumilos at
harapin ang kagustuhan na may katapangan sa kaniyang puso. Isang kabanata
sa “El Felibusterismo” na isinulat ng ating bayani na si Jose Rizal.

C. Linangin
1. Pagbasa ng teksto.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng tekstong babasahin.
3. Tatawag ang guro ng kinatawan sa bawat pangkat na siyang magsasalaysay ng
ibinuod na kuwento sa pamamagitan ng dugtungang pagkukuwento.

D. Pagnilayan at Unawain
1. Lihim ng Mahiwagang Kahon. Pagbibigay realisasyon ng mga mag-aaral
patungkol sa kanilang pag-aaral.
a. Bakit kayo nag-aaral? Mahalaga ba ito?
b. Bilang mga mag-aaral paano ninyo masasabi na kayo’y malaya sa
inyong pinapasukan?
E. Ilapat
1. Guguhit ang mga mag-aaral nang isang bagay na sumisimbulo sa kalayaan sa
isang coupon. Ibabahagi ito ng mag-aaral sa klase ang bagay na iginuhit.

IV. Pagtataya

Panuto: Kuhain sa loob ng envelope ang papel na may iba’t ibang kulay.

A. Isulat ang UKISS kung ang sumusunod na pahayag ay tama at KISSME naman kung
mali.
1. Si Isagani ay isang taong mapagkunwari at walang paninindigan..
2. Si Padre Fernandez ay isang katedratiko na nakausap ni Isagani sa Kabanata.
3. Isa sa hinahangaan ni Padre Fernandez kay Isagani ay may paninindigan sa
kaniyang sinasabi.
4. Isa sa mga nabanggit ni Padre Fernandez ay ninais ng Gobyerno ang
pagkasira ng mga mag-aaral.
5. Ang Kabanata na binasa ay Ang Fraile at Ang Filipino.

B. Itaas ang letra ng pinakaangkop na sagot sa sumusunod na katanungan sa bawat bilang.


1. Sa anong akdang pampanitikan nabibilang ang tekstong binasa?

a. nobela c. sanaysay
b. maikling kuwento d. epiko

2. Kaisa-isang fraile na ibinubukod ni Isagani tuwing may pagbabatikos laban


sa mga fraile.
a. Padre Irene c. Dominiko
b. Padre Fernandez d. Katedratiko
3. Ilang taon ng Katedratiko si Padre Fernandez?
a. pitong taon c. sampung taon
b. siyam na taon d. walong taon
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan kay Isagani.
a. Estudyanteng kumikilos nang may paninindigan.
b. Siya ay isang matapat, matalino at may dignidad.
c. Pinapahalagahan lamang niya ang kaniyang sarili.
d. Sa kaniyang pagiging matapat ay hindi niya nakakalimutang
rumespeto.
5. Anong damdamin ang namumutawi sa pahayag na ito, “Natatakot lamang
ako, na hindi sila maniwalang may katulad ninyo…”
a. nangangamba
b. nagagalit
c. nagugulumihanan
d. nagpapaliwanag

V. Kasunduan

Gumawa ng isang Poster- Islogan na nagpapakita sa Kalayaan ng bawat isa.

Pamantayan Di mahusay Katamtaman Mahusay


(1) (3) (5)
1. Pagguhit
2.Kalnisan
3.Kaangkupan
4.Nilalaman/Mensahe
Kabuuan
Republika ng Pilipinas
PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN
Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin Pagtuturo ng
Kabanata 27
Ang Fraile at Ang Filipino
Inihanda ni:

JUDY-ANN P. PADUA

Petsa ng Pagpasa:
25 Hulyo 2016

I. Mga Layunin

A. Naibibigay ang damdamin at saloobin sa tekstong binasa;


B. Nakapagbibigay ng reaksyon tungkol sa larawang nabuo;
C. Naiuugnay ang tekstong binasa hinggil sa pansariling realisasyon patungkol sa
pag-aaral; at
D. Naibabahagi ang kaisipan patungkol sa karahasan.

II. Paksa

Paksa: Karahasan
Tatalakaying Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: KABANATA 28 TATAKOT
Mga Kagamitan: show me board, marker, at envelope.
Sanggunian: El Filibusterismo
pahina 239-247
Kasanayang Pampanitikan:
- Dugtungang pagkukuwento
- Tableau
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
- Hindi magiging sagot ang karahasan upang mapasunod ang taumbayan.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. Papangkatin sa lima ang klase at bibigyan ng tig-isang envelope na naglalaman ng
mga gawain.Sa loob nito ay kukuhain ang #1 na may laman ng putol na larawan.
Magtutulungan ang bawat grupo upang buuin ito.

