You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Filipino 10

Aralin 1: Unang araw


11/18/19 Lunes

I. Layunin
a. Naibibigay ang sariling opinion tungkol Sa anekdotang napanood sa youtube.
b. Naisasalaysay ang nabuong anekdota sa isang diyalogo o monologo.

II. Paksang-Aralin
Panitikan: Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia (Iran)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Wika: Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota
Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Kagamitang Panturo: Laptop,speaker, modyul at biswal (manila colored paper, flash card)
Sanggunian: Panitikang pandaigdig , modyul sa mga mag-aaral at CG

III. Istratehiya sa Pagtuturo


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pag-aayos at pagtiyak ng kalinisan ng silid
3. Pagtatala ng lumiban sa klase (Pangkatang pagtatala)
B. Panimulang pagtataya (Aralin 3.2)
Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot na tumutugon sa bawat bilang.
1. Ito ay isang kuwento na nakakawili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng
isang tao.
a. Dagli c. Maikling Kuwento
b. Anekdota d. Komiks
2. Lahat ay katangian ng isang anekdota maliban sa
a. Ito ay malikhaing akda
b. Ito ay naglalayong magpabatid ng karanasang may aral sa buhay
c. Ito ay napakahaba at nahahati sa mga kabanata
d. Ito ay naglalahad ng mga makatotohanang pangyayari
3. Ang _____________ ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.
a. Tula c. Pagsasalaysay
b. Epiko d. Pagkanta
4. Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay
a. Pagpili ng ballpen na gagamitin
b.Pagpili ng paksa
c. Panghuhula ng mga tauhan
d. Pag-iisip ng tagpuan
5. Lahat ay uri ng pagsasalaysay maliban sa
a. Nobela c. Travelouge
b. Anekdota d. Parabula
C. Pagganyak

Magpapanuod ang guro ng isang popular na anekdota: Ang tsinelas ni Rizal http://youtube.com.

a. Tungkol saan ang pinanuod?


B Mayroon ba kayong aral na napulot sa pinanuod?
C. Sa inyong palagay anong genre nabibilang ang pinanuod ninyo?
D. Pagpapasagot ng pokus na tanong

1. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang uri ng akda?

E. Paglalahad

Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral ng mga nakatutuwang pangyayari, karanasan o


desisyon sa kanikang buhay at isasaad ito sa pamamagitan ng pagtatalumpati.

Pagbibigay input:

• Ang Iran ay isang Gitnang Silangang bansa na matatagpuan sa Timog-kanlurang


Asya na pinapaligiran ng Aserbayan, Armenya, at Turkmenistan sa Hilaga, Pakistan,
at Afghanistan sa silangan, Turkiya at Iraq sa kanluran.

• Bagaman kilala na ito ng mga katutubo bilang Iran simula noong panahon
ng dinastiyang Akemenida, tinutukoy ng Kanluraning Daigdig ang bansang ito
bilang Persiya hanggang noong 1935. Noong 1959, ipinahayag ni Mohammad Reza
Shah Pahlavi na maaaring gamitin ang parehong kataga.

Karagdagang kaalaman: Kabisera: Teherán


Populasyon: 77.45 milyon (2013) World Bank
Antas ng pagtaas ng populasyon: 1.3% taunang pagbabago (2013) World Bank
Pera: Iranian rial
Kontinente: Asya
Pamahalaan: Unitary state, Presidential system, Islamic republic, Pamamaraang parlamentaryo,
Teokrasya
F. Pagtalakay Pagpapabasa ng Akasya o Kalabasa ni Consolacion P. Conde (Dugtungang
Pagbasa na sisimulan ng unang pangkat)

F. Pagtataya (pangkatang gawain)

Pangkat una:isulat sa paraang Pyramid graph ang mga kawing-kawing na pangyayari sa


binasang anekdota sa paraang pagsasalaysay.

Unang pangyayari
ikalalawa ikatlo
ikaapat Ikalima
Pangkat ikalawa: Paghambingin ang Akasya/ Kalabasa na tinutukoy sa binasa.

