You are on page 1of 10

Inihanda ni: Regina P.

Jordan

Banghay Aralin sa Filipino X


I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-Ib-c-63)


 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakingan na parabula na
naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.

II. PAKSA

Panitikan : Parabula
Teksto : Tusong Katiwala mula sa Syria
Wika : Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
(Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari,
Pagwawakas)
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: BAWAT PANGYAYARI MAHALAGA!


Pagpapanood ng isang videoclip ng isang piling akdang
parabula. https://youtu.be/WHRPcSwMIUo

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: BOWL OF QUESTION
a. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng akda.
b. Paano nakakatulong ang mensaheng nakapaloob sa akda sa
ugali ng isang tao?
c. Maliban sa nabasang akda, magbigay ng iba pang sitwasyong
nagpapamalas/kakikitaan ng kagandahang asal.

2. Pokus na Tanong

a. Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang


akdang pampanitikan?
b. At paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang
mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob dito?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: ISALAYSAY ANG NANGYARI!


Gamit ang story frame, isalaysay ang mahahalagang
pangyayaring naganap sa panahon ng pag-aayuno o pausa.

STORY FRAME

KUWADRO 1 (
Pagsisimula )
KUWADRO 2
( Pagpapadaloy ng
Pangyayari )
KUWADRO 3 (
Pagwawakas )

ANALISIS

1. Paano ipinakita sa akda ang kagandahang-asal ng mga Muslim?


2. Bakit mahalagang mabatid ang kahalagahan ng pag-aayuno?
3. Maliban sa akda, maglahad ng iba pang sitwasyong nagpapamalas ng
kagandahang-asal ng isang tao.

Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang


moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan?
Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay may
tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt et .al. 2008. Texas, USA Ing may sangkap ng

misteryo.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: WHAT’S ON YOUR MIND


Dugtungan ang pahayag.

Nabatid ko na ang parabula


ay_____________________
_______________________
______________________.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: LIKHAIN MO!


Sumulat ng isang maikling salaysay na nagpapakita ng
pamantayang moral ng isang tao.

IV. KASUNDUAN

1. Pagbasa sa ginawang salaysay ng isa sa mag-aaral upang mabatid


kung paano ipinakita ang pamantayang moral ng isang tao.
2. Basahin ang isa pang halimbawa ng parabula, bigyang pansin ang
pagkakahabi ng mga pangyayari. “ Ang Tusong Katiwala “ pahina 4748.
3. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari
sa kasalukuyan? Patunayan ang sagot.

Unang Markahan| 3
Inihanda ni: Regina P. Jordan

Banghay Aralin sa Filipino X

I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVd-e-88)


 Nasusuri ang nilalaman, at kakanyahan ng binasang akda gamit ang
mga ibinigay na tanong.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVd-e-84)


 Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda.

PANONOOD (PD) (F10PD-IVd-e-83)


 Nahihinuha ang nilalaman elemento at kakanyahan ng pinanood na
akda gamit ang mga estratehiyang binuo ng guro at mag-aaral.

II. PAKSA

Panitikan : Parabula
Teksto : Tusong Katiwala mula sa Syria
Wika : Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
(Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari,
Pagwawakas)
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral
AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpapanood ng video na tumatalakay sa alinmang parabulang
nabatid. https://youtu.be/BiXh9RncUKg

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: BOX OF QUESTION
1. Ipaliwanag ang suliraning kinaharap sa kwento.
2. Ilahad ang naging sanhi at bunga nito sa pamilya.
3. Kung ikaw ay nasa posisyon ng alibughang anak, babalik ka
ba sa iyong pamilyang kinalakihan? Bakit?

2. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya:
Pagpapabasa sa akda. Bigyang pansin ang pagkakabuo ng
mga pangyayari ng akdang “Ang Tusong Katiwala”.

Ang Tusong Katiwala


(Parabula mula sa Syria)
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon
2015 nina Vilma C. Ambat et.al. pahina 47 -48

Gabay na Tanong:

Mungkahing Estratehiya: PASS IT TO…

a. Ilarawan ang katiwala at ang amo.


b. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.
c. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang
utang ng mga taong may obligasyon sa kaniyang amo?

Unang Markahan| 5
d. Saang bahagi ng parabula mababatid ang mensahe?

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: WHAT’S THE MEANING


Bigyang puna ang estilong ginamit ng may-akda. Hanapin sa loob ng
kahon ang damdaming angkop sa pahayag.