2. Paglinang ng Talasalitaan
b. MIX AND MATCH. Pagtatambalin ng mga mag-aaral ang sumusunod na
salita ayon sa mga salitang magkakasingkahulugan.

Musulman Muslim
Pagkaligalig Pagkatalo
Katuwang Kasama
Peryodiko Mamamahayag
Naguniguni Bungang-isip

3.Paglalahad
1. Sa binuong larawan
a. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa mga larawan.
b.Pagtukoy ng mga mag-aaral sa pagkakaiba ng mga larawan.

2. Ang karahasan ay kailanma’y hindi magiging sagot o paraan upang masunod


ang iyong kagustuhan. Kung ito man ay mabuti o masamang adhikain.
Magdudulot ito ng hindi pagkakaunawaan sa bawat isa. Sa pagpapatuloy ng
kabanata, ay malalaman natin ang kahihinatnan ng paggamit ng dahas.
Isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, ang “El Filibusterismo” Kabanata 28 Ang
Tatakot.

B. Linangin
1. Pagbasa ng teksto.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng tekstong babasahin pagkatapos
ay isusulat ang mga mahahalagang pangyayari sa Show me Board.
3. Tatawag ang guro ng kinatawan ng pangkat na siyang magsasalaysay ng
ibinuod na kuwento sa pamamagitan ng tableau.
4. Pabubunutin ang bawat pangkat ng tig-iisang katanungan at bibigyan sila ng
tatlong minuto upang ibahagi sa bawat grupo ang kanilang sagot sa ibang
pangkat.

Mga Gabay na Tanong:


a. Ano ang inilathala ni Ben Zayb sa kaniyang peryodiko?
b. Bakit nasabi ni Ben Zayb na ang pagtuturo ay lubhang nakasasama sa
Islas Filipinas?
c. Ano ang ginawa ni Padre Irene upang hindi matuloy ang binabalak na
paghihimagsik?
d. Para sayo, makatutulong ba na maging mapaniwalain sa panahong iyon?
e. Ano ang naging epekto ng karahasan sa mga taumbayan?
f. Ano o sino talaga ang dapat katakutan noong panahong iyon?

C. Pagnilayan at Unawain
1. Pagbibigay realisasyon ng mga mag-aaral patungkol sa kanilang pag-
aaral.
a. Bakit nagkakaroon ng karahasan sa bayan?
b. Kalian ba magiging sagot o makatutulong ang karahasan upang
masunod ang isang adhikain?
D. Ilapat
1.Iguguhit ng mag-aaral ang bayang malayo sa karahasan. Ibabahagi ng mag-
aaral sa kanyang kapangkat ang kanyang iginuhit.

IV. Pagtataya:

A. Isulat ang letrang K kung ang sumusunod na pahayag ay tama at J naman kung
mali.
1. Namatay si Ben Zayb matapos siyang maglathala ng isang buhawi sa
Amerika.
2. Nakita ni Ben Zayb sa Dalisdis ang isang bangkay ng isang dalagitang India.
3. Si Horatius ang naglathala na ang pagtuturo ay nakasasama sa mga Islas
Filipinas
4. Ang sumulat ng tekstong binasa ay si Josie Rizale.
5. Ang karahasan ay sagot upang matupad ang kagustuhan.

B. Isulat ang letra ng pinakaangkop na sagot sa sumusunod na katanungan sa bawat


bilang. Isulat ang letrang E kung lahat ay tama.
6. Sa anong akdang pampanitikan nabibilang ang tekstong binasa?
a. nobela c. sanaysay
b. maikling kuwento d. epiko
7. Ang chapdiqui ay isang larong?
a. baraha
b. pingpong
c. chess
d. patintero
8. Nakita ni Ben Zayb ang dalagitang India sa,

a. Delisdis
b. Luneta
c. Dalisdis malapit sa Lunita
d. Dalisdis malapit sa Luneta
9. Anong damdamin ang namumutawi sa pahayag na ito, “Kayo na po ang
bahala sa aking balo at mga ulila ”

a. natatakot
b. nangangamba
c. namamaalam
d. naiiyak
10. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang hindi masasalamin sa tekstong
binasa

a. Walang maaapi kung walang paaapi


b. Walang karahasan kung marunong lamang sumunod ang bayan.
c. Ang pamahalaan ang dapat sisihin kung bakit maraming Pilipino ang
naghihirap.
d. Ang karahasan ay sumisibol sa puso ng isang taong sakim..

V. Takdang-Aralin

A. Basahin ang Kabanata 29 na “Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago”

You might also like