Pangkat ikatlo: Ipakilala ang mga tauhan sa binasa sa pamamagitan ng Character References

Pangkat ikaapat: Isulat ang mga katangiang tinataglay ng binasang akda.

G. Kasunduan

Basahin at Unawain ang akdang Mullah Nassrehdin na isinalin sa Filipino ni Roderic P.


Urgelles.

Banghay Aralin sa Filipino 10


Aralin 1: Ikalawang araw
10/19/19 martes

I. Layunin
a. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan at motibo ng awtor.

II. Paksang-Aralin
Panitikan: Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia (Iran)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Wika: Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota
Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Kagamitang Panturo: Laptop, modyul at biswal (manila colored paper, flash card)
Sanggunian: Panitikang pandaigdig , modyul sa mga mag-aaral at CG

III. Istratehiya sa Pagtuturo


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pag-aayos at pagtiyak ng kalinisan ng silid
3. Pagtatala ng lumiban sa klase (Pangkatang pagtatala)
B. Balik-aral
Pagtatanong ng guro tungkol sa bansang Iran?
B. Pagganyak (pangkatang gawain) Ang bawat nakatalagang pangkat ay bibigyang ng guro ng
isang envelop na naglalaman ng mga ginulong letra na kung saan ay kailangan nilang bubuuin
upang lumabas ang pinakang paksa sa talakayan.

ADNAKEOT = ANEKDOTA Matapos nilang mabuo ang lumabas na salita, Ipapasulat ng


guro sa unahan ang mga kaugnay na salita na tumutugon sa nabuong salita.

C. Paglalahad Pagpapabasa ng Anekdota mula sa Iran na “Mullah Nassredin” na isinalin sa


Filipino ni Roderic P. Urgelles (Masining na pagpapabasa)

D. Pagpapasagot ng pokus na tanong


• Panitikan: Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?
• Gramatika at Retorika: Paano nakatutulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at
pagbasa ng mga orihinal na akda?
E. Pagtalakay Pangkatang gawain:batay sa binasang akda.

Pamantayan:

a. Kawastuhan/pagiging makatwiran ng ibinabahagi…..10


b. Pagiging malikhain……………………………………5
c. Kaayusan ng kagamitang biswal………………………5
d Pukaw sa interes ng mga manonood……………………5
KABUUAN……………………………………………….25
Gawain A: Pagtukoy sa kasingkahulugan ng limang salitang ginamit sa akda at paggamit nito sa
isang dayalogo o usapan.
Gawain B: Ipakilala si Mullah Nassreddin sa pamamagitan ng isang monologo
Gawain C: Pagsusuri sa mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng pagsasadula.
Gawain D: Paghahambing sa akdang Mullah Nassreddin sa akdang mula sa mga anekdota ni
Saudi.
Pagbibigay ng Input:
Anedota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang
tao.
Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
Ito ay magagawa lamang kung ang karanasan o pangyayari ay makatotohanan.
Katangian ng Anekdota:
• May isang paksang tinatalakay.
• Isang malikhaing akda
• Nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais ihatid sa mga mambabasa
• Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang
mangyayari.
F. Pagtataya

Panuto: Sa kalahating bahagi ng papel, ihambing ang anekdota sa iba pang akdang pampanitikan
sa tulong ng grapikong representasyon.

ANEKDOTA NOBELA DULANG


PANGTANGHALAN

PAKSA

PARAAN NG
PAGKAKASULAT

MENSAHE/ARAL
G. Kasunduan Magsaliksik ng iba pang akdang pampanitikan na nasa anyong pagsasalaysay.

ysay.

Banghay Aralin sa Filipino 10


Aralin 1: Ikatlong araw
10/20/19 miyerkules

I. Layunin
a. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan at motibo ng awtor.

II. Paksang-Aralin
Panitikan: Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia (Iran)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Wika: Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota
Kagamitang Panturo: Laptop, modyul at biswal (manila colored paper, flash card)
Sanggunian: Panitikang pandaigdig , modyul sa mga mag-aaral at CG

III. Istratehiya sa Pagtuturo


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pag-aayos at pagtiyak ng kalinisan ng silid
3. Pagtatala ng lumiban sa klase (Pangkatang pagtatala)
B. Balik-aral
Pagtatanong ng guro tungkol Anekodta ng Bansang Iran?
B. Pagganyak (pangkatang gawain) Ang bawat nakatalagang pangkat ay bibigyang ng guro ng
isang envelop na naglalaman ng mga ginulong letra na kung saan ay kailangan nilang bubuuin
upang lumabas ang pinakang paksa sa talakayan.