Lungkot Galit Panghihinayang

Pagtataka Pagkaawa Pag-aalinlangan

1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa


kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.“
2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng
iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong
tungkulin.“
3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa aking
pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya
naman akong magpalimos.“
4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng
mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang
kung maubos na iyon ay tatanggapin naman kayo sa tahanang
walang hanggan.“
5. “At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino
ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?“

Pangkat II: Mungkahing Istratehiya: DAYAGRAM


Ilahad ang katangian ng parabulang binasa sa iba pang akdang
pampanitikan.
Parabula

Katangian

Patunay

Pangkat III: Mungkahing Istratehiya: GRAPIKONG PRESENTASYON


Suriin ang mga pangyayari sa akda batay sa nilalaman, kakanyahan
at elemento gamit ang grapikong presentasyon.
Parabula Nilalaman Elemento Kakanyahan

Pangkat IV: Mungkahing Istratehiya: SHARE AND POST


Tukuyin ang mga pangyayari sa akda na maaaring iugay sa sariling
karanasan o tunay na buhay.

Pangyayari sa Sariling
Pangyayari sa Parabula
Karanasan

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Katamtamang Kailangan pang


Napakahusay Mahusay Paghusayin 4-1
Mga Kategorya Husay 6-
10-9 8-7
5
Lahat ng
Ang mga May mga datos inilahad ay
datos/gawain Angkop ang /gawain na hindi higit na
Kaangkupan sa
ay inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangailangan
Task/Layunin nagpapakikita ng ng
inilahad. nagpapakita ng
kaangkupan . kaangkupan. kaangkupan sa
gawain.
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
ginawang ginawang ginawang Hindi malinaw ang
pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag ginawang
Kalinawan ng
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.

Unang Markahan| 7
Halos lahat ng
Ang lahat ng miyembro ng
miyembro ng pangkat ay
pangkat ay walang
nagkakaisa at Dalawa sa
May pagkakaisa miyembro ng disiplina. Hindi
may maayos ang
at pangkat ay hindi
respeto sa isa’t maayos na presentasyon.
pagtutulungan
isa. nakikilahok sa Nangangailangan
ang bawat
Kooperasyon Napakaayos ng miyembro. gawain.Maayos ng
kanilang Maayos ang ang ipinakita disiplina at
ipinakitang ipinakitang nilang respeto sa bawat
presentasyon dahil presentasyon ng presentasyon at isa.Kailangan
lahat ng miyembro may respesto lahat ng
bawat isa.
ay kumikilos sa miyembro ay
sa bawat isa.
gawaing nakikipagtulungan
nakaatang sa sa gawain.
bawat isa.

Napakamalikhain
at napakahusay Malikhain at
ng mahusay ang Maayos na Walang buhay
Pagkamalikhain pagpapalutang pagpapalutang napalutang ang ang ipinakitang
/ Kasiningan sa sa nais ipabatid ideya na nais pagpapalutang ng
nais ipabatid na na mensahe/ ipabatid. mensahe / ideya.
mensahe/ impormasyon.
impormasyon

 Pagtatanghal ng pangkatang gawain


 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang
gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Batay sa mga salita at ekspresiyong ginamit sa parabula, paano ito


nakakatulong sa estilo ng may-akda?
2. Paano nakatulong ang bawat bahagi ng parabula sa pagpapalutang
ng mensahe nito? Patunayan.
3. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong
nalulugi ang iyong negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?
4. Paano makatutulong sa buhay ng tao ang mensaheng ibig ipabatid
ng binasang parabula?
ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya : Y SPEAK
Dugtungan ang pahayag.

Bilang isang kabataan ng bagong henerasyon aking nabatid na sa tulong ng mga


parabula ______________________________________

______________________________________________________.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: DO IT YOURSELF


Magtala ng iba pang parabula na iyong nabatid. Ilahad ang mensahe
nito at kung paano ito makatutulong sa buhay mo bilang isang kabataan.

4. Ebalwasyon

Panuto: Unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang


tamang sagot sa bawat bilang.
1. May tonong mapagmungkahi at maaring may sangkap na
misteryo.
a.dagli b. nobela c. parabula d. tula

2. Ano ang nais patunayan ng katiwala ng bawasan niya ang utang


ng mga tao na may obligasyon sa kanyang amo.
a.may sariling intension c. takot na mawalan ng trabaho
b. baka sesantihin ng amo d. isa siyang mandaraya

3. Paano makakatulong sa buhay ng isang tao ang mga aral na


nabatid sa parabula?
a.naging inspirasyon c. nagkaroon ng direksyon ang buhay
b. aral sa buhay d. lahat ng nabanggit
4. Sa pagbasa ng isang uri ng parabula anong katangian mayroon
ito?
a. may hawig sa tunay na buhay ang aral
b. nangyayari sa buhay ng bawat isa
c. mabuting balita mula sa Panginoon
d. lahat ng nabanggit

5. Ano ang katangian ng parabula sa iba pang akda?


a. may aral c. may misteryo
b. hango sa Bibliya d. wala sa nabanggit
Unang Markahan| 9
Susi sa Pagwawasto:
1.C 2. C 3. D 4. C 5. B

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Sa isang short typewriting, gumuhit ng poster ukol sa kabuuang nais


ipabatid ng natapos at tinalakay na aralin.
2. Pag-aralan ang mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o
damdamin.

You might also like