ADNAKEOT = ANEKDOTA Matapos nilang mabuo ang lumabas na salita, Ipapasulat ng


guro sa unahan ang mga kaugnay na salita na tumutugon sa nabuong salita.

C. Paglalahad Pagtalakay ng guro kung ano ang Anekdota?

Ito ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.
Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
Ito ay magagawa lamang kung ang karanasan o pangyayari ay makatotohanan.
Katangian ng Anekdota:

May isang paksang tinatalakay.


Isang malikhaing akda
Nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais ihatid sa mga mambabasa
Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.
Input ng guro:
Pagpapabasa ng Halimbawa ng Anekdota ni Manuel L. Quezon.
Pagsusuri kung ano ang natatanging katangian ng akda itong kung bakit siya ng Anekdota?
D. Pagpapasagot ng pokus na tanong

• Panitikan: Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?
• Gramatika at Retorika: Paano nakatutulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at
pagbasa ng mga orihinal na akda?
F. Pagtataya

PANUTO: Unawaing mabuti ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
pinakawastong sagot.

1. Ang __________ ay isang kwento na nakawiwili at nakatutuwang pangyayari.


A. Dagli B. Anekdota
C. Komiks D. Maikling Kwento
2. Ang layon nito ay _____________
A. magpalito sa mambabasa
B. makapagbatid ng karanasan
C. magpahayag ng opinyon
D. wala sa nabanggit
3. Lahat ay katangian ng kwentong nakawiwili at may nakakatuwang pangyayari maliban sa _.
may isang paksang tinatalakay
may malalim at matatalinhagang pahayag
C. magdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipan
D. hindi dapat mag-iwan ng kalituhan sa mambabasa
Sa bidyong “Ang Tsinelas ni Rizal”, itinapon ng batang Rizal ang kaparis ng kanyang tsinelas na
nahulog sa dagat upang _____.
makapagpabili siya ng bago
damputin ito ng iba
C. ito’y maibalik sa kanya nang buo
D. ito’y mapakinabangan
Pinagtitibay sa bidyong “Ang Tsinelas ni Rizal” ang aral patungkol sa _____.
A. pagtulong sa kapwa
pagiging maunawain
pananalig sa kapwa
halaga ng pagsisipag
G. Kasunduan

Magsaliksik ng iba pang akdang pampanitikan na nasa anyong pagsasalaysay


Banghay Aralin sa Filipino 10
Aralin 1: Ikaapat na araw
10/21/19 miyerkules NOTE:LACK SESSION

I. Layunin
a. Naisasalaysay ay nabuong Anekdota sa isang diyalogo o monologo.

II. Paksang-Aralin
Panitikan: Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia (Iran)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Wika: Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota
Kagamitang Panturo: Laptop, modyul at biswal (manila colored paper, flash card)
Sanggunian: Panitikang pandaigdig , modyul sa mga mag-aaral at CG

III. Istratehiya sa Pagtuturo


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pag-aayos at pagtiyak ng kalinisan ng silid
3. Pagtatala ng lumiban sa klase (Pangkatang pagtatala)
B. Balik-aral
Pagtatanong ng guro kung ano ang ibigsabihin ng Anekdota at mga kaangian nito?
C. Paglalahad

Magbibigay ang guro ng maaring maging paksa sa Anekdota: Tungkol sa sarili o nanyayari sa
lipunan.

D. Pagtalakay

Pagtalakay ng Rubriks sa pagpupuntos upang higit na maunawaan ang dapat gagawin.

PAG-AALIS NG SAGABAL:

Orihinalidad……….10

Kasiningan…………10

Paraan ng pagkakabuo…..5

Kabuaan………………..25

E. Pagtataya

PANUTO: Bumuo ng sarili ninyong Anekdota.

You might also like